Pag haharap

3202 Words
DAHIL HILIG TALAGA ni menchie ang tsokolate ay madalas sya talagang bumili ito ng tsokolate sa paborito nyang tindahan sa fifth avenue. "Hi mench! How are you doin' today?" tanong ng staff sa tindahan sa kabilang counter kung saan sya nakapila. "Always great Diana! You?" tanong ni menchie pero napalingon sya sa katabing lalake sa kabilang counter. -anak ng tokwa naman talaga bakit andito parin itong carl na ito.- "Diana, I'm sorry, I think I forgot something." sambit ni menchie at mabilis na lumakad palabas ng tindahan at mabilis syang sinundan ni carl. "Mench, wait, please!" wika ni carl at hinawakan sya sa braso. Hinarap ni menchie si carl, "Carl? A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni menchie na pilit ngumingiti. "Mench, I am here for you, can we talk?" sambit ni carl. "Talk about what?" tanong ni menchie, gusto din nyang malaman bakit sya hinahanap nito. "About us!" "Us? What do you mean?" maang-maangan na tanong ni menchie, talagang naguguluhan din sya. Dahil ang alam nya ay masaya na si carl sa girlfriend nito. "Mench, five months ko ng alam kung saan ka nakatira at saan ka nag tatrabaho. Hinahayaan lang muna kita, ayaw muna kitang guluhin, kasi sabi ni ethan, you came here to froget me and to fiz your broken heart. I know how much you hate me, kaya gusto ko munang mawala yon bago kita kausapin, nag stay ako dito, para antaying mawala yung galit mo sa akin. Hindi ko alam na pupunta ka ngayon sa store na yon, kasi ang alam ko na nag pupunta ka lang doon every Monday and Thursday. Pero pinag tagpo tayo dito ngayon, baka ito na yung oras para maka pag-usap tayo." mahabang sambit ni carl. "Carl, hindi na ako galit sayo. I've been telling you that for so long. I came here to foget you, yes, to move-on. Because, I am about to hate my self because I'm still inlove with you, I still love you after all the pain you've caused. Naiinis ako sa sarili ko bakit ako nag seselos sa tuwing nakikita ko kayo ni amber. Naiinis ako sa sarili ko na nakikita ko kung gaano mo sya kamahal. Nag bago ka dahil sa kanya, hindi ko alam kung anong mali sa akin bakit hindi mo nagawang magbago noong tayo pa, samantalang kay amber nagawa mo naman. Naiinis ako sa sarli ko na bakit kahit nasasaktan na ako eh mahal parin kita. Hindi kita magawang magawang kalimutan. F*******K! Kaya bago ko pa makalimutan ng tuluyan ang sarili ko pinili kong lumayo at pumunta dito. And now, you're here, telling me that you want to talk about us? Asaan ang tayo doon?" sambit ni menchie na lumuluha at puno ng pighati. "Mench, naging girlfriend ko si amber para pag solosin ka, alam ni amber yon. Alam ni amber kung gaano kita kamahal. Akala ko kasi kapag nakita mo ako kasama si amber, marerealize mo na mahal mo talaga ako at babalik ka sa akin. Nag aantay lang ako. And kaya ako nag bago, dahil sayo yun at hindi dahil kay amber. You can ask amber." sambit ni carl. "No need carl." sambit ni menchie sabay talikod kay carl. "Mench," wikang pag pigil nito na puno ng pag mamahal ang pagkaka-bugkas sa pangalan ni menchie. "Shut up carl!" Hinarap ulit ni menchie si carl, "You know what carl, that's b******t! Hindi na tayo mga bata eh, hindi mo ako kailangang pag selosin kung talagang mahal mo ako. Kung talagang mahal mo ako, ipapakita mo, ipaparamdam mo." "I tried! Pero lagi mo ako nirereject." "You know why I did that? Because, I'm tired. And now, pagod na akong tumakbo palayo sayo. Kaya nakiki-usap ako, pwede ba, tumigil ka na. Wala naman akong ibang gusto kundi ang maka limutan ka eh, pwede ba ibigay mo na sa kin yon? Parang- awa mo na carl." wika ni menchie na puno ng pag hihinagpis. "If that's what you want, sige hahayaan kita sa ngayon mench, pero mag hihintay ako hanggang mawala lahat yang nararamdaman mo." sambit ni carl na puno ng panunuyo. Paki ramadam ni menchie ay napakaliit na lalo ng mundo nya ng nalaman nyang alam na pala ni carl kung saan sya nakatira at nag tatrabaho. Pero umaasa sya na matapos nyang sabihin kay carl na tigilan na sya ay hindi na sya muli pa nitong guguluhin pa. Dumating si menchie ng kanilang opisina na para bang pagod na pagod, inilapag ang bag sa gilid ng kanyang work statiom at umupo sa kanyang swivel chair. Isinandal ang likuran at ipinikit ang mga mata. "Have you seen your self in a mirror mench?" tanong ni bradly. Napabalikwas si menchie sa pag kakasandal, "Why? Mukha ba akong dugyot?" tanong ni menchie at dinampot ang salamin sa ibabaw ng lamesa. Tiningnan ang mukha sa salamin. "Hm, hindi ka mukhang dugyot, pero bakit parang patang pata ka?" sambit ni bradly. "I saw carl, nag kausap kami. Nasabi ko lahat ng nararamdaman ko. Sabi ko sa kanya tigilan na nya ako." "Andito parin pala sya? Anong sabi nya?" tanong ni bradly. "Hahayaan na daw muna nya ako, pero mag hihintay daw sya." at kinuwento pa ni menchie ang iba pang napag usapan nila ni carl. "So umaasa ka na titigilan ka nya?" tanong ni bradly. "Hindi ko alam, pero sana." "At sabi nya hahayaan ka na muna nya mench, MUNA!" wika ni bradly. "Bahala na, tignan nalang natin." sambit ni menchie naguguluhan at nag iisip paano nanaman sya lalayo kay carl. Huminga ng malalim si menchie ,"Bakit ganon, bakit pag nag mahal kailangan pang masaktan? Hindi ba pwedeng happy lang?" wika ni menchie. "Mench, hindi pwedeng laging happy lang. Walang ganon, tsaka pag subok lang yan, kung kayo, at malagpasan nyo lahat yan, ehdi mas magiging masaya at magiging maganda yung pag sasama nyo pag dating ng panahon. Kung hindi naman, at malagpasan mo yan lahat, sa susunod mong maging realsyon, mas matatag ka na. Hindi ka na ganyan pa kahina. Lahat ng bagay may proseso, just trust the process." sambit ni bradly. Tila ba naririnig nya ang sarili nya kay bradly, dahil ang mga sinabi sa kanya bradly ay naipayo na rin nya sa mga kaibigan at kakilalang dumaan sa pinag dadaanan nya. Bakit nga ba ang daling mag payo sa iba tao pero ang hirap iapply sa sarili. Basta ang tanging gusto ni menchie ay tuluyan ng maka limutan si carl, kaya pinanghawakan nya ang salita ni carl na hahayaan na muna sya. Isinandal muli ni menchie ang likuran niya sa kanyang swivel chair, ipinikit ang kanyang mata at lumuha. "Marge, nakahanap ka na ba ng ads agency na pwedeng gumawa ng adds natin?" tanong ni menchie sa pinay na marketing staff nila nung nasa pantry sila ng kanilang opisina. "May mga nakita ako, pero itong isa maganda, have you seen the new soda comercial?" sambit ni margie "Yeah, maganda nga yon." sambit ni bradly. "Maganda pero baka expensive." sambit naman ni menchie. "I heared, mura lang daw sila gumawa ng ads. Pinoy ang may ari, bago lang daw sila dito sa US pero matagal na sila sa pinas. And may mga brands and companies dito na naipasok na nila sa pinas." "Sige marge, sila na kunin natin para sa ads natin." sambit ni bradly. "Sure! I'll call them." sambit ni margie. Bumaling ng tingin si bradly kay menchie, "kamusta ka naman mench? Nagkita na ba kayo ulit ni Carl?" "Well, simula nung huli naming pagkikita, hindi naman na. Kaya napaka tahimik na ng buhay ko ngayon." sambit ni menchie habang kumakain. "Good! Baka naman umuwi na sa pinas?" sambit ni bradly. "Ewan, Maybe!" "Ano ba itsura nyang carl na yan? Naiintriga ako sa itsura nyan eh." tanong ni marge. "Mas gwapo ako syempre." sambit ni bradly. "Gwapo marge, pero sobrang babaero. Wait lang, ikaw naman, kamusta naman yung dinedate mo?" baling ni menchie kay bradly na naliligaw ng isang half pinoy half tiwanese. "We're good, malapit na. Mapapasagot ko na." sambit ni bradly. "Cool! I like her. Tyagain mo sya." sambit ni menchie sabay tayo sa lamesa papunta sa work table nya. Hindi maalis ang sayang nararamdaman ni menchie na matagal tagal na nyang hindi nakikita si carl. Pakiramdam nya'y unti-unti na nya itong nakaka limutan. Nag mamadali si menchie na dumampot ng isang pack ng sanitary napkin sa isang convinient store dahil naubos na ang kanyang groceries, nanlaki ang mata nya ng makita ang lalake na dumadampot ng deodorant halos malapit sa kanya. -pag minamalas ka nga naman, andito parin pala tong carl na toh.- Nginitian sya nito at umiwas sya ng tingin at mabilis pumunta sa counter para bayaran ang kinuha nya. Nang makalabas sya ng convinient store ay nililingon nya sa kanyang likod kung sinusundan ba sya nito. -buti naman at hindi na ako sinusundan ng lokoloko na yon, nadaan din sa paki-usap. Pero doon sya sa tindahan na yun bumibili ng deodorant, ibig sabihin dito lang din sya nakatira. Kamalas malasan nga naman. Umalis nga ako sa bahay nila marco dahil alam nya yung bahay na yon, napalapit naman yata ako lalo. Huuuuh!- wika ni menchie sa sarili habang nag lalakad papunta sa apartment nya. "Ay kalabaw ka!" malakas na wika ni menchie ng muntik na syang matumba sa pag kakatapilok ng paakyat sya ng hagdan papunta sa maindoor ng apartment complex na tinitirhan nya. Luminga-linga sya, wala naman syang napansing naka kita sa kanya. -ikaw talaga ang malas sa buhay ko, carl juaquin sebastian.- Nang makapasok si menchie ng aparent ay agad syang pumasok ng banyo para mag palit ng pad. Habang naka upo si menchie sa inidiro at hawak ang bidet ay naalala nya yung nang yari. -himala, nginitian nya lang ako, ni walang ni ho o ni ha. Ano kayang nakain non?- -maganda yan. At least mag tutuloy-tuloy na yung pag mumove-on ko sa kalabaw na yon- "Wow! Ang ganda ng ngiti mo mench, anong meron?" bati ni marge ng makita si menchie na dumating. "I think nakaka move-on na talaga ako. Kaya dapat ngumiti lang." "Pano mo naman nasabi yan mench?" tanong ni bradly ng dumating at marinig ang sinabi ni menchie at humalik sa pisngi nito. "Nag kita kami kagabi ni carl sa convinient store malapit sa apartment ko, nagulat lang ako nung nakita ko sya pero wala akong naramdamang kahit ano. At hindi na din nya ako kinulit pa o kinausap man lang. Nginitian nya lang ako at umalis na ako." sambit ni menchie. "Good! Ako na-man, - sinagot na ako ni ally." wika ni bradly. "Woah! Congrats bradly!" masayang sambit ni menchie at niyakap ang kaibigan. "How about you marge? What's your good news?" wika ni bradly. "Syempre meron din ako noh, naka usap ko na yung CSNP advertising and marketing company" "Hold on marge." sambit ni menchie. "at pumay-" "Hold up!" agad na pinutol ni menchie ang sinasabi ni marge. "What the CSNP stands for? Is it Carl Sebastian Nolan Padilla?" tanong ni menchie. "Yes?!" nag tatakang sambit ni marge. Binagsak ni menchie ang dalawang palad sa kanyang lamesa, "Oh JEEZ! Marge naman, basag trip ka naman eh." "Why?" tanong ni marge. "Carl Sebastian! Sya lang naman yung pinaka unang tao na ayaw makaharap ni menchie." sambit ni bradly. "Eh pano yan? Tinggap na nila yung project." sambit ni marge. "Oh myg-hod! Wait bakit parang ang bilis? Kahapon lang natin yon napag usapan ah." malakas na sambit ni menchie. "Yes, after natin mag usap, tinawagan ko na sila. And I'm about to say na, papunta na sila dito para sa makipag meeting." wika ni marge na tila ayaw bitawan ang mga salita. "Oh Lord have mercy!" wika pa ni menchie. "Mench, sabi mo naman diba nakakaka move-on ka na? The best way to check kung wala na ba talaga yang nararamdan mo eh, makaharap mo sya. Tsaka sabi mo hindi ka naman na nya pinansin eh. Hayaan mo nalang, labas ang trabaho sa personal issues. We need them. wika ni bradly. "Bradly, the advertising company is now here." sambit ng sekretarya ng kanilang kumpanya. Tumayo si bradly sa kanyang upuan, "Alright! Back to work, ladies." wika ni bradly at lumakad patungo sa conference room, sumunod naman si menchie at marge. Puno ng kaba si menchie na muling makakaharap si Carl. -hooh! Kaya ko na nga ba?- -sa bagay tama si bradly, labas ang trabaho sa personal issues.- Hinawakan ni bradly ang kamay ni menchie. Pag pasok nila ng kwarto ay wala roon si carl isang pinoy ang naroon. "Sorry, my boss's can't make it today. He send me here to do the presentation for the Hey Chap ads. Joseph, by the way." wika ng pinadala ni carl. "No worries, but can I ask why he can't?" tanong ni marge. "He needs to pick his sister at the airport." sambit ni joseph. -pun****** naman oh, dadating si ate cheska. Kung alam ni carl kung saan ako nag tatrabaho, siguradong pupuntahan ako ni ate cheska. Ano ba tong pamilyang to ang hirap lubayan- Abot-abot ang kaba ni menchie sa narinig nya. "I see, by the way, you're pinoy right?" tanong pa ni marge. "Ah yeah!" "And you can speak tagalog?" tanong pa ni marge. "Yes." "Oh great! So wag na natin masyadong pahirapan ang mga sarili natin. Mag tagalog nalang tayo, kasi tong si bradly, mukha lang yan hindi marunong mag tagalog pero mas magaling yan mag tagalog sa atin." sambit ni marge at natawa naman si menchie at bradly. "Sure, sure, no worries." sambit ni joseph. "Shunga rin to noh, kakasabi ko lang eh." bulong ni marge kay menchie at bradly. "Anyway, these are my bosses, Bradly and Menchie." pakilala ni marge. Agad na kumamay si bradly at menchie. "Wait, joseph, kahapon lang kayo tinawagan ni marge, bakit parang ang bilis nyo namang nakagawa ng presentation?" tanong ni bradly. "Yes, pinag puayatan to ng boss ko, kasi sobrang excited sya na maka trabaho kayo. And he wants to impress you guys." sambit ni joseph. "Ah talaga ba? Parang yung isang boss ko hindi excited eh." mahinang wika ni marge. Kinurot naman ni menchie ito sa tagiliran. "I mean, kami din naman. Sobrang excited, lalo ako. Gustong gusto ko ng makilala yung boss mo." wikang bawi ni marge. Ngumiti lang naman si menchie at bradly kay joseph at marge. "So let' s start!" wika ni bradly. At isinagawa ni joseph ang pag prisinta sa ads na gagawim para sa Hey Chap Men's Clothing. Matapos ang meeting nila ay mabilis na pumunta sa work station nya si menchie at inihawak sa ulo ang dalawang kamay at tumungo. "Ahhhhh! Why why why?" malakas na paulit ulit na wika ni menchie. "Bakit? Hindi mo naman sya naka harap ah." wika ni marge. "Hindi ko nga sya naka harap, pero andoon sya sa airport para sunduin yung ate nya." sambit ni menchie na inis na inis. "Ano naman?" tanong ni marge. "Si ate cheska. My bestfriend, we're like sister from a dif'rent motherrrr." sambit ni menchie. "So? Ayaw mo ba yon, mag kikita na ulit kayo?" tanong ni marge. "Oo nga naman mench, maganda nga yan, mag kikita na ulit kayo. I'm sure, you do miss her." sambit ni bradly. "Yes of course, I do miss her, a lot. Pero pagagalitan ako nun, kasi nangako ako sa kanya na pag dating ko dito hindi mapuputol yung communication namin, but I deleted all of my socialmedias para wala silang way to contact me." sambit ni menchie. "Bradly, can you please tell me about Mr. Sebastian and your friend, I really want to understand where she's coming from." sambit ni marge. Ngumiti si bradly at kwinento lahat kay margie. "So-, wala na kayong nagawang trabaho dahil dyan, at kahit kaninang lunch and breaks yan ang pinag uusapan nyo. Ngayong alam mo na ang lahat, naiintindihan mo na ba ako?" wika ni menchie at tumayo mula sa kanyang swivel chair at binitbit ang kanyang bag. "Yeah, but I want to know carl's story, why he needs to follow you here. Oo sabi nya mahal ka parin nya kaya andito sya at hinanap ka, but, I will dig deep. Because, I believe there's something more behind that mench." madiing sambit ni margie. Inaalala ni menchie ang muli nilang pag kikita ni cheska pero inasahan nya din talaga na makakaharap nya si carl dahil palaisipan sa kanya bakit nginitian lang sya nito ng magkita sila sa convinient store. "Sige, simulan mo na mag hukay marge. Mas laliman mo pa ah. Bahala kayo dyan. Bye!" sambit ni menchie at lumakad palabas ng opisina. Habang nasa taxi si menchie ay nag iisip sya, -ano pa nga ba ang pwedeng maging dahilan ni carl para sundan pa ako dito- -wala naman na akong naiisip, malikot lang talaga yung utak ni marge- -a- ate cheska, sabi ko na nga ba- napakamot nalang si menchie sa ulo ng makita si cheska sa loob ng store ng hey chap si cheska. Mabilis syang pumasok ng pinto at umakyat ng hagdan papunta sa opisina sa itaas. "Mench, you look awesome!" malakas na bati ni cheska. "A-ate cheska?" pakunwaring hindi nya ito napansin at nakilala. Bumaba ulit sya ng hagdan. Lumapit kay cheska at niyakap ang kaibigan. "Why are you here?" wika pa nya. "Well, visiting mom and dad, pero bago ako umuwi sa new jersy, dumaan muna ako dito para makita at makasama ka." sambit ni cheska. "How, how did-" kunwaring hindi nya alam na alam ni carl kung saan sya mahahanap. "Carl, told me." sambit ni cheska. "Really, I didn't know na alam nya pala kung saan ako nag tatrabaho." sambit ni menchie. "Alam nya, at ang sabi nya ay ang CSNP ang mag hahandle ng ads nyo." "CSNP?" tanong ni menchie kunwari. "Oo, yun yung ads and marketing company nila ni nolan right? Nung sumunod sya dito, nag decide sya nag makaroon na rin ng CSNP dito, tutal may mga naging client naman na sya dito before, remember?" sambit ni cheska. "Ah yeah, oo nga pala noh. Nakalimutan ko na kasi yung mga ganoong bagay eh." sambit ni menchie. "So, how's your life here? Being a vice-president of operations ng Hey Chap?" tanong ni cheska. "Doon tayo sa taas ate, sa office." wika ni menchie at inakay paakyat. "Wow! This is really great mench." wika ni cheska. "Ate oa ah, hindi naman sa akin to. May boss pa ako dito, at sa kanya lahat to." sambit ni menchie. Malayo palang si menchie ay tinatanaw na sya ni bradly at marge. "Pupusta ako, yung ate ni Mr. Sebastian yan." wika ni marge. "For sure!" sambit ni bradly. Pag pasok ni menchie at cheska sa pinaka pintuan ng opisina nilang tatlo, "Hi guys, si ate cheska, my bestfriend." pakilala ni menchie kay cheska kina bradly at margie. Agad na tumayo at lumapit ang dalawa. "Hey! Bradly." wika ni bradly at inilahad ang kamay. "Sya ang may-ari ng lahat ng ito ate, he's my boss. Mukhang foreigner pero pag nag tagalog parang hindi." wika ni menchie. "Wow nice!" "Margie." wika ni margie at nag lahad din ng kamay. "Marketing officer nitong Hey Chap. Pinay, bread winner kaya masipag." wika ni menchie. "Ah ate, sa conference room tayo." sambit ni menchie. "Nice meeting you guys!" wika ni cheska at sumunod kay menchie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD