Bumaba siya ng sasakyan at namanghang nakatitig sa sobrang cute na cafe na nasa kanyang harapan. Dahil purong salamin ang lugar, kita niya ang kulay pastel sky blue na dingding nito na sinamahan pa ng mga disenyong alapaap. "Ang cute," kinikilig niyang papuri sa cafe. Nag-angat siya ng tingin sa signage kung saan nakasulat ang malaking letra na nakapatong parin sa clouds—DayDream Cafe. Nacurious tuloy siya kung sino ang may-ari ng cafe na iyon. "Do you like it?" Bumaling ang mga mata niya kay Vincent na nasa kanyang harapan at nakapamulsang nakatitig sa kanya. Nakangiting siyang naglakad patungo sa gawi ng lalaki. "Ang ganda. Kilala mo ba ang may-ari niyan?" "Yup!" "Talaga? Kaibigan mo?" "Not quite sure. All I know is that she was infront of me right now," anito habang may makahulu

