Chapter Seven

3136 Words
"I'M really sorry for what Lynne did to you, hija." Sabi ng Mommy ni Wayne sa kanya. Nginitian niya ito. "Wala po 'yon. Saka hindi po kayo dapat mag-apologize. Wala kayong kasalanan doon." Sagot niya dito. "Partly, it was my fault kung bakit siya nagkaganoon. It was me who pushed the arrangement between her and my son. I mean, hindi ko naman kasi alam na may nagugustuhan nang iba ito." Nagkatinginan sila ni Wayne. Muli na naman niyang naramdaman ang guilt. Kung maaari nga lang na iwasan niya si Tita Eve, ginawa na niya. Nakokonsensiya kapag kaharap niya ito, naging mabait ito sa kanya simula pa lang ng unang beses silang nagkakilala nito. "Mommy, just what if. What if Laiza wasn't here? Will still push Lynne to me?" tanong ni Wayne. Dahil hawak nito ang kamay niya, lihim niyang pinisil iyon. Pinisil din naman nito ang kamay niya. "Mabait naman si Lynne, anak. Iyon nga lang, may pagka spoiled brat." Sagot nito. Agad siyang binalingan nito. "I'm sorry hija, sisihin mo ang anak ko. Nagtanong pa kasi." Napangiti siya. "Okay lang po," sagot niya. "By the way, masarap kang magluto. Hindi na katakataka kung bakit nahuhumaling sa'yo itong anak ko. And Wayne, anak. Tumataba ka. Ilang linggo pa lang kayong nagsasama nitong si Laiza." Komento ni Tita Eve. "Thank you po," sagot niya. "Mom, it's nearly midnight. Babalik ka pa ba sa hotel? Masyado nang delikadong mag-taxi, ihahatid na lang kita." Sabi naman ni Wayne dito. "Uh no, I'll stay here. Bukas na lang ako babalik sa hotel para kuhanin ko ang gamit ko. Sinabihan ako ng Papa na dito na sa bahay mo matulog, si Lynne na lamang sa hotel." Nagkatinginan sila ni Wayne. Patay! Dito matutulog? Ibig sabihin, kailangan niyang matulog sa silid nito? Oh no! "Uh, okay. Uh, Mommy? Ayaw mo bang doon kay Lolo Badong matulog?" suhestiyon pa nito sa Ina. "Ah hindi, dito na lang ako matutulog sa bahay mo. Teka nga, Wayne? Tinataboy mo ba ako?" pagtataray nito. "What? Me? Of course not, I love the idea of my Mother sleeping here in my house. You're Welcome to sleep here, right babe?" Biglang kabig nito. Kinunutan niya ito ng noo. Bakit pati siya dinamay? "Oo naman po." Sagot naman niya. "Don't worry, tatakpan ko na lang ng unan ang tenga ko para wala akong marinig mula sa kuwarto n'yo." Sabi pa nito. Nagulat siya sa sinabi nito bigla ay nag-init ang pisngi niya, alam niyang namumula na siya sa mga sandaling iyon. Nagkatinginan ulit sila nito. "Mommy! You're embarrassing her." protesta ni Wayne. Tumawa lang ang Ginang. "I'm just kidding." Sabi pa nito. Nakitawa na lang din siya para matakpan ang hiyang nararamdaman niya. "Wait lang po, ihahanda ko lang ang kuwarto ninyo." Wika niya. Pagdating niya sa loob ng inookupahan niyang silid. Mabilis niyang niligpit ang mga gamit niyang naroon at nilipat iyon sa kuwarto ni Wayne, gamit ang secret door na nagkokonekta sa dalawang silid. Mabilis din niyang pinalitan ang bedsheet. Nang maayos na niya ang lahat, saka siya muling lumabas. "Nakaready na po ang kuwarto n'yo." Sabi pa niya. "Hay naku hija, ikaw talaga. Nag-abala ka pa ng husto. Baka naman pinalitan mo pa ang kobrekama." "Okay lang po. Medyo maalikabok po kasi baka mangati kayo." Ngumiti ito at marahan siyang tinapik sa pisngi. "Thank you, hija. That's so sweet of you." Nakangiting wika nito. Tumango lang siya saka ngumiti. Pagkatapos ay umakyat na ito sa silid na ookupahan nito. Hinatid muna ito ni Wayne, nang makabalik na ito. Saka sila nag-usap. "Paano na ngayon 'yan?" tanong niya dito. "Wala tayong choice, eh di doon ka matulog sa kuwarto ko." Sagot nito. "Ano kaya? Dito na lang ako sa sala?" suhestiyon niya. "Tapos ako nasa kuwarto? Gentleman ako, no? Saka paano kapag biglang bumaba si Mommy? Eh di buking tayo." Napapalatak siya. "Kasi naman eh, pwede naman magpanggap tayo na normal na mag-boyfriend. Bakit kailangan mo pa kasing sabihin na nagli-live in tayo?" reklamo niya. Ito naman ang pumalatak. "Ngayon ka pa talaga nag-reklamo? Halos tatlong linggo ka na dito ah." Sagot nito. "Eh iba ngayon. Matutulog tayo sa iisang kuwarto! Hindi ko pa nararanasan matulog sa iisang silid na lalaki ang kasama." Giit niya. "Babe, remember? We're living together, kasama ito sa palabas natin. Besides, I won't do anything stupid. I promise. I respect you, don't you know that?" Napipilan siya. Dalawang bagay ang tumatakbo sa isip niya sa mga sandaling iyon. Masaya siya dahil hindi nawawala ang paggalang nito sa kanya simula noong araw na nakilala niya ito. At nasasaktan siya, dahil muli na naman nitong pinamukha sa kanya na ang pekeng mundong ginagalawan nila ngayon. Ang tanging totoo sa pagganap nilang iyon, ay ang tunay niyang nararamdaman para dito. "Alam ko," mahina ang boses na sagot niya. "Tara na, matulog na tayo. Pagod din ako, alam ko ikaw din." Sabi pa nito. "Okay," Hinawakan siya nito sa kamay saka sabay silang umakyat papunta sa kuwarto nito. Pagdating nila sa loob, bigla siyang nailang. Malaki naman ang kama nito, pero isipin pa lang niya na matutulog siya katabi ito. Pakiramdam niya ay tatalon na palabas ng dibdib ang puso niya. "Maliligo ka ba? Mauna ka na." tanong nito. Tumango siya. "Oo," sagot niya. Papasok na siya sa loob ng banyo nang may naalala siya. "Nga pala, pinakialaman ko na dito. Nilagay ko 'yung mga gamit ko. Hindi ko na nasabi sa'yo kanina, madalian eh." Sabi niya. Ngumiti ito. "Okay." NAKAHINGA ng maluwag si Wayne nang makapasok sa loob ng banyo si Laiza. Kanina pa malakas ang kabog ng dibdib niya. Being with her in one room was such a torture for him. Kung nalalaman lang ng dalaga ang tunay niyang damdamin para dito. He like her. No. He don't like her. He loves her. Napaupo siya sa gilid ng kama, saka naihilamos ang mga palad sa mukha niya. Ilang beses na siyang sumubok na umamin dito, ngunit hindi niya palagi naitutuloy. Nauunahan kasi siya ng takot na baka hindi sila pareho ng damdamin. Ayaw din niyang sabihin nito na sinasamantala niya ang pagkakataon na nandoon ito sa poder niya. Isa pa, nakikita niya na purely business lang ang lahat para dito. Sinabihan niya ito dati na huwag itong maiin-love sa kanya, ngunit kabaligtaran ang nangyari. Siya ngayon ang nahulog sa isang palabas na siya mismo ang nagsimula. At handa niyang itama ang kamalian niya para lang maiparamdam niya dito kung gaano niya ito kamahal. May mga pagkakataon na nagmahal na rin siya ng iba noon, ngunit hindi kailan man naging ganito kalakas ang naramdaman niya. Tanging kay Laiza lamang. Kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang matapos na ang palabas nilang iyon para maipagtapat na niya ang pagmamahal para dito. Pumikit siya, saka nilapat ang likod sa kama. Relax Wayne, matatapos din lahat ng ito. Patience. Pagkausap pa niya sa sarili. Pagdilat niya, ganoon na lang ang gulat niya ng tumambad sa harap niya ang nakakunot noong si Laiza. Sa asar niya, tumawa pa ito. "Bakit ka ba tumatawa diyan?" naaasar na tanong niya. "Eh kasi ikaw eh, gulat na gulat ka. Mukhang malalim ang iniisip mo." sagot pa nito. "Wala, pagod lang ako." Sabi pa niya. Pagkatapos ay bumangon na siya. Hindi niya napigilan ang sarili na titigan ang maamo at magandang mukha nito. Kahit siguro habang buhay niya titigan ito, hindi siya magsasawa. Hindi siya natinag kahit na pumitik na ito sa harap ng mukha niya. "Hoy, bakit ka ba nakatitig diyan?" nakakunot ang noo na tanong nito. Ngumiti siya. "Wala lang. Maganda ka pala kapag bagong paligo." Sagot niya. Kitang kita na namula ang mukha nito, mabilis nitong iniwas ang paningin sa kanya. And how he loves to see her blush just like that, she's even more prettier in her own simple acts. "Ay tigilan mo ako, Wayne. Iligo mo 'yan, hindi 'yung ako na naman ang napagti-tripan mo." saway nito sa kanya. "Alright, alright." Sabi pa niya. Bago siya pumasok ng banyo, muli niyang tinawag ito. "Babe," "Oh?" "Diyan ka lang ah? Huwag ka munang matutulog, sandali lang ako. Huwag kang aalis, mamahalin pa kita." Halos magsalubong ang dalawang kilay nito pagkarinig sa sinabi niya. HUWAG kang aalis. Mamahalin pa kita. Hindi alam ni Laiza kung tama ang narinig niya o guniguni lang. Ngunit kasabay niyon ay ang pagdiriwang ng puso niya, gusto nito ang sinabing iyon ni Wayne, kahit na alam niya na walang kasiguraduhan ang mangyayari sa mga susunod na araw. Dahil basa pa ang buhok niya. Kinuha muna niya ang cellphone niya at tinignan kung may mensahe siya. Napangiti siya ng mensahe ni Lea. As usual, nang-uusisa at nanunukso ito maging sa text message. Mayamaya, biglang namatay ang cellphone niya. "Uy teka, anong nangyari? Kaka-charge ko lang sa'yo ah?" pagkausap pa niya sa pobreng cellphone niya. Inalog-alog pa niya iyon, pagkatapos ay pinindot ulit niya ang on button, ngunit, saglit lang iyon bubukas saka mamamatay ng kusa. Mukhang iyon na yata ang katapusan ng buhay niyon. Nalungkot siya. Wala pa siyang balak bumili ng cellphone ngayon. Dahil sa mga teammates ni Wayne na kumuha na ng Insurance, agad siyang naka-close ng deal. Kaya nakuha na agad niya ang commission niya para doon at agad na pinadala sa pamilya niya, kaya wala pa siyang pambili ngayon. "Hoy, huwag ka munang masira ngayon." Sabi pa niya. "Sino kausap mo?" tanong ni Wayne na kalalabas lang mula sa banyo. Bagong paligo na ito. Nakasuot lang ito ng basketball jersey shorts nito at walang suot na pang-itaas. Sinikap niyang huwag matukso na sulyapan ang matipunong katawan nito. "Ito kasing cellpphone ko eh! Sinusumpong na naman." Sagot niya. "Here," anito. Sabay abot sa kanya ng paper bag. Umupo ito sa tabi niya. Pinigilan niya ang sarili na amuyin ang mabangong amoy nito. "Ano 'to?" tanong niya. "Buksan mo." Sinunod niya ang sinabi nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang bagong cellphone ang laman niyon. Ang pinaka latest at mahal na model ng cellphone ng DigiCom International. "Ang ganda naman nito. Binili mo? Magkano 'to? Kapag nakaipon ako, bibili din ako n'yan." Sabi pa niya. Ngumiti ito, saka umiling. "No, that's yours." Sabi nito. Napanganga siya, saka muling tinitigan ang bagong phone. "Di nga?" paniniguro pa niya. "Oo nga," "Hindi ko yata matatanggap 'to, Wayne. Masyado nang mahal 'to. Ibabawas mo ba 'to sa napag-usapan natin?" tanong pa niya. Sumeryoso ang mukha nito. "You always think about money. Laiza, bigay ko 'yan sa'yo. Isipin mo na lang, token of appreciation ko 'yan para sa'yo dahil sa pagpayag mo na tulungan ako." Sagot nito. "Kaloka! Ang taray ng Token mo ha? Huuu!" masayang sabi niya. "Sure ka akin na 'to?" paniniguro niya dito. "Oo nga!" "Yehey!" parang bata na wika niya. "Matulog na tayo, may pasok ka pa. Kami may meeting nila coach." Anito. Nang tumayo ito, kinuha nito ang isang kumot at unan at nilapag iyon sa may ibaba ng kama. "Hoy, bakit diyan ka matutulog?" tanong niya dito. "Sabi mo naiilang ka," "Eh, nakakahiya naman. Ikaw ang may-ari nitong bahay. Tapos diyan ka sa lapag matutulog. Dito ka na lang, tabi tayo." Sabi pa niya. Tila hindi ito makapaniwala na tumitig sa kanya. "Are you sure?" paniniguro pa nito. Tumango siya. "Oo. Maglagay na lang tayo ng unan sa gitna." Sagot niya nang nakangiti. "Okay." Pagpayag nito. Nahiga sila na magkaharap sa isa't isa. Habang nagkukwentuhan. "Thank you," aniya. "Para saan?" "Sa cellphone. Bakit ba ang bait mo sa akin? Sige ka, baka masanay ako hindi na ako umalis dito." Pagbibiro pa niya. Inabot nito ang pisngi niya at marahan iyong hinaplos. "Eh di huwag kang umalis, ayos lang sa akin." Makahulugang sabi nito. Please Wayne, huwag mo akong lalong paibigin. Hindi ko na alam kung paano ko itatago ito sa'yo na mahal na mahal na kita. "IKA EVANGELINE tuknangan mo na ing kakareto kareng anak mo...abre mo lang mantung buri dang akayabe keng bye da." Sermon ni Lola Dadang sa anak nito at Mommy ni Wayne. "Ano daw?" tanong niya kay Wayne. Hindi niya kasi maintindihan ang sinabi nito dahil kapampangan ang lenggwaheng ginamit nito. "Sabi ni Lola, ikaw nga Evangeline, tigilan mo na ang kakareto mo sa mga anak mo. Hamong sila ang humanap ng gusto nilang makasama sa buhay." Pag-translate nito. "Mama, matagal na ang usapan na 'yon. Eh magkaibigan naman sila ni Lynne dati. Hindi ko naman alam na walang gusto itong si Wayne kay Lynne." Depensa nito sa sarili. "Tignan mo 'to, hindi na nahiya. Nandito si Laiza eh, ganyan ang sagot mo." sabi pa ni Lolo Badong. "Ay, okay lang po 'yun." Mabilis niyang sagot. "Papa, huwag na kayong magalit. Boto naman ako kay Laiza. I can see that she is a good girl. Maganda ang impluwensiya niya kay Wayne, at nakikita ko naman na mahal na mahal nila ang isa't isa." Nakangiting wika ng Mommy nito. Napatingin siya dito. Wala siyang maisagot dito kung hindi ngiti. "Thanks Mom," sabi pa ni Wayne. "Tita, eh kailan mo naman ilalagay sa Balikbayan Box ang Lynne na iyon at ibabalik sa America? Para hindi na niya guluhin si Laiza." Walang prenong tanong ni Marisse. "I did talked to her. Pero hindi siya kumibo, basta na lang siya umalis doon sa Hotel na tinutuluyan namin. Hindi ko naman siya mapabayaan dahil responsibilidad ko siya. I'll promise her Mom that I'll take good care of her." Paliwanag nito. Bumuntong-hininga si Wayne. "Mom, better talk to that girl. Sa susunod na saktan n'ya ulit si Laiza. Talagang ipapahuli ko siya kay Miguel." Sabi pa nito. Hinawakan niya ang kamay nito upang sawayin. "Wayne," aniya. Pagkatapos binalingan niya ang nakakatanda. "Huwag n'yo na pong alalahanin 'yung nangyari noong nakaraan araw. Okay na naman ako. Iniintindi ko na lang si Lynne." Wika niya. "No, that's not okay. Noon ko pa alam na possessive si Lynne, that's why I don't like her. Akala niya pag-aari niya ako." Kontra naman ni Wayne. "Wayne, basta hindi na niya uulitin ang ginawa niya. Pero sa ngayon, wala naman siyang ginagawa. Sa tingin ko, wala tayong dapat alalahanin doon." Sabi naman niya. Tumango ito. "Okay, sabi mo eh. Pagbibigyan ko siya ngayon para sa'yo. But I can't promise you anything if she hurt you again." "Sige," pagpayag niya. Gustong namnamin ni Laiza ang mga sandaling iyon. Ang sandaling sa kanya si Wayne, at tanging totoo sa malaking palabas na iyon, ang maiparamdam dito ang pagmamahal niya. Kahit na alam niyang siya lamang ang nagmamahal. Habang maaga pa, tinanggap na niya iyon. Kahit masakit, ayaw din naman niyang paasahin ang sarili na magkakaroon ng katugunan ang pag-ibig niya para dito. Alam niya, wala siyang maipagmamalaki sa Pamilya nito. Lalo na at nagsisinungaling siya sa mga ito. Kaya hinanda na rin niya ang sarili na kamuhian ng mga ito. "By the way, Wayne, Laiza." Ani Tita Eve. Tumingin sila dito. "Po?" tanong ni Wayne. Habang hinihintay niya ang sasabihin nito, kinuha niya ang basong may laman na softdrinks at uminom doon. "Bakit hindi n'yo pa ako binibigyan ng apo?" diretsong tanong nito. Sukat sa narinig niya, bigla siyang nasamid. Si Wayne naman ay naibuga ang iniinom din na softdrinks. Nagulat ang mga pinsan nito at mga nakakatanda, hindi napigilan ng iba ang matawa. "Ima, nanung sasabyan mo? pamakarine mo kami!" tila nagrereklamong sabi ni Wayne. "Mom! Ano ba 'yang sinasabi n'yo? Pinapahiya n'yo naman kami eh!" pag-translate naman ni Marisse. Tinaas ni Tita Eve ang dalawang kamay nito. "Okay, I'm sorry. I thought you're comfortable to talk about it." Sabi pa nito. "Hey, are you okay?" tanong ni Wayne sa kanya, saka siya inabutan ng isang basong tubig. Tumango siya. "O siya, babalik na ako sa hotel. Baka mamaya ay nagbibilang na ng butiki si Lynne doon, kapag nabaliw ang isang 'yon, itatapon ako sa South China Sea ng bestfriend ko." Sabi pa nito. Natawa sila sa sinabi ng Mommy nito. Habang si Wayne naman ay napapailing. "Ot keng south china sea pa? Sayang ing pamasahe, sabyan mo keni namung keng ilog pasig." Sagot ni Lolo Badong. "Ang sabi ni Lolo. Bakit sa South China Sea pa? Sayang ang pamasahe, sabihin mo dito na lang sa Ilog Pasig." Paliwanag ni Wayne sa kanya. "O Daddy dearest, alam ko naman hindi mo hahayaan na lumangoy ang isa sa Prinsesa mo sa Ilog Pasig." Nakangiting sabi nito sa Ama nito. "I have to go, babalik na lang ako bukas." Nang makaalis na ito. Hinarap siya ni Wayne. "Pasensiya ka na sa Mommy ko. Makulit talaga ang isang 'yon." Hinging paumanhin pa nito sa kanya. Napangiti siya. "Okay lang 'yon, ang cute nga ng Mommy mo eh. Ang bait n'ya." Sabi pa niya. Kinuha nito ang kamay niya, nagulat siya ng dalhin nito iyon sa mga labi nito. Kumabog na naman ang puso niya. Iyon ang isa sa mga hindi niya maintindihan niya dito. Bigla bigla na lang itong magiging sweet sa kanya, kung kaharap ang ibang tao. Maiintindihan niya, dahil kailangan nila iyon para mapaniwala ang mga ito sa relasyon nila. Ngunit minsan, kahit kapag silang dalawa na lamang. Bigla itong magiging sweet sa kanya. Kagaya ngayon. "Wayne, ano bang ginagawa mo? Wala na ang Mommy mo." sabi pa niya. Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya, habang hinahaplos pa rin nito ang kamay niya. "Bakit? Kapag kaharap lang ba si Mommy ko puwedeng gawin ito? Am I not allowed to do it just because my heart is telling me to do so?" seryosong tanong nito. Dumoble ang bilis ng pintig ng puso niya ng muli na naman nitong halikan ang likod ng palad niya. Kung maaari lang niyang isigaw dito ang salitang 'huwag!'. Dahil sa ginagawa nito, mas lalo lang siyang napapamahal dito. Paano pa kaya siya magpapaalam dito? Kung ganoon na sinakop na nito ang buong sistema niya. Nabaling ang atensiyon nila ng dumating ang isang magarang kotse. Mukhang magpapa-carwash iyon. Bumaba doon ang isang babaeng matangkad at seksi. Agad na dumako ang mata nito kay Wayne, na siyang ikina-singkit ng mata niya. "Hi Wayne, can you wash my car?" maarteng tanong nito paglapit nito. "Okay," pormal na sagot ni Wayne dito. Ni hindi na nito pinansin ang babae pagkatapos niyon. Napangisi siya. Pero gusto yatang lumagpas ng kilay niya sa noo niya ng tila wala pa rin itong tigil sa pagpapa-cute sa boyfriend niya...kuno. At mukhang nahalata din iyon nito kaya lumapit ito sa kanya. Saka siya binulungan. "Nagpapa-cute si Ate, wala ka bang gagawin?" nakangising tanong nito, saka nito nilapit ang mukha nito sa kanya. Isang mapang-akit na ngiti ang binigay niya dito. Sabay halik sa mga labi ni Wayne. Kitang kita niya kung paano nagulat ito sa ginawa niya. Pero wala na siyang pakialam sa sasabihin nito, o ng ibang tao. Siya ang tinuturing nitong girlfriend, at hangga't nasa buhay pa siya nito. Gagamitin niya ang lisensiya niyang magpakaselosa at magpaka-possessive kahit konti. "Wow," hindi makapaniwalang sabi nito. "Sige na, tapusin mo na 'yang ginagawa mo." wika niya. "Okay," anito. "Lalo akong ginanahang magtrabaho. Pakiramdam ko lumakas ako." Nakangising sabi nito. Bago nito tinaas ang dalawang braso, at nag-pose gaya ng cartoon character na si Johnny Bravo. Natawa siya. Nang sulyapan niya si Ateng Pa-cute, nakasimangot na ito habang nakamasid sa kanya. Bahagya pang nanlaki ang mata niya ng bigla itong naghubad sa harap niya ng suot nitong t-shirt, kasabay ng pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. Bumalandra sa harap niya ang matipunong katawan nito. Agad siyang tumalikod, saka pinilig ang ulo niya. Kailangan talaga maghubad sa harap niya? Nang iabot nito ang hinubad nitong t-shirt sa kanya ay hindi na siya humarap pa. "Weh, hahalikan mo tapos noong naghubad ng t-shirt, bigla kang nag-blush. Huu! Mga paraan mo 'te! In love ka na!" tukso pa ni Marisse sa kanya, sabay lakad palabas. "Uy Marisse, hindi ah!" tanggi niya. Bakit nga ba niya kasi hinalikan ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD