Chapter Ten

3725 Words
SA bawat hakbang ni Laiza palayo kay Wayne, katumbas niyon ay tila pagpatay sa kanyang puso. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang buhay ng wala ito sa tabi niya. In a matter of weeks, Wayne conquenred her whole system. He ruled over her heart. Hindi niya alam kung paano nauwi sa tunay na pagmamahalan ang lahat, napakamahiwaga nga kapag ang Diyos ang kumilos sa dalawang taong animo estranghero sa isa't isa. Pagsarado ng pinto ng elevator. Napapikit siya, saka napahagulgol ng iyak. Kahit may mga kasabay siya doon sa loob at pinagtitinginan siya. Wala na siyang pakialam. Basta ang tanging alam niya sa mga sandaling iyon, nais niyang makalayo sa lugar na iyon. At simulan ang buhay niya na wala si Wayne sa kanyang tabi. Diyos ko, tulungan po Ninyo akong makayanan ang lahat ng ito. Alam ko po na nagkasala ako sa Inyo at sa mga tao sa paligid ko. Nagsinungaling ako at nagpanggap para sa sarili kong kapakanan. Hayaan po Ninyo na ituwid ko ang aking kamalian, tulungan po Ninyo akong tahakin ang landas ng kabutihan na wala pong ibang kasama kundi Ikaw. Nais ko pong simulan ang lahat sa paghingi ng tawad sa Inyo. Patawarin N'yo po ako sa mga kasalanan nagawa ko. Itinataas ko sa Inyo ang pagmamahal ko para kay Wayne. Hindi ko alam kung kakayanin kong mabuhay ng wala siya. Eksaktong natapos ang kanyang panalangin nang makarating siya sa ground floor ng hotel. Mabilis siyang lumabas doon, at bago siya tuluyang nakalabas. Nakasalubong niya si Lynne. Agad na naningkit ang mga mata niya. "Ah, so you're leaving? Good. Have a happy life," pangungutya pa nito sa kanya. Pumikit siya, upang pigilan na umigkas ang palad niya sa mukha nito. Kinuyom niya ang mga palad para makapagtimpi siya. "Alam mo? Kung gugustuhin ko lang, kanina pa kita sinapak. Pero hindi ko gagawin 'yon. Hindi ko ibababa ang pagkatao ko ng dahil lang sa isang katulad mo. Sa totoo lang, naaawa ako sa'yo."  Nakita niyang nagsalubong ang mga kilay nito. "What are you saying?" nanggigigil na tanong nito sa kanya. "Naaawa ako sa'yo, dahil kailangan mo pang manira ng buhay ng ibang tao para lang mapansin ka ng mga tao sa paligid mo. Ano ba sa tingin mo ang mangyayari? Na mamahalin ka rin ni Wayne kapag nasira mo ako? Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa kanya. Napahiya ka lang dahil tinanggihan ka niya. Dahil kung tunay na pagmamahal nga 'yan, hindi ka magiging makasarili. Dahil ang tunay na pag-ibig ay mapagparaya. Hayaan mong siya ang magpasya kung sino ang makakapagpasaya sa kanya. Hindi ikaw. Hindi ako."  Hindi na hinintay ni Laiza na makasagot ito. Agad siyang naglakad palayo dito matapos niyang sabihin ang nais niya. Naiwan itong tulala at tila napahiya. Paglabas niya sa lobby ng hotel, agad siyang sumakay sa nag-aabang na taxi. "Manong, Bulacan po." Sabi niya sa driver. PINAHID ni Wayne ang luha ng kumalas siya sa pagkakayakap mula sa Mommy niya. "I'm really sorry, Mom."  Ngumiti ito, saka pinahid ang mga luha sa pisngi niya ng mga daliri nito. "You are forgiven, anak. Basta huwag na itong mauulit. And I'm sorry too, kung hindi dahil sa kakapilit ko sa'yo kay Lynne. Hindi mo rin naman maiisipan na gumawa ng ganyan."  "Mom, what will I do? I want her back. I want Laiza in my life. I really love her."  "Anak, nasaan ang pagiging Mondejar mo? Use your charm. Use our connections. Do everything to get her back in your arms. Kapag hindi si Laiza ang napangasawa mo, I won't approve anyone else."  Napangiti siya. "I will, Mom. Thank you so much! You're the best!" Muli niyang niyakap ang Ina. Wayne is always thankful to God for giving him a Mother like her. Makulit man ito madalas, ngunit hindi ito pumapalya sa pagpapakita at pagpaparamdam sa kanilang magkakapatid ng pagmamahal nito. Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang mga pinsan niya. "I gotta go, Mom. I have to find her." Aniya sa Mommy niya. "Go Anak, and I want to see her back before I leave." Bilin pa nito. "Yes Mom." Nakangiting sagot niya. Agad siyang umalis at pinuntahan ang opisinang pinagta-trabahuhan ni Laiza. Nakita niya ang pagkagulat ng mga tao doon nang makita siya ng mga itong pumasok doon. Maging si Lea at nagulat ng bigla siyang sumulpot sa harap nito. "Wayne? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong nito. "Where is she?" sa halip ay tanong din niya dito. "Sino?" "Si Laiza, where can I find her?" Nagkibit-balikat ito. "Hi-hindi ko alam," sagot nito. "Hindi ako naniniwala sa'yo. Alam kong alam mo kung nasaan siya. You're her bestfriend." Bumuntong-hiniga ito. "Eh kasi bilin niya huwag ko daw sasabihin sa'yo kung nasaan siya."  "Please, I need to talk to her. Gusto kong ipaliwanag ang lahat." "Ay ayoko nga, pagkatapos mong saktan ang kaibigan mo!" tanggi nito. "Hindi ko sinasadya 'yon. Mali ang mga narinig niya. Hindi ganoon 'yon, I mean, please Lea. I'm begging you." "Naku eh, baka ibitin akong patiwarik no'n eh."  "Lea, you have to believe me. I love her. Mahal na mahal ko si Laiza. I want her back in my life, and I will do anything to get her back. Please."  Muli itong bumuntong-hininga. "Hmmm...mukha naman nagsasabi ka ng totoo. Sige na nga, alam ko naman mahal ka rin ni Laiza," pagpayag nito. Sinabi nito ang eksaktong address nito sa bahay nito sa Bulacan.  "May isa-suggest ako. Para naman romantic ang pagbabalikan n'yong dalawa," dagdag pa ni Lea. "Ano 'yon?" tanong niya. Napangiti siya, kasabay ng paglalahad ng mga plano nito sa kanya. And he can't wait to see her again. Kung sa plano nilang iyon ay hindi pa rin umubra. Kahit ano. Gagawin niya ang kahit na ano. Bumalik lang ito sa buhay niya. NAPAPANGITI si Laiza habang pinagmamasdan ang mga kapatid niya na nasa loob ng sala. Nagkakasayahan ang mga ito sa bagong videoke na bili niya para sa mga ito. Buo silang pamilya ng mga sandaling iyon. Na-miss niya ang mga ito ng sobra. Lalo na ang mga magulang niya. Iyon na ang pangatlong araw na naroon siya. At hanggang sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung gaano siya katagal mamanatili doon. O kung aalis pa siya. "Anak." Napalingon siya. Ang nakangiting mukha ng Papa niya ang bumungad sa kanya. Nang umuwi siya doon sa Bulacan, ay ang eksaktong araw na lumabas ito ng ospital. Ligtas na ito sa panganib. Bahagya pa itong nanghihina ngunit nakakapaglakad-lakad na sa loob ng bahay nila. "Papa," aniya. Saka niya inalalayan itong umupo sa tabi niya. "Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka makisalamuha sa mga kapatid mo sa loob?" tanong nito. Umiling siya. "Wala po, nagpapahangin lang." sagot niya. Mayamaya, nakiupo din ang Mama niya. "Napapansin namin ng Papa mo, Marissalen. Simula ng umuwi ka dito, parang wala dito ang isip mo. Palagi kitang nahuhuli na tulala, minsan, tahimik na umiiyak." Sabi pa ng Mama niya. Hindi siya nakakibo. Tumungo na lang siya saka malungkot na ngumiti. "Wala po 'yon," sagot niya. "Tungkol ba ito doon sa naging nobyo mo na basketball player?" tanong ng Papa niya. Napaangat siya ng ulo, saka napatingin dito. "Paano n'yo po nalaman 'yon?" gulat na tanong niya. Ngumiti ito, saka tumingin sa Mama niya. "Anak, nababalitaan namin. Saka anak ka namin, alam namin ng Mama mo kung ano man ang dinaramdam mo. Marami din ang nagsasabi sa amin, nakita din namin ang mga larawan n'yo sa mga diyaryo." Sagot nito. "Hindi lang namin sinasabi sa'yo dahil naghihintay kami na ikaw mismo ang magkuwento sa amin." Dagdag pa ng Mama niya. "Sorry po, Mama, Papa. Hindi ko agad nasabi sa inyo ang tungkol doon."  "Siya ba ang dahilan kung bakit ka palaging malungkot?" tanong ng Papa niya. Mabilis na nangilid ang luha niya. Agad niyang pinahid iyon ng kumawala ang mga iyon sa pisngi niya. "Mahal mo ba siya?" tanong ng Papa niya. Lumuluhang tumango siya. "Sobra po." Sagot niya. "Umiiyak ka dahil nag-away kayo, tama ba?" tanong naman ng Mama niya. "Puwede mo bang sabihin sa amin ang nangyari?" anang Papa niya. Sa pagitan ng mga hikbi, naikuwento niya sa mga ito ang lahat. Simula ng kung paano at saan sila unang nagkakilala hanggang sa pagpapanggap niya bilang girlfriend nito. Maging ang pag-aaway nila ay kinuwento din niya sa mga ito. "Pinakinggan mo ba siya?" tanong ng Mama niya matapos nitong marinig ang kuwento. Umiling siya. "Hindi po. Ayoko na kasing masaktan lalo." Sagot niya. "Naging unfair ka sa kanya, kung ganon." Komento ng Papa niya. "Papa, akala ko ba kakampi ko kayo?" kunwa'y nagtatampong wika niya. "Oo nga, pero kailangan mo din malaman na unfair ka sa kanya. Hindi mo muna kasi pinakinggan ang side n'ya. Basta ka na lang nagpadalos-dalos ng desisyon mo." sabi pa ng Papa niya. "Natatakot lang po kasi akong marinig ang maaari niyang sabihin. Ayoko ng masaktan ulit." Katwiran niya. "Laiza, anak. Lahat naman tayo ay nasasaktan. Nasa atin na kung paano natin dadalhin iyon. Matanong nga kita, ayaw mo na ba sa kanya?" tanong pa ng Mama niya. "Gusto po," sagot niya. "Paano kapag humingi siya ng tawad sa'yo? Anong gagawin mo?" tanong naman ng Papa niya. Hindi agad siya nakasagot. Tumingin muna siya sa mga ito. "Hindi ko po alam. Masakit pa para sa akin ang mga nangyari." Sagot niya. "Anak, ang pag-ibig, minsan lang iyan dumating sa buhay ng isang tao. Kapag hinayaan mong makawala iyan ng dahil sa pride, baka hindi mo na ulit matagpuan 'yan, at pagsisihan mo habang buhay." Payo ng Mama niya. "Tama ang Mama mo. Gawin mo ang nararapat, anak. Kami naman ng Mama mo, wala kaming tutol. Kahit sino pa 'yan, basta't mahal ka at nirerespeto ka." Dagdag pa ng Papa niya. Napangiti siya, saka niyakap ang mga ito. Nagpapasalamat siya dahil may maunawain siyang mga magulang. Gumaan ang dibdib niya. Sa pagkakataon na iyon, naliwanagan siya. Pag-iisipan niya bago matulog ang dapat niyang gawin. Kung kinakailangan niyang makipagkita kay Wayne para lang maliwanagan ang lahat ng pangyayari. Gagawin niya. Maayos lang ang lahat at masilayan lang niya itong muli. Martir na kung martir. Bahala na. Mahal man siya nito o hindi, wala na siyang pakialam. Basta siya, handa na siyang ipaglaban ang damdamin niya para dito. Tatapatan niya kahit isang libong Lynne pa ang humarang sa daan niya. "SAAN ba tayo pupunta, Lea?" tanong na naman ni Laiza dito. Kung tama ang pagkakatanda n'ya, iyon na yata ang pang-limang beses na tinaong niya ito kung saan sila pupunta. Ngunit wala itong maisagot na matino sa kanya. "Basta, diyan lang. Huwag ka na nga lang maingay diyan." Sagot pa nito. "Anong diyan lang? Baka mamaya ibebenta mo na pala ko wala pa akong kaalam-alam." Biro niya dito. "Ay, grabehan na 'to te! Talagang may bentang nagaganap. Kung ibebenta kita, eh di kay Wayne na." ganting biro naman nito. Kumabog ang puso niya ng marinig ang pangalan ng minamahal. Mula kasi ng magkausap sila ng mga Magulang niya tungkol dito. Hindi pa rin siya nakakaisip ng paraan kung paano makikipagbati kay Wayne. Nauunahan kasi siya ng hiya. Pagkatapos ng mga sinabi niya dito, hindi niya alam kung paano niya ito haharapin. Ayaw naman niyang magpatulong dito kay Lea dahil siguradong pagtatawanan siya nito. "Basta siguraduhin mo lang na hindi ako mapapahamak diyan sa pupuntahan natin ah, kung hindi lagot ka sa akin." Pabirong banta niya. "So much na talaga 'to! Gigimik lang tayo, ipapahamak na agad kita!" eksaheradong sagot nito. Natawa siya. "Joke lang. Ikaw naman." Aniya. "Tse! Ewan ko sa'yo." "Medyo malayo pa ang byahe natin, matulog ka na muna diyan." Sabi pa nito. "Oo na, bahala ka." Sabi pa niya. Sinandal niya ang ulo sa backrest ng inuupuan niya. Saglit pa siyang sumulyap sa dashboard ng taxi na sinasakyan nila para tingnan ang oras. Pasado alas singko ng hapon, saka siya pumikit. Bago siya tuluyang gapuin ng antok, narinig pa niyang tila may kausap sa cellphone nito si Lea. Hanggang sa hindi na niya alam ang sumunod na nangyari. Naalimpungatan si Laiza ng maramdaman niyang biglang huminto ang sinasakyan nila. Napakunot-noo pa siya nang mapansin na medyo agaw-dilim na sa labas. Pagtingin ulit niya sa oras, lagpas alas-sais na ng gabi. Napasarap ang tulog niya, palibhasa'y hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kay Wayne. Napa-igik siya ng kaunti ng maramdaman niyang medyo kumirot ang batok niya, marahil ay nangalay dahil sa posisyon niya ng makatulog siya. "Aray ko," daing niya. "Tara girl, baba na tayo." Yaya sa kanya ni Lea. "Oo, sandali." Pagbaba niya, ginalaw-galaw pa niya ang leeg para mawala ang pangangalay. Ngunit napahinto siya sa ginagawa nang mapansin niya ang kinaroroonan niya. "Uh, Lea. Anong ginagawa natin dito?" tanong niya sa kaibigan. "Sorry Girl, nakiusap kasi siya sa akin ," sagot nito. "Halika na!" Tulalang nagpatianod na lang siya ng hawakan siya nito sa kamay at hilahin papasok ng Tanangco. Mabilis na kumabog ang puso niya. Napuno ng halo-halong emosyon ang dibdib niya. Ano nga ba ang dapat niyang maramdaman? Hindi nga ba't gusto na niyang makita at makausap si Wayne? Ngunit, bakit tila naroroon pa rin ang takot niya sa ano man ang maaari niyang marinig mula dito? Hindi nga ba't sinabi na rin niya na handa na siyang ipaglaban ang pag-ibig niya dito? Nawala ang atensiyon niya sa pag-iisip ng bigla siyang makarinig ng malakas na tambol. Nagulat pa siya ng mula sa kung saan ay biglang sumulpot ang mga kabataan na tumatakbo. Huminto ang mga ito sa harapan niya. Pawang mga nakasuot ang mga ito ng uniform na pang-Cheer Dance. Nang lumingon siya kay Lea, nakangiti ito sa kanya. "Huwag mo ng palagpasin 'to," payo pa nito, pagkatapos ay iniwan siya nito sa gitna ng Tanangco. Nang lumingon siya sa paligid, walang mga tao doon bukod sa grupong nasa harapan niya, si Lea at siya. "Wayne, nasaan ka?" pabulong na tanong niya. Napapitlag siya ng muling tumunog ang malakas na drums. Napangiti siya nang sumayaw ang grupong iyon ayon sa tunog ng drums, pagkatapos ay bumuo pa ang mga ito ng pyramid form. Napangiti siya, saka hindi napigilan na mapalakpak. Hindi niya naiitindihan ang mga nangyayari, pero malakas ang pakiramdam niya na pakana ang lahat ng iyon ni Wayne. Nagulat siya ng mula sa babaeng nasa pinakatuktok ng pyramid, nilabas nito ang malaking plakcard. Nakasulat doon ang mga katagang: I'm sorry. Nagsimulang dumaloy ang mga luha niya. Pagkatapos bumababa ng mga nag-form ng Pyramid, umalis na ang mga ito. Napangiti pa siya ng makita naman niya ang buong teammates ni Wayne. Pumila ang mga ito sa harap niya. Suot ng mga ito ay kulay puti na t-shirt, at may naka-imprenta na tig-iisang letra, at nang magtabi ang mga ito ay nabuo ang salitang 'Please'. Nang tumalikod ang mga ito, ang mga salitang 'Forgive Me' naman ang nakasulat doon. Natawa siya habang umiiyak. Hindi niya alam kung saan pa ilalagay ang kaligayahan na nararamdaman niya. Hindi pa man niya nakakausap o hinihingi nito ay pinatawad na niya ito. Mabilis ang naging pagpintig ng puso niya ng mula sa loob ng bakuran ng Mondejar ay lumabas ang lalaking hindi niya akalain na mamahalin niya ng sobra. "Wayne." Feeling niya, lalo siyang nain-love dito ng mapansin niya ang magandang bihis nito. Nakasuot ito ng gray na slacks, naka-leather shoes, gray na coat at putting polo sa loob. He looks dashing on his outfit. Napalingon siya kay Lea, kaya pala sinabi nito kanina na magbihis siya ng maganda. Isang peach casual dress ang dinala nito ng magkita sila, pagkatapos ay pinag-ayos siya nito ng todo. Nag-peace sign lang ito. Sa kamay ni Wayne, hawak nito ang isang pumpon ng bulaklak. "You look gorgeous," puri nito sa kanya. "You too," sagot niya. "Pasensiya ka na kung kailangan kong idaan sa ganito. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para lang mapatawad mo ako." Sabi nito. Hindi siya sumagot. Sa pagkakataon na ito, gusto niyang ito naman ang magsalita ng saloobin nito. "Laiza, I'm really sorry. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. Kung naiparamdam ko man sa'yo na pera lang ang habol mo sa akin. Iyong mga narinig mo, mali iyon. I mean, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Alam ng mga pinsan ko, may karugtong ang mga sinabi ko sa kanila." "Ano naman 'yon?" tanong niya. "Hindi mo narinig na sinabi kong hindi ko inaasahan na mamahalin din kita. Na nang araw na iyon, handa na akong aminin kay Mommy ang totoo. Hindi lang dahil para matapos na ang pagsisinungaling ko, kung hindi rin para maayos ko ang tungkol sa atin. Gusto kong humarap sa mga magulang mo. Gusto kong sabihin sa kanila kung gaano ko kamahal ang anak nila, at gusto kong sabihin sa kanila na handa kitang pakasalan kahit na anong oras." Natutop niya ang bibig, saka sunod-sunod na dumaloy ang mga luha niya. But this time, it's tears of joy. "Gusto kong pasalamatan ang Diyos, dahil dinala ka Niya sa akin. Noong araw na pumunta ka sa Shop ko para alukin ako ng Insurance. Dahil iyon ang naging simula ng pagbabago sa buhay ko. Hindi ko alam kung dapat kong ipagpasalamat ang ginawa ng Mommy ko na pangungulit niya sa akin kay Lynne. Dahil iyon din ang naging daan para mas mapalapit ka sa akin. And eversince I laid my eyes on you, hindi mo na pinatahimik ang puso ko. Hanggang sa hindi ko namamalayan na Mahal na pala kita." "And I broke my own rule. Sinabi ko na sa'yo noon na huwag kang mai-in love sa akin, pero ako mismo, nahulog ang puso ko para sa'yo. Hanggang sa nagising na lang ako isang umaga na ayoko nang mawala ka pa sa buhay ko, Laiza. And whatever it takes, I will do anything. Just tell me you forgive me and you're coming back to me." Nabalot ang puso niya ng awa at saya ng makita ang mga luha sa mata ni Wayne. Hindi niya inaasahan na iiyak ito sa harapan niya. "Ikaw lang ang minahal ko ng ganito, Laiza. At wala na akong ibang mamahalin pa kung hindi ikaw lang. Walang kahit na sino ang makakapantay ng pagmamahal ko para sa'yo, at hinding hindi kita ipagpapalit, kahit ilang Lynne pa ang dumating. I fell in love with you yesterday, I fell for you more today. And I promise to fall in love with you for the rest of my life." Nang hindi makatiis ay agad na tinawid ni Laiza ang pagitan nila at niyakap ito ng mahigpit. Mga yakap na pumawi sa pangungulila niya dito sa ilang araw na hindi niya ito kapiling. Mga araw na hindi niya alam kung paano niya nairaos na wala ito sa tabi niya. Napapikit siya ng maramdaman niyang gumanti ito ng mahigpit na yakap. "Tama na ang paghingi ng tawad, Wayne. I forgive you, matagal na. At kahit pa ano sigurong gawin mo, papatawarin pa rin kita. Ganoon kita kamahal. I'm sorry kung hindi kita pinakinggan, naging unfair ako sa'yo. Masyado akong nabulag sa sunod-sunod na masakit na pangyayari ng araw na iyon." Sa wakas ay wika niya. "I love you so much that I will always understand you," sagot nito. Naramdaman niya ng halikan siya nito sa sentido. "Maraming Salamat," bulong niya dito. "Mahal na mahal kita, Laiza. You have no idea how much." Anito. "Mahal na mahal din kita, at alam ko kung gaano mo ako kamahal. Dahil iyon din ang nararamdaman ko." Wika niya. "Kung itatanong mo sa akin kung ilang beses ka nang pumasok sa isip ko simula ng makilala kita, isang kasinungalingan kung isasagot ko na maraming beses na. Dahil isang beses ka pa lang nakakapasok sa isip ko, pero hindi ka na umalis pa dito. Hanggang pati sa puso ko ay nanirahan ka na rin. At wala akong planong paalisin ka, dahil mas maayos ang takbo ng puso't isip ko kapag ikaw ang nandito." Paglalahad niya. Bahagya siyang nilayo nito. Marahan siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi, saka siya tinitigan nito. "You have no idea how crazy I am for you. God! You're so beautiful." Paanas na sabi nito. Ngumiti lang siya. Saka napuno ng walang kapantay na kaligayahan ang puso niya. Iyon na ang simula ng tunay na pagmamahalan nila. This time, no pretentions, no holding back. Napapikit si Laiza, nang sa wakas ay tawirin nito ang distansya nila. Sinakop nito ang mga labi niya, at walang pag-aalinlangan na tumugon siya sa mga halik nito. At wala ng mas sasarap pa sa mga halik ng dalawang taong tunay na nagmamahalan. Aaminin niya, gusto niyang ipagpasalamat minsan ang pagpapanggap na ginawa niya. Dahil iyon ang naging daan para matupad ang isa sa mga pangarap niya. Ang mahalin ng lalaking pangarap niya. Nang maghiwalay sila ay muli silang nagyakap. "Hay, at long last! I'm so happy you're back together again!" sabad ng Mommy nito. Ngumiti siya dito, saka niya niyakap ito paglapit nito. "Thank you po," aniya. "Wayne, huwag mo ng patagalin. Magpakasal na kayo agad." Bilin pa nito sa anak. Nagkatinginan sila. "Yes Mom," sagot agad nito. "Yes! Tapos na ba drama? Pwede na tayong magtaguan?" tanong naman ni Wesley. "Anong taguan?" tanong niya kay Wayne. Ngumiti ito. "Ah, dito kasi sa Tanangco. Nakagawian na namin ang maglaro ng taguan kapag ganitong bilog ang buwan. Simula noong mga bata pa kami hanggang ngayon." Paliwanag nito. "Ah, talaga? Sali tayo!" sabi niya. "Oy Sali kami!" sigaw ni Wayne. "Okay, si Mark at si Kim ang taya!" anunsiyo ni Karl. "O? bakit kami?" protesta ni Kim. "Umoo na lang kasi, wala ka naman magagawa eh." Sabi naman ni Marisse. "Hoy Marisse, manlibre ka ba! Ikaw ang panalo sa pustahan!" kantiyaw ni Sam dito. "Hindi kita marinig, nabibingi ako!" sagot naman nito. "Game! Magtago na tayo!" sigaw ni Miguel. "Ay Dadang ng buhay ko, tayo na nga't pumasok sa loob at ng tayo naman ang makapaglaro ng taya tayaan sa silid natin." Nakangising baling ni Lolo Badong sa esposa nito. "Heh! Tumahimik ka! Hindi ka na nahiya sa anak mo at sa mga apo mo! Ke hilig mong matanda ka!" naiiritang singhal ni Lola Dadang dito. Natawa sila sa pagtatalo ng dalawa. Mukhang hindi naman apektado si Lolo dahil hanggang sa loob ay inaasar pa rin nito si Lola. "Ay sige na, tago na at aawatin ko lang sila Mama." Sabi naman ni Tita Eve. Sila naman ni Wayne ay nagtago sa may gilid ng sasakyan nito sa isang sulok. Nagulat siya ng bigla siya nitong halikan ulit ng mariin sa labi. "Bukas na bukas din, uuwi tayo sa inyo. Haharap ako sa magulang mo." sabi nito. "Okay," pagpayag niya. "Thank you for coming back in my life, Babe. I love you." Sabi nito. "Alam kong hindi ko pagsisisihan ang pagbalik ko sa buhay mo. I love you too." Sagot niya. Muling naglapat ang mga labi nila. The best night of her life. Dati ang pangarap niya ay para sa pamilya niya. Ngunit nang dumating si Wayne sa buhay niya, natuto siyang mangarap para sa sarili niya. Iyon ay ang makamtan ang pag-ibig nito. Ang favorite Carwash Boy at Basketball Player niya.                                                                                - WAKAS / THE END -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD