Chapter Six

2526 Words
NAPAHINTO sa paglalakad si Laiza, nang makita niyang naglalakad papunta sa gawi niya ang "boyfriend" niya. Napangiti siya. Ang sarap sambitin niyon, kung sana'y hindi isang pagpapanggap ang lahat. Malakas na sumikdo ang dibdib niya ng muli niyang masilayan ang mga ngiti nito. Pakiramdam ni Laiza ay hindi siya makahinga ng maayos sa sobrang lakas ng kaba niya, idagdag pa ang nakakatunaw na mga tingin nito. Bakit ba nagagawa nitong bulubugin ng walang kaabog-abog ang puso niya? Effortless. Habang nagtatagal na nakakasama niya si Wayne. Mas nakukumbinsi siyang mas bagay dito maging modelo, kaysa basketball player at businessman. "Babe," nakangiting bati nito sa kanya. Nahigit niya ang hininga ng salubungin siya nito ng halik sa pisngi. Natulala siya at wala sa loob na nahawakan niya ang pisngi na hinalikan nito. Nang lumingon siya sa paligid, halos lahat ng mga tao doon sa lobby ng building na pinapasukan niya ay nakatingin sa kanila. "Ang sweet naman," kinikilig na sabi ni Lea. "Let's go?" tanong nito sa kanya. Wala pa rin sa sarili na tumango na lamang siya. Maging ng hawakan nito ang kamay niya ay hindi na rin siya nakapag-protesta pa. Pagdating sa loob ng kotse, hindi pa rin siya umiimik. "Laiza, okay ka lang?" nakakunot-noong tanong nito. Laiza? Anong nangyari sa Babe? Tanong niya dito sa isip niya. "Hey, may sakit ka ba?" Napakurap na siya sa pagkakataon na ito. Agad siyang umiling. "H-ha? Hindi wala. Okay lang ako. Medyo stress lang sa trabaho." Pagdadahilan niya. Ayaw naman kasi niyang aminin dito na ang simpleng halik nito ang siyang nagbibigay ng stress...sa puso niya. "You looked troubled." Anito. "B-bakit mo ginawa 'yon?" lakas-loob niyang tanong dito. "Ang alin?" kunot ang noo na tanong din nito. "Iyon, 'yung hinalikan mo ako sa harap ng maraming tao." Sagot niya. "Ah 'yon ba? Sorry ha? Did I make you feel uncomfortable? I just have to do it. It's all for the show." Nakaramdam bigla ng pagkadismaya si Laiza. It's all for the show. Tama. Iyon lamang iyon. Bakit ba isang bahagi ng puso niya ay gustong umasa na may kahulugan ang paghalik nito sa pisngi niya? Hindi nga ba't bayad siya sa role na ginagampanan niya? Pilit siyang ngumiti dito. "Ah, okay. Hindi, ayos lang. Nagulat lang naman ako. Sa susunod kasi, abisuhan mo ako na may ganoon kang gagawin." Sabi na lang niya. "Kailangan natin kasi na mapapaniwala maging ang ibang tao, para kapag lumabas sa balita ang tungkol sa atin. Makakarating iyon kay Mommy at Lynne. Kapag nakumbinsi na silang dalawa. Uuwi na si Lynne. Then, tapos na ang problema ko." Nakangiting paliwanag nito sa kanya. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot. Ngunit tinago niya iyon sa masiglang boses. "Okay. So, dapat pala dagdagan mo ang bayad ko. Ang usapan natin, kay Mommy mo at kay Lynne lang tayo magpapanggap." Walang prenong sabi niya, na may kalakip na biro. Hinintay niyang sumagot ito, ngunit nanatili lamang itong tahimik. Nang lumingon siya dito, wala siyang mabasang ekspresyon sa mukha nito. "Sure, if that's what you want." Seryosong sagot nito. Hindi na siya kumibo pa. Hanggang sa makarating sila sa Supermarket, hindi pa rin sila nag-uusap. Pagdating sa loob, muli na naman silang umagaw ng atensiyon. Muli ay nakaramdam siya ng pagkailang. Hindi niya alam kung anong ayos niya, hindi na kasi siya nakapag-retouch kanina bago lumabas ng opisina. Wala sa loob na inayos niya ang buhok niya. "Hey," pukaw sa kanya ni Wayne. Tinignan niya ito. Hinawakan nito ang baba niya at inangat iyon para magtagpo ang mga mata nito. Ngumiti ito sa kanya. At nanumbalik ang saya sa puso niya ng matanaw niya ang kislap doon. "Don't feel insecure. You're beautiful. Wala ka dapat ikahiya, besides, kasama mo ako. Hindi kita iiwan, remember? I'm your boyfriend." Sabi pa nito. Napangiti siya dahil sa encouragement nito. Natutuwa siya dahil kahit paano mukhang alam na nito ang mga kilos niya. Eh ang damdamin na lihim na umuusbong sa puso niya? Alam na rin kaya nito? "Right." Sang-ayon niya. "So, tara na?" Pagdating sa loob habang namimili na sila, wala silang tigil sa pagtatalo. Paano ba naman kasi? Lahat na lang ay dadamputin nito kahit na hindi naman talaga kailangan. Napailing si Laiza ng ilagay nito sa loob ng cart ang isang malaking tsitsirya. "Junk Foods, hindi healthy 'yan!" sabi pa niya dito. "Ah please, favorite ko 'yan eh!" pakiusap nito sa kanya. "Alam ko marami kang pera, pero hinay hinay sa paggastos ba! Huwag mong bilhin kapag hindi naman talaga kailangan. Grabe ka, masyado kang magastos. Kagaya n'yang tsitsirya na 'yan, dapat ang mga kinakain mo 'yung mga may sustansiya. Hindi iyong mga puro may preservatives. Kailangan mo ng lakas para sa laro mo." Sermon niya dito. "Just this one, please. Just this one. PUmayag ka na, babe." Kunwa'y paglalambing nito, saka nito kinuha ang isang kamay niya at nilagay iyon sa isang pisngi nito. Saka parang batang nagmamakaawa sa kanya. "O siya, sige na!" pagpayag niya. "Yes!" biglang sabi nito, na siyang bahagyang kinagulat niya. Ngunit higit niyang ikinagulat ay ang sumunod na ginawa nito. Nahigit niya ang hininga ng bigla nitong gagapin ang mukha niya at halikan siya nito ng mariin sa labi. Nanlaki ang mga mata niya. "Thank you! I love you!" sabi pa nito pagkalayo sa kanya. "You're Wel-come." Kandautal na sagot niya. Pinilig niya ang ulo. Parang nalasing yata siya sa halik nito. At parang kasasabi lang niya dito na huwag basta gagawa ng aksiyon na kagaya niyon na walang pasabi. Pero gusto yata niyang magpasalamat sa tsitsiryang iyon. "Masarap?" wala sa loob na tanong niya dito. Nakangising lumingon sa kanya si Wayne. "Why don't you tell me," sa halip ay sagot nito. Napakunot-noo siya. "Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan niyang tanong ulit. "Yung halik ko ang tinatanong mo di ba?" anito. "Ay, feeling mo talaga? Yung tsitsirya ang tinatanong kong masarap!" sagot niya. Natatawa na umiwas siya ng tingin dito. Sumagi lang sa isip niya ang halik na iyon na ilang minuto pa lang ang nakakalipas, gusto nang magkulay mansanas ang mukha niya. Kailangan talaga ipaalala 'yon? Sabi pa niya sa isip. Tumawa lang si Wayne. "Halika na nga. Tapusin na natin 'to, at nang makauwi na tayo." Yaya nito sa kanya, saka nito tinulak ang cart. Para kay Laiza. She's enjoying her life with Wayne every minute. Ngayon lang niya na-realize, masaya siyang kasama ito. Gusto niya ang bawat nakakakilig na ginagawa nito sa kanya kahit na isang palabas lang iyon. Kung kabaliwan man iyon, hayaan na lang niya muna ang sarili na makulong sa kabaliwan na iyon. Basta nasa tabi niya si Wayne. SA LOOB ng tatlong linggo na kasama ni Laiza si Wayne sa iisang bubong. Sapat na panahon na iyon para makilala niya ito. Ngayon lang niya napatunayan na tama pala ang unang impresyon niya dito. Hindi lang ito mabait sa harap ng ibang tao, kung hindi likas sa pagkatao nito ang katangian na iyon. Hindi na rin siya magtataka, dahil ang buong Pamilya Mondejar ay kapwa mabubuti ang puso. Mapagkumbaba. Hindi niya nakitaan ng yabang ang kahit isa sa mga ito. Masayang kasama ang mga ito, maging sina Lolo Badong at Lola Dadang na sa kalaunan ay nakagaanan na rin niya ng loob. Ang tanging problema lang niya doon ay ang mapanuring tingin ni Lynne. Alam niya, nagdududa ito sa tunay nilang relasyon ni Wayne. Hindi iilang beses nitong sinubukan na komprontahin siya, ngunit palagi naman na dumadating si Wayne para ipagtanggol siya dito. Marahil, talagang gusto nito ang huli. Hindi naman ito magti-tiyaga ng ganoon kung hindi ganoon kalakas ang damdamin nito. Hindi alam ni Laiza kung may karapatan siya, ngunit handa niyang ipagtanggol ang sarili laban dito, maging ang nararamdaman niya para sa binata. Sapat na rin ang panahon na iyon para maamin niya sa sarili ang espesyal na damdamin niya para kay Wayne. "Ayieee! Nadedevelop ka na no?" Napalingon si Laiza kay Razz. Ang mapanuksong ngiti ng mga bagong kaibigan niya ang bumungad sa kanya. Naroon sila nakatambay ng mga ito sa tapat ng Jefti's. Sa outside table sila pumwesto. "Sino naman may sabi?" patay malisyang tanong niya. "Ang puso mo," sagot naman ni Jhanine. "Walang pakialamanan ng puso, te." Aniya. "Aminin mo na kasi," pamimilit pa ni Sumi sa kanya. "Wala akong aaminin." "In true fairness, dear. Super bagay kayong dalawa. Actually, hindi halatang nagpapanggap lang kayo. Mukha talaga kayong totoong in love." Komento naman ni Sam. Hindi siya kumibo. Hindi iisang beses niyang narinig iyon sa mga pinsan ni Wayne. "Oh? Hindi ka na nakakibo diyan?" untag sa kanya ni Marisse. "Wala lang," "Girl, huwag mong madaliin ang nararamdaman mo. Ine-echos ka lang nitong mga hitad na 'to! Pero seriously, hayaan mong si God ang kusang kumilos sa inyong dalawa. He has plans." Payo ni Marisse sa kanya. "Thank you, Marisse." Wika niya. Napangiti siya. Mabilis na nawala ang mga alalahanin niya. "Nasaan nga pala si Wayne?" tanong ni Kim. "Wala, bumisita sa Mr. Big Sports Center." Sagot niya. "Isang tanong na lang. Ito seryoso 'to ah? Ano na ba ang status ng feelings mo para sa kanya?" tanong naman ni Kamille. "Yeah, gusto ko din malaman. You guys look so good together." Sang-ayon naman ni Nicole. Napabuntong-hininga siya. Hindi naman siguro siya ilalaglag ng kapwa Eba niya. "Ewan ko ba. Basta masaya ako kapag nandiyan siya. Masaya ako kapag masaya siya. Masaya din ako kapag napagsisilbihan ko siya. Nasanay na nga akong nasa tabi ko siya palagi. Hindi ko na alam kung paano na ako kapag natapos na 'tong palabas namin." Pag-amin niya. Napalingon siya nang marinig niyang sabay-sabay na huminga ng malalim ang mga ito. Natawa pa siya nakangiti ang mga ito at nakapangalumbaba, itsurang nagde-daydream. "Ang sweet," sabi ni Jhanine. "I know. In love ka nga." Sabi naman ni Nicole. Magsasalita pa lamang siya ng biglang dumating ang isang hindi niya inaasahan. Si Lynne. Bumaba ito ng taxi. Sandaling kinausap nito ang driver, pagkatapos ay naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Hinanda niya ang sarili niya. Alam niyang sa pagkakataon na ito. Walang Wayne sa tabi niya para ipagtanggol siya. "Hi Lynne," bati pa niya dito. Hindi ito sumagot, sa halip ay tila sinusukat siya nito base sa matalim na tingin nito sa kanya. At ang mas lalo pa niyang kinaasar, tinignan siya nito simula ulo hanggang paa. "Kung tititigan mo lang ako. Umalis ka na lang. Ayoko ng gulo." Pagtataboy niya dito. "Laiza, anong nangyayari diyan?" tanong ng bagong lapit na si Mark. Umiling siya. "Wala naman." Sagot niya. Ngunit nagulat ang lahat ng bigla siyang sampalin ng malakas ni Lynne. Napahawak siya sa pisngi niya ng makaramdam siya ng hapdi. "May sugat ang pisngi mo," nag-aalalang sabi ni Kamille. Mabilis na nag-init ang ulo niya, pakiramdam ni Laiza ay umakyat ang dugo niya sa ulo. Nakita pa niya na umangat ang isang sulok ng labi nito, saka tila inayos ang singsing sa kamay na pinangsampal nito sa kanya. Nakita niya ang malaking bato sa singsing nito, iyon marahil ang sadyang pinatama nito sa pisngi niya. Kung ganoon, sinadya nito iyon para masugatan ang pisngi niya. Mabilis naman na nahawakan ni Mark si Lynne at hinila palayo sa kanya. "Leave him alone! Mang-aagaw ka!" sigaw nito sa kanya. "Wala akong inaagaw sa'yo Lynne!" sigaw din niya dito. "Pinagkasundo kami ng mga magulang namin! Everything was perfectly set until you came! Sinira mo kaming dalawa!" galit na galit na wika nto. "Kahit kailan, wala akong sinisira! Alam natin dalawa na hindi ka gusto ni Wayne! Kaya huwag mong ipilit ang sarili mo sa kanya! Ako ang mahal ni Wayne! Matuto kang tanggapin iyon!" sagot naman niya. "I'll have him back! Tandaan mo ito, babawiin ko siya sa'yo!" banta pa nito. "Babawiin mo? Bakit? Kailan ba siya naging sa iyo? Ni hindi ka nga kinakausap nung tao kapag nandito ka, ang lakas naman ng loob mong sabihin na sa'yo si Wayne." Sagot ulit niya. Hindi ito nakakibo. Pagkatapos ay muli siya nitong tinignan ng masama. "Remember this b***h! I'll get back at you!" banta ulit nito, pagkatapos ay muling sumakay sa taxi at tuluyang umalis. Tila bigla siyang nakaramdam ng panghihina, at napasalampak na lang siya ng upo sa bakanteng silya. Hindi rin naman siya sa akin. ISANG humahangos na Wayne ang dumating. Nagulat pa si Laiza ng halos magiba ang pinto pagpasok nito. Nakaupo siya sa isang high chair na bakante, at may hawak na ice bag. Dinadampi niya iyon sa pisngi niya. Isang mahabang galos ang tinamo niya ng sampalin siya ni Lynne, dahil na rin sa suot nitong singsing. "Are you okay?" tanong agad nito paglapit sa kanya. "Oo, okay lang ako. Relax ka lang." nakangiti pang sagot niya. "Can I see it?" tanong ulit nito. Saka maingat na ginagap nito ang mukha niya. Napapikit ito, saka tila nanggigil na nahampas ng palad nito ang ibabaw ng kitchen counter. "God! I'm sorry. I'm so sorry." Hinging-paumanhin nito. Nang hindi makatiis at niyakap siya nito ng mahigpit. Naramdaman pa niya ng halikan siya nito sa ulo. Sapat nang dahilan ang mga bisig nito na nakayakap sa kanya, para mapanatag ang kalooban niya. Para masabi niya sa sarili niyang may tagapagtanggol siya. Gumanti siya ng yakap dito. Nang lumayo ito, ito na rin ang nagdampi ng ice bag sa namumula niyang pisngi. "Hindi mo naman sinabi na may pagka-amazona pala ang isang 'yon. Ang lakas manampal." Pabirong sabi niya. Napangiti naman ito. Ngunit nawala din sa mga labi nito ang ngiti ng mapagmasdan nito ang sugat sa pisngi niya. "Does this one hurt?" may pag-alala pang tanong nito. "Medyo mahapdi." Sagot niya. "Wait here," anito. Saglit itong umakyat sa kuwarto nito. Pagbaba nito, may dala na itong parang ointment. "Ano 'yan?" tanong niya. "Ointment, para madaling gumaling 'yan." Sagot nito. "Ako na maglalagay." Sabi niya. "No. Ako na." Hindi na siya nakipagtalo pa. Umupo ito sa isang bakanteng high chair sa tabi niya. Inikot nito ang inuupuan niya, kaya napaharap siya dito. "Medyo mahapdi lang ng konti ito ah? Pero saglit lang naman." Sabi pa nito. Tumango siya. Nang mapahiran na nito ng ointment, agad niyang naramdaman ang hapdi. "Aray ko," daing niya. Papaypayan sana niya ng mga daliri niya ang sugat, ngunit pinigilan siya nito. "Let me," halos pabulong na sabi nito. Pagkatapos ay marahan nitong hinipan ang sugat niya sa pisngi. At sa pagdampi ng hininga nito sa balat niya, gusto pa yatang magtaasan ng mga balahibo niya. "Okay na?" mahina ang boses na tanong nito. "Oo, salamat." Sagot niya, sabay tingin dito. Doon lang niya napagpansin na napakalapit pala ng mukha nila sa isa't isa. Lalong lumakas ang pagdagundong ng puso niya ng tila haplusin ng mga daliri nito ang pisngi niya. Napangiti siya. "May galos na ang mukha ko. Hindi na ako maganda." Sabi pa niya. "Who says? Maghihilom din 'yan. Pero hindi ka kailan man papangit sa paningin ko." Diretso sa mga matang sagot nito. Napuno ng saya ang puso niya. Lalong nag-umapaw ang kasiyahan niya ng mula sa likod nito ay nilabas nito ang isang long stemmed red rose. Lumapad ang ngiti niya. Nagtakang tinignan niya ito. "Saan galing 'to? Wala ka naman dalang rose kanina ah?" tanong pa niya. "Sa puso ko," nakangiting sagot nito. Natawa siya. Saka niya kinuha iyon. "Salamat," aniya. Hindi niya pinigilan ang sarili na kintalan ito ng halik sa pisngi nito. Lalong lumapad ang ngiti nito. "What's that for?" tanong nito. Nagkibit-balikat siya. "Wala lang." sagot niya. Saka siya tumayo, ngunit nahagip ni Wayne ang kamay niya at hinila siya nito pabalik dito. Kaya nakulong siya tuloy sa mga bisig nito. "Laiza, I..." Napahawak siya sa balikat nito. Kasabay ng pag-usbong ng mas matinding kaba sa dibdib niya. Ano bang ginagawa ng isang ito? Hindi ba nito na alam na sa tuwing nagkakalapit sila ng ganoon? Puso niya ang nalalagay sa alanganin. "Ba-bakit?" kandautal na tanong niya. "I was wondering if we can..." Hindi na nito natuloy ang sinasabi nito ng biglang pumasok Mommy ni Wayne. Awtomatikong lumayo siya dito, pagkatapos ay nagkatinginan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD