CHAPTER 22 "IT'S A TIE"

1985 Words
AMARI Tila nawala ang pagkalasing ko ng marinig ang mga sinabi ni Midnight, Masaya ako dahil hinanap nya ako, ngunit napawi rin iyon ng malaman ko kung sino ang dahilan kung bakit nya ako hinanap, Dahil kay Ate Avani, Dahil umiiyak at nag aalala ang ate sa akin, hinanap nya ako dahil doon, hindi sa para makita talaga ako. Dire diretso ako sa aking kwarto at doon ako umiyak ng umiyak. Ilang minuto lamang ay dinig kong dumating si Ate Avani, kasama ang Dalawang Pamilyar na boses, Kay Midnight at Xylas. Lahat sila dumadating kapag kailangan ni Ate, Paano kapag ako? May darating kaya kapag ako ang nangailanan? O tulad din sila ni Mama na iniisip na Malakas ako, kahit sa mga oras na hinang hina ako at kailangan ko rin ng sasandalan. Ramdam ko na bumukas ang pinto, nakasubsob ang mukha ko sa unan ngunit ramdam ko na lumundo ang Kama. "Amari, tama na, hwag kana umiyak, ano bang problema, bakit nagkakaganyan ka? "Umalis ka na muna ate, Kaya ko to, Malakas ako diba, Iwan mo nalang muna ako." Wika ko sa kanya. "Ano ba kasing nangyayari sayo, kung may problema ka magsabi ka sa akin, Nag aalala ako sayo Amari. Kung ayaw mo talaga ng set up sayo ni Mama kay Kuya Zeb e di magsabi ka, yan ang hirap sayo, Inaako mo kahit di mo naman pala kaya." Wika ni ate na syang nagpa akyat ng init ng ulo ko." "Bakit Ate? Ano ba sa tingin mo? Tingin mo ba pag umayaw ako may magagawa ako? Wala, Siguro ikaw Oo, dahil ikaw lang naman ang laging pinapaburan ni Mommy, Sayo lang sya nakikinig, pero pagdating sa akin, pilitan pa, kung pwede nga lang Bat di ikaw ang magpakasal at Bakit ako?" Umiiyak na sagot ko kay Ate. "Sana nakipag usap ka Kay Mommy, Hindi yong Ganyan ka." Tumataas na rin ang boses ng Ate. "Hindi kasi ikaw yung nasa lugar ko kaya mo nasasabi yan! Hindi ikaw ako." Sigaw ko. "Bakit ano bang Problema mo sa Akin Amari? Akala ko ba Okay Tayo bat may Nililihim ka palang Ganyan sa akin? May Nililihim ka palang Inis sa akin, Bakit Ayaw mong sabihin. Ganyan Ka pala!" Sigaw ni Ate na naiyak na rin, di ko alam siguro ay dahil sa inis. Kasunod noon ay ang pagbukas ng Pinto. Narinig ko ang boses ni Xylas at Midnight. "Avani Tama na, Hayaan mo na muna si Amari, hindi kayo makakapag usap ng maayos, iwan mo na muna sya." Rinig kong wika ni Xylas at tila inaakay si Ate Palabas. Hangang sa maramdaman kong wala na sila, Hangang sa maramdaman ko na Lumundo ang kama, kaya napatingin ako, walang iba kundi si Midnight. "Ano pang ginagawa mo dito? Umalis kana rin, dun kana rin kay Ate, ayoko na muna makarinig ng sermon kahit sino sa inyo. Gusto ko muna mapag isa. Iwanan nyo nalang ako, bandang huli ako rin naman ang mali, sa akin din naman ang sisi, kaya please Midnight, Sapat na yung mga sinabi mo kanina, hwag mo na dagdagan please." Umiiyak na Wila ko habang nakatalikbong ng kumot. Hindi ko kaya na makita sya, hindi ko kaya na matitigan sya. Tila wala akong mukang maiharap sa kanya, Matapos ang mga sinabi nya kanina sa akin na tila nag papaulit ulit sa aking pandinig. Ramdam ko na tumayo sya saka huminga ng malalim saka ko narinig ang kanyang yabag palayo. Lalo lamang akong napaluha. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog, basta ang tanging alam ko ay nakatulugan ko na ang pag iyak. Tanghali na ako nagising kinabukasan mabuti na lamang at alas onse pa mg umaga ang klase namin. Nabasa ko ang mensahe ni Ate Avani. Nag Sorry sya sa akin. Nabigla lang daw sya. Hindi ako nag reply sa kanya. Pag lapit ko sa dining ay nakita ko ang Pancake na gawa ni Ate, Tatlong hugis puso iyon. Naaalala ko pa noongga Bata kami, madalas kaming gumawa nila Dad ng Pancake. Bigla kong naalala si Dad, sya lang ata ang Kakampi ko, pero sobrang Busy din ni Dad sa Business na hinahandle nya, at Ayoko na ma stress ang Dad dahil sa akin. Alam ko kung gaano na sya ka Stress noong panahon na na high at na Depress si Mommy, noong panahon na na kailagan kaming iwan ng Mommy para ma Heal ang sarili nya, matagal din bago makabalik ang Mommy, tanda ko pa ang panahon na iyon, ngunit may part na tila magulo sa akin. Palagi ko napapanaginipan ang isang bata na nasa masikip at madilim na lugar. Hindi ko alam kung anong kaugnayan niyon sa akin, pero alam ko na Konektado iyon sa akin, dati ko na iyon napapanaginipan ngunit ngayon ay mas madalas kong napapanaginipan ang Batang iyon. Tinawagan ko ang Daddy at Kinamusta, ok lang naman daw sila, Ang Mommy daw ay madalas sumakit ang ulo, kaya nagpapagamot din daw ito nag bunso naman namim ay busy sa eskwelahan. "Anak, kumusta ka? Umiiyak ba ang prinsea ko? Pasensya kana wala dyan ang Daddy anak, Gusto mo bang kausapin ko si Zebedee? Tanong ni Dad, ngunit naalala ko ang Mommy, kapag nalaman nya ay baka ma stress naman sya, iisipin nya na baka isipin ni Tita Tati na wala syang Palabra de Honor. "Hindi na po Dad, Baka ma Stress lang po ang Mommy, hayaan nyo na po, Saka sabi naman po ni Kuya Zebedee hindi din naman po matagal, Matatapos din po ang pag papangap namin." "Sige Anak, salamat Anak, At pasensya na, kahit Ikaw ang nahihirapan iniisip mo parin ang Mommy mo, Salamat Prinsesa ko." Wika ni Dad sa kabilang linya. Di ko na naman mapigilang di maluha, Mahal na Mahal ng Dad ang Mommy, Hindi madali para kay Daddy ang mamagitan sa dalawa, ayoko rin naman na mag away si Mom and Dad dahil sa akin. Kumilos na ako para pumasok sa school, medyo may hang over pa ako napatagal tuloy ang paliligo ko. Dahil nakaalis na si Ate Avani ay mag ta Taxi na lang ako. Habang naghihintay ay nagulat pa ako ng Hintuan ako ng isang Audi R8 na kulay puti, nagulat ako ng magbaba ito ng bintana. Nagulat pa ako ng mapagtanto kung sino ang sakay nito, walang iba kundi si Kuya Zeb. "Hi Dear, Papasok ka na? Ihahatid na kita" nakangiting wika ni Kuya Zeb. "Kuya Zeb, anong ginagawa mo rito sa Manila? Tanong ko sa kanya. Tumawa sya sa akin bago sumagot. "Hehe., Bakit? Masama bang puntahan ang fiance ko na magiging asawa ko?" Walang gatol na sabi nya kaya natahimik ako, na tila kinabahan. Nahalata naman ata yon ni Kuya Zeb kaya bigla sya nagsalita ulit. "Joke lang My Dear, hehe pero isa na rin iyon, may Training and Seminar kasi kami dito sa Manila ng 2 weeks so i guess magkikita tayo ng Madalas sa loob ng 2 weeks, andito rin kasi sila Lolo at Lola." Dagdag nya pa. "Don't worry Dear, no pressure, kasama mo naman ako okay?" Wika nya kaya tumango na lamang ako. Bago dumaan sa school ay nag drive thru muna kami sa Isang Kilalang coffee Shop, binilhan nya ako ng Coffee at ng Sandwich. "Kainin mo yan mamaya ha, hwag kang magpapagutom Dear, alam ni Tita Lavinia at Tito Exodus na pupunta ako dito sayo, kanina ko nga lang nasabi sa kanila." Dagdag pa nito. Inihatid nya ako sa University saka ako lumakad papasok. Pagdaan ko sa May Bench ay naabutan ko pa sila Xylas, Ate at Midnight, naabutan ko pang pinatatawa ni Xylas si Ate, at Si Midnight ay nakikitawa din. Napatingin ako sa kanilang tatlo, buti pa sila ang saya saya. Buti pa si Ate, nagagawa Nilang pasayahin. Napatingin sila sa Gawi ko kaya nag iba ako ng tingin. At akmang lalakad na ng Tawagin ako ni Xylas at Ate. "Amari, nariyan kana pala, Halika dito tinirhan ka namin ng Pizza, paborito mo ito diba?" Nakangiting wika ni Ate na Tila kinakapa din ako. "Salamat ate, Sayo na yan" sagot ko dito "Ah, Eh baka magutom ka Straight ang Pasok mo diba?" Pag aalala nito sa akin. "Hindi na Ate, May Food namab ako, mag Drive Thru naman kami Ni Zeb bago nya ako ihatid dito." Wika ko pa na tiniyak na maririnig ni Midnight. "Andito si Zeb?" "Yup Ate, Sya ang naghatid sa akin." Sagot ko dito, parang ayaw pa nila maniwala. "Wow, talaga Mahaldita, Haba ng hair mo ikaw na talaga from Gensan to Manila masilayan ka lang" "Ganon talaga Xylas, di ko rin naman expect na darating sya, .." Hindi pa ako tapos magsalita ay nagulat ako ng marinig ang Boses ni Zeb. "Dear, naiwan mo ang notes mo sa Car, baka importante kaya hinatid ko na." Nakangiting wika ni Kuya Zebedee. Gwapo pala lalo si Kuya Zeb kapag nakangiti, impossible na walang babae na nagkakagusto dito, malamang choosey to kaya wala pang Jowa." "Salamat Dear, Ingat ka, Mag message ka na lang kapag nakarating ka na sa Office na pupuntahan mo." Wika ko saka inayos pa ang kwelyo at neck tie na suot nito, nakatitig ako sa Mga Mata ni Zeb habang sinasabi at ginagawa iyon but base on my peripheral vision ay may isang pares ng mata na nakamasid sa ginagawa ko, maliban kay Xy at Ate Avani. "Thanks Dear, You are so sweet, See you later, I'll fetch you." Anya pa nito. Saka ako kinabig payakap sa kanya na di ko rin inaasahan pero mabilis lamang iyon. Saka sya tumingin kina Ate at Binati ang mga ito. Pagkatapos noon ay umalis na rin ito, Tumingin ako kina Ate at nag paalam na rin, tumango naman si Ate, Pero di ko na nagawang tingnan si Midnight Pero ng sulyapan ko sya ay kita kong nakayuko sya. Nagtungo na ako sa Klase ko straight kami ngayon kaya ala sais na ang uwi ko. Inaantok pa ako, mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang discussion ngayon kaya kahit papano ay madali lang i absorb. Bandang Ala Sais ay out na namin sa school. Nabasa ko na rin ang mensahe ni Kuya Zeb na hinihintay nya ako sa labas. May Family Dinner daw kasi kaya inaasahan na kasama ako. Bago ako makalabas ay nakasalubong ko pa si Midnight, muntik pa kami magkabanggaan. Hindi kami nakakilos agad hangang sya ang unang nagsalita. "Ahm..Amari, about last night, gusto ko lang mag sorry, pero iba ang iniisip mo, wala akong ibang ibig sabihin.." hindi pa sya natatapos ay Siningitan ko na sya. "It's okay Midnight, wala kang kasalanan, Nagsabi ka lang ng Totoo, Mali ko naman yon Eh, Mali ko na naman kaya Don't worry, di ka dapat ma guilty, Nasabi mo na, Nasaktan ako, ayos na yon. Mahalaga wala ng Tinik sa Dibdib mo dahil nasabi mo na ang gusto mong sabihin, sorry Midnight, sorry kung hindi ko ma meet ang ugali na tulad ng Sa Ate, Hindi ako sya, At hindi sya ako, Magka mukha lang kami pero magkaiba ang ugali namin. Spoiled Brat, yan yan ang pagkakakilala sa akin ng lahat at alam ko isa ka na don. You don't need to say sorry Midnight, don't worry." Wika ko saka sarcastic na ngumiti sa kanya. Nakita ko na naman si Zeb na nakaabang sa labas mg University, nakasandal ito sa Car at hinihintay talaga ang pagdating ko. Nginitian nya ako, nagulat pa ako ng halikan nya ako sa may ulo, saka ako ipinagbukas ng sasakyan. Para akong Disney Princess sa pag aasikasong ginagawa ni Kuya Zeb. Pagkasakay ko sa sasakyan nya I looked to the side, and saw Midnight looking at us. I saw sadness on his face, or maybe I just felt it. Baka nga pakiramdam ko lang, Umiwas ako ng tingin dahil tila ako rin ang nasasaktan kapag nakikita ko sya na ganon hangang sa lisanin namin ang University at nagtungo sa Hotel kung saan naroon ang Pamilya ni Zeb para sa isang Dinner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD