CHAPTER 29 “Anong hindi na pwede? Anak wala ka naman asawa pa, dalaga pa din naman si Clair. Ano bang problema?” Hindi siya makasagot. Kung tutuusin pwedeng-pwede pa talaga. Naisip niya si Culver. Tinatanong siya ni Tatay Isko kung anong problema? Ang problema ay yung nararamdaman niyang pagmamahal sa kapwa niya lalaki. Yung wala siyang pinangarap nang ilang taon sa kulungan kundi ang muling makapiling ang taong nagsakripisyo at nagpakita sa kanya ng tunay na pagmamahal at pag-aasikaso. Yung katotohanang hindi na niya mahal si Clair at si Culver na ang tinitibok nito. Ngayon pa ba niya isusuko ang taong minamahal niya? Pumasok si Jericho dahil tumalbog ang bola sa paanan ni Echo. Lumapit ang bata sa kanya. Pinulot ni Echo ang bola at iniabot niya kay Jericho. Tumitig ang bata sa mg

