MIDNIGHT
Palihim kong sinundan sila Amari hangang dalhin ako sa Tapat ng isang 5 Star Hotel sa Manila. Pagdating ko doon ay nakita ko silang dalawa.
Nakita ko pa na ipinahila ni Zeb si Amari ng Upuan. Maya maya ay naupo sila. Nakita ko na may Kinuha si Zeb sa Bulsa nya saka iyon isinuot kay Amari. Nakangiti sya habang sinusuot ito. Habang si Amari naman ay hinawakan ang kwintas na sinuot sa kanya ni Zeb.
Bahagya syang ngumiti at nanatiling hawak ang pendant ng kwintas sa kanyang leeg. Maya maya lamang ay dumating na ang Pamilya ni Zeb.
Halatang galing sa Mayamang pamilya ito. May dalawang matanda na sa tingin ko ay kanyang mga Lolo at Lola, at ang iba ay sa tingin ko ay mga Tita at Tito nya.
Nakipag Beso at Niyakap pa si Amari ng mga Ito. Halatang gustong gusto nila si Amari para kay Zeb.
Lumipat ako ng pwesto sa mas malapit ngunit di nila ako mapapansin. Umorder din ako ng pagkain ko, pero ang totoong pakay ko lang naman talaga ay Makinig sa pag uusap nila.
"Napakaganda mo talaga Amari, Bagay na bagay talaga kayo nitong Si Zeb, Mabuti na lamang at Ikaw ang babaeng nakalaan para sa kanya, balita ko Nursing ka daw Hija."
"O..Opo Lola, Nursing nga po."
"Good, pero sa tingin ko Hija kapag naging mag asawa na kayo ni Zeb hindi mo na kailanganag trabaho, Tapusin mo lamang ang kurso mo para may Degree ka pero sa tingin ko ay di mo na kailangan na magtrabaho pa sa Hospital.
Mag Focus ka na lamang bilang Asawa at Ina nang mga magiging anak nyo ni Zeb." Dagdag pa ng Lola ni Zeb.
Pansin ko na nakayuko si Amari saka nagsalita.
"Ahmm.Lola, hindi naman po kami nagmamadali ni Zeb, marami pa pong pwede mangyari, i mean sa mga buhay namin, may kanya kanya pa po kaming priorities sa ngayon, ayaw po muna sana naming ma pressure pareho." Kiming wika ni Amari.
"Opo nga Lah beside bata pa si Amari lola."
"Yeah..But She's not a Minor, bakit pa patatagalim kung don lang din naman babagsak ang lahat, kaya kung ako sayo Zebedee Kumilos ka na .Gusto naming makita ang magiging mga apo namin sa Tuhod." Dinig kong wika ng Lola ng lalaking kasama ni Amari.
Pansin kong nakikipag usap at tumatawa sya ngunit tila balisa sya.
"Thanks for Tonight Amari, Ayaw mo bang sumama sa tinutuluyan namin? Or Sumama ka sa Condo na inuuwian ni Zebedee, gusto mo ba? Ipagpapaalam ka namin sa Mommy at Daddy mo." Dagdag pa ng Ginang.
"Ahm..hindi na po muna Lola, maaga pa po kasi ang klase ko Bukas, ma..mapapalayo po ako kung sasama po ako sa Condo ni Zeb."
"Opo nga Lola, Kawawa naman sya kung mapupuyat sya, May pasok pa po sta bukas" wika naman ni Zeb.
"Oh sya Sige, ihatid mo na lamang sya Zeb, ingatan mo ang babaeng mapapang asawa mo, siguraduhin mong ligtas mo syanga maihahatid."
"Oo naman po Lola, ako po ang bahala" dinig komg sabi ni Zeb.
Nang paalis na sila ay nauna na akong Lumabas at nagtungo sa aking sasakyan. Hinayaan ko muna silang makaalis saka ko pinasibad ang aking Sasakyan.
Nang makarating sa Condo ay kita ko pang bumaba sila. Hinalikan pa ni Zeb si Amari sa Ulo saka ito nagpaalam. Kita ko na umakyat na rin ito patungo sa Unit nito.
Umuwi na rin ako sa unit ko, Hindi mawala sa isip ko ang mga narinig at nakita ko sa Hotel kanina. Paano nga kaya kung pilit na ipakasal si Amari kay Zeb?
Pagpasok ko at Kumuha ako ng alak at tinunggga iyon, di Naman ito sobrang tapang ngunit naka 3 can na agad ako. Napansin kong nasa may kusina su Amari kaya lumapit ako sa may bintana para matananw sya ng husto, ngunit ng Makita nya ako ay nag iwas sya ng tingin. At maya maya ay umalis din agad. Hindi rin sya nag o online sa Soc Media nya.
Hangang sa paglipas ng mga araw ay naging mailap sa amin si Amari, Hindi na sya sumasama sa aming Tatlo, madalas nya na kasama ay ang kaklaswe na kaibigan nya pag minsan naman ay nakikita ko sya sa Library.
Minsan ay sumasama narin sya kapag sinusundo sya ni Zebedee. Pansin ko na napapadalas ang paglabas nila. Pero isang araw ay first time ko syang Makitang Napakasaya kita ko ang galak sa kanyang Mukha habang papasok sa Unit nila, naroon kasi kami ni Sir Xylas para sana kausapin sya pero wrong timing ata dahil kasama na naman nya si Zeb.
"Hi Guys, Magandang Gabi" bati sa amin ni Zeb, tumango at bumati naman kami.
"Pasok Zeb, may ginagawa ata sila dito sa sala, dun nalang tayo sa may Dining." Wika ni Amari dito ngunit sinubukan syang pigilan ni Avani upang maki Join nalang sa amin.
"Ahm..Amari, malawak naman ang Space, pwede kayo maki Join dito sa amin."
"Ok lang ba sayo Zeb na dito din tayo?" Malambing na tanong ni Amari saka bahagyang inayos ang kwelyo ng damit ni Zeb.
"Oo naman Dear, no problem, saka para makilala ko rin ang mga kaibigan mo." Dagdag pa nito saka ngumiti sa amin.
Pinakilala naman kami ni Avani at pinakilala naman sya sa amin ni Amari.
"Kayo pala ang kaibigan ni Amari, nice to meet you all." Bati nito sa amin.
Kinuha na ni Amari ang kanyang mga takdang aralin para magpaturo. Tinutulungan sya ni Zeb, magaling din ito, ine explain nya kay Amari ang mga sagot kung bakit nakuha, hangang sa mapunta sila sa Subject na hindi forte ni Zeb, kundi Forte ko.
"Ouch, Dear, pasensya na, di kita matutulungan sa isang yan, di ko forte yan, ask natin si Midnight baka matulungan ka."
"Ah, hindi na, magtatanong na lang ako Buk...."
"Akin na, Tutulungan kita, putol ko kay Amari, tila ayaw nya pa magpatulong sa akin.
Wala na syang nagawa ng Damputin ko ang notebook nya saka ko sya tinabihan sa kabilang side para i explain sa kanya.
Matapos ko ipaliwanag ay nagoa salamat naman sya at doon ay tahimik na ipinagpatuloy ang assignment.
Bandang alas nuebe y medya nang Magpaalam si Zeb. Hinatid pa ito ni Amari sa may ibaba at doon ay sinundan ko sya. Dahil gabi na iyon ay wala na ganong tao sa may Bench sa Gilid ng Condo namin.
"Amari, Ahm..Can we talk?" Tanong ko dito.
"Ahm.. tungkol saan Midnight?" Kiming tanong nya pabalik."
"Tungkol sa ating dalawa." Sagot ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga Mata.
Nagbaba sya ng tingin ngunit sumulyap din naman sa akin.
"Bakit Midnight? Anong tungkol sa atin?" Tanong nya.
Hangang sa makarating kami sa ilalim ng puno sa medyo tagong lugar.
"Gusto ko mag sorry sa inasal ko sayo nung nakaraan, it's my fault, hindi yon ang nais kong ipadama sayo, I'm sorry." Wika ko saka muling tumingin sa kanya.
"Wala na yon Midnight, hwag mo na lamang isipin, tapos na iyon."
"Pero Hwag mo isipin na di kami nag ke care sayo, of course nag ke care din ako sayo,." Wika ko pa.
"Ok na yon Midnight, wala ka naman dapat ipaliwanag, ok naman tayo, casual tayo and that's it, hindi mo kailangang mag worry o ma guilty dahil sa sinabi mo, hindi ko pwede na di i validate ang feelings na nararamdaman mo sa akin. Pasensya na rin, sa inasal ko." Wika nya saka din ako tinitigan.
"So, we're okay now? Pwede ba na wag mo na kami iwasan ulit? Di ako sanay na ganyan ka sa amin." Anya ko saka sya hinarap muli.
"Okay sabi mo eh, Sige, pero siguro may changes, alam mo naman yung sitwasyon ko at ni Zeb diba, malamang di nyo na rin ako madalas na makakasama." Daddag nya pa. Napaisip naman ako.
"Oo nga How about Zeb? Kumusta kayong dalawa? Parang nag eenjoy kana na kasama sya, Napapangiti ka na nya Amari." Anya ko habang tumawa ng pagak.
"Hmm..Mabait si Zeb at sa tingin koy di sya mahirap Mahalin Midnight, natutiwa lang ako dahil kapag nalulungkot ako nagagawa nya akong patawanin." Wika nya saka bahagyang ngumiti. Parang tinarakan naman ang puso ko ng kung ano.
"Good, ayos yan, masaya ako na may nagpapasaya na rin sayo."
"Salamat, Paano Midnight, papasok na ako, baka abutan pa tayo ng ulan pa gabi narin." Wika pa nito saka pumasok sa loob at ako naman ay pumasok na rin patungo sa unit ko.
Hindi ko alam ngunit tila mas bumigat ang dinadala ng aking puso.
Hindi ko pa maamin kay Amari ang nais kong Aminin, naguhuluhan pa ata ako sa nararamdaman ko. Pero paano kapag nahulog na rin pala sya kay Zeb?
Halo halo ang pumapasok sa isip ko, Hangang sa mag decide ako, Sasabayan ko si Zeb, Handa na akong magtapat at Magsabi kay Amari, buo na ang loob ko, Magtatapat na ako ng nararamdaman.
I reject nya man ako O Ano, ang mahalaga ay masabi ko ang nilalaman ng Puso ko, Ang totoong nararamdaman ko, Ang Pag ibig na nararamdaman ko para sa kanya.
Samantala
AMARI
Pagkatapos kong ihatid si Zeb at kausapin si Midnight ay bumalik na ako sa Unit namin, Nakasalubong ko pa si Xylas may Lobby. Nagpaalam ito at nginitian ko din naman saka ako dire diretsong umakyat sa unit namin. Pagkarating ay Dumiretso ako sa Banyo upang Mag Half bath. At pagkatapos naman ay pumunta ako sa Kitchen para uminom ng Gatas. Nakita ko pang nakaupo si Midnight sa Sofa sa kanyang Sala at nakatingin sa gawi ng Unit namin.
Habang nakatingin sya sa akin ay kita kong nagtitipa sya sa kanyang cellphone at ilang sandali lamang ay tumunog ang cellphone ko.
"Good night Amari", saka may Heart emoticons di ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, hindi ko maintindihan si Midnight, nung nakaraan ay halos ipamukha nya sa akin na ayaw nya sa akin at napipilitan lamang sya na hanapin ako dahil kay ate, ngayon naman ay ganitong ang ipinararamdam nya. Marupok na sa Marupok ngunit nakakaramdam ako ng Kilig. Hindi ako nag reply ngunit nag Heart react ako sa message nya, saka ako nag Log out.
Matutulog na lamang ako ngunit nadagdagan pa tuloy ang isipin ko.
Kinabukasan ay maaga ang klase ko, kaya naman magkasabay kami ni Ate pumasok, okay kami ng Ate pero di kami ganong nag uusap simula ng maganap yung pagtatalo namin noong nakaraan.
Pagdating sa University ay nakasalubong ko pa Si Midnight, May dala syang Notes at nagulat ako ng sabayan nya akong pumasok sa Room.
Doon ko na lamang nalaman na sya pala ang mag a assist sa amin sa subject namin today dahil busy daw si Doc Alfie.
Dahil nakapag klase na sya dito ay kilala narin sya ng mga ka klase ko.
Hindi ako makapag Focus dahil nakatingin sya sa akin. Hangang sa matapos ang subject na iyon.
Nagulat pa ako ng bago sya umalis ay iwan nya sa akin ang isang bento box.
"Amari, ginawa ko pala kanina, Kainin mo ah." Anya nya saka iniwan sa akin ang baon na ginawa nya. Tumingin ako sa paligid, wala namang ibang nakakita sa iniwan ni Midnight, kaya nung break time ay nagtungo ako sa Canteen at doon ko ito binuksan. Nag effort pa talaga sya sa pa bento box nya.
Medyo masaya ang aking puso, kumuha ako ng Kubyertos at sinimulang kainin ang pagkaing gawa ni Midnight.
Infairness masarap ang luto nya, sakto ang lasa.
At matapos ko nga itong kainin ay Nag text ako sa Kanya at nagpasalamat.
Pero nagulat ako sa mga sumunod na araw dahil araw araw ay wala syang hindi binibigay sa akin, Minsan ay Meryenda, minsan naman ay tsokolate, o di kaya ay Prutas. Nagtataka na ako sa mga kinikilos ni Midnight, hindi naman kasi sya dating ganito sa akin.
Pero hindi ko alam ngunit masaya ang puso ko sa pinapakita nya, pero naroon din yung takot, paano kung ginagawa nya lang to bilang pag so sorry parin sa nakaraan, baka ako lang naman talaga ang nag a assume. Pero ganon pa man kada bigay niya ay tinatangap ko, at nagpapasalamat naman ako sa kanya.
Palagi rin syang nangungumusta bago ako matulog, kaya imbes na makatulog ay napupuyat tuloy ako kaka Overthink.