MIDNIGHT
Bandang alas Syete ng gisingin ako ng aking mga kapatid. Nagulat pa ako ng Tabihan at Yakapin nila akong dalawa.
"Kuya Doc na pogi, gising na, kakain na po tayo, pinatatawag kana ni Inang Reyna at Amang Hari hehe." Anya ni Freya sa akin habang nakayakap.
"Oo nga Kuya, tara na, Mamasahihin kita Mamaya bago matulog." Wika din ni Keenan na nasa kabilang side ko naman. Napatawa naman ako, Hindi lang ako Blessed sa mga Magulang, maging sa aking mga kapatid din. Kaya pag nakakaramdam ako ng Lungkot umuuwi ako dito sa amin, Sila ang nagiging lakas at kasiyahan ko.
"Hmm..kayo talaga mga Boladas kayong Dalawa, pero salamat sa inyo Kambal.
Salamat dahil kahit malayo ang Kuya lagi nyo ako kinukumusta, At tinitingnan nyo rin sina Mama at Papa, I'm so blessed na kayo ang mga kapatid ko."
"Kami rin Kuya, masaya kami na ikaw ang Kuya namin, halika na Kuya, naghihintay na ang Masarap na nilaga ni Mama." Anyaya ni Freya sa akin.
Kumain na kaming mag anak, habang kumakain ay nakakapg kwentuhan kami, kanya kanyang joke ang aking mga kapatid, Sabay sisingitan ni Papa na ayaw din magpatalo kami naman ni Mama ay Taga Tawa lang, Kahit papaano ay naiibsan ang lungkot ko.
Matapos namin kumain ay ako na ang nag presinta na mag hugas ng Pinagkainan.
Nag kwentuhan din kaming buong Pamilya sa may Sala. Bandang alas nuebe naman ay pumasok na rin ang aking mga kapatid sa kanya kanya nitong kwarto.
Hanggang sa nagpaalam na rin si Mama Sheng na mauuna na sa kwarto, Nakita ko pang bumulong ito kay Papa. Hangang si Papa at ako na lamang ang maiwan.
Si Papa ay nagtungo sandali sa Kusina
Habang ako naman ay nanonood, maya maya ay nag beep ang cellphone ko, tiningnan ko kung sino ang nag message walang iba kundi si Amari.
"Midnight, Dadalhan sana kita ng Steak, kaso nakapatay ang ilaw sa Unit mo, Di ka pa nakakauwi.?" mensahe ni Amari.
Kinuha ko ang phone saka ako tumipa ng mensahe.
"Salamat Amari, Umuwi kasi ako sa Cavite, Dito na ako dumiretso after natin mag usap kanina." Reply ko sa kanya.
Ilang Segundo lamang ay muling tumunog ang aking Telepono."
"Ah, Sige Midnight, ingat Ka and Enjoy" anya ng reply ni Amari.
Hindi na ako nagreply itinabi ko na lamang ang aking CP sa ibabaw ng lamesita. Nagulat pa ako ng bumalik si Papa may Bitbit na 2 In can na Beer at ilang pulutan.
"Oh, bat may Beer po Papa? Gusto nyo po mag Shot?" May Problema po ba kayo ni Mama?" Tanong ko dito.
Bihira lamang kasi talaga uminom si Papa, siguro occasionally lang, Nag iinom lang to mg biglaan kapag may iniisip.
"Wala Anak, wala kaming problema ng Mama Sheng mo, we're Good, Ikaw Anak, May Problema ka ba?" Balik na tanong sa akin ni Papa saka iniabot ang Beer in Can, kinuha ko naman iyon, saka ako napabalik ng tingin kay Papa
"Anak, Kilala ka namin ng Mama mo, Hindi ka uuwi dito ng basta basta lang, at napansin agad ng Mama mo na malungkot ka, May Problema ka bang di sinasabi sa amin anak? Sa school? Sa Trabaho mo? Sabi ko naman sayo anak kapag di mo kaya pwede mo bitawan ang part time na yan, sapat ang pera natin para sa pag aaral nyo ng mga kapati mo." Anya pa ni Papa, kilala ko si Papa, hindi ito titigil hangat di ako nagsasabi sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita.
"Pa, wala naman hong Problema sa School, maging sa Part time ayos naman po."
"Eh kung ganon anak saan? Bat tila meron kang dinadala?"
"Pa, Kasi.. Kilala mo si Amari diba? Yung anak ni Doc Lavinia at Cong.Exodus?"
"Oo naman anak, kilala, ang batang iniligtas ko mahigit isang dekada na ang nakakaraan. Bakit anong meron?
"Pa, kasi.. alam nyo naman umpisa palang naging kaibigan ko silang dalawa ni Avani, Mas naging mas malapit lang ako kay Avani at sa tingin ko ay Suplada at masungit si Amari, pero this past few months, nakikilala ko yung totoong Amari Dad. Yung Soft and sweet side nya." Kwento ko kay Papa saka Sumipsip ng alak.
"So, anong issue anak?"
"Pa, hindi ko maintindihan, para po kasing , masaya ako kapag nakikita ko sya, Parang may mga Paro paro sa Tyan ko kapag nag ke care sya sakin, kapag dinadalhan nya ako ng mga niluluto nya."
Kapag alam kong malungkot sya, gusto ko syang damayan pa, gusto ko iparamdam sa Kanya na narito lang ako palagi." Dagdag ko pa.
"Hmm...sa tingin koy umiibig ka na anak, Ganyan na ganyan din ako sa Mama Sheng mo noon, Nagsimula sa Pagkakaibigan, Hangang sa naging kami, Nagsimula nga lang sa pagkukunwari pero di ko naman masisisi ang mama mo. Hindi nya intention para nagawa nya dahil nasa gitna na sya. Humingi naman sya ng kapatawaran sa akin, Hangang sa Pati ang Buhay nya ay itinaya nya para makabawi, but still sarado pa rin ang isip ko noon, huli na ang lahat bago ko mapagtanto., Hangang sa Iniwan nya ako at huli na mg habulin ko sya, Nakaalis na sya at Doon nya natuklasan na nagdadalang tao pala sya sa inyo ng Kambal mo." Kwento ni Papa Saka sumimsim ng Alak, na tila inalala pa ang nakaraan.
"Anak, Sa tingin ko kung mahal mo sya, bakit Hindi mo sabihin, sa tingin koy mas ok kung ipagtatapat mo " wika pa ni Papa
"Yun nga po Papa sana, kaso may pinagtapat po si Amari, ipinagkasundo po sya ni Doc Lavinia sa anak ng kaibigan nito, pero ang kwento nya po ay parang set up lang, kailangan lang po nung Lalaki na may ma ipakilala na Nobya, yun nga lang po sya ang sinakripisyo ni Doc Lavinia." Patuloy na kwento ko pa.
Napabuntong hininga si Papa saka muli nagsalita.
"Hmm..yun lang anak, kung ganon na ipinagkasundo pala sya, hmmm..Diba sabi mo naman anak pansamantala lang, hintayin mo nalang, pero maaari mo namang ipagtapat ang nararamdaman mo, para gumaan yung dinadala mo." Dagdag pa ni Papa.
Mahigit dalawang oras din kami uminom at nag kwentuhan ni Papa, hangang sa pumasok na rin ako sa aking kwarto.
Bago matulog ay naisip ko muna na tingnan ang aking Phone at doon ay nakita kong online si Amari.
Nag message lang ako sa Kanya ng Good night. Ngunit hindi ko na hinintay pa ang reply nya, nag offline agad ako saka ko ito tinabi.
Kinabukasan ay ginising ako ng aking mga kapatid as usual kinukulit nila ako. Napakalambing at kulit talaga nila sa akin kahit na medyo malaki ang agwat ng edad ko sa kanila. Sobrang mahal na mahal ko silang dalawa, naranasan ko maging Kuya ng dahil sa kanila.
Kung hindi ko pa sila sinabihan na susunod na ako ay di pa sila titigil. Mabuti na lamang at tinigilan na rin nila ako.
Habang nagtutupi ako ng blanket ay si Mama naman ang pumasok.
"Good Morning Anak."
"Good morning Mama, susunod na din po ako tinutupi ko lang po itong mga ginamit ko."
"Sige lang anak, nagluto ako ng Paborito mong almusal, sinangag, itlog at tinapa na may pritong talong." Wika ni Mama sa akin kaya napangiti ako.
"Wow, salamat po Mama, na mi miss ko po ang mga ganyan pag nasa manila, Minsan po kasi kapag gabi na ako nakakauwi di ko na nagagawa magluto. Pero minsan kakatok si Amari, may dalang ulam na niluto nya kaya rice nalang po ang niluluto ko." Paliwanag ko kay Mama.
"Hmm..ganon ba anak? Madalas bang gawin ni Amari na bigyan ka ng pagkain?" Nakangiting tanong ni Mama.
"Opo Mama, kapag maaga po syang nakakauwi sya po ang nagluluto ng pagkain nilang magkapatid, kaya po inaabutan nya ako sa Gabi."
"Ah, ganon ba anak, Hindi ka na nya inaaway tulad noong mga bata pa kayo?"
"Hindi na po Mama, Mas nakikita ko po ngayon ang Soft and Sweet side nya."
"Ganon ba, Mabuti naman at nagingagkaibigan na kayo, di ka na nya inaaway."
"Hindi na po ma, Malaki na po ang pinag bago nya." Kwento ko pa kay Mama.
Matapos naming Kumain ay namahinga muna kami sa labas, tinulungan ko din si Papa Mag harvest ng mga kamatis.
Mamayang gabi nalang ako Uuwi, saturday naman ngayon at d ganon kab trapik, para bukas ay makapag pahinga pa ako sa condo.
Ala sais ng gabi ay paalis na ako, as usual may mga dala na naman ako galing sa Fresh Garden ni Papa. May mga padala para kina Amari.
Nag Paalaam na rin ako sa aking mga magulang at mga kapatid.
Bago ako umalis ay Niyakap ko pa sila at ganon din sila sa akin.
Hangang sa binaybay ko na ang Daan paalis.
Alas syete Kwarentay Singko ng makarating ako sa Condo. Pansin ko na Wala pang tao sa Unit nila.
Mamaya ko na lamang ibibigay ang mga dala ko.
Inayos ko na muna nag mga dapat ayusin sa condo, nag laundry nalang muna din ako.
Alas nuebe ng makatangap ako ng Tawag mula kay Avani.
"Hello, Avani bakit?"
"Midnight, Si Amari kasi hindi pa umuuwi, ang sabi ng mga Classmate nya maaga naman daw lumabas, pero wala naman sinasabi si Amari sakin na meron syang pupuntahan " anya ni Avani na tila nag aalala sa kabilang linya.
"Ganon ba? Subukan mo tawag tawagan, baka naman pauwi na, pag wala parin hanapin na natin." Sagot ko dito at tumugon naman sya, nakaramdam naman ako ng Pag aalala para kay Amari. Maging kat Avani na nag aalala sa kakambal nito.
Bandang alas Dyes ay wala paring balita kay Amari, Pagdating ko sa Condo ay Umiiyak na nadatnan ko si Avani, dahil ngayon lamang ito umalis ng Di Nag papaalam.
Nag desisyon na akong hanapin sya, Tinawagan nya rin si Sir Xylas kaya Kasama nya itong maghanap.
Iniwan ko muna ang Sasakyan ko sa Parking ng makarating Ako sa Tila Magkakatabing Bar.
Pinasok ko ang bawat Bar, at nagbabakasakali na makikita ko roon si Amari. Nasa Ikatlong Bar na ako ngunit wala sya roon. Sakto pag punta ko sa Ikaapat ay nakita ko syang palabas ng Bar na tila kinukulit ng isang Lalaki.
Dumating ako kaya Umalis na ang lalaki na kanina ay kinukulit sya.
"Amari." Tawag ko dito.
Tumingin sya sa akin ay Ngumiti sya at Patakbong Yumakap.
Niyakap ko sa sandali ngunit kumalas din ako kaagad. Hinubad ko ang Jacket ko saka isinuot sa kanya.
Pansin kong ekis na ang lakad nya kaya Binaba ko sya.
"Ilang beses na kitang Sinasabihan! Diba sabi ko Hwag ka na iinom ulit at Magpapakalasing! Pero Bakit Ginagawa mo pa rin? Nanadya ka ba talaga?" Wika ko sa ma otoridad kong Boses habang nakababa sa Likuran ko si Amari.
"Eh bakit ka Nagagalit? E di Hwag mo na lang akong hanapin, Hwag mo na lang akong Puntahan, Hayaan mo nalang ako hehe, ganon lang ka simple yon Midnight." Sagot naman ni Amarisa akin halata kong lasing dahil sa boses nito.
"Sana nga ganon lang kadali na Hayaan ka! Ganon lang kadali na di ka hanapin at Sana madali lang tiisin na di ka Puntahan!" Inis na wika ko pa dito.
Natawa naman ng pagak si Amari bago muli sumagot.
"Hmm..E bakit Ginagawa mo pa rin? Umamin ka nga Midnight, May gusto ka rin ba sa akin ano haha kaya di mo ko matiis aminin mo na...aamin na yan." Pang aasar nya sa akin.
Hindi ako nakatiis kaya sagot ako.
"Yan..Dyan ka magaling. Akala mo kasi lahat ikaw ang masusunod! Ang totoo nyan napipilitan ako, alam mo kung Bakit? Dahil di ko matiis na Nag aalala Ang Kakambal mo Kakaisip sayo!
Hindi ako mapanatag dahil mayat maya nag me message si Avani sa akin para hanapin ka, Ganyan ka ba talaga? Wala ka man lang concern sa kakambal mo na palaging Inaalala ka?
Tapos ngayon parang ang saya saya mo pa? Dahil hinanap na naman kita? Masaya ka dahi napasunod mo na naman kami?" Wika ko dito ngunit di ko inaasahan ang reaction nya, sinabi ko lamang ang mga iyon para malaman kung tatablan sya.
Nagulat ako ng bigla syang magpa Baba sa akin."
"Pasensya na Kung Palagi Kang Naaabala ng Kakambal ko, Wala akong balak na pag Alalahanin kayo. Pero ang Unfair mo Midnight! Kaya pala kapag kay Avani palagi kang Masaya, Palagi ka nyang Napapangiti, Pero bakit kapag sa akin palagi kang Naiinis ano bang meron sya na wala ako? Sa bagay kayo nga pala yung Sobrang Close. At ako? Saling pusa lang naman ako sa inyong Dalawa eh.
Sa susunod na iyakan ka ng Kakambal ko para hanapin ako, Hwag mo na akong Hahanapin, Dahil alam ko na na gagawin mo lang yon dahil naaawa ka sa kanya, hindi para mahanap talaga ako." Anya ni Amari saka akmang naglakad palayo sa akin.
"Amari! Amari Wait! Lasing ka!"
"Oo Lasing Ako!, Pero Hindi ako manhid para di masaktan sa mga sinabi mo, Biro ko lang yon eh, Sana sinakyan mo na lang. Pero Mas ayos na rin to, Para alam ko na kung saan talaga ako Dapat Lumugar." Wika nya sa akin, napasabunot na lamang ako sa aking sarili. Bigla akong nakaramdam ng Habag para sa Kanya, para sa Babaeng Minamahal ko na pala.