Rhea Anne Peralta's P.O.V
Inihahanda ko na ang almusal ng anak ko ng pumasok ang yaya ni Kean.
"Yaya, Si Kean?" Tanong ko habang nagpupunas ng kamay. Ngumiti ang yaya ni Kean na si Kim at tumabi siya, nandun pala sa likod niya si Kean na may hawak na bulaklak at nakangiti sakin.
"Good morning, Mommy!" Sabi niya at niyakap niya ako. Napangiti naman niya ako. He always surprises me everyday and he always gives me flowers.
"Good morning baby ko. Wow! Flowers again?" Sabi ko. Tumango siya at binigay niya yung bulaklak.
"Yup, 'coz I love you mommy so much!" Sabi niya at niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Ang sweet sweet talaga ng anak ko.
"Aww... ang sweet naman ng baby ko. Hehe. O siya dahil sweet ang baby ko, I made your favorite food baby ko!" Sabi ko. Ngumiti siya ng pagkalaki laki. At niyakap na naman ako ng sobrang higpit.
"Yay!!! You're the best mommy in the whole world." Sabi niya. Napangiti naman ko. He's my treasure and I don't want anyone steal my treasure away from me. Inalalayan ko siyang umupo. At umupo ako sa tabi niya. katulad ng tatay niya, mahilig sa scrambled egg with mayonaise and ketchup on top. Yan pa naman ang pinaka ayaw ko na kinakain sa umaga nung pinagbubuntis ko pa lang si Kean.
"Mommy..." tawag pansin niya. tumingin naman ako sa kanya. Nilalagyan ko kasi siya ng fried rice sa plato niya.
"Bakit baby ko?" Tanong ko. Tumingin siya sakin pero malungkot. Naibaba ko naman yung plato na may fried rice at yung buong atensyon ko ay nasa kanya. Bakit kaya? Anong problema.
"Mommy, Teacher Pen said that we should draw our daddy's work. I don't even know daddy's work. Could you tell me?" Sabi niya. Napahinga na lang ako ng malalim. Nursery student si Kean, 3 years old lang siya at pinilit niya akong ipasok siya sa school. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil.
"Honey, ano ang gusto mong trabaho paglaki mo?" Tanong ko. Napakunot naman ang noo niya. Hindi ko naman kailangan sabihin pa sa kanya kung ano ang work ng daddy niya. Malalaman nyo kung bakit.
"Gusto ko po maging isang taga gawa po ng Buildings, houses. Yun po! Bakit po mommy? " sabi niya. Napangiti naman ako. Just like his Dad. Like father like son.
"Edi yun ang work ng dad mo." Sabi ko. Tumango namab siya pero hindi pa rin nawawala yung pagka gloomy ng aura niya. Tumingin siya ulit sakin.
"Kailan po ang uwi ni Daddy? Love niya po ba ako? Love niya po ba tayo?" Tanong ni Kean. Napatanga naman ako at hindi ko maiwasang mapangise. Love? Meron ba siya nun? Tsk. Walang ganun yung walanjo na lalaking yun.
Yun pa. Kalibugan ang nasa isip nun.
Keefer Alex Miguel's P.O.V
*Prittt*Prittt*Pritt*
Nagising ako sa ingay ng alarm clock na nasa bedside table ko. Tsk. Hindi ko magawang imulat sa sobrang antok na nararamdaman ko. Kaya para patayin ang t*ng*n*ng alarm clock ay ibinato ko na lang kung saan. Masira man ay wala na akong pakealam. Gusto kong matulog pa.
"Keefer! Gumising ka na at may pasok ka pa sa Office mo." Sabi ni Yaya Lourdes. Siya yung Yaya ko mula pa nung bata ako. Ilang beses na niya akong pinagsasabihan sa pambababae ko pero hindi ako nakikinig sa kanya. Pero kahit na ganun, mahal niya pa rin ako gaya ng pagmamahal niya sa nga anak niya.
"Ya, 5 minutes pa!" Sabi ko at nagtaklob ng kumot. Aaminin ko na minsan na lang ako umuwi samin. Ayoko dito. Nasasakal ako.
"Fer, kapag hindi ka bumangon talaga papasukin ko yang kwarto mo!" Sabi ni Yaya. Napabangon ako ng wala sa oras. I don't want her to go inside of my room. Why? Nah!! Its better not to know. Baka hindi kayanin ng mga malilinis ang utak na nagbabasa ng Story ni Author.
(A/n: Good... Kahit kasi ako hindi ko rin alam ang loob ng kwarto mo.)
Yah! That's the point. I'll give you a hint. Hindi ka umaalis ng hindi ito suot. Haha >:)
(A/n: Kung ano man yan, ayoko ng malaman.)
Good. On to my Point of view. Bumangon na ako at nagpunta sa pintuan para lumabas na. Mamaya na lang ako maliligo. Naabutan ko si Yaya Lourdes na nakapameywang na nakaharap sakin.
"Ano bang meron dyan sa Kwarto mo na hindi dapat makita ng iba? Ikaw ahh!!! Baka nagtatago ka dyan ng babae mo!" Sabi ni Yaya Loudes. Umiling ako.
"As if Yaya. Magaling ang ilong nyo kapag may kasama akong babae. Atsaka never akong nagpapapasok ng kahit sino sa kwarto ko." Sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Ang taray din ng matandang 'to pero mabait siya.
"Naku! Ikaw pa! Nakakalusot mga babae mo ehh." Sabi ni Yaya. Natawa naman ako. Its true na nakakalusot ang mga babae ko pero hindi kami sa kwarto ko pumupunta. Dun kami sa guest room.
"Ya, nakakalusot nga sila pero dun sila sa Restroom at hindi dito sa kwarto ko." Sabi ko at nagsimula ng maglakad. Syempre sinigurado ko naman na nalock ko yung pinto at nasa akin yung susi.
"Hay naku! Ikaw na bata ka. O siya, naghanda na ako ng almusal mo. May Scrambled egg na may mayo at ketchup na always mog request at fried rice. Ngiting tagumpay naman ako. Ayos! Ang Favorite ko!
"Ya, hindi na ako bata." Sabi ko at sumimangot. Napailing si Yaya Lourdes pero nakangiti.
"O Siya ang lalaking playboy ng bahay na ito. May meeting ka daw sabi ng secretary mo." Sabi ni Yaya. Tumango ako at diresto akong umupo sa dinning chair at kumain. Pinagsisilbihan naman ako ni Yaya Lourdes habang kumakain.
"Oo nga pala, may balita ka na ba kay Rhea? Namimiss ko ba yung batang yun." biglang sabi ni Yaya Lourdes. Napatigil naman ako sa pagkain at naalala yung huling nagkita kami nung kasal nung baklang si Christian. Ano bang relasyon nung babaeng yun kay Christian? At sino yung batang kasama niya?
I'm so curious about that kid. I want to meet him and ro know him. I just don't know why.
Rhea Anne Peralta's P.O.V
Binabasa ko yung mga papeles na kailangan kong pirmahan ng pumasok ang Ama ko kasama si Ricky. Si Ricky ay childhood friend ko na nagtatrabaho sa company namin.
"Rhea, Anak. I want you to do me a favor." Sabi ni Dad. Tumayo naman ako at hinarap si Dad with a smile.
"Sure, ano po yun Dad?" Tanong ko. May binigay na folder si Ricky kay Dad tapos binigay sakin.
"I want you to cooperate with the K & R Engineer regarding to our new building na itatayo sa Makati. Nandiyan na lahat ng mga details na kailangan." Sabi ni Dad. Tumango naman ako pero naalala ko na nakapangako ako kay Kean na susunduin ko siya.
"Dad, I promised Kean na susunduin ko siya. Ayoko naman i-disappoint ang anak ko." Sabi ko. Nakita ko naman na huminga si Dad ng malalim.
"I'm sorry, anak. Alam mo naman na busy kami ng Mommy mo sa paglakad ng ibang papeles sa pagalis namin papuntang Japan. Hayaan mo, babawi naman kami ng Mommy mo sa inyong dalawa. Alam mo naman na mahal na mahal namin kayong dalawa ng apo ko." Sabi ni Dad at ngumiti. Napangiti na rin ako. Pag sinabi ni Dad na babawi sila, babawi talaga. Tumango na lang ako.
"Okay, Dad." Sabi ko. Tinapik naman ako ni Dad sa pisngi. At pinisil.
"Ang bait talaga ng anak ko. O siya, Ricky. Ikaw ng bahala sa Anak ko at apo ko. At pag nay nangyari sa kanilang masama, Naku!!! Ipapahanap talaga kita." Pagbabanta ni Dad kay Ricky na tumawa lang.
" Haha, oo naman po Tito. Ako na pong bahala sa kanila. Hindinko po itatakas ang anak nyo." Sabi ni Ricky. Ngayon lang siya nagsalita. Napangiti naman ako. He is true to his words.
"Okay, Samahan mo na rin siya meeting." Sabi ni Dad. Tumango naman si Ricky.
"Makakaasa po kayo sakin." Sabi naman ni Ricky. Tumango si Dad.
"O siya, maiwan ko na kayo at may gagawin pa ako. Anak, paki sabi na lang kay Kean na babawi na lang si Lolo niya ahh." Sabi ni Dad. Tumango ako at niyakap si Dad.
"Makakarating kay Kean yun, Dad." Sabi ko. Tumango si Dad at niyakap niya rin ako at pagkatapos ay nagpaalam na siya samin. Naiwan naman si Ricky.
"Hey, busy natin ahh?" Sabi niya. Ngumiti lang ako at nagkibit balikat. Umupo naman sa sofa sa Loob ng Office ko.
"Ganun talaga. Kailangan ko magsipag para sa kinabukasan ng anak ko." Sabi ko naman sa kanya at itinuloy ang ginagawa ko.
"Hmm... gusto mo tayong dalawa na lang ang magpakasal? Alam mo naman na- ooff! Aray! Grabe! Nagjo-Joke lang ako." Sabi ni Ricky. Binato ko kasi siya ng libro na makapal. Binabasa ko siya kapag gusto kong magpahinga.
"Wala sa hulog yang Joke mo! Ikaw magsundo sa anak ko habang may meeting ako. Alam ko naman na miss mo na rin siya." Sabi ko. Ngumiti at tumawa naman si Ricky.
"Sure, pagkakataon ko na rin yun para mas mapalapit sa kanya. Malay mo, pumayag siyang maging dad- oy!!! Joke lang! Wag mong ibabato yang vase! Masakit yan, oyy!!" Sabi niya. Babatuhin ko kasi siya ng vase. Naasar ako ehh. Aware ako na may gusto sakin si Ricky pero dahil bestfriend ko siya ayokong masira ang friendship na meron kaming dalawa.
"Tigilan mo ako, Ricky!" Sabi ko at itinuloy ang ginagawa ko. Nakita ko naman na bigla siyang nagseryoso.
"Bakit hindi mo pa kasi sabihin kung sino yung lintik na g*g*ng yun ang inanakan ka at iniwan ng basta lang." Sabi niya at nakita ko na nanggagalaiti siya sa galit. Napailing na lang ako at ginawa ko na lang ang dapat kong gawin.
"Hindi na kailangan dahil hindi na siya importante. Past is past, Ricky. Dapat ng kalimutan ang dapat kalimutan." Sabi ko. Nakita ko naman na pinakalma niya ang sarili niya.
"Okay Fine, Rhea. Basta nandito lang ako para sayo." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Salamat." Sabi ko.
~Lunch~
Pumunta na ako sa place kung saan ang meeting namin nung Engineer ng K & R. Nauna na akong nakarating kaya tinext ko muna si Ricky.
To: Ricky Mouse
Kamusta ang anak ko? Nakarating ka na ba?
Send.
Naghintay ako ng reply.
*Tweet*Tweet*
Ayan nag reply na siya.
From: Ricky Mouse
Nandito na ako. Hindi mo man lang sinabi sakin na after 2 hours pa ang labas ng anak mo! Madaya kang ina!
Natawa naman ako sa reply niya. Well, Power of charisma yan.
To: Ricky Mouse
Ikaw may gusto niyan ehh. Bear with it! Pumunta kayo dito pagnasundo mo na anak ko ahh! Sasakalin kita kapag may nangyari sa anak ko.
Sinend ko kaagad at agad din namang nagreply.
From: Ricky Mouse
Takot ko na lang sayo. Sige na. Ingat ka dyan. Baka m******s yang ka meeting mo. Sa pagkakaalam ko lalaki yang ka-meet mo kaya mag-ingat ka. Nangangagat daw yan.
Sabi niya. Nagkibit balikat na lang ako. As if kayanyang gawin yun. Hindi na ako nagreply at nag order ako juice. Nagsusurf lang ako sa net ng may tumawag sa akin.
"Rhea?"
Napalingon ako at hindi ko napigilang tumayo ng makita ko ang g*g*ng lalaki na pinaglaruan ako at pagkatapos kunin ang pinagkakaingatan ko ay iniwan ako na parang basahan.
"Keefer? Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya. "Wag mong sabihin..."
"IKAW ANG KA-MEETING KO?!" sabay na sabi namin. Parehas kaming speechless.
Bakit ba sobrang mapaglaro ang tadhana namin at palagi kaming nagkikita?
Ayoko na! Past is past na ehh!!
Ayoko ng balikan pa!!! Juice colored naman ehh!!!