Hard to risk the friendship over love.

3283 Words
Lumipas ang mga araw at linggo ay naging magaan ang relasyon ni menchie at carl. Naging masaya sila, yung tipong hindi na matatapos pa yung pag ibig nila sa isa't isa. Pero hindi din pala magiging ganuon kadali sa pag tagal na ang kanilang relasyon. "Carl, nalate lang ako sandali sa gig mo, bakit kailangan mo na agad makipag landian sa iba?" galit na wika ni menchie pag dating nila sa apartment niya at ibinagsak ang bag sa couch. "Mench, hindi ako nakikipag landian, nag tatanong lang yung babae. Masama bang sagutin yung tanong nya?" sambit ni carl na pilit humihinahon. "Wacky, hindi ako tanga. Kilala kita kung paano mo tignan ang babae kapag gusto mo tong landiin at tirahin." sambit ni menchie na puno ng puot. "Lagi nalang tayong ganto, you don't trust me." sambit ni carl. "Masisisi mo ba ako?" pasigaw na tanong ni menchie. "Yan ang hirap sayo, you always look back at my past. Bakit sa lahat ba ng pag dududa mo, may nakita ka ba? May napatunayan ka ba?" galit na sambit ni carl. "Wala!" pasigaw paring sbit ni menchie. "See! Wala! Kasi wala ka talagang makikita sa akin dahil wala akomg ginagawa. Masyado lang madumi yang utak mo." galit ng sbit ni carl. "Wala, dahil ayaw ko ng alamin, dahil alam ko naman na ako lang din ang masasaktan eh." lumuluha nh sambit ni menchie. "Problema mo na yon kung ayaw mong alamin kung nag sasabi ba ako ng totoo." pasigaw na ring sambit ni carl. "Nakakapagod kang mahalin, carl. Nakakapagod. Pagod na ako, pagod na akong ipaglaban tong nararamadan ko sayo." puno ng paghihinapis na wika ni menchie habang walang tigil pag agos ng luha niya. Parang may sumuntok sa dibdib ni carl at tila ba alam na nya ang kasunod na sasabihin ni menchie. Agad na ikinalma ni carl ang sarili, hinawakan nya ang kamay ni menchie at tinignan sa mata mga mata ito. "Bae, trust me, I am doing my best to make this realationship work. Wala akong masamang ginagawa, hindi ako nakikipag landian sa iba kahit wala ka. Hindi ko yung gagawin, hindi ko iyon magagawa, because I really love you." wika ni carl at hinalikan sa noo si menchie, niyakap nya ng mahigpit ito para iparamdam kung gaano nya ito kamahal. "Just trust me bae, please!" dagdag pa niya. "Sorry wacky, napaka hirap talaga mag tiwala sayo pero pilit sinusubukan." sambit ni menchie habang patuloy parin ang pag agis ng mga luha sa kanyang mga mata. "Bae, wag kang bibitaw please. Mas pagkatiwalaan mo pa ako, dahil promise hinding hindi ko iyon gagawin sayo. Ayaw ko ng ganito, ayaw ko ng nag aaway tayo. Nahihirapan ako, kasi sobrang mahal na mahal kita. Ayaw kitang nakikitang nag kakaganyan." sambit ni carl at yakap parin si menchie at inaalo. "Wax please wag mo gagawin sa akin yon." pakiusap ni menchie. "Yes bae, hinding hindi." sambit ni carl. Mahirap kay menchie ang pagkitawalaan si carl dahil nakita mismo ng dalawang mata nya paano mag palit palit ng babae sa araw-araw si carl, pero mas mahirap sa kanya ang hindi pagtiwalaan ito dahil sobra sobra nya itong mahal. Nag punta si menchie sa bahay ni cheska at jazper kinabukasan upang magsabi ng sama ng loob at ng nararamdaman, "Ayan na nga ang sinasabi ko, hindi talaga mag wo-work yang relatioship nyo, kasi, nakilala mo sya na ganoon, naKITA MO SYA KUNG GAANO SYA KADALI MAKAKUHA NG BABAE NA IKAKAMA NYA. So, hindi mawawala syo yung pag dududa sa kanya. Ayan mapilit kayo." inis na wika ni cheska. "Mench, andyan na yan. Ginusto nyo yan, pag subok lang yan. Why don't you try to give your hundred percent trust in him. That's the only key para mag work yang relasyon nyo." wika ni jazper. "Binibigay ko naman yung buong tiwala ko sa kanya kuya jazper, pero pag nakikita ko na sya na may kausap na babae, hindi ko maiwasang mag isip ng hindi maganda." sambit ni menchie na puno ng lungkot sa mga mata. "So, hindi parin hundred percent, because, when you say hundred percent, kahit pa sinong maganda at sexy ang kaharap ni carl, kahit si anne curtis pa yan. Super model or miss universe pa ang kaharap at kausap nya, hindi ka mag dududa." paliwanag ni jazper. "Mag tiwala ka lang sa kanya. Nakikita naman namin na mahal ka talaga nya eh. Pang hawakan mo nalang yun at yung nararmadaman mo sa kanya" sambit ni jazper. "Salamat kuya ah. Sobrang nahihirapan talaga akonsa nararamdaman ko." wika ni menchie. "Basta mench, we're just here. Alam mo na hinding hindi ko kakampihan at pag tatakpan si carl." wika ni cheska at niyakap at hinaplos haplos ang likod ng kaibigan. Umuwi na si menchie at inisip isip ang mga sinabi ng kaibigang si Jazper. Makalipas lang ilang oras ay si carl naman ang pumunta kila cheska at jazper. "Mench, just came here." wika ni jazper habang nag bubuhos ng alak sa dalawang baso para sa kanila ni carl sa mini bar sa kanilamg bahay malapit sa dining are. "Yes, she told me." sambit ni carl. "You can't blame her." simpleng wika ni jazper. "Yes I know. Pero sinabi ko naman sa kanya na wala syang dapat ipag-alala dahil wala akong kahit anong ginagawa. Pilit naman na akong lumalayo sa mga babae eh." sambit ni carl at tinungga ang baso na nilagyanan ni jazper ng alak. "Wag ka mag alala, kinausap ko na din sya. Maaayos nyo din yan. Basta wag mo lang sisirain ang tiwala nya." sambit ni jazper. "At sobrang mahal ka ni menchie, carl juaquin. Kasi kung hindi, wala syang paki-elam kahit ilan pang babae ang kalandian mo sa harap nya. Kaya sinasabi ko sayo carl, ayusin mo yan." sambit ni cheska. "Yes ate!" maiksing sagot ni carl. Mas naging maayos na ang relasyon ni carl at menchie. Nakaya na ni menchie na ibigay ng buong-buo ang tiwala nya kay carl kaya naging mas magaan na ang realsyon nila. Pero sa relasyon susubukin ka talaga ang puso, isip, pasensya, tiwala, nararamdaman, pag mamahal at lahat-lahat. "Carl!" tanging wikang nabigkas ni menchie ng makita si carl na may kahalikang babae sa hallway papunta ng restroom sa CLAN Bar. "Bae!" gulat na wika ni carl at itinulak ang babaeng kahalikan. "Ngayon na nahuli na kita, hindi ka na makakapag deny pa Carl." sambit ni menchie na lumuluha at para bang nilalamukos ang kanyang puso sa sakit ng nakita nya. "Bae." tawag ni carl kay menchie habang nag madali itong maglakad palabas ng bar. "bae, I can explain." sambit ni carl na hinahabol si menchie. "Explain? Anong explation nanaman ang meron ka? Nag tatanong lang nanaman yung babae? Na gaya ng lagi mong dinadahilan? F**k! Kitang kita ko kung paano ka makipag halikan sa babaeng yon. So hindi mo pwedeng sabihin ngayon na nag tatanong lang yon." lumuluhang sambit ni menchie at puno ng pag hihinapis. "Bae, sorry, hindi na mauulit, galing akong restroom, naka abang na pala yung babae sa pag labas ko. Hinalikan nya ako bigla eh. Bae, sorry!" paliwanag ni Carl. "S**t carl! F**k you! Hindi ako tanga carl." galit na galit at humahagulgol na sambit ni menchie. "Bigla ka nyang hinalikan, nasarapan ka kaya gumati ka na ng halik na parang aso na gutom na gutom sa laman? F**K! at mabikis na sumakay ng sasakyan at pinaharurot ito. Agad ding sumakay si carl ng kanyang sasakyan at sinundan si menchie. "Bae, I'm sorry! Believe it or not, ngayon lang nang yari yon. Hindi na mauulit. Promise! Mahal na mahal kita. Please sorry!" pag mamakaawa ni carl ng maka rating ito sa apartment ni menchie. Talaga nga namang nakakatanga ang pag mamahal. Mahal na mahal ni menchie si carl, hindi nya kayang mawala ito sa kanya, kaya kahit anong sakit ang nakita nya, nilunok nya nalang ang pride nya. Humarap sya kay carl, bumangon sa pag kakahiga at naupo, "Wacky, I love you more. Gusto kitang tiisin, gusto kitang hiwalayan peri hindi ko kaya na mawala ka, kaya kahit masakit, tinatanggap ko na yung sorry mo. Pero sana una at huli na yon. Please, kasi ang sakit sakit eh." wika ni menchie na punong puno ng pag hihinagpis. "Yes bae, una at huli na yon. Sorry bea!" sambit ni carl at niyakap ng mahigpit si menchie. "Sorry din sa mga nasabi ko wax, galit lang talaga ako." wika pa ni menchie at mas mahigpit na niyakap si carl. Ang tanging nararamdaman nalang ni mechie ng gabing iyon ay ayaw nyang mawala si carl sa buhay nya dahil sobra nya itong mahal. At kapag nag mahal naman talaga dapat handa ka laging masaktan kahit pa ng paulit ulit at tanggapin nalang ang lahat para hindi mawala sa buhay mo ang taong mahal mo. "Kamusta na kayo ni carl?" tanong ni cheska kay menchie habang nag rereport si menchie ng about sa mga stores ng chesque clothing, napansin kasi nito ilang linggo na din na hindi nag kukwento si menchie ng problema nya sa relasyon nila ni carl. "Ayos naman ate." maiksing sagot ni menchie, dahil nahihiya na sya rito ng kaka kwento ng problema sa realsyon nila ni carl. At alam na din naman nya ang isasagot nito na, I TOLD YOU SO. "Buti naman. Basta, pag may ginawa si carl, sabihin mo agad sa akin. Handa akong makinig, at gaya ng sinasabi ko sayo, hinding hindi ko sya kakampihan o pag tatakpan. "Thanks ate! Pero wag ka mag alala, okay na kami, nag titino na yung kapatid mo." sambit ni menchie kahit alam nya sa sarili nya na kasinungalinga alang ang sinasabi nya. Ganoon naman talaga sa pag-ibig eh, hanggat kaya mong kayanin ng mag-isa gagawin mo. At hinding hindi mo hahayaan na masira ang taong mahal mo sa paningin ng iba. Kaya kahit napapadalas ang pagkakahuli nya kay carl na nangba-babae "Girl!" tinawagan si menchie ng kaibigan nyang si moneth. "Yes girl, late na ah. May problema ka?" tanong ni menchie na nag aalala sa kaibigan. "Magkasama ba kayo ni carl?" tanong ni moneth. "Hindi, bakit?" nag tatakhang tanong ni menchie. "Eh kanina? Mga three PM?" tanong ni moneth. "Hindi, nasa valenzuela ako kanina. Bakit?" sambit ni menchie. "Si carl nasan daw sya kanina?" tanong ni moneth. "Girl, ano, mag geguesing nalang ba tayo? Bakit ba?" sambit ni menchie. "Eh girl-" tila hirap si moneth na umpisahan ang kanyang sasabihin. "Ano girl? Ano ba yon?" mas nag aalalang tanong ni menchie. "Girl, nakita ko si carl may kasamang babae-" "Imposible yan girl." mabilis na putol ni menchie sa sinasabi ni moneth. "Galing kasi ako sa break girl, tapos yung isang brand ang nag assist sa babae para sa brand na hawak ko. Hindi ako lumapit kasi nakita ko na si carl yung kasama nung girl." sambit ni moneth. "Sure ka ba dyan?" tanong ni menchie na nag pipigil ng nararamdamang sakit at galit. "Oo girl. Sure na sure ako. Okay lang ba kayo ni carl?" sambit ni moneth. "Oo naman. Baka friend, or staff sa office lang nila yung kasama nya tapos napadaan lang sa mall." sambit ni menchie. "Iba kasi yung nakita ko girl eh." puno ng awang sambit ni moneth sa kaibigan. "Ay nakuh girl, tatanungin ko nalang sya bukas. Okay?" sambit ni menchie na pilit pinipigil ang pag bagsak ng luha at nararamdaman nya. "Sige girl, good night." paalam ni moneth. "Good night, bye!" sbit pa ni menchie at hindi na napigilan ang pag buhos ng luha at sakit na nararamdaman nya pagka rinig nya na narealase na ang tawag ni moneth. "T****na carl! bakit? bakit kailangan mong gawin sa akin 'toh?" galit na galit at nag hihinagpis na mga wika ni menchie habang nilalamukos ng unan. "Hindi ka na talaga titino, hindi ka na talaga mag babago pa." Kinabukasan ay hindi sya pumasok ng trabaho, nag padala sya ng mensahe kay cheska. Pero agad sya nitong tinawagan. "Mench, are you okay?" nag aalalang tanong ni cheska. "Yes ate, masama lang talaga pakiramdam ko kaya parang hindi ko kaya mag byahe." sambit ni menchie. "Wait lang sinisipon ka ba?" tanong ni cheska. "Ah, yes ate." mabilis na sambit ni menchie kahit ang dulot ng ganoong boses nya ay ang mag damag nyang pag iyak. "Alam ba ni carl?" tanong ni cheska na puno ng pag aalala. "No ate, ayaw kong istorbohin si Carl. Busy yon, ang dami nilang project eh." sambit ni menchie. "Ay nakuh, ewan ko sayo. Pero okay ka lang ba?" sambit ni cheska. "Yes ate don't worry pahinga lang kailangan nito." sbit ni Menchie. Mayamaya lang ang dumating na si carl sa apartment ni menchie. May sarili itong susi kaya madali syang nakaka pasok sa bahay nito. "Bae, okay ka lang ba? Sabi ni ate may sakit ka daw kaya agad akong pumunta dito. Hindi ka manlamg nag sabi sakin, kung hindi pa ako tinawagan ni ate hindi ko malalaman." wika ni Carl habang dinadama ng palad ang noo at leeg ni menchie. "Eh alam ko kasing busy ka, okay lang naman ako eh. Wala akong sakit, masama lang talaga pakiramdam ko." sambit ni menchie. "May dala akong pagkain, kumain ka na muna. Tapos uminom ka ng gamot." wika ni carl. "Uminom na ako ng gamot, hindi ako nagugutom. Gusto ko lang mag pahinga." sambit ni menchie. Lumipat sa kabilang side ng kama si carl para harapin si menchie dahil ayaw nito pumaling papunta sa kanya. "Okay ka lang ba talaga bae?" tanong nito. "Yes I'm fine." sambit ni menchie na hindi makatingin kay carl. "Bae, umiyak ka ba? Anong nang yari? May problema ka ba?" nag aalalang tanong ni carl ng makitang namamaga ang mata ni menchie. "Hindi, baka sa sipon lang to kaya nagka ganto ako." sambit ni menchie. "Are you sure? okay naman tayo diba?" tanong ni carl na nag dududang umiyak si menchie dahil sa intsura ng mga mata nito. "Oo naman, bakit may dapat ba tayong maging problema?" tanong ni menchie. "Wala, para lang kasing umiyak ka ng umiyak sa itsura ng mga mata mo. Namimiss mo ba yung parents mo, namimiss mo ba si marco?" sambit ni carl. "Ganun na nga yata." sambit ni menchie. "Gusto mo bang pumasyal tayo ng nueva viscaya?" tanong ni carl. "Hindi na. Ako nalang pag okay na yung pakiramdam ko." sambit ni menchie. "Mag pagaling ka na at dalawa taying papasyal kila marco, okay?" wika ni carl at hinalikan ito sa ulo. Ilang araw na inalagaan at inasikaso ni Carl si menchie. Bago ito pumasok sa opisina ay maagang pinupuntahan si menchie para ipag luto ito ng almusal, pag uwi naman ni menchie ay andoon na si carl sa bahay nya na nag aasikaso at nag luluto ng pagkain nya. Pumunta din sila ng nueva viscaya para pasyalan ang kapatid ni menchie na si marco at pamilya nito dahil malapit na din umalis ang mga ito papunta ng amerika. Napasaya ng sobra ni carl si menchie ng mga panahon na iyon. Nabura nanaman ang galit sa puso ni menchie. Nakalimutan nanaman nya ang sakit na naramdaman nya sa nalaman nya mula sa kaibigan nya. Kasi talagang mahal nya si Carl, kaya kahit masakit na, mag titiis sya, at naniniwala sya na mag babago din ito ng tuluyan. Mapapagod at mananawa din sa pambababae. Gaya nga ng sabi ni jazper pang hawakan nalang nya na mahal sya ni carl at ang nararamdaman nya para kay carl. Maaga nag out si menchie sa trabaho at pumunta sya sa bahay ni carl para surpresahin ito dahil monthsary nila, nag luto sya ng kaunting pagkain para pag saluhan nilang dalawa at mga kasambahay ni carl. Habang nag luluto ay nakita nya ang inilapag na mga sobre ni manang ida sa counter table sa kusina. Napukaw ng isang sobre ang atensyon nya na para bang may naramdaman sya sa sobre na yon. Nung makita nya ay letter ng isang builders ng condominium. Nang makita nya ay naka address naman sa bahay ni carl, at naka pangalan rin rito, binuksan nya ito, nang makita nya, bill ng condo sa manila unit 623. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman, kasi walang nababanggit si carl na bumili ito ng condo. Ipinag sa walang bahala na muna nya at itinuloy ako pag aasikaso ng hinahanda nyang hapunan. Nang matapos syang maghanda alas sais imedya na ng gabi ay wala parin si carl. Inisip nya na baka may tinapos lang si carl, pero sumapit ang alas syete ay wala parin si Carl. "Menchie, iha, baka naman may dinaanan pa yon si sir carl." wika ni aling ida. Nag antay pa si menchi hanggang alas otso. "Baka naman mam nag aantay din yon sa bahay mo, at nag handa din doon ng surpresa." sambit ni rona. Napag isip si menchie, "oo nga noh. Sige uuwi na ako sa bahay, baka andon ngayon." sambit ni menchie at agad na bumyahe pauwi ng bahay nya. Sa labas palang ay alam na nyang wala roon si carl dahil hindi nya nakita ang sasakyan nito. Pumasok sya ng kanyang bahy at wala talaga roon si carl, naiiyak na si menchie, dahil kahit maraming beses na nyang nahuli si carl na may kasamang babae ay hindi ito naka limot sa mga monthsary nila. Tinawagan nya si Nolan para tanungin, "Hindi kami magkasama mench eh. Alas singko ng hapon umalis na sya ng opisina." sambit ni nolan. Naalala ni menchie yung condo, agad na ibinaba ang tawag kay nolan at lumisan para puntahan ang condominium sa manila, at sa sobrang gusto nya agad marating yung condo ay mabilis nyang pinaharurot ang kanyang sasakyan. Agad na tinunton ni ang unit 623, huminga ng malalim si menchie bago ito kumatok sa pinto. "Yes?" tanong ng babaeng nag bukas ng pinto at naka tapis lang ng tuwalya. "Si carl?" tanging nasambit na lamang ni menchie na nanalalambot ang tuhod sa kaba at galit na nararamdaman nya. Iniisip nya na sana wala roon si Carl. "Who are you?" tanong ng babae. "Ingrid sin-" naputol na wika sana ay wika ni carl ng makita si menchie. "Mench?" gulat na gulat na wika ni carl. Nakita ni menchie si carl na naka tapis lang din ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Gustong matunaw ni menchie ng mga oras na yon. Gusto nyang mag laho bigla, gusto nyang magalit, mag wala, mag sisisigaw, gusto nyang saktan si carl at ang babae. Pero ang tanging nagawa nalang nya ay tumalikod at umalis sa harap ng pintuan ng unit 623 at agad umagos ang mga luha sa mga mata nya. Lumabas ng unit 623 si carl at hinabol si menchie, "Bae, wait!" sambit ni carl at hinawakan si menchie sa braso. "Bae, I'm sorry!" "Carl, I'm tired. Matagal na kitang nahuhuli pero hinayaan nalang kita dahil pagod na ako sa kaka sita at kaka kumpronta sayo. But this time, pagod na akong unawain ka, pagod na akong antayin na dumating ang araw na mag babago ka. Sawang sawa na ako sa paulit ulit mong pag so-sorry pero paulit ulit mo parin namang ginagawa. Ewan ko kung talaga bang si MG lang kasi talaga ang kaya mong mahalin o talagang sakit mo na yan. You don't need to explain you're self, I understand. Goodbye!" puno ng paghihinagpis na mga wika ni menchie sabay alis ng kamay ni carl sa braso nya. Agad namang lumuhod si carl at niyakap si menchie. "Bae, no, ikaw ang mahal ko, ikaw lang ang mahal ko. Please! Sorry bae, sorry!" umiiyak na mga wika ni carl. Inalis ni menchie ang mga bisig ni carl sa kanyang bewang at mabilis na sumakay ng elevator. Agad ding pinuntahan ni carl si menchie ng gabing iyon sa bahay nito pero wala si menchie roon, sinusubukan nya itong tawagan pero hindi nya macontact.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD