Getting closer, but harder.

3230 Words
Alas kwatro ng umaga palang ay nag byahe na sina menchie at carl papuntang launion, "Teka nga, alam mo kayong magkapatid, pag ako nag message sa inyo ng nasan ka, busy ka ba, anong ginagawa mo, iniisip nyo agad na may problema ako, at si luis agad? Si luis lang ba ang pwede kong problemahin, ha?" wika ni menchie. "Ye-s." sambit ni carl. "Hindi ba pwedeng miss ko lang kayo, o gustong makasama." sambit ni menchie. "Ay grabe kayo sa akin ah! Ganuon ba karupok tingin nyo sa akin?" "It's not like that, nag aalala lang kami sayo." sambit ni carl. Nung papasok na sila sa launion ay may bumubusinang sasakyan sa likod nila, "Ayan na sila ate! Naka sunod agad sila." wika ni menchie ng lingunin ang sasakyan."Si kuya jazper pa, mas kaskasero pa yan sa akin eh." wika ni carl. Pag dating sa resorts nila sa launion ay sinalubong at binati sila ng mga empleyado nila. "Boss carl, long time no see." sambit ng isa sa pinaka matagal ng empleyado ng resort nila. "Oh, surf na tayo." sambit ni carl. "Sige boss pag out." sambit ng empleyadong si Dondon. "Ms Menchie, hi!" bati ni tinay na isa ding matagal ng empleyado. "Kayo na ba ni boss carl?" tanong pa nito habang sinasabayan sa pag lalakad si menchie papunta sa kwarto nya. "Huh, hindi noh. Friends lang kami, wag ka mag alala hindi ko sya aagawin sayo." natatawang sambit ni menchie. Alam kasi ni menchie na matagal ng may gusto si tinay kay carl. "Ano ka ba, ayos lang naman sa akin kung maging kayo, kasi hindi naman ako nyan talaga mapapansin, tsaka bagay naman kayo eh." sambit ni tinay. Natawa si menchie sa sinasabi ni tinay, "Never!" "Kamusta ka tinay, gumaganda ka ah." bati ni carl at inakabyan pa nito si tinay. "Ayiih!" wika ni menchie na ngiting-ngiti at kinikilig para kay tinay. "Ayos lang boss," sambit ni tinay "inaantay ang pag balik mo." mahinang dagdag nito. "I heared it!" malakas na wika ni carl ng papasok ng kwarto nya. "Oh ayan napansin ka na, at sabi guma-ganda ka daw. Ayih!" wika ni menchie. "Kalerki ka! Para yun lang. Kulang yon, gusto ko mapansin nya ako bilang babae, at mahalin nya ako." sambit ni tinay habang tumatakbo ang imahenasyon. "Carl, pansinin mo naman daw si tinay, please!" malakas na wika ni cheska pag daan nila ni jazper sa likod ng dalawa. "Mam cheska! Ang ingay mo." sambit ni tinay. "Oh eh diba yun ang gusto mo? Tinutulungan na nga kita eh." sambit ni cheska na natatawa. "Hm! Dyan na nga kayo!" wika ni tinay sabay talikod at lumakad paalis. Pumasok na din si menchie sa kwarto nya. At maya-maya lang habang naka higa ay nakarinig ng sunod sunod at malakas na pag katok sa pintuan. "Wacky, ano ba?" sigaw ni menchie at mabilis na binuksan ang pinto. "Ikaw nag-yaya dito tapos mag kukulong ka lang dyan sa kwarto mo? Tara na." wika ni carl. "Hoy carl juaquin, makakatok ka, akala mo walang mga guest." inis na wika ni cheska pag pasok sa kwarto ni menchie. "Hayaan mo sila!" sambit ni Carl. "Crazy!" wika ni cheska. Hinila ni carl si menchie papunta sa dagat at ang hubad ng pang itaas si carl. Pag-ahon ni carl nakita ni menchie yung estudyante na naka tattoo sa bandang kanang ibaba ng dibdib ni carl papunta sa tagiliran nito, sa may bandang tadyang. "Ano tinitiganan mo dyan?" tanong ni carl pag-lapit nito kay menchie sabay ngiti at nilingon niya ang ibabang parte ng kanyang katawan "Yang tatz mo, hindi ka pa talaga nakuntento na isabit sya sa mga ding-ding ng bahay mo, talagang nilagay mo pa sya dyan." nangingiting wika ni menchi. Tiningnan naman ni carl yung tattoo nya. "Sobrang mahal mo sya noh." dagdag pa ni menchie. "Naniniwala kasi ako na sya yung babaeng hinugot sa tadyang ko." sambit ni carl at ngumitin. "Ang swerte nya, kasi sobrang loyal mo talaga sa kanya kahit pa seventeen years na kayong hindi nag kita eh sya parin talaga yung gusto mong mahalin." wika ni menchie. "I don't know, karma na siguro to sa ginawa kong pambubully sa kanya nung grade school kami." sambit ni carl. "Karma din yan sa lahat ng babaeng nasaktan mo." sambit ni menchie. "Nasaktan? Wala akong sinasaktan, diba sinabi ko na sayo, na malinaw sa kanila na wala kaming label." depensa ni carl. "Pero meron nga sa mga yon na minahal ka. Pero dahil sabi mo na no label, tinago nalang nila, so nasaktan mo padin sila, nang hindi mo alam." sambit ni menchie. "Sila? Nila? parang ang dami naman non." sambit ni carl. "Wacky, sa dami nila imposibleng isa lang ang nag mahal sayo sa mga yon noh." sambit ni menchie. "Ewan ko sayo halika na lumangoy ka na." wika ni Carl. Matapos ng dalawang araw na bakasyon nila sa launion ay uuwi na sila sa quezon city. "Ganda ng ngiti mo ah, trip mo din yung nag pakilala sayo noh?" natatawang tanong ni carl. "Medyo, mukha naman syang mabait, actually, magka chat na kami." kinikilig na sambit ni menchie. "Ano? Ang bilis naman, hindi ka man lang nag pakipot. Mag pakipot ka naman, uy." natatawang wika ni carl. "So naka moved-on ka na talaga kay luis ah. Great!" dagdag pa nito. Kinikilig na tango ni menchie, "akala nung g**ong luis na yon di ko sya kayang palitan. Hm!" wika ni menchie. "Sige, susuportahan kita dyan, deserve mo maging masaya." wika ni carl. Hindi alam ni menchie kung saan nang gagaling ang saya nya ng makikilala si Lucas. Naging dahilan ito ng madalas na pag labas nya na hindi si carl o ang mag asawang menchie at jazper ang kasama nya. "Nolan!" wika ni Carl pag tapik nya sa balikat ng bestfriend pag dating sa isang bar sa timog. "Oh, shot na." sambit ni nolan sabay abot ng baso na may alak kay carl. "Game!" sambit ni carl at kinuha ang baso na inaabot ni nolan at umupo. "Hi nolan!" sya ding pag bati ni Menchie at umupo sa couch sa tabi ni carl. "Oh, hi, kasama ka?" tanong ni nolan. "Okay lang bro, safe yan." sabay ngiti ni carl. "Pano ka makaka bingwit ng chiks nyan ngayon?" tanong ni nolan sabay tingin kay menchie. "Kaya parin naman ah, tsaka si Menchie lang yan." sambit ni carl at ngumiti kay menchie. "Oh anong nang yari?" tanong ni Carl. "Ta***a bro, si sally, nakikipag hiwalay, dahil hindi na daw nya ako mahal." sambit ni nolan sabay buhos ng luha. "Ha? paano? I mean paanong nang yari? Ang tagal nyo na, since highschool pa." gulat na tanong ni carl. "Yun na nga bro eh, nag sawa na daw sa akin eh, bigla-bigla, okay pa lang kami kahapon tapos ngayon nakikipag hiwalay na." lumuluhang sambit ni nolan. "Kahit ako bro hindi ko alam kung paano eh." dagdag pa nito. Si menchie ay naka tingin lang kay nolan at awang awa sa nakikitang pag luha nito. "Sabi pa nya bro meron na daw syang ibang mahal. Tangina bro, pwede pala yon?" wika ni nolan habang nag pumupunas ng mga luha. "Nasan na sya?" tanong ni carl. "Umalis na kanina, pinigilan ko, pero ayaw mag papigil eh. Ginawa ko naman lahat ah, binigay ko lahat." patuloy parin sa pag iyak. Hindi alam ni Carl ang sasabihin sa kaibigan dahil hindi pa naman sya nakaranas ng ganitong sitwasyon at pakiramdam. "Sorry menchie, nakkikita mo akong umiiyak, para ba akong hindi lalake sa ginagawa ko ngayon? Hindi ko na kasi kaya eh." wika ni nolan at nilingon si menchie. "That's okay, iiyak mo lang yan, hindi porket umiiyak ka ngayon eh hindi ka na lalake. Hindi kabawasan sa pagkalalake ang pag iyak. Minsan nga mas nakaka-dagdag pa sa pagka lalake ang pag iyak, kasi ang pag-iyak ay pag amin sa tunay na nararamdaman, at ang pag-amin sa tunay na nararamdaman ay pagiging matapang. Kaya go iiyak mo lang yan ng iiyak hanggang sa maubos at mapagod ka. Kasi pag napagod ka na, duon mo marirealize na, hindi sya worth it iyakan. Hindi mo deserve maranasan yan, so mas aayusin mo yung sarili mo." mahabang sambit ni Menchie. "Sa tingin, mo bakit nya nagawa yon kahit naibigay ko naman lahat, kahit ginawa ko lahat. Bakit nagawa nya paring mag-loko at mag mahal ng iba?" tanong ni nolan. "Alam mo sa love naman, kaya mong gawin lahat eh, ibibigay mo lahat sa taong mahal mo, kung kaya mo lang sungkitin ang stars gagawin mo at ibibigay mo sa kanya, because that's love. Pero kahit lahat na gawin mo, lahat na ibigay mo, nang yayari din naman talaga na mawawala ang pag mamahal ng taong mahal mo, pero choice nya yon, na hayaang mawala ng tuluyan ang pag mamahal nya sayo. Kasi kung ayaw nyang mawala ang pag mamahal na yon, titignan nya lahat ng magandang sides, yung pinag-samahan at pinag-daanan nyo ng matagal, yung anak nyo. Isipin mo nalang, pag may nawala may dadating na kapalit, yung mas higit, yung taong mas mamahalin ka, mas aalalagaan ka at ang nararamdaman mo." sambit ni Menchie. "I'm not expert, nasasaktan din ako, nagiging tanga, maraming beses pa nga. Yon eh, opinyon ko lang naman. Pero pag nasaktan ka at naging tanga sa pagibig, sa susunod na pag ibig na dadating sayo, mas matatag ka na at mas tatapang. Sa susunod na heartbreak mo, hindi na ganyan kalala yung pag iyak mo. Sa una lang naman lahat masakit diba?" dagdag pa ni Menchie. Namangha si carl sa mga narinig kay menchie. Na ang isang happy go lucky sa buhay at marupok naman sa buhay pag ibig ay makakapag salita mg mga ganoon. "Thanks menchie, ewan ko ba bakit ba pinapunta ko pa dito toh si carl, kung alam ko lang sana, ehdi ikaw nalang pinapunta ko dito." wika ni nolan at halatang pinipgilan ang pag tawa habang lumuluha. "Hindi na ba ako kailangan dito? Uuwi na ako." nangingiting wika ni Carl. "Pero salamat mench, kung hindi kita sinama, iiyak nalang to ng iiyak, kasi hindi ko alam sasabihin ko para mapagaan paki ramdam nito eh. Wala naman kasi akong alam sa ganyan eh." wika ni Carl. "Buti nalang din pinag bigyan ako nito ni menchie, busy to eh." dagdag pa ni carl. "Busy saan? Prinomote na ba sya ni ate cheska?" tanong ni nolan. "Busy sa pag-ibig, pumapag-ibig nanaman eh." sambit ni carl. "Buti pa si menchie, pumapag-ibig nanaman. Ikaw kasi antay ka ng antay sa wala. Ni hindi mo nga alam kung buhay pa yon, malay mo patay na pala yon. Tatanda ka nalang ng kakaantay sa wala." sambit ni nolan. "Alam mo bro, ikaw yung may problema, hindi ako, maganda nyang nararamdaman mo, iiyak mo sa gilid ng dagat. Si menchie ganyan yan, ayan naka hanap ng pag-ibig. Malay mo maka hanap ka din don ng bago." sambit ni carl. "Sir**lo! Ikaw nga na gradeschool mo pa huling nakita hindi ka maka move-on ako pa na matagal kaming nag sama ni lily. Walang ganon satin na madaling mag palit ng mahal." sambit ni nolan. "Ehdi gayahin mo ako, laro lang ng laro." sambit ni carl. "Ikaw nalang!" natatawang sambit ni nolan. Pauwi na si menchie at carl, "Wacky, sa dami mong naikamang babae,-" "Hey, anong naikamang babae?" mabilis na tanong ni carl. "Naikama ba nasabi ko? Sorry, I mean, sa dami mong nasakamang babae-" "Mench, umayos ka, papababain kita ng sasakyan ko." natatawang putol nanaman ni carl kay menchie. "Ano ba wacky, napaka bingi mo, sabi ko, sa dami ng nakasama mong babae. Nakasama, wacky." natatawang sambit ni Menchie. Hinawakan ni carl ang batok ni menchie, "Ang linaw ng pag kakasabi mo mench." natatawang wika ni Carl. "Ewan ko sayo, bingi, sabi ko, sa dami ng NAKASAMA mong babae, pano kung isa na pala doon si M.G." wika ni menchie. "Wala sa kanila si M.G." sambit ni carl. "How did you know? Natanong mo ba sila? Nakwento mo ba sya sa kanila?" sambit na patanong ni menchie. "Hindi! hindi ko kailangan ikwento sa kanila at tanungin pa sila." sambit ni Carl. "Eh pano mo nga nalaman na wala sa kanila yang si M.G?" "Mararamdaman ko yun!" sambit ni carl. "Mararamdaman, ano ka apo ni madama awring?" natatawang tanong ni carl. "Basta, mararamdaman ko yon! Mararamdaman ko kapag kaharap ko na sya. Lalo pagkasama ko na sya." sambit ni carl. "Ehdi goodluck! Sana nga maramdaman mo kung sya na nga ba talaga yung makakaharap mo." natatawang wika ni menchie na para bang nang aasar. "Ewan ko sayo, ayan na bahay mo. Bumaba ka na!" wika ni Carl. "Aha ha ha ha, BYE!" wika ni menchie sabay baba ng sasakyan. "Wacky, hindi ako pwede, may date kami lucas. Next time nalang." sambit ni menchie kay carl sa kabilang linya na kinukulit syang sumama sa CLAN. "Wala na akong fan dito." sambit ni carl. "Bawi ako next time. Promise!" sambit ni menchie na nag mamadali na sa pag gayak para sa date. "Ilang next time na yan ah." sambit ni carl. "Next week, promise!" "Ilang next week na din yan mench." sambit naman ulit ni carl. "Sorry na!" babawi talaga ako. Lumipas pa ang mga linggo na hindi na sila nag kikita ni carl, pag pinupuntahan sya ni carl sa bahay ay wala sya. "Bro!" wika ni nolan ng madatnan si carl na tila malalim ang inisip. "Yes?" tanong ni carl. "Tulala ka dyan?" tanong ni nolan. "Wala!" sambit ni Carl. "Bakit nahanap mo na ba si M.G.?" tanong ni nolan. Walang imik si Carl at naiiling. "Huy! Narinig mo ba ako?" tanong ni nolan sabay tapik kay carl. "Ha?" tanong ni carl. "Ta***na bro, hindi ka okay, alam ko." wika ni nolan. "Ewan, naiinis ako kay menchie." sambit ni Carl. "Bakit? Anong ginawa nya?" tanong ni nolan. "Simula nung nag-kita tayo sa bar, napaka tagal mag reply sa mga message ko, pag nag reply, kung hindi yes, oo, okay or wait ang reply." sambit ni carl. "Eh sabi mo nga busy sa pag-ibig, diba?" sambit ni nolan. Halos apat na linggo na ang lumipas simula nag kita sila sa bar. "Ta**na, nakilala nya lang yon, nakalimutan na nya na may ibang pang tao sa paligid nya, na may mga kaibigan sya." wika ni carl. "G**o bro, nag seselos ka ba?" tanong ni nolan. "Hindi noh, naiinis lang ako." sambit ni carl, "nakakainis lang na ako nga lagi ko sya inuuan, kahit gaano ako ka busy, even if I'm with someone." sambit ni carl. "You know what bro, you're jelous." sambit ni nolan. "No, I'm not!" "Yes, you are!" diin ni nolan. Menchie's side: "Girl, kamusta naman kayo ni lucas?" tanong ng kaibigang si anne habang nag iinuman sa isang bar sila menchie at kaibigan pang si jenna at moneth. "We're good!" sambit ni menchie sa mga kaibigan. "Good? Good lang? Eh bakit parang hindi ka naman happy sa kanya? kasi kung happy ka sa kanya hindi ganyan ang energy mo sa pag sabi ng, we're good. Walang buhay." tanong naman ni moneth. "I don't know!" sambit ni menchie. "Hay nakuh, bakla ka, ang sabihin mo, hindi ka masaya kay lucas kasi si Carl ang talagang nag papasaya sayo. Napaka plastik mo girl." wika ni jenna. "Bakit kasi hindi mo pa aminin kay Carl yung nararamdaman mo?"tanong ni anne. "Girls, hindi nga pwede diba? Hindi pwede maging kami Carl." sambit ni menchie. "Dahil ayaw ng ate nya?" tanong ni jenna. "Bukod sa iniisip ko si ate cheska, eh, imposible namang magka gusto sa akin si Carl noh, unang una, ang mahal non eh yung babaeng nakatattoo sa tadyang nya, pangalawa, magaganda ang trip non, kahit nga malisya hindi mag kakamalisya sa akin yon kasi mga chiks talaga trip non noh." sambit ni menchie. "Kaya ba iniiwasan mo si carl, dahil nahuhulog ka na sa kanya?" tanong ni moneth. "Oo, at kahit yung ate ni carl eh iniiwasan na nya." sambit ni jenna. "Syempre, mapapansin ako ni ate cheska, we've been friends for more than two years now, madalas kaming magkasama, kaya nakabisado na ako nun. At si carl, lahat naman mahuhulog sa kanya noh, parang ang perfect kaya nya. Sobrang gentleman pa, maalaga, lahat." sambit ni menchie. "Eh, hindi ba mas mapapansin ka nila sa pag iwas mo sa kanila? Lalo kay ate cheska na sabi mo nga na kabisado ka na." sambit ni moneth. "Oo nga girl!" wika ni jenna, "alam nyo itong kaibigan nyo pag sabihan nyo ah, minsan hindi ginagamit yung utak eh." dagdag pa nito. "Gaga! Naiisip ko din yon, pero ang mahalaga, hindi muna kami mag kita ni Carl para matigil tong kahibangan ko, at binabaling ko lahat kay lucas, mapansin man nila lalo ni ate cheska at kuya jazper at least alam nila na pinipili kong umiwas para mawala yung nararamdaman ko." sambit ni carl. "BRO, MAY hinahanap ka ba?" tanong ni alvin kay carl matapos ang isang kanta nila sa CLAN. "Wala!" "Si menchie?" tanong ni larry. "Wala nga akong hinahanap!" inis na sambit ni carl. "Ehdi wala!" nang aasar na sambit ni Nolan. Matapos ang mga kanta ng banda nila carl ay naupo sa isang lamesa si Carl at tumungga ng bote ng alak. Umiiling na lumapit ang mga kaibigan ni Carl. Binagsak ni alvin ang isang kamay niya sa kaliwang balikat ni carl, "it seem's that you're inlove." wika ni alvin. "Hindi! Nasanay lang ako na andyan lagi Menchie." sambit ni carl "You know what, pwede mong lokohin yung sarili mo, but not us. Ngayon ka lang namin nakitang ganyan, kaya alam namin, that you're inlove with her." wika ni alvin. "Akalain mo yun? All this years akala natin si M.G lang makaka pag unlock dyan sa puso mo, pero na unlock ni menchie." sambit ni larry. "Hindi pwede guys." sambit ni carl. "Hindi pwede? Dahil sabi ni ate cheska at kuya jazper, bakit sila ba nakakaramdam ng nararamdaman mo?" sambit ni alvin. "Labas ako dyan guys ah, basta ako, ate cheska ako." sambit ni nolan. "Sino ba bestfriend mo bro? I'm not informed na si ate pala ang bestfriend mo." sambit ni carl "Ikaw ang bestfriend ko, pero, kung susundin mo yan at masaktan mo si menchie, pwedeng mawala ang friendship ni ate cheska at menchie. Ang ganda pa naman samahan nila, tapos magagalit sayo si ate cheska at kuya jazper." sambit ni nolan. "Bakit naman nya sasaktan si menchie, eh if ever first girlfriend nya si menchie, official first love." sambit ni Alvin. "Oo, andon na tayo, but carl will always be carl. Tumira lang ng babae ang alam, hindi kayang mag mahal." sambit ni nolan. "Si***lo!" "Sasabihin mo kaya mong mag mahal, kasi si MG, mahal na mahal mo, at mamahalin mo at hindi mo sya kayang ipag palit? Pero, hindi ka pa nakapag pakita ng talagang pag mamahal sa talagang andyan bro. So, hindi kami sure, if you're really capable of loving someone, and maybe yan din ang iniisip ni ate chesk at kuya jazper." sambit ni nolan. "G**o!" sambit naman ni carl. "So, prove your self carl!" sambit ni larry. "Hindi ko nga ako in-love kay menchie, ano ba kayo? friends lang kami, friend lang tingin ko sa kanya. Nasanay na lang talaga ako na she's always there." sambit ni carl. "G**o! bahala ka nga dyan!" sambit ng mga kaibigan sabay talikod sa kanya paalis. "Mas mga g**o kayo! Bahala din kayo!" pasigaw na sambit din ni carl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD