Getting closer and closer.

3111 Words
Kinabukasn ay alas sais palang ng umaga ay pinuntahan ni Carl si menchie. "Oh my God, carl. Napaka aga mo. Ang sakit pa ng ulo ko." bwisit na wika menchie pag bukas nya ng kanyang pintuan. "That's why I brought you this." sambit ni carl at inangat ang dalang pagkain at malamig na icetea at gamot at pumasok sa bahay ni menchie. "Ewan ko sayo, ang laki ng bahay mo hindi mo inuuwian." sambit ni menchie. "Anong pinag sasasabi mo, umuwi ako sa bahay, dun lang ako galing." sambit ni carl habang inaayos ang dalang pagkain. "Galing ka nga don, pero naligo at nag bihis ka lang pero hindi ka don natulog noh." sambit ni menchie. "Dami mong alam madam auring, hali ka na kumain ka na. Ihahatid kita sa driving school na pupuntahan mo." wika ni carl. Umupo si menchie at kumain na. Matapos kumain ay naligo na si menchie at nag gayak. Matapos ni menchie mag driving lesson ng ilang araw ay nag umpisa na syang mag trabaho sa Cheque Clothing bilang area supervisor. Si carl naman ay pumasok na ulit sa Ad and Marketing company nya. "Good morning guys!" bati ni carl sa mga tao nila sa opisina. "Good morning boss Carl!" Bati ng mga emoleyado nila. "Carl!" wika ng lalake sa likod nya na kapapasok lang ng pintuan ng kanilang opisina. "Nolan, kamusta bro?" wika ni Carl at pinag kapit ang kanilang bisig at pinag salubong ang kanilang mga kanag balikat. "Ikaw ang kamusta?" tanong ni Nolan at nag lakad sila patungo sa mga work station nila. "Parang busy ka masyado, simula dumating ka from new jersy. Is she the one?" tukoy ni nolan kay menchie na nakikita nyang kasama ni carl sa mga socialmedia accounts ni carl. "No pare. She's just a friend." sambit ni Carl. "Friends with benefits?" tanong ni nolan na nakatayo at naka harap sa partition ng kanilang work station. "G**o, hindi. Una palang binalaan na ako ni kuya jazper at ni ate. Carl, you know that menchie is like a sister to me and to your sister. So, she's off limits." inis na sambit ni Carl "G**o, bakit parang nabigo ka na hindi mo matitikman yung kaibigan ng ate at bayaw mo?" natatawang sambit ni nolan. "Siraulo, naiinis ako kasi pag nadikit ako sa babae, iniisip agad nila gusto ko lang isex." sambit ni Carl. "Bakit, hindi ba?" natatawang tanong ni Nolan. Natawa din si carl, "Siraulo!" sambit ni carl. "Oh, diba? Aminado ka din?" natatawa pading wika ni nolan. "Iba si menchie bro, para syang kapatid na dapat ingatan at alagaan." sambit ni carl. "Talaga ba? Pero sige, sabi mo eh." sambit ni nolan sabay kibit balikat. "G**o!" malakas na wika ni carl. Sumapit at byernes ng umaga, "Inom tayo mamaya, sa CLAN."chat ni carl kay menchie, cheska at jazper. "Pass, wala pang sahod. Tsaka pagod ako." reply ni menchie. "Kaka umpisa palang ng araw pagod na agad, mench?" reply ni jazper. "Advance yung pakiramdam ko kuya jaz, alam ko na, na mapapagod ako mamaya." reply ni menchie. "Libre na kita, menchie." reply ni carl. "Sumama ka na, may ibibigay ako sayo mamaya bago tayo pumunta doon." reply ni cheska. "Alrighty! See yah." reply ni menchie, habang nasa isang store sya ng chesque clothing sa isang mall sa taguig. "Ang bilis kausap ah." sagot ni carl. "Naman, ate cheska yan eh. Bawal humindi." sagit naman ni menchie. "Ate cheska. Arat na, out na." wika ni menchie pag dungaw nya sa pinto ng opisina ni cheska. "Excited? Sabi ko na ngang dadaanan kita sa office mo eh." sambit ni cheska. "Abah syempre, sabi mo may ibibigay ka eh." natatawang sambit ni menchie. "Let's go!" aya ni cheska pag tayo ng swivel chair nya. "A-asan na?" tanong ni menchie. "Hindi maka antay?" at hinila ni cheska palabas ng opisina para mapabilis ang pag lakad nito. Bago pa makarating ng main door ng opisina ay inabot ni cheska ang lisenya ng sasakyan. Nakita agad ni Menchie ang naka imprentang panagalan nya, Menchie Magpalam, at ang mukha nya. "Luh, may lisensya na ako! Tao na ako." tuwang tuwang wika ni Menchie. "Ako ba mag dadrive ng sasakyan mo?" tanong ni menchie. "Syempre ako." mabilis na sambit ni Cheska. "Hindi ko naman yan ibabangga noh." sambit ni menchie. "Eh bakit mo naman idadrive yung sasakyan ko?" wika ni cheska nung nakalabas na sila ng main door "kung meron ka namang, ida-darive na sasakyan mo." dugtong ni cheska sabay taas ng susi sa bandang mukha nila. "Luh, meron na?" "Oo, ayan na oh." sabayb uro ni cheska sa harap nila sa tabi ng sasakyan nya. Combination of red and black ang kulay. At yung inabot na susi ni cheska ay may chain na magkaakbay na dalawang babae at may lace na may pangalan ni Menchie. Agad na nilapitan ng dalawa ang sasakyan at hinawak hawakan ni menchie. "Halah, ang ganda ate cheska. Napaka ganda. Thank you ate." tuwang-tuwa na wika ni menchie. "Oh etoh yung papers nyan, meron ka pang kailangan pirmahan dyan tapos ibigay mo sa akin." wika ni cheska. Inilabas din ni cheska yung susi ng sasakyan nya at ipinikita kay menchie. "Twining tayo mench!" masayng wika ni cheska. "ihhh!" wika ng dalawa na akala mo mga bata. "Thank you SO Much ate cheska. I love you!" "You're welcome mench, love din kita. Uhm!" "Oh let's go, punta na tayo sa CLAN, dali!" aya ni Cheska. "Sige, go!" at agad sumakay ng kani-kanilang sasakyan. Binusinahan ni Mench si carl at jazper na naka-tayo sa labas ng bar at nag bukas ng bintana ng sasakyan. "Oh-ho-ho, menchie!" wika ni carl ng nagulat na nakita si menchie na nag dadrive ng sasakyan. Pag park ni menchie ay agad syang pinag buksan ni Carl ng sasakyan, "Marunong ka na mag drive, congrats!" puri ni carl kay menchie sabay beso. "Nice mench!" wika naman ni jazper. "Kamusta? Natatakot ka parin ba?" tanong ni ate cheska. "Hindi na. Ang saya." masayang sambit ni menchie habang nag lalakad sila papasok ng bar. "Mas nakakatakot malasing sa kung saan kesa mag drive." sambit ni cheska. "Pero mas nakakatakot mag drive pag lasing. Kaya wag ka mag da-drive ng lasing or wag kang iinom pag alam mong mag dadrive ka." sambit naman ni Jazper. "Yes kuya jazper, hindi ako magda-darive ng lasing at hindi ako iinom pag magda-drive." sambit ni Menchie Umupo sila malapit sa stage kung saan tutugtog ang banda nila carl. Nasa stage na ang mga member ng banda at mga kaibigan din ni carl at kasosyo sa bar. Lumapit si carl sa mga ito para ayusin ang mga instrumento para mag simula na silang tumugtog. "Ahh- nag babalik, chicky!" bati ni larry at alvin. Binansagan nilang chicky si carl dahil bukod sa sobrang lapitin ito ng babae ay talagang lahat ng babae madidikit sa kanya ay siguraduhin nyang dadaan sa kanya. "What's up!" bati ni carl sa mga kaibigan at tinapik ang mga ito sa balikat. "Carl, sya na ba yung lintik na dumapo sa puso mo?" tanong ni alvin at larry. "Friends lang daw sila." sabat ni nolan. "With benefits?" tanong ng mga ito sabay tawanan. "Mga g**o, tumigil kayo, walang ganun, friends, friends lang kami. Ang dumi talaga ng tingin nyo sa akin noh?" wika ni carl. "Madumi agad? Hindi madumi tingin namin sayo, MANINIRA!" sambit ng mga kaibigan ni Carl. Lumapit ang mga kaibigan ni carl kila menchie, "Ate cheska, kuya jazper, kamusta?" "We're good! Si menchie pala friend namin." sambit ni Cheska. "Oo nakilala na namin sya nung minsang nag inom kayo dito." sambit ni Alvin. "Oo nga hon." sabat naman ni Jasper. "Ah yeah sorry!" sambit ni cheska. "Menchie, goodluck!" wika ng mga kaibigan ni catl. "Ah?" takang wika ni menchie. "Nakuh wag mong pansinin yang mga yan." sambit ni jazper na alam na ang ibig sabihin ng mga ito na ang tinutukoy ay tungkol kay carl. Nailing lang naman si Cheska. Nag inom sila menchie, cheska at jazper habang tumutugtog ang banda nila carl, umiinom din si carl habang kumakanta. Kinanta ni carl ng puno ng emsyon ang kanta na naka frame sa loob ng music room nito na pinamagtang, M.Goodbye. "walang ibang hiling, kundi ikay makita, gusto ko lang malaman, kung ika'y handang akoy ibigin rin, matagal kang hinahanap, hindi tumigil ang puso na ika'y ibigin. Mahal, akoy mag hihitay hanggang aking matagpuan sagot sa akin nararamadaman." Malinaw kay menchie na kung gaano kamahal ni carl si MG. At iniisip nyang napaka swerte ni MG para mahalin ng ganoon ni carl. "Nice song!" wika ni menchie pag upo ulit ni carl sa lamesa nila. "Yan yung kanta na nakita mo sa wall sa music studio nya." sambit ni menchie. "Oo, natandaan ko yung title. Hindi ko naman kasi binasa yung lyrics non eh." sambit ni menchie. Tumayo si carl para pumunta sa bar at kumuha ng sigarilyo, "Hi! Aliyah. And you are?" wika ng babaeng lumapit sa kanya sabay latag ng kamay pag harap nya rito. "Hello, Carl. My name is Carl." "Good song, great voice ah." wikang papuri ng babae na tila nang aakit ang mga tinig. "Thank you!" sambit ni Carl nag latag ng mga ngiting mapang akit. "Your girlfriend are so lucky to have you." para bang nang aakit na wika ng babaeng si Aliyah. "Her?" sambit ni Carl sabay turo kay Menchie. "No, she's a friend of mine." "Oh, where's your girlfriend?" "I don't have a girlfriend, totally single. Not looking for a relationship, but, ready to play on fire." sambit ni Carl na tila ng aangkit at medyo inilapit ang sarili sa babae. Nilingon ni Carl si menchie, nakangiting umiiling sa kanya si menchie. "Ow, I like that!" sambit ng babaeng mababa lang ng bahagya kay carl, hindi kaputian pero may makinis na kutis, may maliit at napaka nipis na bewang. May mahaba at magandang buhok, bilugan ang mata at matangos ang ilong. May kakapalan ang labi pero bumagay naman sa kanya kaya napaka gandang tignan ng kanyang mukha. At higit sa lahat, may malalaking dibdib at balakang na talaga bang maaakit ang kahit sinong lalake. "Iba ka talaga Carl Juaquin!" natatawang wika ni Menchie. "Alam mo mas bagay na itawag sayo, Juaquin, paramg boldstar nuong sinauna, or kaya waky-" wika ni menchie at sabay mwestra ng kamay sa hangin na parang plaka. "Ahh- pakboy na pakboy yung tunog." dagdag pa niya. Natatawa lang naman ang mag asawa. Kinulong ni Carl sa kanya bisig ang ulo ni menchie at tsaka ginulo ang buhok. "Baliw!" gigil na tinig ni Carl. "Carl!" saway ni Cheska. "Ito kasing kaibigan nyo eh." natatawang wika ni Carl. "Bakit totoo naman ah." wika ni menchie. Mas lalong naging malapit si Carl at menchie dahil sa madalas na pag sama ni Carl sa mga lakad nila ni cheska. Minsan nama'y lumalakad naman ni carl at menchie na sila lang ang magakasama. "Wax nasan ka?" tanong ni menchie kay carl nung tinawagan nya sa cellphone. "Bakit anong nang yari?" nag aalalang tanong Carl nung marinig na umiiyak si Menchie. "Gusto ko pumunta sa dagat." sambit ni menchie na umiiyak. "Gusto mo lang pumunta ng dagat bakit kailangan mo iyak?" patanong na sambit ni Carl. "Basta, please!" sambit ni Menchie. "May kasama ako ngayon." sambit ni carl na medyo pabulong. "Ah sorry! Sige ako nalang." umiiyak na sambit ni Menchie. Saglit na natigilan si Carl, "wait, wait, sige na ito na, pupunta na, wait fo me." sambit ni Carl at agad na nag suot ng damit. "Sorry nicole, I have to go, I have an emergency, I'll call you." paalam ni Carl sa kasamang babae. "Mench!" sambit ni carl pag katok sa pinto ng apartment ni menchie. Pag bukas ni menchie ng pinto ay agad niyakap ni Carl ang kaibigan ng makitang umiiyak. "What happened? Are you okay?" nag aalalang tanong ni Carl. "Luis came here, gusto nyang makipag balikan kasi ako daw pala talaga yung mahal nya, pero, nung tinawagan sya nung babae agad syang umalis. Then nag chat sa akin yung girl inaaway ako." umiiyak sa sambit ni Menchie. "Sshh sshh. Tama na, okay lang yan, tara na. Pupunta tayo sa batangas." wika ni Carl. Umalis sila ng apartment ni menchie na tuloy-tuloy parin ang pag iyaka ni menchie. At habang nasa saaakyan sila na nag babyahe ay pinabasa ni Menchie ang messeges sa kanya ng babae. "Look, basahin mo, ang kapal ng mukha ng babae na yan. Parang pinapalabas nya na ako pa ang nang-agaw, ako pa talaga ang nanlalandi ng boyfriend. Nababasa ba nya yung mga message nya sa akin? Naririnig ba nya yung sarili nya? Fu**!" galit na wika ni Menchie. "Sshhh. Hayaan mo na yan." wika ni carl na puno ng pag aalala at inilgay nya ang kanang braso sa balikat ni menchie at hinaplos ang buhok para aluin ang kaibigan. "Gago eh, gago!" galit na galit na wika ni menchie. "Sshh!" Nakatulog na si menchie sa pagod sa kakaiyak. Tinawagan ni Carl ang ate nya para ipaalam ang nang yari kay mechie. "Ate papunta kaming batangas ni Menchie." wika ni carl pag sagot ni cheska ng tawag nya sa kabilang linya. "Ha? Bakit? Bakit dalawa lang kayo?" tanong ni cheska. "Ayan ka nanaman, wala akong gagawin kay menchie. Umiiyak, dahil kay luis, gusto pumunta ng dagat, kaya dadalin ko ng batangas." sambit ni carl. "Bakit batangas? Bakit hindi nalang sa launion?" tanong ni cheska. "Nakakasawa na don ate, I'm sure si menchie sawa na din doon." sambit ni carl. "Nakaka sawa? Eh simula umuwi ka dito sa pinas hindi ka pa pumupunta duon." sambit ni cheska. "By the way, ano nanaman ba ginawa ni luis?" "Ehdi yung ginagawa nya kay menchie. Pero this time inaaway na nung babae si menchie." "Holly shot! Yan talagang luis na yan. Dapat kasi lumipat na ng apartment yan si menchie eh." galit na sambit ni cheska. "So how is she?" "Ito, naka tulog na sa pagod sa kakaiyak." sambit carl. "Okay, please take care of her. And update me please!" pakiusap ni Cheska sa kapatid. "Don't worry, I'll take care of her." sambit ni Carl. Pag dating sa isang resort sa batangas ay ginising na ni Carl si Menchie. "Dito na ba?" tanong ni menchie. "Oo halika na." inalalayan ni carl pababa ng sasakyang si menchie. Pag lagay ng bag nila sa kanya-kanya nilang kwarto at lumabas sila at pumunta sa tabing dagat. "Oh beer mo!" wika ni Carl. Nung nakaka rami na ng beer si menchie ay humagulgol na sya ng humagulgol ng iyak. Nag sisisigaw ng galit sa ex-boyfriend nyang si luis. "Alam mo mench, siguro dapat kalimutan mo na yang si luis, alisin mo lahat ng way para macontact ka pa nya. Lumipat ka na ng bahay, para di ka na nya mapuntahan." wika ni carl. "Oo nga noh. Yun na siguro dapat kong g**o sya!" galit na wika ni menchie. "Salamat wax ah, talagang hindi ko alam gagawin ko kanina eh." "Okay lang, naistorbo mo lang naman yung happiness ko kanina!" sambit ni carl. "Sorry na! Tsaka, s*x? Happiness na sayo yun? Oh myghhad!" sambit ni Menchie. "Eh ano pa bang ibang magiging happiness ko?" sambit ni carl. "Ewan ko sayo! Pero salamat talaga ah." sambit ni menchie. "You're always welcome, you're a bae to me, so I am always here for you." sambit ni carl. Kinabukasan ay umuwi na sila ng quezon city. "Punta muna tayo kay ate, nag aalala sayo yun." wika ni carl. "Oo nga pala hindi ko sya nasabihan. Tapos sinabi mo sa kanya, nakuh lagot nanaman ako don." sambit ni menchie. Pag dating sa bahay nila cheska ay agad syang sinalubong ni jazper. "How are you? Are you okay?" tanong ni jazper sabay yakap. "Medyo kuya." malungkot na sambit ni menchie. "Mench, ano na? Okay ka lang ba? Nag aalala kami ng kuya jazper mo sayo. Oh my God!" agad na lumapit pag baba ng hagdan at niyakap si menchie at agad na humagulgol ito. "Ahhh, mench, that's okay, hayaan mo na yun, hindi mo deserve ang lalaking walang balls katulad non. Bakit ka ba nag kakaganyan, mahal mo parin ba sya? Umaasa ka parin ba na mahal ka parin nya at babalikan ka pa nya?" wika ni cheska na ouno ng awa sa kaibigan. "Oo ate, sorry!" tanging sambit ni menchie. "Don't be sorry, normal yan. Tsaka kahit mag deny ka sa amin ng kuya jazper mo, alam namin na mahal mo pa talaga si Luis, pero sana this time nakapag-isip ka na. Sana this time tama na please, ang dami-dami pang lalake jan, mench." sambit ni cheska. Sobrang mahal na mahal ni menchie si luis at handa syang gawin lahat at tanggapin si luis bumalik lang ito sa kanya. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga video call ko, carl juaquin?" tanong ng mommy ni cheska at carl na si beatrice pag sagot ni carl ng video call nito. "Mom, hindi ba sinabi sayo ni ate cheska na tinutulungan ko si menchie mag lipat mga naka raang araw. Then, sunod sunod ang meeting ko sa dami ng projects namin ngayon." sambit ni carl habang nag hahapunan. "Sinabi, sinabi din menchie." sambit ng ina. "Yun naman pala eh." sambit naman ni carl. "Masama bang tawagan ka kahit busy ka? So how's mench? Is she okay now?" taning ng ina. "Yes mom!" sambit ni carl. "Bakit ba hindi mo nalang sya ligawan, son? Maganda din naman sya, mabait. Para hindi na sya umiiyak at nasasaktan ng ganun, tutal magkasundo naman kayong dalawa eh." wika ni beatrice. "Mom, I love her, lagi ko syang uunahin at pipiliin, but, that doesn't mean na pwede at gusto ko na syang maging girlfriend, she's just a friend like a baby sister." sambit ni Carl. "Kaya ka ba tumatawag, para lang sabihin yan?" dagdag pa nya. "Si MG parin ba?" tanong ng ina. "Yes mom!" sambit ni carl. "Hanggang kailan ka mag aantay?" tanong ng ina. "Maybe forever." sambit ni carl. Nag buntong hininga si beatrice, "hay son!" "May kasama ka?" chat ni menchie dahil alam nyang pag weekend na hindi sya ang kasama ni Carl ay may kasama itong babae. "Lakas mo talaga maka amoy, bakit?" tanong ni Carl. "Hindi ako malakas umamoy, sadyang kabisado na talaga kita." sambit ni menchie. "So bakit nga?" "Dagat tayo." aambot ni menchie. "Bakit? Si luis nanaman ba?" tanong ni carl na biglang naka ramdam ng pag aalala. "Pag gusto ko mag dagat, si luis agad ang dahilan?, hindi ba pwedeng gusto ko lang?" sambit ni menchie. "Oh sige, ngayon na ba?" tanong ni carl. "Hindi pa ngayon, bukas ng maga, hahayaan muna kita dyan sa happiness mo." sambit ni menchie na tila ng aasar. "Baliw! Sige bukas maaga kitang susunduin." sambit ni Carl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD