Nagmamadali siyang bumalik sa loob. Nagulat naman ang dalawa sa kanyang inasta. "Anong nangyari sayo Mari?" "Kailangan ko ng umalis. Tinatawag na kasi ako ng boss ko," nakangiwi niyang tugon habang papalapit sa anak. "Ang aga pa ah. Ala sais pa lang ng umaga may duty ka na?" Kunot noong puna ni Betty. "Ahm…O—oncall kasi yung pagkasecretary ko kaya walang definite na oras ang duty ko." Hindi parin naalis ang pagkakakunot sa noo ni Betty kaya kinabahan siya. "Mayroon palang ganun?" "Oo naman no!" "Siya, sige, humayo ka na a baka mapagalitan ka na ng boss mo. Ako ng bahala kay Kreios dahil wala naman akong gagawin sa bahay ngayon," anito sa kanya. Nagpaalam na siya sa dalawa bago patakbong lumabas ng ospital. Mabuti na lang at may nagkapark ng taxi sa di kalayuan at hindi na niya kail

