Lumipas ang anim na araw ay magkasama parin si menchie at ethan sa resort.
"Mahal na kita, menchie." wika ni ethan.
"Seryoso? Ganon kabilis? Pero salamat." sambit ni menchie.
Nilabas ni ethan ang gold bracelet sa bulsa ni ethan, "oh my God, saan mo nakuha yan? Baka sa girlfriend mo yan ah." nangingiting wika ni menchie.
"Hindi noh, lumabas ako kanina, nag hanap ako ng pawnshop, na mabibilhan ng ibibigay sayo na palatandaan na girlfriend na kita." sambit ni ethan.
"Ah sorry naman! Pero hindi na kailangan yan." sambit ni menchie nagugukuhan kung tama ba yung pinapasok nya.
"Alam ko hindi madali na mahalin mo agad ako dahil kakagaling mo lang sa heartbreak at ilang araw palang din tayo mag kakilala, pero sana mabigyan mo ako chance at bigyan mo din ng chance sarili mo na subukan akong mahalin." pakiusap ni ethan.
"Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, sige susubukan ko." sambit ni menchie.
"Salamat menchie." sambit ni ethan, niyakap nito si menchie at agad isinuot ang porselas rito.
"Lumabas ka pala talaga bumili nito ah." wika ni menchie.
"Oo naman, papalitan ko yan pag balik nayin ng manila." sambit ni ethan.
"Wag na, okay na to." sambit ni menchie.
"Basta akong bahala." sambit pa ni ethan at kumindat kay menchie. "Ano yang ginagawa mo? Bakit hawak mo na yang phone mo?" tanong ni ethan.
"Ito, nag open na ako ng phone ko. You can now send my pictures, our pictures rather." wika ni menchie.
"Uuwi na tayo bukas ng umaga, handa ka na bang harapin yung iniwan mo na problema?" tanong ni ethan.
"Oo naman, lalo't andyan ka pa." sambit ni menchie.
"Good! Oo andito ako para sayo, at andito lang ako lagi. Hindingbhindinkita sasaktan at paiiyakin." sambit ni ethan at niyakap si menchie.
"Salamat."
Bago mag simula ang byahe nila menchie at ethan ay nag post ng story si menchie. Picture nila ni ethan na magkasama at ang caption: moving on is the best medicine for the pain that made by someone, and by moving on, you can find someone else that can love you more than you'll ever know.
"Nakita mo na story ni menchie?" tanong ni jazper kay cheska sa kabilang linya.
"Story?" tanong ni cheska.
"On her IG, check it!" sambit ni jazper at agad nag check ng IG si cheska.
"She look happy." sambit ni jazper.
"Yes, and finally, nagparamdam na sya." sambit ni cheska..
Tinawagan agad ni cheska si menchie. "Mench, nasan ka na? Are you okay? Nag aalala kami sayo." wika ni cheska.
"Andito pa ako sa malayong probinsya ate." sambit ni menchie.
"Kailan mo balak umuwi?" tanong ni cheska.
"Soon ate! Sorry ate." sambit ni menchie.
"Don't be sorry! I understand. That bastard! Sige update mo agad ako pag naka uwi ka na ah." sambit ni cheska.
"Yes ate."
"Mag iingat ka." wika ni cheska.
"Oo ate, salamat."
Tinatawagan naman ni carl si menchie pero hindi ito sinasagot ni menchie. Pinipigil ni menchie ang nararamdaman nya at ang gusto lang nya ng mga panahin na yon ay maka usad sa sakit na nararamdaman.
"Ate cheska!" masayang bati ni menchie.
"Hi mench! I miss you. Where have you been? Alam mo bang nag aalala kami sayo. Kahit si mommy ay sinusubukan kang mareach." wika ni cheska sabay yakap sa kaibigan.
"Nag bakasyon lang ate, huminga lang ako saglit, but I'm fine now. And I can now go back to work." sambit ni menchie.
"Thank god you're back and safe, we've been calling you since you left. Sorry for what happened mench." wika ni cheska.
"Don't be sorry ate cheska, you don't have to. And okay naman na ako." sambit ni menchie. "So, monday, papasok na ako." wika pa ni menchie.
"Sure, no worries. Take a rest first." sambit ni cheska at muling niyakap si menchie.
"Thanks ate." at yumakap din si menchie ng mahigpit. Pilit itinatago ni menchie ang kanyang tunay na nararamdaman. Hindi ganoon kadali mawala ang sakit na dulot ng mga nagawa ni catl sa kanya, pero kailangan nyang umusad. Ayaw nyang kulungin ang sarili sa kalungkutan at sakit at iniisip nyang mas magiging madali iyon dahil sa tulong ni ethan.
"Menchie came here, she seem's very happy." wika ni cheska nang tawagan nya ang asawang si jazper.
"Good to know that. Kamusta daw sya?" sambit ni jazper.
"Okay na daw sya. Parang wala nyang bakas na nasaktan sya sa nang-yari eh." sambit ni menchie.
"Saan daw sya galing?" tanong pa ni jazper.
"Hindi na nya sinabi at hindi ko na din tinaning. Ang mahala okay sya. My God pinag alala nya tayo ng todo." sambit ni cheska.
"Kasalanan naman din kapatid mo hon, hayaan mo na." sambit ni jazper at pinutol ang tawag sa asawa at agad tinawagan ni jazper si carl.
"Carl, dumating na si menchie. Magagalit ang ate mo sa akin pag nalaman na sinabi ko sayo. Kaya aysuin mo na yan." wika ni jazper.
"Yes kuya jazper, aayusin ko talaga maraming salamat." sambit ni carl at agad umalis ng opisina para puntahan si si menchie sa bahay nito.
Kumatok si carl sa apartment ni menchie, "oh hi carl?" naka ngiting wika ni menchie pag bukas nya ng pinto na tila ba walang nang-yari sa mga nag daang araw. "Kamusta? May problema?" tanong ni menchie na pilit pinipigilan ang nararamdaman. Gustong gusto nyang magalit kay carl pero gusto din nyang ipakita na hindi na sya apektado sa nang yari at naka move-on na sya.
"Bae, can I come-in?" tanong ni carl.
"Yes sure!" mwinestra ang kamay patungo sa loob ng bahay nya. Pag lakad ni carl papasok ng bahay ay pilit pinipigil niya ang mga luha nya na bumagsak.
"Bae, I'm sorry. Alam ko nasaktan kita, kaya sorry. Gusto ko itama ang lahat ng mali ko. Ayusin natin to." mga wika ni catl na puno ng pakiusap.
"Hm? Alin? Ano ka ba, wala yon. Wala na yon. Hayaan na natin yon. Tapos na yun." sambit ni menchue na pilit ngumingiti at pinipigilan padin ang pag bagsak ng luha.
"Bae, mahal kita maniwala ka. Oo tama ka baka sakit ko na yon. But, this time I'll make sure na hindi na mauulit pa yon. Promise!" wika ni carl at hinawakan sa mukha si menchie.
Pero umiwas si menchie at inalis ang mukha sa mga palad ni carl.
"Ah carl, wala na yon. Ayos na, may boyfriend na ako." wika naman ni menchie.
"Bae, hindi ako naniniwala sayo. Sinasabi mo lang yan." sambit ni carl.
"Totoo yung sinsabi ko carl." sambit ni menchie at tinaas ang kanaang kamay para ipakita ang soot na bracelet at kaliwa para ipakita ng wall paper ng cellphone nya at pilit paring ngumingiti.
"Bae, ayusin natin toh." wika ni carl na puno ng pakiusap.
"Carl, sorry. I think you should leave." sambit ni menchie at tinulak papalabas si carl.
"Mench, please! Mahal kita maniwala ka naman. Ayusin natin to." pakiusap pa ni carl.
"Carl, please!" wika ni menchie na papabagsak na ng luha.
Nang makalabas si carl ay agad isinara ang pinto at hindi na napigil at pag buhos ng luha sa kanyang mga mata. ---Mahal rin kita carl, mahal na mahal. Pero hindi na to tama at hindi ko hahayaang mawalan ako ng respeto at pag mamahal sa sarili ko.--- Gusto subukan ni menchie na mawala ang pag mamahal na nararamdaman kay carl at subukan na mahalin si ethan na nag mamahal na sa kanya.
"Good morning baby, ready for work?" masayang wika ni Ethan habang nag mamaneho ng kanyang sasakyan.
"Yes, ako pa ba?" sambit ni menchie na masyang nakatanggap ng tawag mula kay ethan habang nagmamaneho din patungo sa isang branch ng chesque clothing.
"Good!" I'll see you later. Take care!" sambit ni ethan
"Yes babe thanks!" masayang sambit ni menchie.
Pag dating ni menchie sa isang branch ng chesque clothing ay nandoon si carl at may dala-dalang bulaklak at naka tayo sa harao ng counter.
"Carl?" gulat na tanong ni menchie.
"Mench, I am here to say sorry." wika ni carl na puno ng pagsisi at pag hihinagpis at iniaabot ang bulaklak kay menchie pero ayaw tanggapin ito ni menchie.
"Wacky, nakaka rami ka ng sorry! Sabi ko sayo okay na. Wala na, napatawad na kita." sambit ni menchie na para bang dinudurog ang dibdib habang binibitawan ang mga salitang iyon at sumasakit na ang lalamunansa pag pigil ng pag bagsak ng mga luha.
"So, let's fix this bae. Please!" paki usap ni carl na tila inuutusan si menchie.
"Carl, wala na tayong dapat ayusin pa. Tapos na ang lahat ng sa atin." sarkastikang sambit ni menchie na nakangiti habang ginagawang abala ang sarili sa trabaho at pilit pinipigil ang luha. Paulit ulit ang kanyang pag lunok upang mapigil ang luha.
"Maam menchie, may nag hahanap po sa inyo." wika ng staff.
Sabay na nilingon si carl at menchie ang pumasok sa pinto ng tindahan.
"Hi babe!" wika ni Ethan na patungo kay menchie at may dala ring mga bulaklak.
"Bebe, anong ginagawa mo dito?" tanong ni menchie na bahagyang nagulat.
"Diba sabin koo sayo a while ago, I'll se you later? Surprise!, and malapit lang ang office ko dito, remeber?" sambit ni ethan sabay abot ng dalang bulaklak kay menchie at humalik sa pisngi nito.
"Thank you, pero akala ko kasi mamaya pa. Mamaya malate ka sa trabaho mo." wika ni menchie.
"Namiss kita agad eh." sambit ni ethan.
"Ahm, babe, si carl. Carl, si ethan, my boyfriend." pakilala ni menchie at agad nilahad ni ethan ang kanyang kamay. Inabot din naman ni carl ang kamay ni ethan.
"Ah babe, dumaan lang si carl kasi nabalitaan nya na dumating na ako." paliwanag ni menchie.
"I see, so babe, I have to go, I have meeting by ten." paalam ni ethan at humalik ulit sa pisngi ni menchie at umalis na.
Sinundan ng tingin ni carl si ethan, "Aayusin parin natin to, mench. Hindi ako papayag sa mag hiwawalay tayo." sambit ni carl.
"Wala na tayong aayusin carl. Tapos na tayo nakita mo naman may mo naman may boyfriend na ako." sambit ni menchie.
"Pero ayaw ko bae, hindi pwede." sambit pa ni carl na tumutulo na ang luha.
"Wala kang karapatang sabihin sa akin yan carl. Wala kang karapatan. Umalis ka na dito, kailangan ko ng mag trabo." sambit ni menchie.
"Aalis ako pero hindi ako titigil hanggang sa maayos natin toh. It's just a miss understanding." wika ni carl. Hindi na umimik pa si menchie para tumigil na si carl at umalis.
""Bae, I'm sorry." wika ni carl at hinalikan si menchie sa ulo at umalis. Pag talikod palang ni carl ay agad na bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. -mahal kita carl, mahal na mahal, pero kailangan ko itong gawin para sa sarli ko.--
"Wow maam, ganda yarn?" wika ng isa pang staff na si elaine na lumapit sa likod ni menchie.
Agad na pinunasan ni menchie ang kanyang mga luha, "Gaga!" ngumiti si menchie at lumakad papunta sa cabinet na may mga reports ng tindahan.
Sinundan naman sya ng staff. "Maam, inpeyrnez ah, gwapo din yung bago mo. San ka ba nag punta? Maka punta nga din don para maka pag hanap." wika ni elaine.
"Mamundok ka, baka doon maka hanap ka." sarkastikanh sambit ni menchie.
"Pero maam, nakaka awa naman si sir carl. Para pa namang love na love ka nya." wika ni elaine.
"Elaine, tumbokin mo na ako, gusto mo lang maki chismis bakit kami nag hiwalay ni carl at bakit nawala ako ng isang linggo." wika ni menchie.
"Tinatanong ba yan? Eh halata namang babaero si sir carl eh. Malamang nambabae yun." sambit ng isa pang staff na sumalubong kay ethan na si grace.
"Oh isa pang chizmakerz. Saan mo naman nasagap yan? Alam nyo, kayo, ia-unfriend ko kayo sa f*******: eh." sambit ni menchie.
"Ay grabe ka maam, baka ikaw talaga ang nag loko, tignan mo nga ang bilis mo naka pag palit?" sarkastikang sambit ni elaine.
"Gaga! Kung si maam menchie ang nag loko ehdi sana hindi sya mawawala ng isang lingo." sambit ni grace.
"Yun na nga eh, kaya nga sya nawala para makaiwas kasi guilty sya." sarkastikang sambit muli ni elaine.
"Luh, malala na yan ah. Talaga ba, pag chichismisan nyo ako habang andito ako sa gitna nyo? Geh pag chismisan nyo ako, na para bang wala ako noh?" wika ni menchie.
"Maam kasi mag share ka naman kahit konti, kami nga nag seshare sayo eh." wika ni grace.
"Abah, kasalanan ko pa na nag share kayo sa akin ng mga problema nyo? Tsaka, hello! Mga kajowaan nyo tayo lang nakaka kilala, eh si carl, kilala sa lahat ng brach, maraming girls ang nakaka kilala sa kanya, marami ang nakakakilala sa kanya. Mamaya ipag kalaht nyo pa, sabihin pa ng iba na sinsiraan ko sya. At nag iisa lang naman syang kapatid ng amo natin. Gusto nyo bang pareparehas tayong mawalan ng trabaho?" sambit ni menchie.
Pag punta ni menchie sa opisina ay pinuntahan agad sya ni cheska.
"So mench, kamusta sa stores?" tanong ni cheska at umupo sa upuan sa harap ng table nya.
"Ayos lang naman, natambakan lang ako ng trabaho, pero kayang kaya." sambit ni menchie.
"Eh, kamusta naman yung bakasyon mo?" tanong ni cheska.
"Ah, ayos naman din ate, duon ko nakilala si ethan." sambit ni menchie.
"Mench, sabi ko naman sayo diba, hinding hindi ko kakampihan si carl. Pero, kapatid ko parin sya, so, sorry sa ginawa nya. Galit ako sa mga ginawa nya sayo, pero wala na akong pwede pang magawa. Ang masasabi ko nalang, susuportahan kita kung saan ka maguging masaya. Nakikita ko ring nahihirapan ang kapatid ko, pero kasalanan naman nya eh." wika ni cheska at hinawakan ang mga kamay ni menchie.
Napalunok si menchie ng madiin na tila ba may bumara sa lalamunan nya ng mga namumuong luha, "Kerri lang ate, wala na yun." tanging nasamabit ni menchie.
"Masaya ako at nakilala mo si ethan, alam ko iba sya, kasi nakikita ko sayo na talagang masaya ka habang magkasama kayo kung saan ka man nag punta kahit pa mahal mo pa naman talaga si carl. Bigyan mo nag pagkakataon si ethan na iheal ang lahat ng sakit na dinadala mo." wika ni cheska.
"Salamat ate cheska." sambit ni menchie na nangingilid na ang luha.
"Alam mo parang gusto ko sya makilala." wika ni cheska.
"Sure ate, siguramakakasundo nyo ni kuya jazper yon." mabilis na sambit ni menchie at ngumiti.
"Friday, dinner, sa bahay?" sambit ni cheska.
"Push!" sambit ni menchie.
Pag dating ng biyernes ay nag punta si menchie kila cheska kasama si ethan.
"Hon, andito na sila." malakas na wika ni menchie ng maka rinig ng doorbell.
"Sigurado kang hindi mo sinabi kay carl ang pag punta nila dito ah." wika ni cheska pag lapit ni jazper sa kanya.
"Yes hon." sambit ni jazper.
"Menchie!" bati ni cheska pag pasok nila menchie at bumeso kay menchie.
"Ah ate cheska, kuya jazper, si ethan." wika ni menchie.
"Hi, salamat at pinag bigyan mo kami, kasi gusto ka naming makilala." wika ni cheska at bumeso din kay ethan. Kumamay naman si jazper kay ethen.
"Of course, lahat ng importante kay menchie, eh, importante na din sa akin." sambit ni ethan.
"Well giid to hear that, thank you!" sambit ni cheska.
"Tara maupo na tayo." sambit ni jazper at ipinakilala niya ang mga anak nilang si jasmine at james kay ethan.
"By the way, nakita ko sa IG story ni menchie, nameet na sya ng family mo, last night lang." wika ni jazper.
"Yes, ayun naka sundo naman nya lahat kahit mga pamangkin ko." sambit ni ethan.
"Ah, oo, wala kang magiging problema dito kay menchie sa pakikisama, lalo sa mga bata. Magaling mang uto ng mga bata yan." sambit ni jazper sabay tawa.
"Oo nga eh. Alam na alam nya paano makuha ang kiliti ng mga bata." sambit ni ethan.
"Alam mo, parents ni cheska, kasundo din nya, parents ko kasundo nya din, kahit mga kapatid ko. Talagang madali nya maka sundo ang lahat." sambit pa ni jazper.
"Oo nga kasi kahit sa resort na pinuntahan namin, nakasundo nya din lahat ng mga tao doon. Kaya nga una ko palang naman makaharap at makausap itong si menchie, alam ko na, na sobrang swerte ako sa kanya." sambit ni ethan "Kaya sabi ko hindi ko na to papakawalan, kaya dapat na three days lang na bakasyon ko sa albay, nag extend pa ako at binakuran ko na sya." dagdag ni ethan.
Masayang naka tingin si cheska kay menchie habang pinapakinggan ang kwento ni ethan.
"Uhm, nakuh, busog na busog ako sa pambobola nito ate cheska, kuya jaz. Feeling ko tuloy ang taba-taba ko na eh." biro ni menchie.
"Loka-loka!" natatawang sambit ni cheska. "But, you know what ethan, thank you, thank you for saving her, saving for all the pain." wika ni cheska na punong puno ng pasasalamat ang tinig.
"Wala yun, nakita ko lang na hindi nya deserve ang maramdaman ang mga ganoon. Lalo ngauon na magms nakikilala ko sya at kung paano sya makitungo sa pamilya ko, deserve nyang maging masaya at mahalin." sambit ni ethan.
Matapos mag hapunan ay nagkwentuhan pa sila at nakipag kulitan din sa mga anak ni cheska at jasper sina ethan at menchie.
Lumipas ang mga linggo na madalas na ring nakakasama ni cheska at jazper si ethan, at naging malapit na sila sa isa't isa.
"Mukha napapadalas nyong kasama si ethan ah." wika ni carl kay jazper nung dalawin ni jazper ito sa kanyang bahay.
"Mabait si ethan, carl. At talagang mahal na mahal nya si menchie. Nakita ko naman din na minahal mo si menchie. Pero hindi sapat eh, kaya nga nagawa mong mag loko ng maraming beses. Kaya nasaktan mo ng sobra si Menchie. Para ko naring kapatid si memchie kaya gakit ako sa mga ginawa mo kay menchie. Pero hindi ko naman kayang magalit sayo dahil kapatid narin naman kita. Pero si ethan, sobrang mahal nya si menchie at nakikita namin ng ate mo na hindi nya sasaktang si menchie. Masyado mo lang sigurong kinukulong parin ang sarili mo sa babaeng matagal mo ng hinahanap na hindi mo mahanap hanap, kaya hindi mo magawang mahalin ng buo si menchie. Gusto mo paring mag tira para kay MG, move on carl, para hindi mo nasasayang ang pag mamahal sayo ng iba." sambit ni jazper.
"Mahal ko ai menchie kuya, napagod lang siguro ako sa kakaduda ni menchie nuong una kaya nagawa ko nalang yung mga pagdududa nya. Pero natauhan na ako bigla simula nung nakita ko paano sya nasakatan nung nakita nya ako sa condo. At pinag sisihan ko iyon lahat." sambit ni carl na puno ng pag-sisi.
"Pero wala ng magagawa yang pag-sisi mo. Nasa huli naman talaga lagi ang pag-sisi eh. Pero wala na sya sayo, hayaan mo nalang siguro sya kay ethan." sambit ni jazper.