"Ay kalabAAw!" gulat na wika ni menchie ng makita si carl na nakaupo sa couch sa kanyang sala at umiiyak pag labas nya ng kanyang kwarto ng halos pahating gabi na. "Anong ginagawa mo dito carl?" tanong nito.
"Bae, please give me another chance. Nag mamakaawa ako sayo. Mahal na mahal kita." nag hihinagpis ang mga tinig na wika ni carl.
"Carl, please umalis ka na. Paki iwanan nalang yung susi dyaan." wika ni menchie. Narinig ni menchie ang mga hikbi mula kay carl, nakaramdam sya ng lungkot at awa kay carl, pero nag matigas sya at pinag labanan ang nararamdaman. Lumapit si carl at niyakap ni to si menchie, gusto nyang alisin ang mga bisig ni carl sa pagkakayakap sa kanya pero tinalo sya nag pag-nanais na maramdaman muli ang mga yakap nito.
"Bae, sobrang mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka." puno ng pag hihinagpis na mga tinig ni carl.
"Carl, sorry, naoagod na ako, inalis ko ang respeto ko sa sarili ko dahil sobrang mahal kita. Lahat ng mga nakikita at nalalaman ko ay binalewala ko, dahil sa pag mamahal ko sayo. Binigay ko lahat ng pag-iintindi ko sayo, pero hindinyon naging sapat para sayo kya paulit ulit mo akong gin**o. Tama na, parang awa mo na. Tama na na nasaktan mo ako ng maraming beses. Hayaan mo naman akong na mahalin at respetuhin muli ang sarili ko. Yun nalang ang tanging pwede kong maibigay sa sarili ko eh. Sarili ko nalang ang tanging makakapag bigay ng mamahal at respeto sa akin, kaya hayaan mo na ako. Masakit rin para sa akin ito, pero kailangang isipin ko naman ang sarili ko, hindi lang laging puro ikaw ang iniisip ko " puno rin na pag hihina
"Pero bae-"
"Carl, tama na. Umalis ka na, bago pa mawala ng tuluyan ang respeto ko sayo, bago pa mas mapuno ng galit itong dibdib ko sa iyo." paki-usap ni menchie.
Umalis naman si carl na puno parin ng paghihinagpis at pag-sisi. Bakit mga ba ganoon ang mag mahal? Kailangan ng ba talaga na nasasaktan? Minsan kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kailangan mo talaga pakawalan, para sa sarili at para din sa taong mahal mo. Ang pag papalya sa taong mahal ay hindi pagiging makasarili, kailangan silang pakawalan para mas mahanap nila ang sarili nila. Dahil sa bawat pag kakamalin nga naman ay may matututunan ka. At naniniwala si menchie na may matututunan si carl sa ginagawa nya, matututo itong pahalagahan ang taong nag mamahal sa kanya.
Lumipas ang ilang linggo na hindi na nag kita pa si menchie at carl.
"Mench, may girlfriend na si carl." wika ni cheska habang magkasama sila sa isang grocery store.
"Oh." sambit ni menchie at nilingon si cheska. Ngumiti si menchie kay cheska, "Good for him!" sabay lapag ng delata na hawak nya.
"Okay naman si amber, pero parang mas selosa pa yon." wika ni cheska.
"Ehdi maganda, baka yun na yung mag patino kay carl." sambit ni menchie sabay tulak sa cart na hawak nya.
"Kasama sya ni carl kagabi sa bahay, mukhang maarte at mataray pa sa akin eh." wika ni cheska.
"Ehdi maganda, naka tagpo ka na katapat mo." sarkastikang sambit ni menchie sabay tawa.
"Hoy, aminado ako na maarte at mataray ako, pero hindi masama ang ugali ko." sambit ni cheska.
"So, are you saying na masama ugali ng girlfriend ni carl?" tanong ni menchie.
"Oy wala akong sinabing ganyan ah!" sambit ni cheska. "Pero kahit si mommy hindi sya gusto. Si dad, sa mga reaksyon nya halatang ayaw nya din don." dagdag nito.
"Sa una lang yon, kung mapag bago nun si carl, magugustuhan nyo din yon." sambit ni menchie. Masaya si menchie para kay carl. Wala syang ibang hiling kung hindi maka tagpo si carl ng talagang mamahalin nito at mag papatino rito.
"Hay nakuh sana nga maoag bago nya si carl." wika lang ni cheska.
Nag bakasyon si cheska, jazper at mga anak nila sa resort nila sa launion kasama si menchie at ethan dahil sa long weekend holiday. Nag baba sila ng gamit sa kani-kanila nilang sasakayn ng may humintong sasakyan sa likod nila. Bumaba ng sasakyan si carl at tinignan ni cheska si jazper, "Hindi ko sya niyaya, nabanggit ko lang sa kanya." sambit ni jazper.
"Bakit parang hindi ka masaya na makita ako my dear sister." wika ni carl at pinag buksan ng pinto angbgirlfriend na si Amber.
"Don't ruin my vacation carl juaquin." inis na sambit ni cheska.
"Ganon ba talaga kasama ang tingin mo sa akin?" tanong ni carl sabay halik sa pisngi ng kanyang ate.
"Menchie, ethan, hi! This is my girlfriend, Amber!" wika ni carl.
"Hi!" bati ni ethan at menchie.
"Hi tinay, paki tulungan si amber sa mga gamit na ibang dala nya." wika ni carl sa kanilang staff sa resort.
"Ah sir, dala ko na po mga gamit ni Maam menchie eh, tatawagin ko nalang po si oscar para tulungan sya." sambit ni tinay.
"Girl, tara na, marami ka pang ikukweto sa akin." aya ni tinay at nag lakad papunta sa kung saan ang mga kwarto ng resort.
"Favoritism ka tinay ah, sige paki tawag nalang si oscar." malakas na wika ni carl.
"Anyare chie? Bakit ang bilis naman ata?" tanong ni tinay na pabulong.
"Tinay, that's life." sambit ni menchie.
"Kakaloka ka, tapos meron ka na kaagad ethan?" sarkastikang wika ni tinay.
"Meron naman na ding iba si carl mo ah." sambit ni menchie.
"Bakit hindi mo pinag laban?" tanong ni tinay.
"You know your boss, tinay." sambit ni menchie.
"Pero iba yung sa inyo eh. Naging kayo na, ikaw nga first girlfriend nya diba?"
"Everything changes tinay, lalo boss mo." sambit ni menchie.
"Kala ko pa naman kayo na talaga." panghihinayang ni tinay.
"That's also what I thought." sambit ni menchie.
Nilingon ni menchie sa likod nila si ethan at inantay na maka abot sa kanila, "Babe, this is tinay, one of the valued employees in this resort." pakilala ni menchie.
"Hello tinay!"
"Hi, sir pogi!" sambit ni tinay.
"Kaloka ka! Boyfriend ko yan oy!" wika ni menchie.
"Alam ko, hindi ko naman aagawin sayo yan noh!" sambit ni tinay.
Magkakasama silang nag tanghalian sa diner ng resort.
Naging maayos at masaya naman ang ang bakasyon nila na mag kakasama, kaya naman buong akala ni menchie ay magiging madali lahat sa kanila ni carl. Pero sa mga sunod na pag sasama nila carl at amber sa mga lakad nila ay nahihirapan na si menchie.
"Oh anong problema mo?" tanong ni jenna kay menchie ng pagbuksan nya ito ng pintuan.
Pumasok si menchie at umupo sa kams ni jenna, "Hindi ko pala kaya na makita at makasama si Carl, dahil sa tuwing nakikita ko kung gaano nya kamahal si amber. Ang sakit, parang ang bilis nyang naka limot, bakit parang ganon lang kadali sa kanya. Parang kahapon lang ako pa yung mahal nya, tapos ngayon yungbyung ember na yun na. Samantalang ako ito, hirap na hirap parin. Nasasktan sa bawat pag haplos nya kay amber, sa bawat hawak nya ng kamay nito, sa bawat yakap at pag aalaga nya." lumuluha at nag hihinagpis na mga wika ni menchi.
"Oh ano? Ang yabang yabang mo, no, I can manage this, wala akong pakielam kahit mag lampungan pa sila sa harap ko." sambit ni jenna na ginagaya pa nyan kung paano si menchie nung bitawan nito ang mga salitang iyon. Walang maisambit si menchie sa kaiibigan, "Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, baka bumalik lang sayo yung ginagawa mo noon kay carl, yung pag taboy mo sa kanaya. So, what's your plan?"
"Plano kong makipag hiwalay kay ethan. Kasi unfair para sa kanya yung ginagawa ko." sambit ni menchie.
"Sana una palang naisip mo na yan diba? Pinaasa mo lang si ethan na matutunan mo din syang mahalin." inis na sambit ni jenna.
"Tapos mag reresign ako sa trabaho." wika ni menchie.
"Huh? Pero sayang, ang ganda kaya ng trabaho mo. Sayang yung malaking sahod. May pa oto pa si yung ate ni carl sayo." sambit ni jenna.
"Nasa US na sila marco diba? Plano ko pumunta doon at makituloy, may ipon naman ako kahit paano. Mag hahanap ako ng trabaho doon." sambit ni menchie. Tatlong buwan na sa amerika ang kapatid ni menchie na si marco at ang mag iina nya dahil sa hipag nito na naka pag asawa ng amerikano.
"Mahirap yan menchie, tsaka sapat ba yung ipon mo?" nag aalalang sambit ni jenna.
"Hindi, kasi kailangan ng show money para maaprove ako ng visitor visa. Pero madali lang yon, meron ako makakausap about don. Yung ipon ko sasapat naman siguro para sa pamasahe ko papunta don at pang gastos hanggang makahanap ako ng trabaho doon bago mag expride ang visitor visa ko." sambit ni menchie.
"Pano kung hindi ka kaagad makahanap ng trabaho doon?" wika ni jenna na gustong tutulan ang plano ni menchie.
"Girl, matagal na yung six months imposibleng hindi ako maka hanap, pero kung hindi, bahala na." sambit ni menchie.
"Gaga ka!" inis na sambit ni jenna. "Nag tatraining na ako sa callcenter, bakit hindi ka nalang mag apply sa company namin."
"Kailangan kong lumayo jenna, at hindi ako papayagan ni ate cheska mag resign kung dito lang din ako mag mag tatrabaho." paliwanag ni menchie.
"My God mench, kinakabahan ako sa plano mo, pero sige susuportahan kita kung yan talaga ang gusto mo, at kung kailangan mo ng tulong ko, mag sabi ka lang. Tutulungan kita kung kaya ko naman." sambit ni jenna at niyakap ang kaibigan.
"Salamat girl!"
Nag kita si menchie at ethan, "Ethan, sa ilang buwan, naging unfair ako sayo. Pinag aaralan kitang mahalin, alam ni God yan. Pero, sorry kasi mahal ko pa talaga si carl eh. Plano ko muna lumayo, gusto ko muna ayusin at buoin yung sarili ko." wika ni menchie.
"Babe, hindi mo kailangang gawin to, kung gusto mo ayusin at buoin yung sarili mo, pwede mo namang gawin yan na hindi tayo nag hihiwalay eh, gawin mo na kasama ako, tinutulungan naman kita eh. Kung gusto mo lumayo para makalimutan si carl, pwede tayong lumayo. Pwede tayong mag punta sa family ko sa canada. makakahanap agad tayo ng trabaho doon." wika ni ethan.
"Pero, ethan, kailangan ko to gawin sa sarili ko. Plano ko pumunta sa newyork, kila marco, mag hahanap ako ng trabaho doon."sambit ni menchie.
"Pwede kita samahan doon, may kaibigan ako doon na pwede tayong tulungang makapasok ng trabaho." alok ni ethan.
"Sorry ethan, gusto ko tong gawin ng ako lang at ayaw ko ng mandamay pa ng iba. Lalo ka na, sobra na yung mga ginawa mo sa akin para matulungan akong makalimutan si carl. Hayaan mo muna ako, pag okay na ako or okay na ang lahat babalik ako." paliwanag ni memchie.
"Pero ipangako mo na pag naayos mo yung sarili mo, sasabihin mo sa akin at babalikan mo ako, kasi mag aantay ako." pakiusap ni ethan.
"Yes ethan, hayaan mo na muna ako na ayusin ang sarili ko ng mag-isa. Promise, babalik ako, babalikan kita, babawi ako sayo." sambit ni menchie.
"Kailangan mo ng pera, pang show money, para maaprubahan ka ng visa, I can lend you some." alok ni ethan.
"Wag na, may naka usap na ako na mag papahiram sa akin at pag naaprove na visitor visa ko, ibabalik ko agad sa account nya." sambit ni menchie.
"Babe, for the last time, let me help you." pakiusap pa ni ethan.
Hindi naka kibo agad si menchie at bahagyang nag isip. "I insist mench!"
"Sige, pag naaprove yung visa ko ibabalik ko agad sayo." sambit ni menchie.
"Wag na, kailangan mo yon doon."
"Ayaw ko, hindi pwede. Papayag ako na pahiramin mo ako pero ibabalik ko sayo." sambit ni menchie.
"Oh sige kung yan ang gusto mo, sige payag na ako basta hayaan mo lang ako na matulungan ka." sambit ni ethan.
Nilakad na ni menchie ang pag punta nya sa amerika. At nung naayos na lahat ni menchie ay agad na pinuntahan nyang pinuntahan si cheska para kausapin.
Pumasok si menchie sa opisina ni cheska at umupo sa uouannsa harap ng lamesa ni cheska.
"Menchie!" wika ni cheska ng makita nito si menchie.
"Ate cheska, mag papaalam na sana ako." wika na menchie.
"Paalam? Mag papaalam ka na, na ano?" nag-aalalang tanong ni cheska.
"Ate, mag reresign na ako kas-" nahihiyang wika ni menchie.
"Ha? Bakit?" agad na putol ni cheska sa kanya.
"Kasi ate, may nahanap na si marco na mapapasukan kong trabaho doon. Gusto nya ako makasama doon ate at gusto ko din naman silang makasama." paliwanag ni menchie.
"Alam ba ni ethan yan?" gulat na tanong ni cheska
"Yes ate, nasabi ko na sa kanya. And ayos na din lahat ng papel ko at mga gamit ko. May ticket na din ako, sa sabado na ang alis ko."
"Ha? Pero thursday na ah. Bakit biglaan naman yata yan, mench?" tanong ni cheska.
"Eh baka kasi hindi mo ako papayagan eh, kaya naiisip kong mag paalam sayo pag paalis na ako." sambit ni menchie.
"Ano ka ba? Maiintindihan naman kita, kasi si marco at yung mag-iina nya nalang ang natitirang pamilya mo. Sana lang sinabi mo ng mas maaga, hindi yung nangngugulat ka ng ganito." wika ni cheska. Hindi maka imik si menchie, "Pero, pag gusto mong bumalik dito, pwede mo parin balikan yang trabaho mo, and pwede ba, samahan mo muna ako sa kasiglahan bukas. Mag bubukas kasi ako ng branch doon eh, at parmakapag bonding naman tayo bago ka umalis."
"Sure ate."
"And mench, pag andoon ka na lagi mo akong tatawagan, tatawagan ko si mommy and daddy, puntahan mo sila, pwede ka nilang bigyan ng trabaho or matulangan mag hanap ng trabaho doon." wika ni cheska. Tango lang naman ang naisagot ni menchie.
"Ah ate, hindi na ako papasok ngayon, kailangan ko puntahan si ethan. May kailangan akong ibigay sa kanya." paki-usap ni menchie.
"Sige walang problema, pero bukas 8AM ang alis natin papunta sa kasiglahan." sambit ni cheska. Lumabas na si menchie ng opisina ni cheska at iniwan na ang susi ng sasakyan.
Pinuntahan ni menchie si ethan sa opisina nito para isoli ang pera na ipinahiram ni ethan sa pag show money para maaprubahan ang visa ni menchie. Hindi kasi ito sumasagot sa lahat ng tawag ni menchie.
"Ah maam mench, hindi pumasok si sir ethan ngayon, after out of town works nya, napagod siguro yun." sambit ng sekretarya ni ethan.
"Ah alam mo ba yung bank account number nya? May ibabalik lang akong nahiram ko sa kanya." wika ni menchie.
"Wala maam eh, try nyo nalang po ulit puntahan sa bahay nya." sambit ng sekretarya
"Ah sige, salamat ah. Pag tumawag sya sayo, paki sabi sagutin nya mga tawag at mga messages ko sa kanya ah, please."
"Sige maam mech, sasabihin ko po."
Pinuntahan ulit ni menchie si ethan sa bahay nito, pinindot ni menchie ang doorbell sa labas ng gate ng bahay ni carl. Pinag bukasan sya ng kasambahay ni ethan.
"Hi manang, andyan na ba si ethan?" tanong ni menchie.
"Naku maam menchie, hindi padin umuuwi si sir ethan dito eh." sambit ng kasambahay.
"Ganun ba manang, hindi pa rin kasi sya sumasagot sa mga tawag ko eh. Pasok muna kayo maam." sambit ng kasambahay ni ethan.
"Hindi na manang, salamat nalang may aasikasuhin pa kasi ako eh. Paki sabi nalang na nag punta ulit ako. Paki sabi paki sagot mga tawag at messeges ko." sambit ni menchie.
"Makakarating po maam." sambit ng kasambahay.
"Salamat manag ah, mauuna na po ako." wika ni mechie at umalis na.
Kinabukasan ay sinundo ni cheska si menchie ng maaga, "Tuloy na tuloy ka na talaga mench ah." malungkot na wika ni cheska ng makita na wala na ang mga gamit ni menchie sa bahay at naka handa na ang mga maleta ni menchie.
"Sabi ko naman kasi sayo ate diba?" malungkot din sambit ni menchie.
Nag punta sa magiging bagong branch ng cheque clothing sa kasiglahan si chesa at menchie, at nung pauwi na sila ay dumaan sila sa bayan nga kalusugan, "Alam mo ba mench, tumira kami dito dati sa kasiglahan." wika ni cheska.
"Talaga ate? Tumira din kami dito nuong bata pa ako eh." sambit ni menchie.
"Talaga ba? Why I didn't know that?" sambit ni cheska at ng madaanan ang mababang paaralan ng masigla ay itinuro ito ni cheska, "Yan, yang masigla elementary school, dyan kami nag graduate ni carl ng elementary. Pero nung high school, fourth year ako, then si carl second year, nung naka bili ng bahay sila mommy at daddy sa quezon city. Pero after a year, yung daddy ni momy, namatay and since only child si mommy ipinamana lahat ng mga naiwan nila sa launion kay mommy, ginamit nila yon para maka punta at maka pag trabaho sila sa amerika. Gusto nila kaming dalin din don at pag aralin, pero ayaw ni carl, kasi nabalitaan nya na lumipat ng quezon city sila MG nung hindi na nya nakikita si MG dyan sa masigla. Kaya nga nung lumipat kami ng QC eh tuwang tuwa yun si carl, kaso hindi nyan parin nahanap si MG, hindi naman nya kasi akalaing ganuon pala kalaki ang QC." kwento ni cheska at nangingiting inaalala ang mga nakaraan.
"Nag aral din kami ni marco dyan sa masigla ate." wika ni menchie.
"Maaga ako nag aral noon, so mga classmate ko mas matatanda sila sa akin ng isang taon, ang liit-liit ko pa noon, kaya lagi akong binu-bully ng mga classmate ko. Kaya nung grade six, binu-bully na ako ng mga classmate ko at mga nasa ibang section, tapos pinag iinitan pa ako ng isang teacher ko, hindi ko kinaya, nag stop ako. Tapos sakto naka bili sina mama at papa ng bahay sa QC kaya duon na ako nag tuloy ng pagaaral. May mga classmate ako nung grade one na, hanggang nag grade six kahit hindi ko na sila classmate eh, binubully padin ako. Paalam daw, paalam menchie daw, paalam daw sa section nila, paalam sa school namin. Eh, kasalanan ko ba na Magpalam ang surname ko, na tunog paalam." inis na kwento ni menchie.
Napapaisip si cheska sa kwento ni menchie habang nag mamaneho ito pauwi ng Quezon City. "Mench, anong year ka nag aral sa masigla?"
"1995 grade one na ako dyan ate." sambit ni menchie.
Nagulat si cheska at tila may gustong makumpirma, "Tanda mo pa ba mga naging classmate mo dyan sa masigla? Friend mo ba sila sa sss?" tanong ni cheska.
"Hindi eh, wala na akong maalala sa kanila kahit isa. So, wala akong friend sa f*******: ni isa sa kanila. Pero may mga naaalala ako sa kanila sa mukha pero hindi ko alam pangalan nila. Meron din naman na alam ko yung first name nila pero hindi ko maalala na itsura nila eh, katulad nung mga nambubully sa akin since grade one, si melca, si riza, tapos yung malditang bakla na hindi ko maalala ang pangalan, may isa silang kasama na lalake, hindi ko din maalala yung pangalan nya, kahir yung itsura nya hindi ko na din maalala, basta mukha silang mga anak mayaman kaya siguro ganoon sila magsi- asta." sambit ni menchie.
"1995 din nuong grade one dyan si carl eh, tapos grade three naman ako. Hindi kaya kayo naging mag kaklase ni carl?" wika ni cheska.
"Talaga ate? ewan lang kumg naging classmate ko ba sya, kasi kahit mga naging teacher at naging section ko nood hindi ko na din maalala eh." sambit lang naman ni menchie.
Nagiging pala isipan kay cheska ang mga kwento ni menchie, na may pag-kakahawig sa kwento ni MG. Pati ang pangalan ni menchie at MG.