CHAPTER 26 Kung wala na talaga siyang pag-asa pang lumaya. Kung ito na ang katapusan ng kanyang buhay. Nararapat lang na humingi na siyang muli ng tawad sa Diyos. “Diyos ko,” bulong niya. “Patawarin mo sana ako sa lahat ng aking ginawa. Sana mapatawad ako ng aking mga kababayan sa paggamit ko sa kanilang kahinaan para sa aking mabilisang pag-asenso. Inaamin kong nasilaw ako sa salapi. Mas pinahalagahan ko ang pera kaysa sa damdamin ng aking kapwa. Kung buhay ko man ang kapalit, ihahandog ko ito sa’yo ng buong puso, nang wala nang pag-aalinlangan. Pagod na pagod na din ako diyos ko.” Alam niyang lumukha siya. Basa na ang tela na ipiniring sa kanya. Gumagalaw ang kanyang mga balikat sa tindi ng kanyang emosyon. “Nagpasalamat pa din ako Diyos ko na binigyan mo ako ng buhay. Buhay na hind

