Sa ilang linggo na lumipas ay hindi parin nag kikita si carl at menchie. At tila balabis na ang pangungulila ni carl kay menchie.
"Bro, bakit ba hindi mo kayang aminin sa sarili mo na mahal mo na si menchie? Ganon ba talaga kahirap?" tanong ni nolan, habang nag nag sisigarilyo sila sa smoking area sa kanilang opisina nila.
"Bro, pano kung biglang bumalik sa buhay ko si M.G na commited na ako sa iba? Ehdi balewala lahat ng pag hihirap ko." wika ni carl.
"Bro, kung mang yari yun, ibig sabihin hindi kayo para sa isa't isa. Sabi nga ni menchie sa akin, diba, pag may nawala may papalit na mas higit, eh kung bumalik si MG na commited ka na sa iba ibig sabihin mas higit yung tao na kung kanino ka commited. Tsaka, yan na yung matagal mong gusto diba? Makalaya yung puso mo, na matagal ng kinulong ni MG. Tsaka bakit ba, antay ka parin ng antay, ang tagal na nun bro, kung mag kikita kayo, sana noon pa, hinanap na natin sa ym, skype, friendster, sss at IG, kahit nga sa google diba? kaso wala eh. Tsaka hindi talaga natin mahahanap yung tao na initial at pang-asar lang noong grade school ang naaalala at alam mo sa kanya. Kaya sabi ko sayo wag ka ng umasa." sambit ni nolan.
"And just admit to your self, that you're really inlove with menchie. Subukan mong tumaya sa nararamdaman mo kay menchie. Hindi masamang sumugal, malay mo jumackpot ka!" dagdag pa ni nolan.
Pinag-isipan mabuti ni carl sinabi ng kanyang kaibigan ng ilang araw. Gusto nga ba nyang sumugal sa nararamdaman nya kay menchie, or patuloy sumugal sa tadhana, na pag tatagouin rin silang muli ni MG.
Hindi na kinaya ni carl ang mga nararamdaman nya kaya minabuti na nyamg tanungin ang ina nya na sa tingin nya'ng mas may alam sa buhay pag-ibig.
"Hi mom!" pag sagot ng mommy ni carl at cheska na si beatrice sa video call.
"Son, finally, naalala mo rin kami ng daddy mo." sambit ni batrice.
"Mom, busy lang talaga, sorry." wika ni carl na mababatid sa kanya mukha na sya ay balisa.
"Himala hindi ka busy ngayon." wika ng ina na tila nag aalala sa anak sa nakikitang lungkot at pag-kalito sa mga nito.
"Mom, I really missed mench. Matagal-tagal na din kasi nung huli kaming nag kita ni mench eh." malungkot na wika ni carl.
"Bakit? Eh, kahit pano naman yata ay nag kakausap naman kayo hindi ba?" sambit ni beatrice nakakausap din naman ni menchie.
"Mom,-" sambit ni carl at huminga ng malalim. "I don't know."
Bilang ama ni carl ay halata nito sa anak na may iba itong nararamdaman sa mga sinasabi, "Son, it's seems that you're in-love." sabat ng ama na si Chris.
"Of course not dad!" sambit ni carl.
"Son, admit it! Bakit ba takot na takot ka main-love? Dahil ba iniisip mo na si MG ang mahal mo at hindi mo kayang ma-in-live sa iba? How are you sure that you're inlove with her, eh hindi mo na nga sya nakikita ng matagal na panahon, at bata pa kayo noon." sambit ni chris
"Open your heart to others, open your heart to mench. Malay mo naman. Mabait si menchie, maganda naman sya, napalapit na sya sa amin ng mommy mo, lalo sa ate mo. Matutuwa kami kung magiging girlfriend mo sya." dagdag pa nito.
"That's the problem dad. Hindi papayag si ate at kuya jazper." sambit ni carl.
"Pano mo naman nasabi yan? at bakit mo sila iisipin, son, sa tagal na panahon, ngayon ka lang nakaramdam ng ganyan, why don't give a chance to your self na mag mahal?" sambit ng ama.
"Yes son, suportado ka namin dyan, kaming bahala sa ate mo at kay jazper." sambit ng ina nag-aalala din sa anak.
"Thanks mom and dad!" sambit ni carl
Matapos ng pag uusap ni carl at kanyang ama at ina ay tinawagan ng kanyang mga magulang si cheska thru video call.
"Cheska, are you busy?" tanong ng ina.
"No mom, why, is there a problem?" tanong ni cheska.
"Yes, you're brother." sambit ni beatrice.
"Why, what happened? Is he okay?" tanong ni cheska na biglang nakaramdam ng kaba.
"Nothing, in-love lang naman kapatid mo." wika ng ina.
"Oh, great! Who's the lucky girl?" masaya na nagulat si cheska dahil wala naman syang ibang gusto kung hindi mag-karoon ang kapatid ng mag-mamahal rito at mamahalin rin niyo. Pero nakaramdam sya ng bahagyang takot dahil ang alam lang naman nyang madalas makasama ng kapatid nya ay si menchie.
"Si menchie." sambit ng ina.
"Mo-m! that is not a good joke." sambit ni cheska.
"Menchie is my friend, she'not just a friend to me, para ko na syang kapatid. At hindi ako papayag na sisirain lang ni carl yuon." dagdag pa nito.
"Pero nakita namin sa mga mata ng kapatid mo na seryoso sya sa sinasabi nya, mahal nya talaga si Menchie." sambit ni beatrice.
"Mom, kilala ko si carl, kahit pa maging girlfriend nya si menchie, makikipag kita parin yan sa kung sino-sinong babae. Masasaktan lang nya si menchie, at hindi na kakayanin pang masaktan ni menchie. Matindi ng sakit yung dinulot ni Luis sa kanya. Tapos pag nasaktan ni carl si menchie, anong mang yayari? Baka pati sa akin magalit si menchie." sambit ni cheska na tila ayaw talaga nya na magkaroon ng relasyon ang kaibigan at kapatid na si carl.
"Isabelle, give him a chance, before your brother and mench met, magkaibigan na kayo ni menchie, kung hindi man mag work yung magiging relationship nila, siguro naman hindi masisira yung friendship nyo. And besides hindi naman siguro idadamay ni menchie yung friendahip nyo sa magiging realtionship nila ng kapatid mo." paliwanag ng amang si chris.
"Pero may nanliligaw na kay menchie mom, mukhang okay naman si Lucas, magkasundo sila. Kaya nga lagi na silang magkasama eh." sambit ni cheska.
"Eh, hindi pa naman yata sinasagot ni menchie yung lucas eh. Tsaka hindi naman din tayo sigurado kung gugutuhin din ba ni menchie si carl. Ang sa amin lang Isabelle, hayaan mo muna yung kapatid mo na masabinkay menchie yung nararamdaman nya. kung bibugyan ng pag kakataon yung kapatid mo ehdi maganda. Kung hindi naman, wala ka ng dapat pang alalahanin." sambit ng amang si chris.
"I'm sure, hindi gugustuhin ni menchie si carl." sambit ni cheska. Tiwala sya sa mga sinasabi nya kahit hindi din naman sya sigurado dahil kahit pa sinasabi ni menchie na madalas nitong kasama si lucas ay hindi rin naman nya nakikitaan si menchie ng mga picture na talga ngang madalas nyang kasama si lucas. At nakitaan naman din nila ng asawang si jazper ng kakaibang pagtingin si menchie kay carl.
"Isabelle, hayaan mo muna sila. please!" paki-usap ng ama.
"Oh my God. Okay, let's see!" sambit ni Cheska.
Hindi alam ni cheska ang mararamdaman para sa kapatid at kaibigan. Gusto ni cheska na magkaroon ang kapatid ng mamahalin at mag mamahal dito pero takot syang masaktan ng kapatid ang kanyang kaibigan na para naring kapatid.
"Carl jauquin." wika ni cheska ng nakita sa opisina ni menchie si Carl.
"Ate." sambit ni carl na tumayo sa pag kakaupo sa swivel chair ni menchie.
"What are you doing here? May lakad kayo ni Menchie? Ang aga pa, nasa laspiñas pa yon." wika ni cheska.
"Wala naman, inaantay ko lang sya, matagal na kaming di nag kikita eh, laging busy eh." sambit ni carl.
"Busy kay lucas eh." nangingiting sambit ni cheska. "Before five andito na yon." dagdag pa ni cheska sabay ng pag labas ng opisina ni menchie.
"Ate!" tawag ni carl.
Bumalik si cheska at dumungaw lang sa pinto. "Sa office tayo." wika ni cheska at lumakad papuntang opisina nya. Sumunod naman si Carl, at pag pasok ni carl ng opisina ni cheska ay nakita si nya si cheska na naka upong inuugoy ang swivel chair. Tumingin ito sa kanya, "May hindi ba ako alam na dapat kong malaman?" tanong ni cheska na tila ba walang alam ng tunay na sadya ni carl kay menchie.
"Ah, ate," huminga ng malalim si carl. Hindi naman umimik si cheska at inaantay lang kapatid mag salita pa.
"Ate, for how many weeks na hindi ko nakikita at nakakasama si menchie, I always think of her, and I think I'm inlove with her." wika ni carl.
"Pero may lucas na sa buhay nya, Carl Juaquin." walang emesyong sambit ni cheska.
"Pero hindi pa naman sila eh." sambit ni carl.
"I don't think that's a good idea." pinipigil ni cheska na lagyan ng emosyon ang mga salita nya.
"Hindi to idea lang ate, ito yung nararadaman ko sa kanya. I'm in-love with menchie ate." sambit ni carl.
"I doubt carl." sambit ni cheska.
"To be honest kahit ako hindi rin mapaniwalaan ang sarili ko. Pero please ate, baka pwede maniwala ka sa akin, ngayon lang. Di ba tinatanong mo kung kailan ba ako titino, baka ito na yon. Tinatanong mo kailan ako makaka kilala ng mag papatino sa akin, malay mo si menchie na yon." paki usap ni carl. . Natahimik si cheska at bahagyang nag-isip, huminga ito ng malalim, bahagyang inilapit ang swivel chair sa lamesa, pinatong ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa at pinagtagpo ang mga palad.
"Nakikita ko naman yang sincerity mo ngayon, Carl Juaquin, but if you make a mistake, I'm not on your side." wika ni cheska.
"I know, and I understand. Thank you." sambit ni carl. Hindi parin naman talaga naniniwala si cheska na kayang mag mahal ng kapatid nya dahil sa dami ng babae na nakasama ng kapatid ay ni isa doon ay wala itong minahal o kahit nasabing girlfriend man lang. Pero gusto nyang paniwalaan ang mga nakikita nya ngayon sa kapatid nya.
Pag balik ni carl sa opisina ni menchie ay kakarating lang din ni menchie, "Carl!" gulat na wika ni menchie.
"Yes maam, kanina pa po si sir carl dito." wika na sekretarya ni menchie sabay talikod ng sekretarya. Ngumiti naman sa sekretarya si Carl.
"Ha? Bakit? May problema ka ba?" tanong ni menchie na umiiwas ng tingin kay carl.
"Ang tagal mo na kasing hindi nag papakita. Hindi ko alam kung okay ka lang ba." sambit ni carl.
"Syempre okay lang ako noh, ano ba?!" sambit ni menchie "actually, plano kita puntahan sa bahay mo pag out ko, tatawagan palang nga sana kita oh." wika ni menchie sabay pag angat ng hawak ng telepono at hinarap kay carl para mag dahilan kahit wala naman talaga syang balak na puntahan o tawagan ito. "Hindi mo naman na kailangan pang pumunta dito, kalerki ka." nakangiting dadag pa ni menchie.
"Bakit, bawal ka na ba puntahan dito?" tanong ni carl.
"Hindi naman, pero bakit, ganon mo na ba ako kamiss?" sambit ni menchie sabay tawa.
"Wala, inabangan lang talaga kita para hindi ka na maka tanggi o maka pag dahilan, kasi invite sana kita mag dinner sa bahay, ako mag luluto." sambit ni carl.
"Su-re-" hindi siguradong sagot ni menchie na nag iisip ng maiidahilan para makatanggi.
"Ah pe-," agad na pinutol ni carl ang sasabihin ni menchie.
"Pero susunduin ka ni lucas? Isama mo." sambit ni carl.
"Ah, eh," wika ni menchie na nag iisip padin ng maiidahilan kay carl. Let's go?" tanong ni carl.
"Ta-ra-" gusto paring kumawala ni menchie sa pag-aaya ni carl. "Wait lang, daan muna ako sa office ni ate cheska mag papaalam." wika ni menchie at lumakad papunta sa opisina ni cheska.
"Ate, si carl, nag-aaya mag dinner, sa bahay nya, sama kayo?" wika ni menchie pag-dungaw nito sa pinto ng opisina ni cheska.
"Kayo nalang, sige na, go." sambit ni cheska.
"Sure?" tanong ni menchie na gustong paniwalain si cheska na kaswal lang ang lahat.
"Yeah, enjoy!"
Pinag buksan ng gate ng isang kasambahay ang convoy na sasakyan nila ni menchie at carl, pag baba ni menchie ng kanyang sasakyan ay agad syang binati ng kasambahay, "hello Ms. Menchie."
"Hi! Kamusta kayo? Mabait ba yung amo nyo sa inyo?" bati at tanong ni menchie habang nag lalakad sila papasok ng bahay ni carl. Si menchie kasi ang nag background check sa mga kasambahay ni carl at nag approve.
"Ay opo, mabait yan si boss." sambit ng kasambahay na nag bukas ng gate na may pagka boyish na si rona.
"Ilang babae na dinala ng boss nyo dito?" tanong ni menchie na nangingiti na para bang inaasar si carl.
"Bal*w!" malakas na wika ni carl.
"Ay, wala maam dinadalang babae si boss dito, ni wala ngang pumupuntang babae dito, bukod sa inyo ni Ms. Cheska." sambit nito.
"Ay, na-train!" wika ni menchie.
"Bahala ka jan!" wika ni carl at umakyat sa kanyang silid para mag bihis.
"Ms. Menchie, sobrang miss na kayo nyan ni boss. Ilang linggo na yan malungkot, kasi ang tagal nyo na daw hindi nag papakita sa kanya." wika ni rona.
"Oy rona, ano anong kunukwento mo dyan kay Ms. Menchie." wika ng isa pang kasambay na si aling ida.
"Hay nakuh aling ida okay lang yon, tsaka wag nyo na nga ako tawaging Ms. Menchie, menchie nalang. Ang tagal ko ng sinasabi sa inyo yan." wika ni menchie.
Pag baba ni carl ay agad na dumeretso sa kusina para mag luto ng pangako nyang hapunan kay menchie. At matapos mag luto ay dinala ni carl at mga kasambhay ang mga niluto ni carl para roon mag hapunan sa bandang likod ng bahay ni carl papuntang swimmingpool. At may tig dalawa silang bote ng beer.
"Kamusta naman kayo ni lucas?" tanong ni carl habang nag hahapunan sila.
"Ayun, ayos naman." sambit ni menchie.
"Dapat lang, kasi sya na yung mas gusto mo laging kasama, kesa samin nila ate at kuya jazper." sambit ni carl.
"Uy, selos yarn?" nang aasar na wika ni menchie. Pero ang totoo, hindi din naman nya madalas kasama si lucas, dahil nabuburyong sya pagkasama nya ito, masyadong pormal at kaswal, samantalang sya ay maligalig at magaslawa. "Wag ka mag alala, dadalas dalasan ko na ulit sumama sa inyo, nakakasawa din naman kasama si lucas eh." dahilan ni menchie.
"Bae-" wika ni carl sabay lapag ng kutsara at tinidor sa plato. Tiningnan sya ni menchie, "Hm?"
"You know what bae, nag selos talaga ako eh. Nag seselos ako pag kasama mo si lucas. Pag alam kong kasama mo sya at hindi kita kasama, iniisip ko palang na si lucas ang kasama mo at hindi ako, nag seselos ako." naninibago si menchie sa pananalita ni carl.
"Hoy, anong pinag sasasabi mo? Puro selos lang naintindihan ko." sambit ni menchie na papataas pa ang kilay sa pag tatakha. "Okay ka lang?" tanong pa ni menchie.
"Okay lang ako, pero nag seselos talaga ako. Kasi mahal na kita mench!" sambit ni carl.
"Hoy wacky, wag mo akong pinaprank ah, kilala na kita." sambit ni menchie na gusto nya sanang kiligin pero pinipigilan nya ang sarili nya na maniwala sa mga sinasabi sa kanya ni carl
Lumuhod si carl sa harap nya, "Seryoso ako mench, mahal na kita, naiintindihan ko kung bakit hindi ka naniniwala, kasi ako din nga hindi naniniwala sa sarili ko na nararamdaman ko to eh. Akala ko kaya lang kita gustong alagaan dahil mahalaga ka sakin dahil kaibigan kita, pero, sa more than two months na hindi kita nakikita at nakakasama, naging malinaw ang lahat sa akin, I really want to take care of you because, I'm in-love with you." wika ni carl na puno ng pag mamahal at ang mga mata ay nangungusap.
Ayaw ni menchie na maniwala sa mga naririnig nya, kahit pa sa ilang beses nyang nakasama si carl ay hindi nya ito nakitang ganito sa mga nakakausap na babae.
"Oy wacky ah, wag mo akong pinag ti-tripan, hindi maganda yan. Isusumbong kita kay ate cheska. Ito na tatawagan ko na sya." sambit ni menchie sabay kuha ng cellphone sa bag nya para takutin ito.
"Go, call her. She knows about this. Alam nya na, na mahal kita." sambit ni Carl.
"Ha pe-pero-"
"Hindi mo ba ako gusto mench? Ayaw mo ba sa akin?" tanong ni carl habang naka titig sa mga mata ni menchie.
"Ah, eh, carl-"
"Ano hindi mo manlang ba ako gusto kahit konti mench?" tanong ni carl.
"Carl kasi," hindi alam ni menchie ang isasagot kay carl.
"Menchie, hindi mo ba ako gusto? Nung mga oras, araw, linggo at buwan na magkasama tayo madalas, hindi ka ba nahulog din sa akin?" sambit ni carl na pilit pinipigil ang mga luha at hindi inaalis ang tingin sa mga mata ni menchie habang hawak ang mga kamay nito at naka luhod parin sa harap nito.
Huminga ng malalim si menchie at tumulo ang mga luha, "Carl, gusto kita, gustong gusto, minamahal na din kita, hindi kami madalas na mag kasama ni lucas, naging dahilan ko lang yun para hindi mo ako o hindi nyo ako mapilit ma sumama sa inyo, dahil gusto kong pigilan tong nararamdaman ko. Kasi alam ko imposible tong nararamdaman ko. Tsaka ano nalang sasabihin ni ate cheska sakin." sambit ni menchie.
"Alam na ni ate cheska, napaliwanag ko na sa kanya. Wag mo na syang alalahanin." sambit ni carl at niyakap ng mahigpit ni menchie. Takot si menchie sa pwede kahinatnan ng relasyon nila pero ang tanging gusto nalang nya ng mga oras na yon ay damahin ang mga sinabi at yakap ni carl.
Kinabukasan ay nag punta sila sa bahay ng mag asawang cheska at jazper para opisyal na ipaalam ang kanilang relasyon.
"Basta mench, what ever happen sa relasyon nyong yan, wag na wag mong puputulin ang friendship mo sa amin ng ate cheska mo. Nakuh, mag aaway talaga yang dalawa na yan." wika ni jazper.
"Oo kuya jazper, ate cheska, hindi maapektuhan yung friendship natin kahit hindi to mag work." sambit ni menchie.
"Grabe kayo ah, bakit hindi mag wowork? Mag wowork to, akong bahala, because, I love her." sambit ni carl.
"You say so. Mench, masaya ako kasi mas nadagdagan yung dahilan na maging sisters tayo pero hindi ko parin alam hanggang saan aabutin yang realsyon nyo." sambit ni cheska.