CHAPTER 27 “Okey na. Nakita ko na siya sa seat number na pinabook natin sa kanya. Pauwi na kami. Sigurado ka bang hindi mo kami susunduin?” message ni Kurt sa kanya sa f*******: nang nasa loob na ito ng eroplano Tumulo ang kanyang luha sa sobrang saya. Alam niyang ligtas na si Echo sa kahit anong kapahamakan. Ito na yung araw na hinihintay niya. Ito na ang araw na naramdaman niya na kahit paano ay may pinuntahan lahat ng mga mga isinakripisyo niya. Hinayaan niyang tumulo ang kanyang mga luha dahil kaiba na ang luhang iyon sa mga iba pa niyang inuliha noon. Mabilis siyang nag-type ng isasagot niya kay Kurt. “Salamat sa Diyos. Salamat din sa’yo bestfriend. Hindi na ako magpapakita pa. Gusto kong mabuo ang pangarap niya. Alam kong alam o kung bakit. Usapan namin noon na hanggang Sau

