Chapter 28 Nang humiga siya sa kanyang kama ay mukha ni Culver ang kanyang nakikita. Nakangiti siyang pumikit. Ramdam niya pa din ang walang kapantay nitong pagmamahal. Hahanapin niya ito. Magpapasalamat siya ng paulit-ulit sa lahat ng itinulong nito sa kanyang buhay. Kakausapin niya ang pamilya niya. Sana matanggap nila kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Culver lalo pa’t wala naman nakakaalam na nagbago na ang kanyang nararamdaman. Hindi madaling proseso sapagkat lalaki ang kanyang minamahal ngunit hindi na niya ikahihiya pa si Culver. Hinding-hindi na siya magdadalawang-isip pang ipakilala siya sa mundo. Hanggang sa naramdaman na lamang niyang tuluyan na siyang tinatalo ng antok. Iyon na ang pinakamahabang tulog niya pagkatapos ng higit dalawang taon. Paggising niya kinabukasan a

