NAG LALAKAD si carl sa isang mall dahil may importante syang binili nang makita nya ang isang pamilyar na babae, "Jenna? Jenna, ikaw yung kaibigan ni menchie diba?" wika ni carl.
"Ah eh, oo, bakit?" sambit ni jenna.
"Si carl, ah, ako si carl, yung ex ni menchie, kapatid ng bestfriend nya." sambit ni carl.
"Ah oo, oo naaalala na kita. Bakit? May problema ba?" sambit ni jenna.
"Ah, alam mo ba na wala na si menchie?"
"Wala na? What do you mean? Nasan sya? Anong nangyari sa kanya? Okay lang ba sya?" sunod na sunod na tanong ni jenna na kunwari ay nag aalala.
"Ah, I mean, nag punta na sya sa amerika, hindi mo ba alam yung tungkol don? Hindi mo ba sya naka-usap?"
"Amerika? Kailan pa?" tanong ni jenna.
"Last two months pa." sambit ni carl.
"Wala akong alam na nag punta sya ng amerika. Matagal na kaming hindi nag kikita at nag kakausap eh, busy na kasi ako sa trabaho eh." sambit ni jenna.
"Ganun ba? Hindi mo alam kung may bago syang mga socialmedia accounts? Deleted na yata kasi mga account nya kasi hindi na namin mahanap lahat eh." sambit ni carl.
"Hindi ko alam eh, pero diba kayo yung mas madalas nyang kasama? So dapat kayo yung mas may alam tungkol sa kanya." sambit ni jenna.
"Yun nga wala din kaming alam eh. Kailangang kailangan ko lang talaga sya maka-usap." sambit ni carl.
"Sorry, pero, wala din talaga akong alam eh, sige ah, nag aantay mga katrabaho ko eh." wika ni jenna.
"Sige, salamat. Pasensya na." sambit ni carl.
"Kerri lang!"
Nang makalayo na si jenna kay carl ay agad na tinawagan ni jenna si menchie pero hindi ito sumasagot.
"Oh girl? Bakit parang emergency naman to?" tanong ni menchie pag tawag nya kay Jenna thru video call.
"Girl, kanina pa kita tinatawagan. Ang dami kong message sayo wala man lang pag seen." sambit ni jenna. "Emergency talaga girl. Nagkita kami ni Carl!" dagdag pa nito.
"Saan? paano? Anong nang yari?" nag aalalang tanong ni menchie dahil banaag sa tinig at istura ni jenna ang pag aalala.
"Nagkasalubong kami sa mall. Hindi ko sya napansin kasi kasama ko mga katrabaho ko. Nagulat nalang ako nasa harap ko na sya." sambit ni jenna.
"Nakilala ka ba nya?" tanong ni menchie.
"Oo girl, tinanong nya ako kung hindi daw ba kita naka usap, kung alam ko daw ba kung may bago kang any socialmedia accounts." sambit ni jenna.
"Oh eh anong sabi mo?" tanong ni menchie na kalmado dahil alam naman nyang hindi mapipiga ni carl ito.
"Syempre, sabi ko hindi ko alam. Tsaka sabi ko mas madalas nya kayong kasama, so dapat mas may alam sila sayo noh." sambit ni jenna.
"Naniwala naman ba kaya sa tingin mo?" tanong ni menchie.
"Mukha naman. Hello, pang best actress kaya yung acting ko kanina."
"Ayun naman pala eh, so bakit hindi ka parin dya mapakali?" tanong pa ni menchie.
"Eh girl, kailangan ka daw kasi talaga nyang makausap eh. Importante daw sasabihin nya eh." sambit ni jenna.
"Sus! Wala naman nang sasabihin pa sa akin yon. Masaya na sya sa amber nya, tsaka nagbago na sya dahil sa babaitang yon noh." sambit ni menchie.
"Eh ewan ko, pero yung itsura nya kasi, sobrang seryoso sya talaga. Ehh! Hayaaan na nga natin yung kumag na yon. Bakit ba ngayon ka lang sumagot?"
"Rumaket ako! Nag linis ako ng bahay ng mga kano." sambit ni menchie.
"Kamusta naman?"
"Okay naman, sanay naman ako mag linis ng bahay noh." sambit ni menchie.
"More than two months na, wala ka parin bang nahahanap na trabaho?" tanong ni jenna.
"Wala pa, pero may pinapa puntahan sa akin si tyrell bukas, sa pizzeteria. Kaibigan daw nya yung may-ari, half pinoy daw." sambit ni menchie.
"Ehdi great. Gwapo ba?" tanong agad ni jenna.
"Ewan, I haven't seen him yet. Pero syempre gwapo yon, may lahing amerikano eh." sambit ni menchie.
"Nakuh, dyakpot ka dyan girl!"
"Gaga, I'm not intrested. Remember the reason why I am here? Is to fix my self on my own without anybody." sambit ni menchie.
"Ay, oo nga pala. Sige na girl, balitaan mo nalang ako ah." sambit ni jenna.
Maaga si menchie na nagising at pumunta sa pizzeteria.
"Hi! I'm Menchie and I am looking for Mr. Bradly Kalt?" wika ni menchie na isang amerikanang crew sa pizzeteria na si Joan.
"Yeah, he's not here, but he told me about you, and he said that you're hired and you can start now." sambit ni Joan.
"Is that for real?" masayang tanong ni menchie.
"Yeah, for real! Cool right?" sambit ni joan.
"Oh my God! Yeah it's great. Thank you!" sambit ni menchie.
At nag simula na si Menchie sa trabaho. Masayang masaya si menchie dahil pakiramdam nya ay umaayon ang lahat sa mga plano nya.
"How's work ate? Balita namin nag start ka na." tanong ni lestly na nakitang pumasok si menchie ng pintuan.
"Great! Pero hindi kami nag kausap ni Bradly Kalt. Binilin lang nya sa isang crew." sambit ni menchie at pumunta sa harap ng pridyider para kumuha ng tubig.
"That's fine, at least you have a job now. Bradly is a very busy man, he's trying to have a new business." wika ni nesty na ate ni nesty. "Alam mo, may pagka masungit lang yon, pero mabait yon. Gwapo pa." dagdag pa nito.
"Pero gusto ko sya maka usap about sa working visa ko." sambit ni menchie.
"Don't worry, I'll message him about that." sambit naman na si tyrell na asawa ni nesty.
"I really do appriciate it!" sambit ni menchie.
Sa halos tatlong linggo ng pag tatrabaho ni menchie sa pizzeteria ay wala paring kasiguruhan ang tulyan nyang pag takas sa alala at nararamdaman nya kay Carl. Nag lalakad si menchie sa kahabaan ng fifth avenue sa new york city dala ang mga tsokolateng nabili nya sa isang kilalang chocolate store roon bago pumasok sa trabaho nang may lumabas sa isang fashion store, "Menchie?" sambit ng isang may edad ng babae at may kasamang lalake na may edad na din at hinawakan sya sa kamay.
Gulat na gulat si menchie ng lingunin at makita nya ang mga magulang ni carl at cheska na sina beatrice at chris, tila gusto nyang itago ang mukha nya. hay d'yos ko po, sa dami ba naman ng makikita sa napaka layong lugar na ito, ito pa talagang mga ito.
"Uhm, sorry, sir, maam, I'm in a hurry, excuse me!" sambit ni Menchie at mabilis na nag lakad palayo.
"Menchie, wait!" tawag sa kanya nina beatrice at chris, na agad naman syang hinabol. Pero dahil ayaw nyang maabutan sya ng mga ito at mas binilisan nya ang lakad nya na para bang tumatakbo na sya. At para hindi matunton nito ang patutunguhan nya ay inuba nya ang daan. Nang maka ramdam sya ng pagod at napansin nyang malayo na sya sa mga ito ay huminto sya.
"Ay kalabaw mo!" sigaw ni menchie sa gulat nung naramdaman nyang may humawak sa braso nya.
"Ho- ly sh-ot!" wika ni menchie at dahang-dahang humarap.
"Miss, you forgot your phone at the chocolate store." sambit ng lalake.
"Oh jeez!" sambit ni menchie at huminga ng malalim "You scared me!" wika pa ni menchie sabay kuha ng telepono nya sa kamay ng lalake, "Thank you!" wika nya, ngumiti at tumalikod sya rito.
"Why did you do that to your parents?" tanong ng lalake.
"Sorry sir, but, I have to go to work." sambit ni menchie at tumalikod sa lalake.
"By the way, I'm brad!" wika ng lalake at lahad ng kanyang kamay.
Humarap muli si menchie, "Menchie." at inabot ang kamay ng lalake.
Tumalikod ulit si menchie at lumakad palayo patungo sa tamang daan papunta sa trabaho. Ngumiti lang ang lalake at lumakad na rin pabalik sa pinanggalingan.
"Oh, hindi ka yata maaga ngayon?" wika ng pinoy na kasama nyang crew sa pizzeteria na si elise.
"Ah, dumaan kasi ako sa chocolate store." sambit ni menchie.
"Papadala mo sa pinas?" tanong ni elise.
"Hindi, kakainin ko lang tanggal stress." sambit ni menchie.
LUMAPAG ANG eroplano sa John F. Kennedy Internationa Airport.
"Juaquin!" tawag na ina ni cheska at carl na si beatrice at sinalubong si carl at niyakap.
"Son, we saw menchie, pero mabilis syang umalis eh." wika pa nito.
"Ha? Saan?" mabikis na tanong ni carl.
"Sa fifth avenue, pag labas namin ng isang fashion and home decor store roon." sambit ni beatrice.
"Mom, dad, pwede bang mauna na kayong umuwi, mag iikot muna ako dito." wika ni carl.
"Hahanapin mo ba sya?" tanong ng amang si Chris.
"Yes dad!"
"Good luck son!"
Inikot ni carl ang mga tindahan sa fifth avenue para hanapin si Menchie. Pero hindi nya ito nakita, Menchie, hindi ako titigil hanggat hindi kita nakikita.
Pag labas ni menchie sa trabaho nya ay nakita nya si carl na pumasok sa katabing tindahan, biglang nanlambot ang mga tuhod ni menchie at napaatras ng bahagya para maitago ang sarili oh Lord have mercy, bakit andito yon? Agad syang lumakad ng mabilis palayo, pero may biglang humatak sa kanya, "Hol-!" at isikay sya ng sasakyan. "Bakit ba parang ang daming ng humahabol sayo?" tanong sa kanya. Pag tingin nya sa mukha nito ay nagulat sya, "oh- my! Marunong ka naman pala mag tagalog, pinahirapan mo pa ako kanina." inis na sambit ni menchie kay brad.
Sumakay ito ng sasakyan sa driver seat, "anong krimen ba ginawa mo ha?" tanong ni brad.
"Am I look like a criminal?" inis na sambit ni menchie.
"Hindi, pero malapit ko ng isiping kriminal ka. Hipag ka ng kapatid ni nesty right?" sambit ni brad.
"Oo, bakit mo nalaman?" tanong ni menchie.
"Bradly Kalt." sambit nito.
"Bradly kalt? Owner of pizzeteria?" gulat na tanong ni menchie.
"Yeah!"
"Oh shoot! Eh kilala mo naman pala ako hindi mo sinabi kanina sir, medyo natarayan pa tuloy kita." wika ni menchie.
"Hindi ko pa rin alam kanina, pero nung nakita kita na lumabas dyang sa pizzeteria ko, nalaman ko na." sambit ni brad.
"Sorry sir!"
"Don't be, now, I want to know, kung sino yung mga humahabol sayo." sambit ni brad.
"Yung dalawang humahabol sa akin kanina, parents ng bestfriend ko yun sa pinas." wika ni menchie.
"Oh bakit tinakbuhan mo sila kanina?"
"Becuase, they are my ex's parents as well." sambit ni menchie.
"So, totoo yung kwento ni nesty and tyrell sa akin. Na kaya ka nandito ka, to move-on."
Tango lang ang naisagot ni menchie.
"And who is that guy?" tanong ni brad.
"That's my ex-boyfried." malungkot na sambit ni menchie
"What is he doing here?" masungit na tanong ni brad.
"I don-"
"Wait!" wika ni brad na pag putol sa sinasabi ni menchie. Lumabas ito ng sasakyan at pumasok sa pizzeteria.
Pag pasok ni bradly sa pizzeteria ay agad sinundan si carl, "Hi sir, whats your order?" tanong ni bradly kay carl.
"Uhm-, sir I am looking for a woman, someone from the store next to this told me that she's working here. Her name is menchie."
"Menchie?" sambit ni bradly sabay tingin sa isa nyang staff para awatin itong mag salita. "We don't have staff here named menchie."
Nilabas ni carl sa kanyang bulsa ang telepono at ipinakita ang picture ni menchie kay bradly.
"Sorry sir, but we don't know her and we haven't seen that woman yet. And we don't have menchie here." wika ni bradly.
Pag labas ni carl ay sinundan ito. Nang makalayo si carl ay bumalik ito sa kanyang sasakyan.
"He's here to find you. Ano bang kasalanan nya sayo para lumayo sa kanya at kailangan ka nyang sundan dito." wika ni bradly na tila naiinis.
"Sorry sir, hindi ko din alam bakit kailangan nya pang pumunta dito para hanapin ako. Ang gusto ko lang naman makalimutan ko sya. Gusto kong buoin at mahalin ulit yung sarili ko." sambit ni menchie.
"Alam mo kung may nag sabi sa kanya na mahahanap ka nya dyan sa pizzeteria, I'm sure babalik ay balik sya dyan." wika ni bradly at pinatakbo ang sasakyan. "Hindi ka na muna pwede pumasok." dagdag pa nito.
"Pero sir, I badly needed that job. Mag four months na ako dito, kalingan ko na ng employer na mag aasikaso ng working visa ko bago pa mag expire yung visitor visa ko." sambit ni menchie na nalulungkot at dahan-dahang pumapatak ang luha.
"Wag mo muna alalahanin yon, matagal pa naman yon. Mahalaga hindi ka makita nung ex mo pizza reastaurant ko. Lalo sinabi ko na wala ka don." sambit ni bradly.
Nilabas ni menchie ang supot na papel na may mga tsokolate sa bag nya.
"What's that?" tanong ni bradly.
"Chocolates!" sambit ni menchie at kumain ng isang tsokolate at inilahad ang supot. "Wanna have some?" tanong ni menchie.
"No, thanks! Yan ang dahilan bakit naiwan mo yung phone mo kanina sa chocolate store." natatawang wika ni bradly.
"Ah- thank you nga po pala sir sa pag soli mo ng phone ko ah." wika ni menchie na may lamang tsokolate ang bibig.
"Wala yon, alam ko kung gaano kaimportante ang cellphone sa tao kaya kahit sino makita kong makakaiwan ng cellphone ibabalik ko talaga. Tsaka alam ko pinag hirapan mo yon, and napansin ko agad na pinoy ka din. At wag mo na akong tawaging sir, brad nalang or bradly."
"Okay bradly, sabi nila nesty half pinoy half american ka. Pag nag i-english ka, hindi ka mapag kakamalang may lahi kang pinoy, mukha kang half american half mexican. Tapos pag nag tagalog ka para kang pinoy na pinoy. Paano ka natutong mag tagalog?" sambit ni menchie.
"I was born here, I grew up here, but every year umuuwi kami ng pilipinas para mag bakasyon, and sa bahay nag tatagalog din naman kami, kaya nasanay din ako mag tagalog. Even my dad, napaka galing mag tagalog." sambit ni bradly.
Bumaba si bradly ng sasakyan at binuksan ang pinto ng sasakyan banda kay menchie.
"Bahay mo to ah." tanong ni menchie.
"Mag palipas ka muna dito sa bahay ko ng ilang oras, nag hahanap pa yung ex mo sigurado, baka masundan ka." sambit ni bradly.
"Hindi na kailangan, uuwi na ako, mag u-uber nalang ako." sambit ni menchie at bumaba ng sasakyan.
"I insist, ihahatid kita mamaya. No buts and excuses." pilit ni bradly.
"Okay!" at hinawakan ni bradly ang kamay ni menchie at inakay papasok sa bahay.
"Ano ba yang chocolates na yan, kanina ka pa kumakain nyan ah." wika ni bradly pag pasok nila ng bahay nya.
"Stress ako eh. And chocolates is my stress reliever." sambit ni menchie.
"Mag kakasakit ka naman nyan."
"Hayaan mo na, matagal pa mang yari yon." sagot naman ni menchie. "Nesty said, may bago kang business kang inaasikaso, kaya ba hindi kita nakikita sa pizzeteria simula nung unang punta ko don?" tanong ni menchie.
"Yeah, it's a fashion clothing line for men." sambit ni bradly
"Really? alam mo bang naging supervisor ako ng clothing line for more than a year. But, it's a clothing line for women. Halos ako na ang nag papatakbo ng mga stores, sales, promotions, stocks, marketing and everything." sambit ni menchie.
"For real?" tanong ni bradly.
"Yes, hay nakuh, tinggap mo ako sa pizzeteria mo without reading my resume?" sambit ni menchie.
"I'm busy! Eh since, you referred by nesty and tyrell, may tiwala ako."
"Oh mayg-hod!, anyway, I supervise two to three stores a day. Chesque Clothing, may ari nun yung bestfriend ko na si ate Cheska Isabelle Sebastian na ate ng ex kong si Carl Juaquin Sebastian." sambit ni menchie.
"Na ngayon ay mga pinag tataguan mo." sambit ni bradly.
"Hindi ko sila tinataguan. Gusto ko lang naman maka move-on, mahirap bang intindihin yon? ewan ko ba dun kay carl bakit ayaw nya akong patahimikin, samantalang may girlfriend na nga sya. Mahal na mahal nya nga yon eh. Sa akin ilang beses ko syang nakita na nambabae pero don sa girlfriend nya. Wala akong nabalitaan na ginawa nya yon. So, ibig sabihin mas mahal nya yon kesa sa akin noong naging kami." puno ng gigil na mga sambit ni menchie.
"Baka narealized na nya na ikaw talaga ang mahal nya. Kasi ganon naman talaga eh, we realize the importance of the person, when they were gone." sambit ni menchie.
Nag kwentuhan si menchie at bradly, pero hindi maalis sa isip ni menchie ang nang yari sa isang buong araw nya. Sadyang napaka liit ng mundo, kahit anong gawin nyang takbo palayo sa nararamdaman nya kay carl ay pilit paring inilalatag ito sa kanyang harapan. Pakiramdam nya'y tila wala syang karapatang iwaksi ang pag mamahal na nararamdama niya. Si carl na dinurog na at dinudurog pa ang puso niyang sugatan at pinapaluha sya nang walang humpay. Kailan ba makakawala ang puso nya sa labis na kalungkutan at pighati. Ang nais lamang nya ay maging masaya, mag mahal at mahalin pero tila mailap ito sa kanya.
Hinatid ni bradly si menchie sa apartment na tinitirhan nito kasama ang kapatid.
"Thank you!" wika ni menchie pag hinto ng sasakyan sa harap ng apartment.
"It's my pleassure to help you. Samahan mo ako bukas."
"Saan? Eh papasok ako bukas." tanong ni menchie.
"Sabi ko sayo, hindi ka muna pwede pumasok sa pizzeteria, kasi babalik yung mo doon." sambit ni bradly. "Wag ka mag alala babayaran ko oras mo bukas." dagdag pa nito.
"Sure!"
Kinabukasan ay sinundo ni bradly si menchie at dinala ito sa building kung saan ang magiging opisina ng store ng Hey Chap na fashion clothing line na planong negosyo ni Bradly.
"Wow! Ang ganda nito." wikang mangha ni menchie ng makita ang building na sa ibaba ang magiging tindahan ng damit at sa ikalawang palapag ay opisina at sa mga sumunod na palapag ay warehouse at patahian.
"Yes, at dahil may background ka sa ganitong industry, naisip ko that I need your help. Tulungan mo ako mag patakbo nito. Then, I'll help you with your working visa." sambit ni carl.
"Luh, seryoso?" tanong ni menchie.
"Yes I am, diba gusto mo magkaroon ng trabaho dito at working visa? Mag tulungan tayo."
"Sige, pero kakayanin ko ba?" tanong ni menchie.
"Oo naman, i have trust in you." sambit ni memchie.
MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO ay nag stay parin si carl sa new york. Pangako nya sa sarili nya na hindi sa babalik ng pilipinas ng hindi nya kasama si Menchie.
"Nahanap mo na ba si menchie bro?" tanong ni nolan kay carl ng magka usap sila sa video call tungkol sa negosyo nila.
"Yes. I found her." sambit ni carl.
"Naka usap mo na ba sya?"
"Hindi pa, wag muna. Papahupain ko muna ng tuluyan yung galit nya." sambit ni carl.
"Papahupain ang galit? Kailan pa yon bro? Eh alam mo namang sobra sobra ang galit sayo nun." sambit ni nolan.
"Basta mag aantay ako."
"So matatagalan ka pa dyan?" nag aalalang tanong ni nolan.
"Oo, wag ka mag alala, maghahanap ako ng mga client dito. Para sa company natin." sambit ni carl.
"Bahala ka bro. Good luck!"