Chapter 20: Friend Request

1588 Words

"M—may problema po ba?" Nagtataka niyang tanong sa babae. Bumaba ang tingin niya sa basket nitong hawak at kita niya ang panginginig ng mga kamay ng ginang. Sa anyo nito ay para itong nakakita ng multo. Hindi naman siguro siya ganun kapangit para matakot ito hindi ba? "W—wala… Pasensya na ulit," natataranta nitong sambit bago nagmamadaling nilisan ang lugar. Sa pagmamadali ng ginang, naiwan pa nito ang isang supot ng kamatis. Akmang ihahabol niya sa ale ang supot subalit mabilis na itong nakasakay ng traysikel palayo. Napabuntong hininga na lang siya. Napakaweird naman ng babaeng iyon. "What happened?" Tanong ni Vincent nang datnan siya sa ganoong ayos. "May nakabangga sakin kanina tapos nang makita niya ang mukha ko, takot na takot siyang lumayo. Ano kayang meron?" Kunot noo niyang w

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD