CHAPTER 20 "BIGLAAN"

2518 Words
AVANI Ilang araw nawala si Amari dahil pinauwi sya ng Mommy, tinanong ko kung sasamahan ko ba ngunit sabi ng Mommy ay wag na, mag aral na lang daw ako at kaya naman daw ni Amari, susunduin na lamang daw nila sa Airport. Halos apat na araw din sya roon, at ika limang araw ay bumalik sya dito. Pansin kong tila namayat ang kapatid ko halos ilang araw ko lang naman syang di nakita. Pansin ko rin na tila tahimik sya. Sinubukan ko syang kausapin hangang sa magtapat sya sa akin. "May Problema ba Amari? Bakit simula ng bumalik ka, ang tahimik mo?" Tanong ko dito at doon sya nag kwento sa akin. "Ate, ipinagkasundo ako ng Mommy may Kuya Zeb." Wika nya ma aking ikinagulat. "Huh? Bakit? Pumayag din ang Daddy?" "Ayaw ni Dad, pero naka oo na ang mommy dahil malaki ang utang na loob nya kay Tita Tati, pero ang sabi nila temporary lang daw naman, kailangan lang daw may iharap na Nobya si Kuya Zeb." Dagdag pa nito. "Eh paano kayo nyan, magpapangap kang Nobya nya ganon? Pero until when? "Hindi ko din alam ate, Pero kahapon bago kami umuwi, seryoso ang usapan ni Kuya Zeb at Daddy. "Hmm..Basta andito lang ako palagi ah, Temporary lang pala sana mabilis matapos," wika ko pa rito, napansin ko rin ang singsing na galing daw kay Kuya Zeb, bagay na bagay ito sa kamay ni Amari. Nakaramdam ako ng awa sa aking kapatid, wala syang nagawa sa gusto ng Mommy. Sa Eskwelahan ay naging busy kaming magkapatid. Pero minsan ay dinadalaw kami ni Xylas at inaaya kami mag meryenda kung saan saan. Kahit papano pag mag kakasama kaming apat nakikita kong nakakangiti ang aking kapatid. Pansin ko naman, na panay ang tingin ni Midnight kay Amari. Nag uusap naman silang dalawa pero sila lang naman ang nagkakarinigan. "Oh baby, bat ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Xylas sa akin. "Wala naman, tinitingnan ko lang si Midnight saka si Amari." Nag uusap sila di ko naman maintindihan ang pinagbiisapan nila." Wika ko dito. "Sa palagay mo ba Sila na?" Tanong ni Xylas sa akin, napakibit balikat naman ako saka nagsalita. "Hindi ko alam? Hindi siguro, dahil ipinagkasundo kasi Ni Mommy si Amari dun sa anak ng Kaibigan nya" Nadulas kong kwento kay Xylas. "Ano? Ipinagkasundo si Mahaldita?" "Oo naaawa nga ako eh, kaya pala biglaang pinauwi si Amari sa Gensan." Saad ko pa" Habang nag memeryenda kami ay binibigyan ni Midnight si Amari ng pagkain, napapatingin na lamang kami Ni Xylas dahil tila ang sweet nilang tingnan dalawa. Hindi ko nga lang alam kung alam naba ni Midnight ang tungkol kay Amari. Pero ganon pa man, hindi ko sya pinangunahan, hinayaan kong sya na ang Mag kwento kay Midnight. Bandang hapon ay mas nauna akong umuwi kesa kay Amari. Tinawagan ko ang Mommy at Daddy para sana itanong ang buong pangyayari , ngunit nagulat ako pagdating ko sa Condo, dahil nasa Parking sa harapang mg Condo ang Aking Sasakyan na dati ay Kinumpiska sa akin. Halos manlaki ang mata ko, sa wakasay sasakyan na ulit, hindi na namin kailangangag commute ni Amari, nakakahiya rin namang kung palagi na lamang kami nakikisabay kay Midnight at magpapahatid kay Xylas, kaya tuwang tuwa ako ng makita na nasa amin na ulit ang sasakyan ko. Dinampot ko ang Phone saka kinausap si Daddy. "Hello Dad, Kumusta po?" "Okay lang naman anak, Kumusta kayo ng kapatid mo? Si Amari kumusta sya?" "Ok lang naman po kami Dad, Si Amari po nasa school pa, Nga po pala Dad Thank you po ah, binalik nyo na po Ant Car sa amin ni Amari." Wika ko dito. "Actually anak, kung ako ang masusunod ayoko pa talaga, pero Sabi ng Mommy mo ibalik na ulit namin sa inyo para hindi na kayo mahihirapam mag Commute." Saad ni Dad sa kabilang Linya. "Salamat po Dad, opo Minsan po kasi hirap magpa book kina cancel na ta trapikan po ata." Habang nag uusap kami ay dumating si Mama at kinausap din ako, vinideocall nya kasi. "Oh anak, nagustuhan mo ba ang surpresa namin ng Dad mo? Siguro ok na yan ano para sa inyo ni Amari binalik na namin ang car nyo para naman di kana palagi magpapa book" Dagdag pa ni Mommy "Thanks Mommy, oo nga po Pala, Mom, gusto ko lang malaman, bakit po ipinagkasundo nyo si Amari sa anak ni Tita Tati?" Tanong ko dito. Natahimik si Mommy saka tumingin ka6 Dad bago muling nagsalita. "Ahm kasi Anak, kailangan may maipakilala si Zebedee na Nobya nito sa kanilang angkan. Kaya nakiusap ang Tita Tati mo, na baka pwede Isa sa inyo ni Amari, Alam ko na di ka papayag kaya si Amari nalang ang pinauwi ko sa Gensan at syang pinagkasundo kay Zeb." "Pero Mom, alam mong ayaw din ni Amari diba? Bakit hinayaan nyo rin po " tanong ko dito. Huminga naman ng malalim si Mommy saka nagsalita. "Wala syang choice anak kundi sundin muna ang pinagagawa ko, Malaki ang utang na loob ko kay Tita Tati mo kaya nung nakiusap sya aa akin, wala rin akong nagawa kundi pumayag." "Pero Mommy, paano po si Amari? Para naman pong kayo na ang nagpapaandar ng Buhay nya?" "Anak, pansamantala lang naman iyon Okay? Saka wag kana Mag alala, Buti nga di ikaw ang Pinagkasundo ko, saka mabait ang Pamilya ni Zebedee hindi ko naman ilalagay ang kapatid mo kung alam ko na mapapahamak sya." Dagdag pa ni Mommy. Ilang sandali lamang ay nagpaalam na rin ako. Naaawa ako sa sitwasyon ng kapatid ko, simula kasi ng umuwi sya galing Gensan tila nagkaron pa sya ng isipin. Samantala 3RD PERSON Habang lumilipas ang araw ay tila naman mas nagkakalapit Si Midnight at Amari. Kapag kasi walang klase ay madalas tumambay ang dalaga sa library. Magmula kasi ng makauwi ito galing Gensan ay tila naging tahimik ito, bihira din syang sumama sa mga gala ng Kaibigan. Kabilin bilinan kasi ng Ina nitong si Lavinia na hwag na hwag gagawa ng ikakasira nito, lalo na at alam sa Lugar nila na sya ang Mapapang asawa ni Zebedee. Hindi lang din kasi basta mayaman ang Pamilya nito bagkos kilala din sila sa larangan ng Negosyo. Nasa isang sulok naka pwesto ang dalaga. Kasalukuyan syang nagbabasa ng Tila maihalintulad ang sarili sa character na binabasa nya napahinto sya at Napaisip. Bakit tila sya ang laging napipili ng Mommy nya kapag may kailangan. Alam nyang mabait ang Pamilya ni Zebedee, pero paano naman sya? Ang buhay nya, Hangang kelan sya Magpapangap? Paano naman ang tunay nyang nararamdaman sa isang taong totoong tinitibok ng kanyang puso?" Kung kelan pa na may nagkakalapit sila ng Binata. Nasa ganoong pag iisip sya, hindi nya naramdaman na lumuluha na pala sya. Saka nya lamang napansin ng tanungin sya ni Midnight. "Amari, are you Okay?" "Huh,.. Midnight, so sorry, kanina ka pa ba dyan?" Natatarantang tanong nito. "Hindi naman, ngayon lang, bat ka umiiyak? Tanong ng binata rito. "Ahm..Wala naman, nadala lang ako sa binabasa ko." Palusot nito saka ipinakita ang librong hawak. Inaya naman sya ni Midnight maglakad lakad dahil baka masita sila kung sa library pa sila mag kwentuhan. Naupo sila sa Bakanteng Bench sa ilalim ng Puno. Nakangiting pinakikinggan ng dalaga ang kwento ng binata tungkol sa mga pasyente nito sa Hospital ng Unibersidad. Masaya ito para dito na unti unti na natutupad ang Pangarap nitong maging isang doctor. "Congrats Midnight, masaya ko na malapit kana talaga sa pangarap mo, At Sigurado ako na napakasaya din ng Pamilya mo para sayo. "Salamat Amari, Oo nga, alam kong masayang masaya sila Mama at Papa pati ang mga kapatid ko kapag naging ganap na doctor na ako." Nakangiting sagot naman ng binata. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay Yumakap bigla ang dalaga dito, medyo nagulat pa Si Midnight dahil sa biglang Pagyakap nito, nagulat na lamang sya ng hindi lamang ito basta yumakap sa kanya, naramdaman nya rin kasi na yumuyugyog ang balikat nito, umiiyak ito . Hindi nya alam ang gagawin, pero sa pagkakataong ito ay hinaplos nya ang likod ng dalaga habang nakayakap sa kanya. "Amari, I know you're not okay, may problema ba? Pwede mo akong kwentuhan, handa akong makinig." Wika nito. Ilang sandali pa ng katahimikan at kumalas din sa yakap ang dalaga saka doon nagsimula mag kwento. "Midnight, remember ilang araw akong nawala dahil umuwi ako sa Gensan?" "Yeah, Pansin ko na after mo mag Gensan parang nag iba ka na? Hindi na ikaw yung makulit na nakilala ko." Saad ni Midnight dito. "Midnight, Kasi...Kaya ako umuwi ng Gensan, Ahm...kasi... Ipinagkasundo ako ni Mommy sa anak ng kaibigan nya." Kwento ng dalaga saka na naman bumagsak ang luha. Napahinga ng malalim ang binata saka niyakap ang dalaga na nagsisimula na naman umiyak. "Bakit? Anong reason? Bat ganon ang ginawa ni Tita Lavinia?" "Malapit na kaibigan nya si Tita Tati, Namghingi sa kanya ito ng pabor, dahil tumatanaw mg utang na loob ang Mommy, wala syang nagawa kundi umoo pero ako ang ipinagkasundo nya." Garalgal na sabi nito kasunod ng paghagulhol. Nananatiling nakayakap sya sa dalaga, wala syang maisip na ibang komento sa isiniwalat nito. Nakaramdam sya ng habag para sa dalaga, tila kita nya rin ang di pagpatas na pagtingin ng ina nito sa kambal. Base narin sa kwento ni Amari, mahal din naman sya ng Mommy nito, pero sa kanilang magkapatid parang si Amari lagi ang pinapambato, sya ang laging nag a adjust, sya ang laging na sasakripisyo. "So anong plano mo? Diba malapit kami sayo nila Sir Xylas, Inutos ba na Layuan mo kami?" Taning dito ng binata. "Ahm..Hindi naman, mga Kaibigan ko naman kayo, sinabi ko rin kay Zeb na may malalapit akong mga kaibigang lalaki, na madalas kong nakakasama. "Ganon ba, Kaya pala may singsing ka na pag uwi mo, ipinagkasundo ka na pala." "O..Oo, pero, engaged palang kami, naunawaan naman ni Zeb na ayaw ko muna magpakasal, buti nalang at same lang kami, dahil ayaw nya parin naman,. "So you mean, hindi pa kayo nakakasal? Engaged palang kayo?" "Oo Midnight, sinabay lang sa birthday ng Lola nya." "Ganon ba, basta wag ka masyado mag isip ng mag isip, baka ma stress ka, simula ng umuwi ka galing sa Probinsya parang namayat ka lalo, palagi karin malungkot Amari, hwag mo stress sin at pabayaan ang sarili mo, alam ko mahirap sa part mo, pero hwag kang susuko." Bilin nmaan dito ng Binata. Matapos mag usap ay nagpaalam na rin ang binata ang sabi nya ay balak lamang nya tumambay sa may Sea side hangang sa Dalhin na lamang sya ng kanyang sasakyan, pauwi ng Cavite tila na miss nya ang kanyang pamilya at tila sobrang nalulungkot sya sa nalaman na kalagayan ng Dalaga. Nagulat pa ang Ina nito ng makita sya. "Oh Midnight Anak, kumusta? Bat biglaan yata ang pag uwi mo?" Tanong ni Sheng ng makita ang anak. Eksakto mag a ala singko na iyon ng hapon. "Mama." Tanging sambit ng binata saka yumakap sa Ina. "Anak, bakit bigla kang napauwi? May Problema na ang Anak ko?" Tanong dito ni Sheng, ngunit nananatili lamang nakayakap sa ina ang binata. "Wala naman po Mama, na miss ko lang po kayo bigla kaya dumiretso na po ako dito." Wika naman nito sa ina. "Hmm..di ko alam kung maniniwala ako, pero Sige, hindi na ako mag uusisa pa, pero na miss din kita anak." Wika ni Sheng saka inakay ang Binatang anak papasok ng Bahay. "Mag meryenda ka muna anak, nagluto ako mg Kamoteque kanina, mag meryenda ka na muna, magluluto lamang ako ng hapunan natin." Anya nito saka inilabas ang meryenda. Napansin naman ng binata na tahimik ang bahay nila. "Mama, Si Papa po nasaan? Saka si Keenan at Freya Kathrice?" "Ah naku anak wala pa sila, May program kasi sa Eskwelahan nila, medyo gagabihin kaya hinihintay na ng Papa mo, pero baka mga 6:30 narito na sila." Anya pa ni Sheng. Balak ni Sheng magluto ng Nilaga, bgunit tinulungan parin sya ni Midnight sa oag hihiwa ng sangkap ng mga ito. Matapos tulungan ang ina ay nagpaalam muna ang binata na magpapahinga muna sa kwarto at ganon nga ang ginawa nito. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Sheng na tila dama nya na parang may Dinadala ang anak, at ayaw lamang sabihin. Alam nyang hindi ito uuwi ng basta basta, Umuwi man ito ng biglaan ay napaka Jolly nito, ngunit ngayon ay tila dama nya ang Pagod at lungkot nito kaya hinayaan nya narin muna na mag pahinga ito sa sarili nitong kwarto. Bandang alas sais y media nga ay dumating Ang mag Aama, ngunit sinensyasan ni Sheng ang mga ito na hwag maingay dahil nagpapahinga si Midnight sa loob, nagpaalam din naman ang Kambal na papasok rin muna sila sa kanya kanya nitong kwarto para makapag pahinga kaya naiwan sa may kusina ang mag asawang Keegan at Sheng. "Mommy, bakit biglaan ata ang uwi ng Panganay natin?" Tanong ni Keegan habang sumandok ng Nilulutong nilaga ni Sheng. "Hindi ko Alam Daddy, pero pansin ko na tila malungkot sya kanina, bigla na lamang syang yumakap sa akin." Anya ni Sheng saka lumapit kay Keegan at sya namang tumikim sa Nilulutong nilaga. "Ano kayang Problema ng Anak natin at Bakit Biglaang umuwi at Malungkot pa?" Tanong ni Keeagan habang nakatingin sa Asawa na Akmang Hihigop din ng Sabaw." "Hindi ko din alam Daddy, kausapin mo nalang Mamaya." "Hmm..Hindi kaya NAKABUNTIS?" Walang kaligo ligong Tanong ni Keegan kaya imbes na Higupin ni Sheng ang Mainit ma Sabaw ay Naibuga nya ito sa Pag Mumukha ng asawang Si Keegan. "Aray..Aray..Mommy Naman, ikaw bay wala ng pagmamahal sa akin at Akoy Babanlian mo na." Wika ni Keegan na humakbang patungo sa may lababo para Himalamusan ang mukha na nabugahan ni Sheng ng sabaw. "Eh Pano naman yang Pag Iisip mo Daddy, Malungkot lang Nakabuntis agad?" Anya pa ni Sheng dito. "Aba bakit Hindi? Natural may T*T* abay may tsansang makabuntis yan." "Sira, Daddy naman tingin mo ba gagawin na agad ni Midnight ang ganong bagay? Wala pa nga syang nobyang pinakikilala sa atin." Anya ni Sheng saka naupo sa upuan sa tapat ng Mesa. "Aba hindi natin alam, Lalaki ang Anak natin, Maganda ang Katawan, matalino at Gwapo tulad ko, kaya di nalalayo na May mga Babae na aali aligid dyan. Kusang ihahain ang Laman Mabiyak lang ng Anak natin" anya pa ni Keegan habang kausap ang asawa. "Daddy naman, kahit pa may Laman Jan hindi ganong klase si Midnight, Kilala ko ang Anak ko, di yan basta basta bibigay basta basta sa di nya mahal. "Malay mo Di nya Mahal pero nag Try lang Bumiyak para masubukan kung matalas ang Punyal, aba . Ayos yon ," anya pa ni Keegan saka pa bahagyang tinapik ang Dibdib. "Ay naku, tumigil ka nga, Basta alam kong may problema si Midnight, pero di yan tungkol sa mga Biyak Biyak na sinasabi mo., Halika na nga Tulungan mo na lamang ako mag hain ng hapunan, para makakain na tayo, at Mamaya kausapin mo nalang ang Anak natin para malaman natin Kung ano ang problema na kanyang dinadala." Wika naman ni Sheng sa asawang si Keegan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD