Chapter 3

2356 Words
Rhea Anne Peralta's P.O.V Parehas kaming tahimik na nakatingin sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, basta ako iniisip ko kung paano ko i-iiwas ang anak ko sa higad na tatay niyang kaharap ko. "You're the RP's CEO." Sabi niya na cool na cool na nakaupo at cold na nakatingin sakin. I did the same. As if na maiintimidate ako. Pero may nararamdaman ako na alam kong binaon ko na sa hukay. Hindi pwedeng bumalik yubg damdaming iyon. "Yes, I am. And you're the R & K's Engineer. Its really a small world. Nagkita ulit tayo. Mr. Miguel." Sabi ko naman at nagcross leg at cross arms pa. I hate his face, I hate his guts, and I hate everything about him. I saw him smirked. "Yes it is, Rhe." He said. I glared at him. F*ck him! How dare him to call me like that. "Ms. Peralta for you, Mr. Miguel. We are not close enough for you to give me pet names. Let us get down to our business." Sabi ko. At inilabas ko yung folder pati na rin ang blueprint at pinakita iyon kay Keefer. Pinaliwanag ko yung details na kailangan niyang malaman. Dapat nandito rin si Ricky. Siya dapat nagpapaliwanag nito. Tsk. Hay... Its my fault din naman kasi I asked him to get Kean. "Just contact Mr. Romouldez for further more details that you need, Mr. Miguel." Sabi ko at iniligpit ang gamit ko tsaka ako tumingin sa kanya. He's looking at me or the right term is... Checking me out. "Are you done checking me out, Mr. Miguel?" Tanong ko dito. Tumingin naman siya sakin diretso sa mga mata ko tsaka siya ngumisi. "You've changed. Mas naging fierce ka. I like that. If we're in bed, I think you are more wild than before." He said. My eyes widened. He and his perverted mind and mouth. I rolled my eyes in the end. I hate this man. Sobra. "Such a ill manned person you are, Mr. Miguel. Talking about nonsense and not our business." I told him. Ngumisi siya at napailing. "Well, as a matter of fact... Its still business Rhe. You." sabi niya na may ngiti sa labi. Napakunot ang noo ko. Ako? Lalong lumawak ang ngisi niya ng nakita ang reaction ko. "What?" Yun na lang ang nasabi ko. Tumayo siya at lumapit sakin at inilapit niya rin ang mukha niya sakin. Napaatras naman ako. Ngumiti siya. Inilapit niya yung bibig niya sa tainga ko. "You're my business." Bulong niya ng nakangise. Napatayo ako at sasampalin siya sana pero bigla akong nanigas ng marinig ko ang boses na yun. "Mommy!" Si Kean. Oh my... Gosh... Keefer Alex Miguel's P.O.V Napatingin rin ako sa bata na papalapit samin kasama ang isang lalaki. Ito yung bata na kasama niya nung kasal ni Baklang Christian. And he called her Mommy? Napatingin tuloy ako kay Rhea. She looked shock and in panic. Why? "K-kean." Tawag niya sa bata. Nakangiti naman na lumapit ang bata sa kanya. Pero nung nakita niya ako. Bigla siyang napasimangot. "Sino po siya, Mommy?" Tanong nung bata at tumuro sakin. Tsk. "Pointing your finger to other people is rude, boy." Sabi ko. I hate rude persons. I saw irritation on his face. So am I. "You're the rude one, here Mister! You're bullying my Mommy!" Sabi niya. Ngumisi ako. I'm not bullying her mother. I'm just teasing her for a bit. "I'm not bullying your mom." Sabi ko. Tinignan niya ako ng masama. She's just like her mom, Pulling interesting emotion and expression. "You are." Sabi niya pa at yumakap sa ina. Ngumise ako. "No, I'm not." Sabi ko naman. I admit na para akong tanga na nakikipag away sa anak ni Rhea. Pero gaya nga ng sinabi ko. Parehas sila ng nanay niya. "Kean, Baby. Hindi k-ka ba n-nagugutom?" Nauutal na sabi ni Rhea at niyakap ang anak. Tinignan naman ng bata ang kanyan ina. "Nope. I'm not, Mommy." Sabi niya tapos tumingin siya sakin. "Kean, anak. Tara uwi na tayo. Tapos na si Mommy." Sabi ni Rhea at ngumiti sa anak. Napataas naman ako nh kilay. Hindi pa kami tapos. May paguusapan pa kami. "We're not yet finished, Rhe." Sabi ko. Tumingin siya sakin at tinignan niya ako ng masama. "Hon, why are you taking so long?" May lalaking lumapit kay Rhea. Is he her husband? I bet not. Hindi niya kamukha yung anak ni Rhea. "Ricky..." tawag pansin ni Rhea. Nakatingin yung lalaki sakin ng masama. Kaya hindi ko maiwasan na tignan din siya ng masama. "So, tama nga ako. Baka nga nangangagat nga ang ka meet mo, Hon." Sabi nung lalaki pero nakatingin pa rin sakin. Bigla niyang iniyakap ang kanang braso niya sa bewang ni Rhea na ikinainis ko. Tsk. F*ck him! "Mommy, Uwi na po tayo sabi ni Daddy." Sabi nung bata. Na lalo pang nakapagpainis sakin. Double f*ck him! "Lets go. Sa bahay na lang tayo Kumain. We will go ahead, Mr. Miguel. Nice to see you." Sabi niya. Tsk. Kinuha ni Rhea yung gamit niya at inakay yung anak niya at kasama yung lalaking yun paalis. Sh*t! Sh*t! Sh*t!! This is Sh*t! Rhea Anne Peralta's P.O.V Nakatulog na sa kandungan ko si Kean. Pagkatapos nung paguusap namin ni Keefer ay naggala na kami. At sangkatutak na talak ang inabot ni Ricky sakin. About dun sa pagtawag ni Kean kay Ricky ng Daddy. "I should've know, Rhea." biglang sabi ni Ricky. Napatingin ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha niya. "Ano?" Tanong ko. Tumingin siya sakin tapos da daan. "Kaya pala parang familiar ang mukha ni Kean. Dahil kamukha niya si Keefer Alex Miguel." Sabi ni Ricky. Napanganga ako. This can't be. Nalaman na niya. "A-anong p-pi-" pinutol niya yung sasabihin ko. "Don't deny it, Rhea. Kitang kita naman kung papaano ka magpanic kanina nung papalapit ang anak mo sayo. Masyado kang obvious." Sabi pa niya. Napayakap na lang ako sa anak ko ng mahigpit. Nasight kong tumingin ulit siya sakin na wari'y nagaantay ng sagot ko. "He's the father, Ricky. That guys is Kean's father." Sabi ko. Napamura na lang si Ricky. "F*ck that a******!!!" Sabi niya. Hindi ko na napigilang mapaiyak ng matandaan ang nakaraan. Ang nakaraan na nagpadanas ng sakit sakin lalo na sa puso ko. Flashback~ Bago lang ako sa school at onti pa lang ang kilala ko sa block ko. Si Christian na isang bakla at si Elleina na bestfriend nito. 2nd year na ako nung pumasok ako dito. I'm so surprised dahil nacredit lahat ng napagaralan ko sa dati kong school so wala na akong babalikan. "Ay shems! Malelate na ako!" Bulong ko at nagmamadaling pumunta sa classroom ko. Pero sa kasamaang palad, may nakabanggaan ako. "Aray?!" "Owwie?!" TT . TT huhu ang tigas talaga ng pader. Wait? Pader ba? "Miss, are you okay?" narinig kong may nagtanong kaya napatingin ako sa harap ko. Hmmm!!! Shems!!! (O///O) ang hot niya and gwapo. *dug*dug*dug* "Uhmm... y-yes..." nauutal na sabi ko. Siya nakatingin lang sakin tapos ngumiti. Tumayo siya at inoffer niya yung kamay para tulungan akong tumayo. "Here, let me help you." Sabi niya. Namumula ang mukha na hinawakan ko yung kamay niya. Nakatayo na ako at pinagpagan ang damit ko. May uniform kami, maikling palda na blue at Long sleeve na may blazer ang uniform namin. Napatingin ako sa kanya. Nandun pa rin yung ngiti niya kaya napatungo ako. "Uhmm... aalis na ako, salamat." Sabi ko at naglakad na. Pero napatigil ako sa mga susunod na sinabi niya. "Nice meeting you strawberry print girl." Narinig kong sabi niya kaya napalingon ako. Nakangise siya sakin. "Ha?" Nagtataka kobg tanong. Ngumise lang siya ulit at kumaway tsaka siya naglakad palayo. Tsaka ko lang naalala na... Strawberry print ang underwear ko... Kahiya... (>//// After that incident, always na kaming nagkikita at minsan binibigyan niya pa ako ng bulaklak. Tapos paglagi akong may nararamdamang kakaiba. My heart always beats so fast when he's near. Tapos parang may mga paruparo sa loob ng tyan ko. Shems! Talaga! "Hey, Rhe!" Naririnig ko na yung boses niya. At eto na naman ang puso ko. Lumulundag. "H-hi, Keefer." Nahihiyang sabi ko. Nakangiti siyang lumapit sakin na may hawak na namang bulaklak. Wag kang umasa na para sayo yang bulaklak, Rhea. Wag umasa okay? Kahit na mahal mo 'tong lalaking 'to. Wag umasa ahh. "Rhe!!!" "Ayy wag umasa!!" Nasabi ko. Nakatingin siya sakin tapos tumawa. "Bakit, Rhe? Bakit wag umasa? Ikaw ahh, Ano yan?" Tanong niya ng nakangiti. Umiling lang ako at tumungo. Shems! Heart! Tumigil ka sa pagtalon please. "W-wala." Bulong ko. Naramdaman kong tumabi siya sakin. At inakbayan ako. *dug*dug*dug* Heart naman!!! Wag kang magwala please... (>//// "You're so cute, Rhe. Lalo na yung expressions mo. I love it. I love you." Sabi niya at tumingin sakin. Napatingin rin ako sa kanya at nagulat sa mga sinabi niya. A-ano? Baka jino-joke na naman ako ng lalaking 'to. "T-tigil-an mo ng-a a-ako." Nauutal na sabi ko. Tumawa siya. "Your expression really amuse me, Rhe. I really love it. And I really love you, I mean it." Sabi niya na may ngiti sa labi niya. Nagulat naman din ako sa pag-amin niya. Naiyak ako. Syempre, siya ang unang lalaking minahal ko. Nagpanic bigla si Keefer. "D*mn! May nasabi ba akong mali, Rhe? Uyy! Rhe! May ayaw ka bang sinabi ko?" Nagpapanic na tanong niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya. "Mahal din kita, Keefer." Mahinang sabi ko. Naramdaman kong bigla rin siyang naging stiff na nagpatawa sakin. "Ah-h..." medyo nakakangangang si Keefer. Ang cute din niya. "Uyy, Keefera! Mahanginan ka ahh!" Sabi ko. Nakangaga siyang nakatingin sakin. "Ma-mahal mo r-rin a-ako?" Tanong niya. Tumango ako. Yung nakangangang si Keefer ay napalitan ng ngiti at biglang nagtatatalon. "YES!! YES!! MAHAL NIYA RIN AKO!!! WOOO!!!" Sigaw niya. Namula naman ako. Ang daming nakatingin samin. "Shh!! Ang ingay mo Keefer!" Sabi ko at hinawakan siya sa braso. Tumingin siya sakin at nagulat ako ng hilahin niya ako at halikan sa... LABI!!! (>//// "Can I court you?" He asked me. Namumula ang mukha na tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Tumango ako. "Y-yes." Nahihiyang sabi ko. Lumawak yung ngiti niya at nagulat ako ng buhatin niya ako at inikot ikot. Dun ko nakita nakita na sobrang saya niya. 1 month niya akong niligawan at masaya kaming dalawa. May onti man kaming hindi pagkakaunawaan pero agad din naman niya akong sinusuyo. Hindi alam nila Christian at Elleina na nagkaroon ako ng boyfriend. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanila pero, alam ko isang araw masasabi ko sa kanila yun. Dumating yung first monthsary namin na natapat ng Valentines day. Masaya ako kasi sinurpresa ako ni Keefer. He gave me flowers and chocolates na gustong gusto ko. Pero bigla siyang nawala nung lunch. May pinuntahan daw siya. Kaya nagkita na lang kami nung hapon. Nung araw na yun parang may kakaiba kay Keefer parang naging matamlay at seryoso siya. "Fer, may problema ba?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at ngumiti siya ng pilit. "Wala naman. Uhm... Rhe..." narinig kong tawag niya sakin. Lumapit ako sa kanya. "Bakit, Fer?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim at tinignan niya ako ng seryoso tapos bigla siyang ngumiti. "Tara, doon tayo sa bahay namin ituloy yung celebration natin." Sabi niya. Tumango ako pero biglang dinaga yung puso ko. May tiwala naman ako sa kanya. Pumunta kami sa bahay nila at doon kami kumain ng Dinner. Siya nagluto. Ang sarap. Wala kasi si Yaya Lourdes dahil day off nito. Pagkatapos namin kumain ay Nanuod kami ng movie sa kwarto niya. Pero hindi lang simple movie. Yung intense at madugo. Ayoko ng horror, promise. Kaya napayakap ako kay Keefer na natatawa sakin. "Hahaha. Matatakutin ka talaga." Sabi niya. Napa pout naman ako. "Ehh kasi ehh... Nakakatakot ta- wahhhhh!!!!!" Napasigaw ako at isiniksik pa lalo ang sarili ko kay Keefer. Tatawa tawa siya pa rin at unti unti naman siyang tumahimik kaya napagtingin ako sa kanya. Nakatingin pala siya sakin ng seryoso kaya sa kanya na lang din yung atensyon ko. Unti unti niyang inilapit yung mukha niya sakin... At hinalikan ako sa labi... It was passionate... I kissed him back. Hinapit niya ako sa bewang palapit sa kanya. Masaya ako na minahal ko ang lalaking 'to. Ramdam ko sa mga halik niya ang pagmamahal niya sakin. Pero unti unting naging mapusok ang mga halik niya at hindi ko rin mapigilan na mapaungol sa ginagawa niyang paghalik sakin. "K-keefer..." tawag ko sa kanya. Huminto siya at tiningnan naman niya ako. I saw in his eyes that he needs something from me. "F*ck, R-Rhe. I..." pinutol niya angnsasabihin niya ng pa smack na halikan niya ako. "I... need you." Pagtutuloy niya at hinalikan niya ulit ako. I kissed him back. Binuhat niya ako at dinala sa kama. I give him what he wanted. Its because I love him. And I need him too... After ng 'nangyari' samin. Nakita ko na tumayo siya habang ako nakahiga pa rin. Nagbihis siya kaya napaupo ako. Kahit na may masakit pa rin sakin ay pinilit kong umupo. "Keefer..." tawag pansin ko. Tumingin siya sakin at tsaka siya ngumisi. "Nag-enjoy ka ba?" Tanong niya. Nakatingin ako sa kanya. May mali akong nakikita sa kanya. Napakapit ako sa kumot. Bigla kasi akong kinilabutan sa tingin niya. Tingin na hindi ko mawari kung anong emosyon. Tingin na hindi ko makayang salubungin. Kaya nagbaba ako ng tingin. "Keefer..." tawag ko ulit sa kanya. Pero nagulantang ako ang buong mundo ko at nabasag ang puso ko sa mga susunod na sinabi niya. "I'm breaking up with you. Nakuha ko na yung gusto ko sayo, Rhea." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya sakin. "You're just a toy, Rhea. Pinaglaruan kita. You're just the subject of that f*ck*ng bet, Dear. At salamat sa virginity na sinuko mo. Nanalo ako." dagdag pa niya. Yung puso kong nabasag, pinulbos pa. Hindi ko na napigilang mapaiyak sa sinabi niya. I can't believe that give my important piece to him. Ang lalaking walang puso na nakilala ko... Keefer Alex Miguel. *End of Flashback* Sa pagbabalik tanaw sa nakaraan ko ay hindi ko na napagilan ang mapaiyak. Ang sakit pa rin hanggang ngayon ang ginawa niya sakin. Sa muli naming pagkikita. Yung sakit na nararamdaman ko noon, bumalik. Nung bumalik din siya sa buhay ko. Pero bumalik din yung dapat na damdamin na pinatay ko noon nung iniwan niya ako. "Rhea..." tawag pansin ni Ricky. Tumingin siya sakin. Seryoso siyang nakatingin sakin. "Ricky... ang sakit. *sniff* Sobrang sakit ng ginawa ni Keefer sakin. Pero bakit ganun? Bakit ganun, mahal ko pa rin siya." Umiiyak na sabi ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Don't worry, I'm here for you. Nandito ako." Sabi niya. Sana... Sana hindi na ko na lang siya nakilala... Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD