AMARI
Apat na araw kong di makikita si Midnight dahil agaran akong pinauwi ng Mommy. Ayaw nila sabihin sa akin kung bakit ngunit ang Mommy ang Panay na ang tawag. Pagdating ko doon ay nadatnan kong seryoso ang usapan ng aking mga magulang.
Naabutan ko pa na tila nagtatalo ang Mommy at Daddy.
"Hon naman, hwag ka na magalit, Pansamantala lamang naman iyon Saka ikaw kilala mo rin naman ang Pamilya nila at malapit din kayo ni Hermie, di rin naman basta basta ang pamilya nila kaya bat naman galit na galit ka,."
"Kahit pa pansamantala o Kilala natin sila, pero hinayaan mo na ipagamit ang anak mo? Una palang sinasabihan na kita, yan ang hirap sayo, napakadali mo magtiwala, pero kita mo yan, pagkailangan nila ng pabor hindi kana makahindi, kasi nabaon kana aa utang na loob!" Wika ni Dad kay Mom.
"Bat galit na galit ka? Hon This is only temporary while the properties that need to be transferred to them are being processed." Sagot ni Mommy.
"So it's okay for you to let your child be used because it's only temporary? Ganon ba?" Naiinis parin na sagot ni Dad ngunit malumanay parin na paraan.
Kaya pumagitna na ako, ayoko na humaba pa ang pagtatalo nila.
"Mom Dad, tama na po, Please, hindi ho ako sanay na nakikita kayong ganyan." Wika ko sa harap nila.
"I'm sorry anak, hindi na mauulit." Anya ni Dad saka ako nilapitan at Niyakap saka ako hinalikan sa Ulo.
Niyakap ko pabalik ang dad, nakaramdam ako ng kaginhawaan.
Mabait naman ang Mommy sa akin, sya ang nag i spoil sa mga Kaartehan ko, gusto nya lagi akong In sa lahat, pero may mga bagay na napipilitan akong sundin dahil ayoko na pagalitan ako ng Mommy, minsan nagtataka na ako, pag kay Ate Amari okay lang, pero kapag sa akin hindi, pero may time na nasunid din ang ate Amari kapag galit na galit na ang Mommy. Kumalas ako ng yakap sa Daddy saka ko sila tinanong kung bakit biglaan ang pag papauwi nila sa akin.
At Doon ko nalaman kung bakit na halos ikapanlambot ko.
"Dad, Mom, bakit nyo ho ako pinauwi? Ano po bang problema? Malumanay kong tanong saka tumingin sa kanila.
Si Mommy na ang nagsalita.
"Anak, ganito kasi yon, Kilala mo naman ang Tita Tatiana mo diba? Naaalala mo noon kapag naglalaro kayo nila Zaila sa kanila, diba may Kuya sya si Zeb.
Kailangan kasi nila ng tulong, Kailangan may ipakilalang Nobya si Zeb sa Angkan nila. Walang Nobya si Zeb, kaya nakiusap ang tita Tati mo na baka isa sa inyo ng Ate mo ang pwede, kahit pansamantala lamang." Paliwanag ni Mommy sa akin, halos manginig ako sa narinig ko.
"Pero Mommy, Bakit po Ako?"
"Anak, dahil mas Okay ka kesa sa Ate mo, Ikaw yung mas sophisticated, Ikaw yung mas malakas ang dating, in short, ikaw yung pang Girlfriend material, babaeng babae,Kaya mas magagampanan mo ang pagiging Nobya kay Zeb. Saka tinanong ko din sila Ikaw ang gusto nila." Wika pa ni Mommy. Kilala ko ang Pamilya na tinutukoy nya, Malapit na kaibigan ni Mommy si Tita Tati, naaalala ko pa noon kapag napunta kami sa Kanila, Madalas naming kalaro ng Ate ang Anak nitong si Zaila, At natatandaan ko ang sinasabi ni Mommy na lalaki, si Kuya Zebedee, ang panganay na anak ni Tita Tati. Ilang beses ko na syang nakita noon, pero di ko naman sya nakalalaro noon dahil malaki ang agwat nito sa amin. Ang alam ko nasa walong taon kami ito ay teenager na. Kung hindi ako nagkakamali nasa 10 taon ang agwat nito sa amin ni Ate.
"Pero hwag ka mag alala anak, pansamantala lamang naman.
Sya nga pala anak, kailangan mo maghanda, Birthday ng lola Damiana nya mamaya, At Imbitado tayo hindi tayo pwedeng mawala sa piging na iyon kaya mag ayos ka mamaya anak. Bilin ni Mommy sa akin, wala akong magawa kundi sumunod na lamang.
Bandang hapon ay naghanda na ako. Ala syete daw ay kailangan na namin pumunta sa Sa Mansion ng mga Almarinez. Matagal ko na di nakikita si Kuya Zeb grade school pa ata kami. Pero ang pagkakaalam ko never ko itong naglalaro noon kasi nga malayo naman ang agwat namin sa isat isa, at isa pa ay palagi lamang itong nakaharap sa computer noon kapag nagagawi kami sa kanila.
Pagsapit ng Ala Syete ay umalis na kami, Halos 30 mins lamang ang byahe patungo sa Mansion nila.
Marami ng bisita nang mga oras na iyon. At halos lahat ata ng naroroon ay may mga sinabi sa lipunan o kaya ay mga kilalang Pamilya. Pag pasok palang namin ay Binati na agad si Daddy ng mga Kakilala nya, kahit na kasi Hindi na lumaban si Dad ng pagka Congressman ay tinitingala parin sya ng mga naroroon, maging si Mommy ay ganon din, kaya talagang halos sinong makasalubong namin ay binabati namin.
Nakakangalay din sa Panga, dahil kailangan mo rin ngumiti, kahit di ko naman kilala ang ibang naroroon.
"Hi Amiga Lavinia, Kumusta? Buti at nakadalo tayo, Teka eto na ba Si Amari? Aba ke gandang bata, Parang manika pang modelo ang tindigan." Bati sa akin ni Tita Tati.
"Kumusta ka Hija, Napakaganda at napaka sexy mo naman, Naku matutuwa si Zaila at magkikita kayo makalipas ang ilang taon." Anya pa nito saka nakipag beso sa akin.
"Naku sakto lang naman po Tita Tati, oo nga po ilang taon din kami di nagkita ni Zaila." Sagot ko naman dito.
"Ahm..Teka..Mars, asan na si Avani?"
Tanong ni Tita Kay Mommy.
"Naku si Avani nasa Manila, may Major Exam eh kaya di na nakasama, Saka alam mo naman si Avani."
"Ah ganon ba, naku buti na lang at nakarating ka Amari, sya nga pala. Nasa loob si Zeb, kausap lang yung ibang investors nya, mamaya lalabas yon." Wika pa ni Tita Tati.
Pumasok na kami sa loob ng mismong bulwagan at hinanap ang table para sa amin kaya naupo na rin ako. Masyadong mataas ang heels na pinasuot ni Mommy kaya parang nanakit na agad ang binti ko.
Habang nag hihintay ay nakaramdam ako na tila maiihi kaya nagpaalam ako kay Mommy na mag babanyo muna.
Nakita naman ako ni Tita Tati kaya sinamahan nya ako sa loob ng bahay, doonna daw ako mag Banyo.
Pag pasok namin sa Mansion ay Nadatnan ko sa may Sofa ang 4 na lalaki mga pormahan nito ay mga kagaya ni Dad, mga naka Tuxedo at Americana.
Walang ibang tao sa Mansion na iyon kundi sila dahil ang iba ay nasa labas na.
"Pasok ka sa loob Amari, nasa kanan ang Cr." Anya ni Tita Tati kaya naglakad ako patungo roon, dahil mataas ang heels ng aking suot ay nagbibigay ingay iyon.
Nakuha tuloy ang Pansin ng 4 na lalaki na nag uusap sa may Sofa. Kaya napatingin sa akin ang Tatlong lalaki ng Sabay sabay. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya Yumukod ako at dali daling naglakad.
Hindi ko naman nakita ang mukha ng osa dahil nakatalikod ito.
Kaya nag diretso nalang ako patungong banyo.
"Witwiw, Who's that girl? She's so gorgeous." Rinig ko pang tanong ng isang lalaki. Ngunit wala naman na akong narinig na sagot.
Matapos ko mag Banyo ay lumabas na rin ako. Mabuti at wala na ang mga lalaki na nakaupo sa Sofa kanina.
Nagulat ako pagbalik ko sa Pwesto namin ay Naroroon si Mommy at Daddy may kausap silang isang Matandang Babae may Kasama itong Lalaki na Matikas ang pangangatawan, naka Tuxedo, akay nito ang isang Matanda, At sa tabi ng mga ito ay Si Tita Tati at Tito Hermie.
"Ayan, na po Lola Damiana, Narito na po si Amari." Anya ni Mama kaya napalingon sila sa akin ng Sabay sabay. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
Bahagya na lamang akong ngumiti saka Yumukod sa kanila bilang pagbati.
"Magandang Gabi po." Bati ko sa kanila.
Napatingin ako sa Matanda, nakangiti ito sa akin saka bahagyang lumapit.
"Aba, Ikaw na ba si Amari? Ana napakagandang bata mo, At Dalagang dalaga na, parang kailan lang naglalaro pa kayo ni Zaila ah " saad nito."
"Hehe, opo nga, kumusta po kayo Lola Damiana, mabuti at kilala pa po ninyo ako?
"Oo naman, bakit hindi e dati kayong magkalaro ni Zaila. Teka..nasaan pala yung isa, ano nga ba ang pangalan noon,?"
"Ah ang Ate Avani po? Wala po eh nasa Manila po eh, Ahm Happy Birthday po pala Lola Damiana." Bati ko pa dito.
"Salamat Hija, Naku nakakatuwa ka naman Napaka gandang dalaga mo na, Magiliw pa, bagay na bagay talaga kayo." Anya ni Lola sa akin. Napahinto lamang kami ng Tumikhim ang lalaking nasa Tabi ni Lola.
Hindi ko iyon pinansin kanina ngunit napatingin ako sa Kanya ngayon, Isang matangkad na lalaki, Medyo maputi, Mapula ang mga labi, medyo makapal ang kilay, at Malakas ang Dating.
Sakto naman na may Dumating na bisita kaya iniwanan muna kami Ni Lola Damiana.
"Hmm..ikaw na pala yan Amari, naaalala mo pa ba ako?" Tanong nya sa akin.
"Ku..Kuya Zeb?"
Napangiti naman ito saka lumapit sa akin, halos tingalain ko naman sya dahil Napakatangkad nya.
"Ako nga Amari." Sagot nito.
"Buti at Tanda nyo pa ang Isa't isa, Di na kayo gaanong mahihirapan. Pabulong na Wika ni Tita Tati na tanging kami lamang ang mga nakakarinig.
Nag usap pa Si Mom and Dad, Tita Tati, Tito Hermie at si Kuya Zeb, ako naman ay nasa gilid lamang at nakikinig.
"Kung ako ang masusunod ayoko na ma involve ang anak ko, pero nakiusap kayo.
"I'm sorry Tito Exodus, pero hwag po kayo mag alala, Hindi po mapapaano si Amari. Hindi ko ho sya hahayaang mapahamak. Isa lang po ang nais kong hilingin sa kanya ang gumanap bilang fiance ko, yun lamang po, at tatanawin ko po iyong utang na loob sa Pamilya nyo." Dagdag ni Kuya Zeb.
Kahit na naipaliwanag na nya ay di parin ganon kakumbinsido ang Daddy, pero bandang huli ay sumang ayon na rin ito.
Sa Kaarawang iyon din ni Lola Damiana laking gulat ko ng ipakilala din ako bilang Nobya ni Kuya Zeb.
Nagulat ako ng sunduin ako ni Kuya Zeb saka inalalayan na makarating hangang sa Unahan.
At di ko rin inaasahan na matapos ang piging ni Lola ng ang mga Kamag anak na lamang ang natitira ay saka nya ako sinuotan ng singsing, sa harap ng Pamilya at mga ilang kaibigan nyan?
"Lola, Lolo anong masasabi nyo at pinakilala ko na ang babaeng nais kong Pakasalan? Tanong ni Kuya Zeb sa mga ito.
"Abay ayos Hijo, masaya kami sa wakas ay ipinakilala mo na sa amin ang nobya mo, Nakakatuwa naman na si Amari pala ang iyong sinisinta, Kailan ba tayo mamamanhikan para naman malaman na ang kasal ninyo." Tanong ni Lola.
"Lola, hindi naman po kami nagmamadali, at isa pa nag aaral pa ho si Amari sa Maynila, habang ako naman po ay nag tra trabaho sa ibang bansa, umuwi lang po talaga ako dito para ipaalam po sa inyo.
"Ganon ba? Sayang naman, Akala ko naman ay ikakasal na kayo, nang Sa ganoon ay makabuo kana rin ng sarili mong pamilya." Dagdag pa ni Lola
Nagulat pa ako ng hawakan ni Kuya Zeb ang aking kamay.
"Basta Po Lolo at Lola, masaya ako na kasama ko ngayon ang babaeng mahal ko, hindi po kami mag mamadali, i enjoy lamang po namin ang mga pagkakataon na meron kami." Saad pa ni Kuya Zeb.
Matapos ang party kasama ang Pamilya ay nagpaalam narin kami.
Bago kami umalis ay nag usap pa ulit si Dad at Kuya Zeb, saka sila nag paaalam sa isat isa.
Habang nasa sasakyan kami ay Tahimik lamang Si Dad. Hangang sa makarating kami pauwi. Nag Sorry naman za Kanya ang Mommy, ang sabi ng mommy ay pagbigyam lang namin dahil malaki ang naitulong nito sa kanya noon.
Ang alam kasi ng mga Pamilya at Kaibigan ni Kuya Zeb ay kami talaga lalo na at Sinuotan nya ako ng Sing sing.
Nakiusap sya sa akin na hwag ko Itong huhubarin. Kaya ganon nga ang nangyari.
Ang alam sa Gensan ay kami talaga ni Kuya Zeb.
Bumalik naman ako sa Wisyo.
Napagtanto ko na narito na pala ako sa Condo namin sa Manila. Hindi ko pala nahubad ang sing sing na bigay ni Kuya Zeb, Naalala ko bigla si Midnight, Nakita nya kaya ito kanina? Pansin ko kasi na nakatitig sya dito.
Ilang araw ko syang di nakita, kaya parang hinihila ang Paa ko pabalik ng Manila.