"What's up, man?" Masayang bati ni Jerome Thompson sa kaibigang si Vincent nang magkita sila sa fashion event ni Grace. Vincent arrived early at Los Angeles to catch Grace's fashion event. He has an invitation from the organizers itself kaya naman confident siya. Kahit na hindi siya inanyayahan ng babae, pumunta parin siya para kahit papaano ay masilayan itong muli sa personal. "Same as usual, man. Ikaw kumusta? Masyado ka yatang busy ngayon?" Aniya kay Jerome. Halos hindi niya mahagilap ang lalaki nitong mga nakaraan kaya nga si Isaac na lang ang inutusan niya tungkol kay Mari. Speaking of that woman, sana lang hindi mairita si Tristan sa amazonang ugali ng babaeng iyon. "I have a lot of missions, Vince. Alam mo namang napaka indemand ko na ngayon," pagyayabang pa nito. Naiiling na

