AMARI
Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Mom and Dad dahil wala naman silang pasabi. Naabutan din nila si Midnight na gunagawa ng baradong Tubo.
Masaya ako na makita at Makasama si Mom and Dad, pero hindi ko rin maiwasan na d makaramdam ng lungkot.
Akala ko kasi matutuwa si Mom sa Class card ko, pero nag e expect pala sya ng mas higit. Ganon pa man napawi naman kahit papano ang lungkot ko dahil na appreciate iyon ng Daddy Exodus.
Pero medyo nakardam din ako ng hiya kanina lalo na ng Makita ni Mommy ang Sugat na papeklat na sa aking tuhod, Katakot takot na sermon ang inabot ko at lahat ng iyon ay dinig ni Midnight, akala ko hangang doon na lamang, Ngunit ang mas matindi nalamang ko na gusto pala ni Mommy na si Midnight ang maging nobya nito balang araw. Tila tinatarakan ng kung ano ang aking puso habang sinasabi iyon ni Mommy. Nagkatinginan kami ni Midnight ngunit di ko magawang titigan sya ng matagal hangang sa mag paalam sya.
Naramdaman ata ni Daddy Exodus na medyo malungkot ako kaya sinundan nya ako sa may Kitchen saka niyakap at Hinalikan sa ulo. Sa mga oras na iyon ay gusto kong maiyak pero sinikap kong pigilan, yumakap na lang din ako kay Daddy. Matapos iyon ay tinulungan nya akong maghanda ng pagkain.
Mabait naman ang Mommy, kaso nga lang may pagka strict talaga sya. At sinasabi nya ang gusto nyang sabihin, wala syang pakialam kahit masaktan ka, basta nasabi nya ang gusto nya.
Ilang sandali lamang ay dumating ang Ate at kasama nya si Xylas. First nila makita ang ate na may kasamang ibang lalaki. Pumasok sila at ipinalilala naman ni Ate si Xylas kay Mom and Dad.
"Mom, Dad narito po pala kayo? Pasensya na po bumili kasi ako ng materials para aa activity namin, kanina pa po ba kayo?"
Tanong ni Ate sa mga ito.
"Medyo kanina pa Anak, hmm may kasama ka pala.?" Tanong ni Mama sabay ng pagtaas ng kilay nito."
Bigla naman naalala ni Ate si Xylas na nasa likuran nya.
"Ahmm..Opo nga Pala Mom , Dad, Si Xylas po pala, kaibigan namin ni Amari." Pakilala nito kay Xylas.
Tumabi naman ito kay Ate at binati ang aming mga magulang.
"Good afternoon Mom and Dad, ahmm.. I mean Man and Sir." Biglang bawi nito.
"You can call us Tito and Tita, okay na yon, sagot naman ni Daddy.
"Good afternoon din naman, pasok ka, Anyway saang Pamilya ka pala nagmula, anong pinagkakaabalahan mo? Student ka rin ba? Schoolmate nila o Ano?" Diretsong tanong ni Mommy.
Napakamot na lamang sa ulo ang Daddy.
"Ahm.. I'm Xylas Leviste po, currently working as ahm..Chief executive officer po ng Company po namin." Sagot nito.
Napatingin dito ang Mommy mula ulo hangang paa.
"Hmm, so you are working na, akala ko ay student ka rin."
"Hindi po Tita, working na po nag start po as Chief administrative officer, then after ilang years saka ako naging CEO. Sagot nito.
"Talaga, hindi halata na mas matanda ka sa mga Anak ko, Akala ko nga ay ka kalse ka lamang nila.,"
"Talaga po Tita? Salamat po yan din po sabi mg Iba, Baby Face lang po talaga hehe." Sagot nito kat Mommy. Nagpipigil na lamang ako ng tawa. Dahil natatawa ako kay Xylas.
Nang kakain na kami ay ipinatawag ni Mommy si Midnight kay ate para sumabay.
Maya maya nga lamang ay dumating ito.
Naupo sya sa isang space ng upuan na napag gigitnaan namin ni Ate, at sa kabilang side naman ay katabi ni ate si Xylas.
Habang kumakain kami ay panaka nakang nag kwe kwento ang Mommy.
Hangang sa mauwi na naman sa amin ni Ate ang usapan.
"Kaya Xylas, Midnight salamat aa inyo, at least panatag kami ng Tito Exodus nyo na kahit papano eh merong umaalalay sa kanila.
Lalo na dito kay Amari, Alam nyo na sa kanilang Magkapatid itong Si Amari ang mas palaging curious, inaalala ko lang sa sobrang curious nya sa maga bagay bagay eh baka ikapahamak nya.
Etong Si Avani, ang ayaw ko lang dyan, nakamana sa Daddy nya, hilig sa mga racing, sa mga sasakyan, medyo ayaw ko yon para sa kanya, dahil takaw sa accident. Eto namang si Amari mahilig pumarty, natatakot ako baka mamaya mapasama sa maling mga kaibigan, Alam naman natin ang panahon.
Habang kumakain kami ay nag kwento pa si Mommy kung paano namin nakilala si Midnight.
"Alam mo Xylas Sobrang close ni Midnight at Avani, sila kasi talaga ang magkabigan.
Napagkamalan lang ni Midnight si Amari at Avani ay iisa haha kaso Maldita tong si Amari inaway away si Midnight, sobrang hiya ko talaga noon sa mga magulang ni Midnight kasi gumawa ng eksena tong si Amari nagsisigaw at pumalahaw ng iyak.
Kaya pinagtinginan tuloy kami mg mga tao, akala nila kung anong nangyari, kaya humingi kami ng Sorry at sinabing away bata lamang." Kwento pa ni Mommy.
"Hahaa, Bata palang pala Maldita ka na talaga Mahaldita hehe." Biro sa akin ni Xylas, napatingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti pero sa puntong iyon ay tila hindi ako natutuwa, kundi hiya ang aking nararamdaman. Matagal na iyon pero tila iyon ang tumatak sa isip nilang lahat, ang pagiging Maldita ko.
"Hehe, ay nako Xylas, Magkamukha lang sila pero magkaiba amg ugali nilang dalawa, Spoil Brat kasi ang datingan nitong si Amari at si Avani naman ay simolple boyish.
Tinuon ko ang aking mata sa harap ng pinggan at nag focus na lamang sa Pagkain. Dahil ayoko na sumali pa sa usapan nila.
Sa mga sandali na Pinag kokompara kami ni Ate ay nanatili akong tahimik.
Hindi ko inaasahan na magsasalita si Midnight.
"Tita, matagal na po iyon, Saka Ayos na po kami ni Amari at sa tingin ko naman po ay nagbago na sya. Hindi na sya katulad ng batang maldita na nakita ko noon sa dapampasigan. Malaki na po ang ipinagbago nya kahit papaano." Sagot no Midnight na syang di ko inaasahan.
Napayuko naman ako, hindi ko alam na sa mga oras na ganito ay ipinagtangol nya ako.
Medyo nagulat pa ako ng hawakan nya ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Pinisil at hinaplos nya lamang iyon ng bahagya ngunit binitawan din.
Pansin ko na Nagka hulugan na ng Loob si Xylas at Mommy, maging si Daddy ay ganon din dahil pareho sila ng mga gusto.
Umuwi rin naman sila Mommy kinabukasan dahil walang kasama si Bunso, Hinalikan at Niyakap kami ni Mom and Dad bago sila umalis.
At nagpa alam na rin ang mga ito sa amin.
MIDNIGHT
Kinabukasan habang naglalakad ako patungo sa Med school ay natanaw ko si Amari sa May Bench kung saan walang gaanong tao. Nagpasya ako na lapitan ito, medyo nagulat pa sya sa paglapit ko.
"Eyy, bat andito ka?"
"Huh? Midnight ikaw pala, ahm..wala naman nagpapahangin lang, mas mahangin kasi Dito." Sagot nya sa akin. Pansin ko na tila mugto ang kanyang mata, tila ba umiyak.
"Okay ka lang? Bat ganyan ang mata mo?" Tanong ko rito.
"Ahm..napuwing lang kagabi kinuskos ko kaya medyo namula." Wika nito ngunit alam ko na di iyon totoo.
"Ahm.. Midnight salamat sa pagtatangol mo sakin kagabi ako na yong sobrang nahihiya, wala naman akong magagawa totoo naman na maldita ako."
"But you change a lot Amari, Oo maldita ka parin, pero may ipinagbago ka naman na kaya di ko napigilan na di mag react." Anya ko dito saka sya tiningnan.
"Anyway salamat, pero tama din ang sabi ni Mommy, Mas Mabait si Ate kesa sa akin. Wala silang Problema kay Ate, para sa kanila ay Perfect si Ate, ang problema lamang nila ay Boyish ito pero the rest ay okay, narinig mo naman Diba, Ikaw ang gusto nila para kay Ate Avani, ikaw ang gusto ng Mommy para sa kanya. Na baka pag niligawan mo ang ate maging babae na ito." Wika pa ni Amari.
"Kapag magkasama kayo ng Ate, ahm..wala ka bang ibang nararamdaman? I mean wala bang kakaibang feelings?" Diretsong tanong nya sa akin.
"Hmm..meron syempre, pero." Hindi na nya ako pinatapos dahil pinigilan nya na ako"
"Ahm.. Sige Midnight, Mauuna na ako, klase na kasi namin."
"Ganon ba,, ahm..sige mag iingat ka ha."
"Salamat, ikaw din."
Anya nya saka ito umalis.
Tinanong nya ako kung may feelings daw aKo na nararamdaman sa ate nya, sinagot ko syempre ay Oo di naman ako hinayaan na mag paliwanag, Hayss mga babae nga naman.
Sa Mga sumunod na araw ay mas naging Busy ako dahil talagang nag a assist na ako Kay Doc alfie, madami din kasing mga pasyente.
Nakakaawa lang talaga na dito sa atin kapag wala kang pera, hindi ka priority. Hangat maaari gusto ko maging Doctor para kahit papaano ay makatulong ako sa ating mga kababayan.
Sobrang pagod ko ng araw na iyon halos di ko na rin nagawang magluto pa pag dating, kaya pag pasok ko sa bahay ay talagang bagsak na ako.
Napasalampak ako sa Sofa sa Sala at napatingin ako sa Unit nila Amari . Natanaw ko syang tila nag luluto.
Binuksan ko naman ang ilaw sa Sala, baka sakaling magawi ang tingin nya sa Unit ko, at hindi nga ako nagkamali.
Kumaway ako sa kanya at Kumaway rin sya pabalik. Hindi ko alam ngunit tila na miss ko sya, Ilang araw din pala kaming di nagkikita dahil sa sobrang busy ko.
Pag bukas ko ng Phone ko ay nakita ko ang story nya sa i********:. Isang batang babae na nakangiti ngunit lumuluha angbmga mata.
Pansin ko na naka online sya kaya nagcomment ako doon.
Nag reply naman sya ngunit, nangumusta lamang. Tinanong nya kung Kumain na ako. Sinabi ko na hindi pa, at wala narin akong time para magluto pa.
Hinihintay ko na mag reply sya ngunit wala na akong reply na natangap pa. Bagkos Tunog ng Doorbel ang akingv narinig. Agad akong pumunta sa pintuan para buksan ito at doon ko nalaman na walang iba kundi si Amari pala.
"Oh, Amari, ikaw pala, pasok ka." Aya ko sa kanya, Pumasok naman sya at doon ko napansin na may Bitbit syang Tupperware.
"Ahm..Dinala ko lang tong Pininyahang Manok Midnight, niluto ko kanina, request din kasi ni Ate, dinalhan narin kita ng Rice dahil sabi mo di kapa nakakaluto." Wika nito sa akin saka iniabot ang lagayan.
"Salamat Amari, Oo nga eh, medyo pagod na ako kumilos, ang dami kasing pasyente kanina."
"Ganon ba, kaya naman pala, Sige na Midnight, mauuna na ako, kumain kana para makapag pahinga kana rin." Wika nya sa kin saka sya nagpaalam palabas.
Malapit na sya sa pinto ng tawagin ko sya.
"Amari, salamat ulit dito, at palagi mong tatandaan na magaling ka." Wika ko saka sya nginitian. Napayuko naman sya na tila nahihiya ngunit ngumiti din sakin.
Hinatid ko sya sa labas ng unit hangang sa makasakay sya sa elevator.
Matapos kong kainin ang pagkain na dala ni Amari ay kinuha ko ang aking phone at
Tiningnan ang larawan namin noong nakaraan kay sir Xylas.
Magka muka si Avani at Amari pero makikita mo agad ang pagkakaiba nila.
Hindi ko alam ngunit kapag naaalala ko ang mga sinabi ni Tita Lavinia kay Amari kanina ay tila nakaramdam ako ng awa para dito.
Nakangiti sya sa mga larawan ngunit di mawaglit sa isip ko ang lungkot sa kanyang mukha ng masilayan ko sya kasama si Tito Exodus.
Marami pa akong di alam sa kanila, bukod sa nakilala ko sila noong mga bata pa sila, ngunit tila may mga bagay at nakaraan pa na di ko alam sa pagkatao ng magkapatid.
Makalipas ang mga araw ay ilang araw ko na ring di napapansin si Amari.
Kaya nag tanong na ako.
"Avani bakit ilang araw ko na di nakikita si Amari?
"Ah, umuwi sa GenSan, Kailangan eh, may importante kasing inasikaso." Sagot ni Avani sa akin.
Hindi ko alam ngunit tila iba ang nararamdaman ko, palagi kasing dumadaan sa IG ko ang stories nya.
"Ah, kaya pala wala, kelan sya uuwi?" Tanong ko dito.
"Ang sabi ni Mommy 4 days daw bukas ng gabi ata ang alis doon," dagdag pa nito.
Tila nakahinga naman ako ng maluwag.
Kinabukasan tulad ng nakagawian ay naging Busy na naman ako sa schedule ko.
Ngunit habang naglalakad palabas ng Med school ay halos magulat ako ng makita si Amari.
Tila parang namayat ito sa ilang araw na wala sya.
Napansin ko rin ang singsing na nakalagay sa kanan nyang kamay.
Ayoko mag isip ng iba ngunit tila may kirot sa aking puso ng makita ko iyon. Naramdaman nya naman ata na napansin ko ang bagay na iyon kaya ikinubli nya iyon sa akin.
"Amari, ang tagal mo ring nawala." Bati ko sa kanya.
"Ah..ahmm..Oo Midnight may inayos lang sa Probinsya" sagot nya sa akin, ngunit hindi nya ako kayang tingnan ng diretso.
Ah, ganon ba..kaya pala eh, ayos ka lang ba? Bat parang namayat ka?" Tanong ko rito.
"Ahm..nanibago lang siguro ako, pero ayos lang ako Midnight salamat sa Pag aalala. Sagot nito sa akin.
Hindi na naman ako nagtanong pa, hinatid ko na lamang sya ng Tingin palayo, ngunit ang tila gusto stang habulin ng aking puso.