Ang pag balik ni Carl Juaquin Sebastian sa pilipinas.

3093 Words
Kinabukasan ay alas sais palang ng umaga ay bumalik na si Menchie sa bahay ng kapatid ng kaibigang si Cheska. "kalerki tong bahay na to, napakalaki, mag isa lang naman sya dito. Tinuloy ni Menchie ang pag lilinis sa itaas ng bahay ni Carl. Matapos nyang linisin ang dalawa pang kwarto at pasilyo ay isinunod nya ang salas. At sa pagod ay humiga sya sa sofa para mag pahinga saglit. "luh anyare? nakatulog na pala ako, -tinignan nya ang oras sa cellphone- ay s**t alas kwatro na ng umaga. Grabe na pagod ko." Reklamo ni Menchie sa sarili. Pag tayo nya ay nakaramadam sya ng gutom. "may fastfood sa labas ng subdivision, dun na nga ako mag be-breakfast." Matapos ni Menchie mag almusal ay bumalik sya agad para ipag patuloy ang pag lilinis ng bahay ng kapatid ng kanyang kaibigan. "Wow! Natapos mo na agad linisin lahat to?" gulat na tanong ni Cheska kay Menchie nung madatnan nya si Menchie sa salas na nag tutupi ng mga nilabhan nitong mga kurtina at takip sa kama at iba pa. "Myghaad! Ako pa ba?" sambit ni menchie. Bumeso si cheska kay menchie. "Hindi na nga ako umuwi diba? Para lang matapos lahat ng 'to noh." wika ni Menchie. "Kaya sayo talaga ako eh. Oh, eto, reward mo." wika naman ni cheska sabay abot ng paper bag ng nike. "Ano to?" walang emosyon na tanong ni Menchie. "Open it!" "Luh? Ito na yung bayad sa pag lilinis ko?" taas kilay na tanong ni Menchie. "Gaga ka? Hindi mo ba ako narinig yung sinabi ko? Reward?, Reward! Ang linaw, bakla ka!" "Galit agad? Naniniguro lang teh." sabay bukas ni menchie "Luh? Seryoso to?" Tanong ni menchie ng makita na yung gusto nyang sapatos ang laman. "Ay hindi joke lang. Kairita!" sambit ni Cheska sanay paikot ng paningin at nag taas ng kilay. "Ganyan ka kalakas sakin, ako lang naman ang mahina sayo eh." dugtong pa nito. "Ay nakuh, oo na nga diba?! Pero wag muna this Monday please! Kailangan ko ng matindihang pahinga." paki usap ni Menchie. Tiningnan ni cheska si Menchie mula ulo hanggang paa, "Oo nga mukhang kailangan mo nga yun. Natutulog ka pa ba?" "Halos hindi na nga ate, matapos ko lang toh." sambit ni Menchie. "Nakakaloka ka! At nagawa mo pang labhan lahat yan ah." wika ni Cheska. "Ako pa ba? Sabi sayo kaya ko to eh." "Oh sya, sige na, dinaan ko lang yan at pati ito." wika ni cheska sabay abot ng pera at listahan. "Paki bili lahat yan bukas, at paki bili na din yung wala dyan sa listahan na sa tingin mong kailangan dito." "Parang ang laki naman ng pera na to, ganon ba kadami tong papamilhin?" tanong ni Menchie sabay buklat ng lisatahan. "Oo! May pang taxi ka na din dyan." "Okay, don't worry akong bahala dito." sambit ni Menchie. "Oh sige na, uuwi na ako." wika ni cheska sabay yakap sa kaibigan "and please maligo ka ah." wika pa nito. "Hoy, kapal mo ate ah, kakaligo ko lang bago ako ng tupi ng mga yan." wika ni menchie sabay tawa at hampas sa kaibigan ng throw pillow. "Ayaw kong mangamoy pawis ang mga yan noh." wika pa nito. "Charr lang!" wika ni cheska sabay tawa at tumayo sa pag kakaupo at lumakad palabas ng bahay. "Ingat ate cheska, I love you!" malakas na wika ni Menchie. "I love you more!" malakas na sambit ni Cheska bago tuluyang naka labas ng pintuan. Kinabukasan ay maaga gumising si Menchie, "omg! Last day! Matatapos din, hooh!" tiningna ni menchie ang paligid ng bahay, "Mamimiss ko ting magandang bahay na toh." Pumunta na si menchie sa grocery store para pamilhin ang mga nasa listahan na binigay ni cheska. Hindi naman masyadong marami ang nasa listahan. Mga mamahaling brand lang ang naka lista kaya may kalakihan ang binigay ni cheska na pera kay menchie. Pag balik nya sa bahay ni Carl ay nag lagay sya ng mga calming candle sa buong bahay at sinindihan ang mga ito para lalong bumango ang buong bahay bago nya iniligpit ang mga ipinamili. Alas tres palang ng hapon nang matapos sya sa mga ginagawa nya. "makaka pahinga na ako ng bongga sa wakas." Tinawagan nya si Cheska thru video call "Ate ito na, tapos na ako sa wakas, kumpleto lahat yung nasa listahan ah. Idadaan ko nalang yung sukli sa bahay nyo." "Sure, mga five thirty nasa bahay na ako." sambit ni Cheska. "Alrighty! See yah!" sambit ni Menchie. "Ate!" sigaw ni Menchie pag pasok ng pintuan ng bahay nila cheska at jasper. "Menchie!" masayang sambit ni jazper sabay yakap ng bahagya sa kanya na pang bati. "Kuya!" sabay yakap din ni menchie ng pag bati. "Natapos mo ng linisan yung bahay ni Carl?" tanong ni jazper. "Yes, oh mayghad kuya, sobrang pagod na pagod ako sa bahay na yon!" sambit ni Menchie sabay tungo at sapo sa noo nya. Natawa si jazper, "ikaw kasi tinanggap mo pa yung trabaho na yon." "Kerri lang kuya, sulit naman makukuha kong bayad eh." sambit ni menchie sabay tawa din. Pag baba ni cheska ay agad bumeso sa kanya at nilatag ng kamay na hawak ang pera. "OMG! This is it pansit!" wika ni Menchie sabay abot sa pera at hinalikan yung pera ng madiin. Tinulak ni cheska ng bahagya ang noo ni Menchie, "Gaga!" wika ni cheska. "Ano inom tayo?" tanong ni Cheska. "No ate, kailangan ko ng pahinga, next time nalang." sambit ni menchie. "Oh ito!" inabot ang resibo at sukli kay cheska. "Itago mo na yan, hindi naman na hahanapin pa ni Carl yan basta kumpleto yung pinapabili nya." wika ni cheska. "Weh? Hindi ko to tatanggihan." wika ni menchie. "Oo, para mag taxi ka na din pauwi, para hindi ka na mahirapan mag byahe." sambit ni cheska. "Eeh, talaga? Thank you ate!" masayang wika ni menchie sabay yakap kay cheska. "Oh sige na ba-bye na!" paalam ni menchie sabay beso kay cheska at jazper. Dumating na si Carl ng alas syete ng umaga at sinundo siya ng ateng si cheska at bayaw na si Jazper. "Carl Juaquin!" malakas at galak na tawag ni Cheska sa kapatid. "Ate!" sambit ni Carl at agad na yumakap ng mahigpit. "Carl, kamusta ang byahe?" patanong na pag bati ni Jasper. "It's okay!" sambit ni carl at bahagyang niyakap si jasper na pag bati. Agad na kinuha ng driver nila cheska ang mga bagahe ni Carl at isinakay sa sasakyan. "So how's new jersey?" tanong ni jazper sa bayaw pag sakay nila ng sasakyan. "Well, it's been great! Mom and dad really wanted to go here too, but, they have a lot things to do." sambit ni Carl. "Been great in new jersy because of the girls, I'm sure." wika ni cheska. "And since uuwi ka na dito, nag stay na sila mom and dad, kasi wala na silang sakit ng ulo doon." pahabol pa ni cheska. "Ate, ayan ka nanaman, kasalanan bang maging gwapo?" sambit ni Carl. "Oo nga naman hon, girls ang nag hahabol kay carl, so we cannot blame him!" wika ni jazper na nangingiti nalang sa mga kalokohan ni Carl sa mga babae. Talaga naman kasing gwapo si Carl, matanggkad, maputi, napaka ganda mag dala ng damit, maganda yung tindigan at hubog ng katawan. May magandang mata na akala mo ay palaging nangungusap, may maganda at matangos na ilong, magandang hugis ng labi at magandang mga ngipin, kaya ngiti palang ay naaakit na ang mga kababaihan. "Ayan! Kaya kayo mag kasundo nyan, kasi kinakampihan mo at pinag tatakpan mo ang kalokohan." wika ni cheska. "Kaya hindi mo nahahanap si M.G, kasi sabi ni Lord baka saktan mo lang din daw yon katulad ng ginawa mo sa maraming babae." dagdag pa ni Cheska. Si M.G ay ang estudyante sa mga sketch sa bahay ni carl. "Hey hey, sobra na yan Cheska Isabelle ah." wika ni Carl. "Hay nakuh, I am just telling the truth, subukan mo kayang magtino, baka bigla nalang iharap na sayo ni Lord yan si M.G, na matagal mo ng hinahanap." sambit ni cheska. "At kailan ka ba makaka hanap ng babaeng mag papatino sayo!" dagdag pa ni cheska. "Hay Cheska Isabelle. Pagod ako sa byahe ate-, tsaka na yung sermon mo, please!" sambit ni Carl. Tumatawa at naiiling nalang si jazper "Hon, hayaan mo lang si Carl, pag naka kilala ng babae to na talagang mag papatibok ng puso nya, titino din to," sabay tapik sa balikat ni Carl. "Sa ngayon, hayaan mo muna syang i-enjoy yung buhay binata nya." sambit ni Jazper. "Bahala kayong dalawa!" sambit ni Cheska. Nakarating na sila sa bahay ni carp atnsa labas palang ng gate ay bakas na sa mukha ni carl ang pagka sabik sa kanyang bahay. "Namiss ko tong bahay ko!" masayang wika ni Carl. At nang makapasok ng kanyanh bahay, "oh, I'm home, malaya nanaman akong magagawa ang mga gusto ko." wika ni Carl. "Bakit hindi ka ba malaya sa NJ?, na kada uuwi ka ng bahay, eh, ibabang babae kasama mo." wika ni Cheska na naka taas pa ang kilay. "Oh tapos pag alis ng babae, walang tigil si mommy ng kakasalita ng mga salitang sinasabi mo." sambit ni Carl at naupo sa sofa sa salas at ng dekwatro ng kanang binti at inilapag ang mga braso sa sandalan ng sofa. Suminghot singhot si carl at tumayo, niligid ang mata nya sa bahay, "Iba yung bango ng bahay ko ah, parang may nakatirang chicks. Sino nag linis nito? Sila manang rosy ba?" wika ni Carl. "Nope! Si Menchie." sambit ni Jazper. "Menchie? Yung friend nyo na madalas kasama ni ate?" tanong ni Carl. "Yup! Magaling di'ba?" tanong ni cheska. "Yeah! Pero bakit sya?" "Eh kailangan ng raket, biniro ko lang naman, eh kumagat. Matindi ang pangangailangan sa pera para sa sapatos na gusto nyang bilin." sambit ni cheska. "Sapatos?" tanong ni Carl. "Oo, dahil sa nike revolution. Loka-lokang yon." sambit ni Cheska. Bahagyang natawa lang si Carl. "Shot tayo mamaya?" tanong ni jazper. "Sige! Gusto mo ngayon na eh?" sambit ni Carl. "Mamaya na, mag pahinga ka muna." sabat ni cheska. "Yaya-yain ko si Menchie." dugtong pa nya. "Ah oo nga, tutal wala pa naman syang trabaho, tsaka naka pahinga na din naman yon." sambit ni jazper. Iniwan na muna ng mag asawang si cheska at jazper si carl para maka pahinga ito. "Arat na!" malakas na wika ni Menchie. "Ikaw lang inaantay namin!" sambit ni cheska sabay salubong kay Menchie sabay yakap rito at bumeso. Bumeso din si jazper kay Menchie. "Sorry na! Hirap mag book ng ride ate." sambit ni Menchie habang sinusundan palabas si cheska. "Oh-h, san pupunta si pancho at liza?" tanong ni menchie ng makitang sumakay ng isang sasakyan ang driver at isang kasambahay nila cheska. "Date?" tanong ni menchie. "Sasama sila satin para may mag aasikaso sa iinumin at kakainin natin. Wala pang maids si Carl, remember?" sambit ni Cheska. "Ah okay!" sambit ni menchie at tuluyan ng sumakay ng sasakyan. Dumating sila menchie sa bahay ni carl at malayo palang ay tanaw na nya ang kagwapuhan nito. "Carl, si Menchie!" pakilala ni Cheska sa kaibigan sa kanyang kapatid. "Hi!" sabay latag ng kamay kay menchie. "Hello!" sambit ni menchie at abot sa kamay ni carl. "Ikaw daw nag linis dito?" tanong ni carl. "Yup! Gipit eh!" sambit ni menchie. "Gipit padin kahit laging may raket." wika ni Cheska. "Oo ate, hello, Nag iipon ako. Tsaka hindi naman ganon kalakihan ang sweldo ng promogirl, hindi pa laging may trabaho. " sambit ni Menchie. "Kaya dapat next monday mag start ka na as area supervisor sa Chesque Clothing, para di ka na magipit." sambit ni cheska. "Yes ate cheska! Next monday, promise!" "Pero sa monday kailangan mong pumunta sa opisina para sa application mo." wika ni cheska. "Oh, let's go to entertainment room, duon nyo na ituloy yan." wika ni carl bitbit ang isang bote ng brandy. Lumakad sila at sumunod kay carl bitbit ang ibang pagkaing pinadeliver ni carl. Naupo sa mahabang sofa si menchie at cheska, "Sa monday na ba talaga ko kailangang pumunta sa office mo?" tanong ni Menchie "Why? May date ka nanaman?" tanong ni Cheska. "Wala! Date agad? Hindi ba pwedeng may lakad lang?" sambit ni menchie. "Nakikipag kita si luis sa kanya, sigurado." natatawang sambit ni jazper. "Hoy babaita, sinasabi ko sayo, tutuluyan ko ng sagasaan yang luis na yan ah." inis na wika ni Cheska. "Ang judger nyong mag asawa noh? Kaya kayo nag katuluyan eh. Hindi ba pwedeng may lakad lang with friends? Mga kapwa ko promogirl." sambit ni menchie. "Pati ba buhay mo pina pake-elamanan nitong kapatid ko?" natatawang tanong ni Carl kay menchie habang nag bubuhos ng alak sa mga baso nila. "Hey, excuse me, Carl Juaquin, wala kang pakielam sa friendship namin ah. And we're not just friends, we're sisters. Not by blood, but, we're sisters by heart." sambit ni Cheska. "You know what menchie, don't mind her, do what ever you want to do, and do what ever makes you happy. And you said, na may lakad ka with your friends na promogirl din? Pwede kita samahan, ipag dadrive pa kita." nakangising wika ni Carl. "Ayan tayo eh, nakarinig ka nanaman ng girl eh." wika ni cheska pag baba ng baso ng ininuman nya ng alak sabay dakot sa mukha ni Carl sa tabi nya. Agad namang alis ni carl ng mukha nya sa kamay ng ate nyang si cheska. "Syempre, alangan naman sa lalake ako matuwa. Siraulo talaga tong ate ko eh." wika ni Carl. "Okay, sige, pupunta nalang ako sa opisina mo ng maaga, tapos tsaka ako makikipag kita sa friends ko." wika ni Menchie. "Oo tapos isama mo ako." sambit ni carl. "Bahala kayo!" sambit ni cheska. Duon na sa bahay ni carl natulog si Menchie at mag asawang cheska at jazper dahil marami silang nainom. At umuwi na ang driver na si pancho at kasmabahay na si liza sa bahay nila cheska. Maaga naman gumising si Carl para mag luto ng almusal nila. Pag gising ni Menchie ay nasa isang kwarto na sya sa itaas. "Luh, anyare? Bakit andito na ako?" naligo agad sya para mabawasan yung lasing nya. Pagkataoos nyang maligo ay bumaba sya at pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig dahil pakiramdam nya'y natutuyuan na sya ng tubig sa kanyang katawan. Nag lalakad syang naka tungo at sapo-sapo ang ulo nya dahil sa sobrang sakit nito. "Good morning!" bati sa kanya ni Carl. "Ay kalabaw mo!" gulat na wika ni Manchie. Natawa naman si Carl. "Aga mo naman nagising?" tanong ni Menchie habang nag bubukas ng isang pinto ng pridyider. "Nagutom ako eh!" sambit ni Carl. "Ay sorry, feel at home na ako masyado dito sa bahay mo!" wika ni Menchie matapos nyang inumin ng deretso ang isang baso ng tubig. "No worries!" "Anong nang yari kagabi? Pano ako napunta sa taas?" tanong ni Menchie. "Nalasing ka na, nakatulog ka na sa couch, inakyat kita sa taas para maka tulog ka ng maayos." sambit ni Carl. "Ay talaga? Salamat." sambit ni menchie. "Tara kain na tayo!" aya ni Carl. "Ah sige tatawagin ko muna sila ate Cheska." sambit ni Menchie. "Hay nkuh, lasing nalasing yung mga yon, mamaya pa yon gigising. Mauna na tayo." sambit ni Carl at hinila ang upuan sa tapat ni Menchie para paupuin si Menchie. Pag upo ni menchie ay agad syang yumoko at sinalo ng dalawang palad ang ulo. "Hangover?" tanong ni carl. "Oo, grabe." "Coffee?"tanong ni carl at nag lagay ng pinggan sa harap ni menchie. "No thanks, I don't drink coffee. Gatas lang, kaso wala ka namang gatas eh." sambit ni menchie. "Huh? Why? Ang sarap kaya ng kape." "Masarap, pero hindi pwede eh, ikamamatay ko yang kape." sambit ni menchie at nag lagay ng pagkain sa pinggan. "Huh? Paano?" tanong ni carl. "Nag papalpitate ako, sumasakit ang ulo, nasusuka, sumasakit ang tyan, ay ewan basta hindi pwede!" "Seryoso?" hindi maka paniwala si Carl. "Meron pala talagang ganyan noh?" "Oo, kaya hanggang amoy nalang ako sa kape." sambit ni Menchie. Matapos kumain ay mag huhugas na sana ng pinggan si Menchie pero pinigilan sya ni carl, "Ako na dyan." "Sige pabor, salamat!" ngiting wika ni Menchie. "Ano nga palang nilagay mo dito sa bahay ko, bakit pag dating ko ang bango? Amoy chiks eh." tanong ni Carl. "Chiks talaga? Mukha kang chiks noh?" sambit ni Menchie, "Nag sindi ako ng calming candle dito sa buong bahay mo bago ako umalis nung Friday." "Naubos na?" "Hindi ah, mga three hours ko lang mga sinindihan, andon sa cabinet sa ibaba ng side table sa tinulugan kong kwarto." sambit ni menchie. "Okay, ilalabas ko mamaya, mag sisindi ako para mawala yung amoy alak." sambit ni Carl. "Akyat na muna ako sa taas habang tulog pa sila ate cheska ah." paaalam ni Menchie "Sure!" "Salamat!" Pag labas ni Menchie ng kitchen ay nakasalubong nya na si Cheska at jasper, "luh, gising na kayo? Matutulog pa sana ulit ako eh." wika ni Menchie. "Gutom na kami, tsaka uuwi na kami, hinahanap na kami ng mga bata. Pati ikaw Carl, hinahanap na nila." sambit ni cheska sabay lingon kay carl. "Eh kumain na kayo, tapos punta na tayo sa inyo, para mabigay ko yung pasalubong ko." sambit ni carl. "At- oo nga pala mench, ah, sayo din, may pinapabigay si mommy." dugtong pa nito. "Para sa akin? Love na talaga ako ni tita bea, ahh!" masayang wika ni Menchie. "Kumain na kayong dalawa dyan, mag bibihis lang ako tsaka kukunin ko yung mga pasalubong." wika ni Carl. Mabilis na umakyat si carl sa itaas at pag baba nito, "oh menchie pinapabigay ni mommy." at inabot nito ang paper bag na LV kay menchie. "Ay sobra to." wika ni menchie ay inaabot pabalik kay carl ang paper bag. "Wala na, hindi mo na yan maisosoli pa mench." wika ni Jazper. "Ang arte mong bakla ka, alam ko gusto mo yan, pang porma din yan. Malay mo swerte yan, tapos makahanap ka na ng bagong jowa dyan sa bag na yan." wika naman ni Cheska. "Ay oo nga, sige na nga. Akin na nga to. Tawagan ko nalang sya mamaya para maka pag pasalamat." sambit ni Menchie. "Oh tara na!" aya ni Cheska. "Menchie, sumama ka na muna sa bahay, mag papaluto ako ng ulam na may sabaw kay manag rosy." wika ni cheska. "Ay bet ko yan, sama ng hang-over ko eh." sambit ni Menchie. Sumakay na sila jasper, cheska at menchie sa sasakyan nila cheska at si Carl naman ay sa sasakyan nyang puting maserati ghibli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD