Hurt

3047 Words
Agad syang pumunta sa bahay ng kanyang ate pero wala roon si menchie, "Ayan na nga carl juaquin ang sinasabi ko sayo, wag na, hindi pwede pero ipinilit nyo parin. Nasan na kaya yung babaeng yon, baka ano ng nang yari don, carl." sunod sunod na wika ni cheska. Si carl ay tahimik lang naumiiyak at sinusunukan paring tawagan si menchie. "Hon, kalma lang, sinusubukan ko ng macontact mga friends nya." sambit ni jazper. Napuyat sina carl, cheska at jazper sa pag contact at pag hahanap kay menchie pero walang maka pag sabi kung nasaan si menchie. Lumipas na ang tatlong araw pero hindi parin nila macontact si menchie. "Nag aalala na ako kay menchie, mom. Tinawagan ko yung kapatid nya wala daw duon si menchie, pati tuloy kapatid nya ay nag aalala na." wika ni cheska sa ina habamg kausap ito sa vidoe call "Napaka rami ko na ding message sa kanya sa lahat socialmedia account nya wala syang reply, ni hindi nga nya tinitignan yung mga message ko eh." wika naman ng ina nila cheska na si beatrice. "Sinabi ko na kasi sa inyo, masasaktan lang ni carl si menchie. Hindi kayo nakinig sa akin at sinuportahan nyo pa si carl." wika pa ni cheska. Hindi naka kibo ang inang si beatrice. Lumipas ang limang araw ay hindi parin nila mahanap si menchie, habang nag hahanap si carl kay menchie ay nag papakalunod din sya sa alak. "Bro, kahit anong inom at iyak mo dyan hindi na mababago nyan ang mga nang yari." sambit ni nolan. "Bro, ewan ba namin sayo bakit naman kasi nagawa mo pa yun kay menchie. Napaka bait na ni menchie, sa ilang beses la nyang kanita pinag bigyan ka parin nya." wika naman ni alvin. "Alam mo bro, nasa sayo talaga ng problema eh, wala kay menchie. Kay yung reklamo mo nakaraan na napapagod ka na kay menchie na hindi kayang mag tiwala sayo? Hindi mo sya masisisi. Tapos ginawa mo pa lalo mga pag dududa nya. Ngayon nahihirapan ka din." wika naman ni Larry. "Alam mo ba na nahuli ka nya nung nakikipag halikan ka sa isang customer na nag request ng kanta. Umalis nalang sya noon at hindi ka na kinumpronta. Kinausap nya ako na wag ng sabihin sayo na nag punta sya." sambit ni alvin. "Nakita rin nya bro na nakikipag s*x sa conference room sa opisina dun sa model na nag endorse ng gulp brandy. Pero, sinabihan nya din ako na wag ko ng ipaalam sayo na nag punta sya at nakita nya kayo. Dahil ayaw nyang magalit ka nanaman sa kanya at sasabihin mong pinag binitanggan mo nanaman sya. Pero sa kabila ng mga yon, hindi parin sya nag kulang sayo bilang girlfriend." sambit namam ni nolan. Sobra ang galit ni carl sa sarili nya sa mga nagawa nya at narinig nya. Napatunayan nya na sobrang mahal sya ni menchie dahil kahit nahuhuli sya nienchie ay wala syang narinig na kahit ano. Sa isang napaka layong lalawigan naman, isang lalake ang dumating sa isang maliit hotel resort at nag check-in. "Ahhhhh. h***p ka. Napaka walang hiya mo." sigaw ng isang babae sa katabi nyang kwarto habang nasa labas sya ng kwarto nya at naninigarilyo. Agad naman syang napalingon sa pinto sa katabi ng pintuan nya. "Ahhhhhhh!" lumalakas na hagulgol sa kabilang kwarto. Agad nyang pinuntahan ang staff on duty. "Ah boss, yung sa katabi kong kwarto, iyak ng iyak yung babae, baka sinasaktan yun ng kasama nya sa kwarto." wika ni ng lalakeng bakasyonista na si Ethan. "Ah sir, nag iisa lang pong babae ang guest don, baka lasing lang po, kasi napaka rami nung alak na binili bago pumasok sa kwarto nya kaninang mag tatanghali." sambit ng staff. "Ah ganun ba?" sambit ni Ethan. "Ah sir, nakaka istorbo po ba? Kakatukin ko na po." sambit ng staff. "Ah, no need, okay lang, akala ko lang kasi may ibang kasama, baka kako sinasaktan sya." sambit ni Ethan. Kinabukasan naman ay nagising si ethan ng tahimik. Pumunta sya sa bar ng hotel resort na may billards table at mga maliliit na dinning tables malapit lang sa kwarto niya. "Boss fried rice with egg and bacon." order ni Ethan sa stsff. "Sige po sir, serve ko nalang po." sambit ng crew. "Ah, boss gising na ba yung nasa room four sa tabi ko." wika ni Ethan na iba na ang staff on duty. "Ah wala pa akong nakikitang lumalabas don sir eh, baka tulog pa po." sambit ng staff. "Ah sige boss." sambit ni Ethan at umupo sa isang malapit na upuan at lamesa. "Kasama nyo ba sir? Sinubukan nyo na bang katukin?" tanong ng isang staff. "Ah hindi, natanong ko lang." sambit ni ethan. Pagka kain ng tanghalian ay umalis si Ethan para pumunta sa reunion ng batch nya nuong highschool. Nung maka balik sya sa resort ng alas otso imedya ng gabi ay agad nyang pinuntahan ang staff on duty. "Boss ikaw na ulit duty ngayon?" tanong ni Ethan sa staff na nadatnan nya nung dumating sya. "Yes sir!" sambit ng staff. "Boss, napansin nyo na bang lumabas yung naka stay sa tabi ko?" tanong ni Ethan. "Hindi pa sir eh. Pero nung kakatukin daw sana ng mga kasama ko kanina, pero narinig nanaman daw nila na umiiyak. So, hinayaan nalang nila." sambit ng staff. "Ah good to know that. At least we know na buhay pa sya." sambit ni Ethan. Natawa naman yung staff sa sinabi ni Ethan. "Paki bigyan mo nga ako boss ng dalawang beer." wika ni Ethan. "Sige sir!" sambit ng crew at umupo si Ethan sa isang upuan at lamesa malapit sa bar na tanaw lang ang kwarto nya. "Oh lumabas yung nasa katabing kwarto ko." wika ni Ethan. Agad naman lumingon ang staff patungo sa kwarto ni Ethan. "Oo nga sir, papunta dito." sambit ng staff. "Bossing, may mainit ba kayong gatas?" sambit ni menchie pag lapit sa bar na humahawak pa sa ulo nito at napipikit. "Masakit ba ulo nyo maam? Kape po?" tanong ng crew. "Hindi ako umiino ng kape eh, alergy, wala bang gatas?" sambit ni menchie. "Ah meron naman maam, sige po iseserve ko nalang po." sambit ng crew. "Salamat bossing." sambit ni menchie. Habang hinahanda ng crew ang gatas na order ng babae, "Maam ayos lang po ba kayo?" tanong ng crew. "Bakit bossing halata ba na hindi ako okay?" tanong din ni menchie. "Medyo maam eh, lalo kagabi tuloy si sir natakot pa, akala may kasama kayo kwarto at sinasktan kayo. Sigaw kasi kayo ng sigaw tapos iyak ng iyak eh." sambit ng crew at nilingon si Ethan. "Ah ganun ba? Sorry sir sa istirbo ah." wika ni menchie. "Ah wala yon." sambit ni Ethan. "Oh maam gatas mo." wika ng crew. "Ah sarap uminom ng mainit." wika ni menchie. "Ah maam, kumain na po ba kayo? Simula kasi kapon na dumating kayo hindi pa kayo lumabas na kumain eh." wika ng crew. "Ah oo, may binili akong mga pagkain kahapon sa nadaanan kong convenience store at resto. Pinag tyagaan ko nga lang kainin ng malamig. Kaya ngayon parang namiss ko yung mainit." sambit ni menchie. Nag tinginan naman si ethan at ang crew at nangiwi sila sa sinabi ni menchie at napa-kibit ang kanilang mga balikat. Matapos maubos ni menchie inumin yung gatas ay nag order sya ng beer. "Ah miss kakainom mo lang ng mainit na gatas, baka masira yang tiyan mo kung iinuman mo agad ng malamig na beer." sambit ni Ethan. Nilingon ni menchie si Ethan, "Sir, okay lang yon, puso ko nga wakas na wasak, kinakaya ko pa eh, buhay pa ako hanggang ngayon, yun lang ba naman, tyan lang, yakang-yaka." sambit ni menchie sabay kuha ng order na beer sa kamay ng crew nung ilalapag palang sana nito sa pinaka counter ng bar. Nag tinginan nanaman si Ethan at yung crew. Na tila ay nag sasabing kaya pala. "Miss hindi alak ang sulusyon sa pusong wasak." sambit ni Ethan. "Ay hindi ba sir? Sino nag sabi non mumurahin ko?" tanong ni menchie na medyo galit matapos lumagok ng isa sa beer. "Jokkkkke!" malakas na wika ni menchie sabay ngiti. Natawa naman si Ethan at crew. "Ikaw sir, bakit ka andito ngayon at nag sosolo mag inom? Don't tell me nag se-celbrate ka? Ng ano? Nag pag hihiwalay nyo ng girlfriend mo." wika ni menchie. "Hindi, wala akong sine-celebrate at wala akong pinag luluksa. Andito ako kasi nagkaroon ng reunion yung batch namin nung highschool dyan sa Sto. Domigo highschool. Napag isip-isip ko mag stay pa dito ng 2days pa para maka pahinga muna sa trabaho." sambit ni ethan matapos lumagok ng beer. "Oh, ehdi ikaw na may masayang buhay, walang problema." sambit ni menchie at tinungga ang beer. "Taga saan ka ba maam?" tanong crew. "Sa quezon city." sambit ni menchie. Nagulat ang crew at si ethan, "Maam ang layo ng ginawa mong pag byahe para puso mong wasak ah. Mukhang malala-lala yan ah." sambit ng crew. "Oo sobrang malalang malala ang pagka wasak. Ta***a kasi yung lalakeng yon eh, kapal ng mukha, ilang beses ko nahuling may kasama at kalandiang babae, puro nalang sorry pero hindi nag babago. Tapos bumili ng condominium ng hindinko alam, pag punta ko nung isang gabi may kasamang babae, parehas silang towel lang ang balot ng katawan. Eh hindi na sya makakapag deny, hindi na din sya makakaoag explain pa ng mga kasinungaliangan, ksi huling huli na sya sa akto. Anong idadahilan nya, nag dya-jack and poy lang sila o kaya nag pipiko? G**o sya!" galit kwento ni menchie at biglang umiyak. "Ah maam sorry-" "Ayos lang yon, kaya mag papaka lasing ako ng todo para makalimutang ko lahat ng kawalang hiyaan nung g**o na yon." sambit ni menchie sabay diretsong nilagok yung lahat ng beer na laman ng boteng hawak. "Ah maam parang kailangan nyo nga po talaga yan. Sige maam shot lang." sambit ng crew. "Nga pala, maam, benjo po." wika ng crew sabay latag ng kamay. "Hi benjo, I'm menchie!" pakilala naman ni menchie at inabot ang nilatag na kamay ng crew. Nung gabi na iniwan ni si menchie si carl sa condominium kung saan nya ito natagpuan, umuwi sya saglit sa bahay nya para kumuha ng ilang damit. Nag patay sya ng cellphone para hindi sya macontact ng kahit na sino at nag byahe sya ng nag byahe ng malayo, mga labing isang oras, hanggang maka rating sya sa isang maliit na hotel resort sa malayong lalawigan. Bago pumasok si menchie ng kwarto nya ay bumili na sya ng mga alak at mga pagkain. Pag pasok nya sa kanyang kwarto ay nag inom na sya ng nag inom. "Ah maam menchie, si sir-" wika ng ng crew at tumingin kay ethan. Tumayo si Ethan at lumapit sa bar, "Ethan, boss." sambit ni ethan at nilatag ang kamay sa crew. Inabot ng crew ang kamay ni ethan. "Maam menchie si sir ethan, sir ethan si maam menchie." wika ng crew. "Hi ethan! Menchie." wika ni menchie at nilatag ang kamay kay ethan. "Hello! Ethan." sambit ni ethan at inabot ang kamay ni menchie. "Benjo, hindi ka pa ba off duty? Tara inom tayo." aya ni Ethan. "Sige sir, pero, aantayin ko muna yung kapalitan ko." sambit ng crew. "Ah sige! Walang problema. Tsaka wag mo na ako tawaging sir, Ethan nalang" sambit ni Ethan. "Sige sir, ah ethan. Benjo nalang din." sambit ng crew. "Isama na natin si maam menchie, mukhang kailangan ni maam ng kainuman eh." sambit ng crew na si benjo. "Oo nga menchie, sali ka na sa amin. Mas maganda mag inom na may kaharap kesa nag sosolo ka dyan." sambit ni ethan. "Sure!" sambit ni menchie at umupo sa isang upuan sa lamesa ni ethan. "Nga pala benjo, menchie nalang din itawag mo sa akin." wika ni menchie. "Sige sige." sambit ni benjo. "Oh ito na pala kapalitan ko eh, pwede na ako sumali sa inyo, ethan, menchie." wika ni benjo. "Sige, paorder na din muna ng mga bestbseller nyo dyan na pwede nating ipulutan, tapos rice. Kasi dapat maka kain muna ng kanin itong si menchie." sambit ni Ethan. Nag inuman silang tatlo at nakweto ni menchie ang ilan pa sa mga nang yari bago nung gabi na nag byahe at yung nang yai pa nung mismong gabi bago sya nag byahe papaunta albay. "Kayo ba, ginagawa nyo ba yon sa mga girlfriend or asawa nyo?" tanong ni menchie. "Ay hindi ko yan ginawa sa girlfriend ko, matagal na kami, bago pa kami maka graduate ng highschool pero wala pa akong nagawang ganyan." sambit ni benjo. "Eh ikaw ethan?" tanong ni mechie. "Sa apat na naging girlfriend ko, wala naman akong nagawang ganon, may naging girlfriend ako na ako ang ginawan ng ganon." sambit ni ethan. "Yung girlfriend mo ngayon gaano na kayo katagal?" tanong ni menchie kay Ethan. "Wala na akong girlfriend." sambit ni ethan. "Eh bakit kayo nag hiwalay?" tanong ni menchie na tila nag hahanap ng karamay sa nararamdaman. "Wala na sya, namatay sya sa cancer, two years ago." sambit ni ethan. "Sorry." sambit ni menchie. "Ayos lang. Naka get over na din naman ako eh." sambit ni ethan. "Benjo, sama mo naman yung girlfriend mo dito bago kami umuwi para makilala namin ni menchie." sambit ni ethan. "Good idea. Oo benjo sama mo, kasi mag a-out na si ethan sa isang araw." sambit ni menchie. "Sige ba! Sige bukas isasama ko sya dito." sambit ni benjo. "Saan ka pa pala uuwi ethan?" tanong ni benjo. "Quezon city din tulad ni menchie." sambit ni ethan. "Oh ayos, pag nasa quezon city na kayo parehas pwede kayo mag-kita at mag-inom." sambit ni benjo. Nag inom sila hanggang alas dos ng umaga. Nagising si Ethan ng alas otso ng umaga at agad naligo, pag labas nya ay kinatok nya ang pinto ng kwarto ni menchie. "Menchie, breakfast?" tanong ni ethan. "Ahh, ang aga!" sambit ni menchie. "Tanghali na, eight AM na kaya. Halika na, tayo na dyan." sambit ni ethan. "Geh, ligo lang ako." sambit ni menchie at mabikis ito naligo. "Hay, sa wakas, lumabas ka din. Breakfast ang aya ko sayo hindi lunch." wika ni ethan pag labas ni menchie. "OA mo ah, eight nung kumatok ka sabi mo, nine palang." sambit ni menchie sabay hila kay ethan papunta sa bar counter para umorder ng pakain. Masayang nag almusal sina menchie at carl. Matapos mag almusal ay nagkayayaan ang dalawa mag swimming. "Kunan kita ng picture menchie, maganda mag picture dito." turo ni ethan sa isang parte ng resort na kita ang dagat at bundok pag nakuhaan ng litrato doon. "Pwede, pero wala yung phone ko eh." sambit ni menchie. "Nasa oto eh, nakapatay, ayaw ko munag hawakan." dagdag pa nito. "Okay lang yan, dito nalang sa phone ko tapos send ko nalang sayo pag handa ka ng buksan ulit yung phone mo." alok ni ethan. "Pwede, kaso, hindi ko pa alam kung kailan bubuksan yung phone ko. Baka pag uwi ko pa, eh ikaw uuwi ka na bukas hindi ko makukuha sayo yang mga yan." sambit ni menchie. "Ehdi aantayin kita, para masend ko sayo yung picture mo." sambit ni ethan. "Sira, sige na kuhaan mo na ako ng picture, send mo nalang sa messenger para hindi mo na ako kailangan pang antayin" sambit ni menchie at pumwesto sa sinasabi ni ethan. Naging masaya si mechie sa maga hapon na kasama si ethan. "Hi benjo!" bati ni menchie. "Menchie, si yannie, girlfriend ko." pakilala ni benjo. "Hello yannie! It's nice meeting you. Kinuwento ka ni benjonkagabi kaya guato ka namin ni ethan na makilala." wika ni menchie at bineso ito. "Ethan, ito si yannie girlfriend ko." wika ni benjo ng makita si ethan na parating. "Hi yannie!" bati ni ethan at inilahad ang kamay. "Mag dinner kami ni menchie, join us." aya ni ethan. "Nakuh, hindi na, tapos na." sambit ni yannie. "Jiuce or dessert?" tanong ni ethan. "Sige na, join us, kasi iinom tayo, after namin mag dinner." dagdag pa ni ethan. "Sira ka! Uuwi ka na bukas, hindi ka pwede ng mag inom. Ang hirap kaya mag byahe ng may hangover. Ang layo at tagal pa naman ng byahe." wika ni menchie. "Sino nag sabing uuwi na ako bukas?" sambit ni ethan. "Eh diba hanggang bukas ka lang dito?" tanong ni menchie. "Mag extend ako, pwede naman siguro yun diba?" sambit ni ethan. "Oo naman pwedeng pwede." sambit ni benjo. "Diba sabi ko sayo aantayin kita? So, kung hanggang kailan ka dito, ganuon din itatagal ko dito." wika ni ethan. "Oy! Maganda yan." sambit ni benjo. Matapos mag hapunan ay uminom na sina menchie at ethan, kasama si yannie na girlfriend ni benjo. Pag out ni benjo sa duty nya ay naki sali na din sya sa inuman ng tatlo. Madalas si menchie pumunta si menchie sa iba't ibang lugar kaya naman nasanay na syang makihalo bilo sa mga taong nakikilala. "Oh my GOD!" malakas na wika ni menchie ng makita nyang katabi nya si ethan sa kwarto nya at parehas walang suot na damit. Nagising si ethan, "Anong nang yari, ethan?" inis na tanong ni menchie. "Hindi mo ba talaga maalala?" tanong ni ethan. "Oh my God, oh my God, oh MY GOD! Sorry, ethan. Sorry!" wika ni menchie. "Menchie, hindi ka daoat mag sorry. Wala kang kasalanan, at hindinrin naman kasalanan. Pareahs nating ginusto." wika ni ethan. "Bakit, bakit nang yari toh? Hindi dapat to nang yari, kasi hindi naman kita biyfriend eh." naiinis na wika ni menchie. "Menchie, ginusto natin yung nag yari, ginusto ko yung nang yari, gusto kita. Can you be my girlfriend para hindi ka na mag alala na nakipag s*x ka sa hindi mo boyfriend?" wika ni ethan. "Seryoso?" tanging salita na nabitawan ni menchie dahil naguguluhan pa sya sa nang yari. "Seryoso menchie. Can you be my girlfriend?" "Yes oo naman. Pag katapos ng nang-yari satin dapat maging boyfriend na kita noh." sambit ni menchie. Agad na niyakap ni ethan si menchie at hinalikan sa labi bahgya namang nailang si menchie pero gumanti din ng halik. Kahit gulong gulo pa si menchie ay pumayag na sya sa gusto ni ethan na maging boyfriend nya ito. Pero sa kabila ng mga nang-yari, akala nya kaya'y mawawala na ang nararamdaman nya carl?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD