AMARI
Kinabukasan ay gumayak na kami dahil kailangan na namin bumalik sa Condo.
Simula kagabi ay di pa kami nag uusap ni Midnight. Pero ramdam ko ang pag aasikaso nya sa akin simula ng dumating kami dito.
After lunch kami bumalik ng Manila, Nagpasalamat kami sa Pamilya ni Xylas sa maluwag at mainit na pagtangap nila sa amin. Bumalik lamang daw kami kung kailan namin naisin.
Habang nasa sasakyan at tahimik lamang kami ni Midnight, may ipinabaong sandwich Ang Tita Eris para daw may kainin kami sa Byahe. Kinuha ko ang sandwich saka ito binuksan.
Saka ko ito inilapit at isinubo kay Midnight.
"Midnight kain tayo." Aya ko saka nilapit sa kanya. Hindi naman sya nag dalawang isip na Kumagat.
Hangang sa maubos namin ang sandwich.
"Thanks Amari, Kumusta pala ang subjects nyo?" Biglang tanong nya sa akin.
"Ayos naman, kahit papano nakukuha ko naman may mga pagkakataon nga lang na may mahirap unawain pero ayos naman nakukuha ko din naman." Sagot ko sa kanya.
"Ok, Good, pero kung may nais ka itanong pwede mo itanong sa akin, same as Avani, kapag may di sya alam nagtatanong sya." Wika naman ni Midnight habang ang mga mata ay nakatutok sa kalsada.
Sakto Alas Tres ng hapon ng makarating kami sa Condo.
Nag pasalamat naman ako kay Midnight. Sinabi ko na ibabalik ko na lamang ang jacket nya..lalabhan ko muna.
Pagkarating ay napaupo ako saglit sa Sofa at ibinaba ang dala namin, maya maya ay nagpunta agad ako sa Kusina at uminom ng tubig. Napansin ko na naman si Midnight na nakaupo sa kanyang Sofa at walang saplot pang itaas. Mataman ko syang tinitingnan.
Hindi ko namalayan na Nahuli nya pala akong tumitingin, Kaya kumakaway sya sa akin."
Tila nahiya naman ako, nahuli nya kasi akong nakatitig sa kanyang Abs kaya tumalikod ako.
Maya maya ay tumunog ang aking Telepono at Nakita kong si Midnight iyon at tumatawag. Kinuha ko naman iyon at sumagot.
"He..Hello.. Midnight, bakit?" Tanong ko dito.
"Ahm..Wala lang, nakita lang kita parang natutulala ka kasi, may problema ba?" Tanong nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko syang nagbibihis na ng damit pang taas.
"Huh? Ahm..wala naman, Naisip ko lang yung assignment pala namin para bukas, Di ko pa pala natatapos gawin." Pag dadahilan ko rito.
"Ah, Kailangan mo ba ng Tulong?"
"Ahm..hindi na, kaya ko naman, Salamat pala."
"Okay, Sige na magpahinga ka na, alam ko na pagod ka sa byahe." Anya pa nito at tumango naman ako, alam ko kasi na nakikita nya rin ako.
Nagpaalaman kami saka ko pinatay amg telepono.
Matapos iyon ay dumiretso na nga ako sa kwarto at nahiga, hindi ko na rin alam na napakahaba na pala ng tulog ko dahil nagising ako ay alas onse na ng gabi.
Pag punta ko sa Kusina ay napatingin ako sa tapat nila Midnight at patay na ang ilaw nito, marahil tulog na rin ito.
Humiga akong muli saka bumalik sa pagtulog.
Pag gising ko kinabukasan ay alas siete na, alas 9 naman ang klase ko kaya ayos lamang. Pag labas ko ng kwarto ay wala na si Ate ngunit may note ito na iniwan, hinandaan nya rin ako ng Breakfast kaya naman napangiti ako.
Matapos kong kumain ay naligo na rin ako at inayos ang aking sarili.
Isinuot ko ang uniform at ng matiyak na ayos na ay saka ako lumabas pababa sa condo.
Habang nag aabang ng Taxi ay nagulat pa ako ng dumaan si Xylas, as usual ibang sasakyan na naman ang gamit nito.
Naaalala ko tuloy ang Daddy, mahilig din kasi ang Daddy sa sasakyan, pero di tulad ni Xylas ginagamit nya lamang ang iba lapag depende sa okasyon. Di tulad ni Xylas na minsan 2 o 3 beses magpalit ng sasakyan.
"Pasok ka na? Tara , sakay na." Aya nya sa akin. Hindi naman ako nag dalawang isip kaya sumakay na rin ako.
Tahimik lamang ako habang nakasakay ngunit tila di ata to mabububay ng normal sa isang araw ng hindi nang aasar.
"Ano na kumusta? Hmm... parang may something sa inyo ni Midnight kahapon, ayieee...". Tukso nito.
"Ano naman yang ayie mo? Ikaw issue ka talaga."
"Hwag kana mahiya tatangi pa eh, nakipag hawakan ka nga mg kamay, hehe." Anya pa nito, kaya nanlaki ang aking mata bakit alam nito ang bagay na iyon?"
"At sino ang nagsabi sayo ha hmm."
Tanong ko dito.
"Haha..May nakakita haha kaya alam ko."
Sagot pa nito.
"Alam mo, walang malisya yon okay, nilalamig ako kaya hinawakan nya ang kamay ko."
"Hmm..hehe sa makatuwid nagpainit kayong dalawa gamit ang kamay." Dagdag pa nito saka tumawa.
"Baliw, Ah basta shut up ka nalang, kung ano ano rin lang naman ang napasok sa isip mo." Wika ko rito.
Ilang saglit lamang ay nakarating din sa university nagpasalamat naman ako kay Xylas. Nagbilin pa ito na babalik daw aya ng lunch at sabay sabay daw kami mag la lunch.
Pagdating sa klase ay pansin ko na nag kakagulo sila kaya tinanong ko si Berna kung anong meron.
Ang sabi sa isang actvity ay isang Doc Alfie daw ang mag tuturo sa amin.
Parang narinig ko na ang Pangalan na iyon, pumwesto naman ako sa aking upuan saka nagbukas ng notes para magbasa.
Ilang sandali pa ay pumasok ang isang lalaki na Matangkad at nasa tamang pangangatawan, medyo maputi din ito.
At halos magulat ako ng makita ko si Midnight sa likod nito pareho silang naka suot ng White gown na tila nangaling sa isang operation dahil nakapang Doctor sila.
Nagpakilala silang dalawa, Habang nagpapakilala sila ay sa kanila nakatutok ang paningin ng aking mga ka eskwela. Ako naman ay nakikinig din. Ngunit Hindi ko inaasahan ang huli nang tawagin ako ni Midnight.
"Diba Ms.Amari Banderas?" Anya nito na halos di ko rin naunawaan ang tanong nya dahil nga napatulala ako sa kamya.
Kaya wala akong nagawa kundi Umoo at Sumagot.
Sa klase namin na iyon at nag d discuss lamang si Doc Alfie, may portion din na si Midnight ang nag e explain ng iba. Doon ko nakit si Midnight kung ano sya sa loob ng klase. Kung seryoso sya sa Labas, ay mas lalong seryoso sya sa loob. Talagang discuss lang sya, ngumingiti rin naman minsan pero talagang Focus sya sa itinuturo.
Matapos ang kanilang leksyon sa amin ay nag paalam na rin sila.
Bago sya umalis ay tinawag ko sya dahil naalala ko ang bilin ni Xylas.
"Midnight, oo nga pala sabi ni Xylas, Sabay sabay daw tayo mag lunch, kabilin bilinan nya eh." Anya ko rito. Tumingin naman ito saka ngumiti.
"Sige Amari, kita nalang tayo sa break time, nga pala Congrats, isa ka sa perfect score, mukang nakinig ka sa discussion ni Doc Alfie" anya ni midnight kaya natawa naman ako.
"Naku, chamba lang siguro, pero teka magaling din kasi kayo mag explain at discuss kaya nauwaan ko agad" sagot ko naman dito.
Napangiti naman sya sa sinabi ko, maya maya ay ipinakilala nya rin ako kay Doc Alfie. Isa pala ito sa pinakabata at Magaling na doctor sa Hospital na sangay ng aming University.
Matapos ang isa pa naming subject sa umaga ay nagtungo na ako kung saan kami magkikita kita para sa Lunch.
At pagdating namin sa tagpuan ay umalis kami at dinala kami ni Xylas sa isang resto malapit lang din sa University.
Pinaorder nya lang kami ng Pinaorder akala ko noong una ay KKB ngunit sya pala ang Taya.
"Xylas, Bakit ka pala nag treat? " Tanong ni ate sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Hmm..Wala lang, maganda lang ang lakad ng Company ngayon nakangiting sagot nito kay ate."
"Wow, Congrats Xylas."
"Salamat Baby, Pwede na nga ako mag asawa sabi ni Nanay, Aasawahin nalang ang Kulang hehe." Hirit pa nito kaya natawa ako.
"Haha e di mag asawa ka, o kaya yung Poste ng meralco paldahan mo." Wika ko rito.
"Napaka Harsh mo talaga sa akin. Mahaldita hmm, kung di ka lang kakambal ni Baby nasampiga na kita." Biro pa nito.
Habang nakain kami ay tinabi ko sa gilid ng plato ang mga okra, di kasi ako kumakain nito, nagulat ako ng magsalita si Midnight.
"Bat naka set aside ang Okra? Di mo kakainin?" Tanong nito.
"Hindi, di kasi ako kumakain ng okra Midnight." Sagot ko rito.
"Ganon, sayang sakin na lang ah." Sagot nito saka kinuha ang mga Okra.
Nalaman ko na paborito nya pala iyon.
"Bakit ang dami mo namang di kinakain Mahaldita, napakamapili mo siguro sa pagkain, buti si Baby lahat kinakain, kaya malakas ang reaistensya." Anya pa nito.
Di maman ako nainis dahil totoo naman. Pihikan kasi ako sa ibang pagkain.
Matapos namin kumain ay nakatangap ng tawag si Midnight mukang seryoso ito kailangan nya pang lumayo para sa kausap na sa pagkakaalam ko ay si Tita Sheng. Pagbalik nya sa pwesto ay pansin ko na malungkot sya. Kaya di ko napigilan na di magtanong.
"Midnight ok ka lang?" Tanong ko dito
"Yeah, medyo nagka emergency lang sa Bahay, ininform lang ako ni Mama, sinugod daw sa hospital si Lola pero ayos naman ma." Sagot nito sa akin.
Napaka Family Oriented din ni Midnight, pansin ko na napaka devoted at Mapagmahal nito sa Family nya.
Napaka sweete ng magiging asawa nya balang araw dahil tiyak na magiging mabuting asawa sya at ama sa magiging pamilya nya.
MIDNIGHT
Isinama ako ni Doc Alfie sa pagtuturo nya sa University kanina. Di ko expect na sila Amari pala ang magiging student namin kanina. Natuwa naman ako dahil mataas ang nakuha nya sa quiz kanina, mukang nakinig sya.
Buti na lamang at umaayos na ito, ang sabi ni Avani noon ay medyo pasaway ito sa loob mg klase, mabuti na lamang at tila nagbabago na ito.
Inaya kami ni Sir Xy na kumain sa labas ngunit pagkatapos ay nakatangap ako ng tawag galing kay Mama. Sinugod si Lola Erlinda sa Hospital pero maayos naman na daw ito at di na kailangan i confine. Nakakain lang daw ito ng di dapat kaya ganoon.
Kita ko naman ang pag aalala sa mukha ni Amari, pero sinabi ko naman na ayos lamang kaya napaw din ang lungkot nya.
Hindi ko maintindihan pero kada araw na lumilipas ay tila gumagaan ang loob ko kay Amari. Maarte parin ito pero di na tulad noon.
Kapag pumupunta ako sa bahay nila kapag nagpapaturo sila ay ipinag gagawa nya pa ako ng meryenda.
Isang araw ay nakiusap silang magkapatid sa akin, may kailangan kasing ayusin sa Bahay nila. Ang sabi ko kung mild lang naman ay ako na ang aayos.
Wala noon si Avani dahil may binibili itong materyales para sa ginagawang project kaya kasama nito si Sir Xylas.
Samantalang ako naman ay nasa loob ng bahay nila sa may bandang kusina dahil inaayos ko ang tubo ma sinasabi nilang magkapatid.
Si Amari naman ay nasa Sala, sa pagkakaalam ko ay nag tutupi muna sya ng damit saka mag aaral.
Hangang sa marinig ko ang Boses na medyo pamilyar sa akin.
"Mom, Dad, kumusta po? Bat bigla naman po kayo napauwi? Tanong nito.
"We attended a seminar in Manila, so your dad and I decided to drop by your condo. How are you? Where is your sister Avani?" Dinig kong tanong ni Tita Lavinia.
"Ah, may binibili lang po na materials para sa activity nila sa school Mommy" sagot ko naman.
"Ganon ba? Hmm oo nga pala, na received ko ang sinend mo na class card, medyo disappointed lang ako ng konti dahil expected ko na mas mataas, anyway galingan mo pa sa susunod, alam kong may igagaling ka pa Amari. Kita mo sa Ate mo ang Tataas lahat, mag aral kapa maigi para mas mataas din ang grade mo." Anya nito kay Avani. Rinig ko naman na sumagot ito.
"Love, hwag mo naman pressure rin ang anak natin, saka Ok naman ang grades nya ah mataas at pasado din." Wika ni Tito Exodus.
"I know, but i expect more honey, Alam kong magagaling ang mga anak ko, di naman ako mag e expect kung alam ko g mahina sila, Kaya alam ko na may mas igagaling pa si Amari." Sagot naman ni Doc Lavinia.
Dahil tapos ko na ang gawain ay nahpakita na rin ako sa kanila.
"Magandang Tanghali po Doc and Cong." Bati ko sa mga ito.
"Oh Midnight Hijo, nariyan ka pala?"
"Opo, nagsabi po kasi ang kambal na may problema ang tubo nila, kaya sinabi ko na lang po na kesa tumawag pa sila ng mag gagawa ako na po, eh pag check ko po kedyo d naman ganon kahirap kaya ako na po ang gumawa." Paliwanag ko sa mga ito.
"Naku salamat Midnight, buti at nariyan ka, kahit papano natutulungan mo sila.
Kumusta ka napala Hijo? Galingan mo pa lalo ah at isa ka daw sa magiging mahusay na Doctor.
"Naku, sakto lang naman po Tita, salamat sa compliment."
"Totoo iyon Midnight, magaling kang bata, Alam mo kung ako lang ang masusuod Boto ako sayo para kay Avani, sana magpakababae na sya, Payag ako na ligawan mo sya pagnagkataon."
Anya pa ni Tita, Napatingin naman ako kay Amari na nag iwas naman ng tingin sa akin.
"Love, ano ka ba, Hwag mo nga sabihin iyan kay Midnight baka mamaya may babae syang gusto or may nobya sya eh nakakahiya pa." Saway naman ni Tito Exodus.
Pansin ko ang tila lungkot at pag aalala sa Mukha ni Amari.
Maging ang pagsikmat ni Tita Lavinia ng makita ang Scars sa tuhod ni Amari sa pagkakadapa nito sa Antipolo last time ay di nakalampas.
Katakot takot na sermon ang natamo nito, Tita Lavinia is Tita Lavinia, sasabihin nya ang nais nyang sabihin kahit pa may tao na nakakarinig.
Nagpaalam na rin ako dahil ayoko naman na marinig pa ang pag sasalita nito kay Amari.
Nagpasalamat naman sila sa akin.
Bigla ako nakadama ng awa kay Amari lalo na ng sermonan sya ni Tita Lavinia.
May point naman si Tita, pero kung babasehan mo sya ay tila mararamdaman mo na may Paborito sya at si Avani iyon.
Nakaupo ako sa sala at natanaw ko Si Amari sa Kusina tanaw ko na malungkot sya, at Maya maya naman ay Nakita ko na dinaluhan sya ni Tito Exodus at niyakap ito saka hinalikan sa ulo, at doon ay nakita ko na syang bahagyang ngumiti.