3RD PERSON
Matapos kumain ng ng buong Pamilya ay nag pahinga muna sila sa ilalim ng Puno. Si Midnight naman ay Kumuha muna ng Betadine para gamutin ang Sugat ni Amari.
Kasalukuyan silang nag Gagamutan mg biglang dumating si Xylas at Avani.
"Wow, Iba talaga ang Ms. Liga ng Barangay, talaga namang si Future Doc pa ang pinag gamot ,iba... Baka Mahaldita yarn." Biro nito agad naman dumampot si Amari mg Bulak na ginamit sa Sugat nya saka ibinato.
"Ewww...Hahah..Pikon Pikon, Diba Nurse ka? Dapat ginamot mo sarili mo hahha" walang Tigil na biro nito sa dalaga.
"Pakialam mo ba? Pag ikaw naging pasyente ko balang araw di kita gagamutin, bahala ka sa buhay mo." Inis na sabi sabay irap nito.
"Aba Teka, na memersonal ang Mahaldita ah." Ayaw paawat na pang aasar naman ng binata dito.
May naisip naman ang Dalaga kaya humalikipkip ito saka Sumigaw.
"Tita Eris yung Anak nyo po dito mukang Napalitan ata sa Hospital, sa mental ata to galing." Wika nito, Syang paglabas naman ni Eris
"Woii, Gagi naman, ikaw talaga pag napagalitan ako ni Nanay." Saway nito kay Amari.
"Hey ..Ano Iyon Hija? Parang narinig ko na tinatawag mo ako? Nakangiting tanong dito ni Eris.
Sasagot sana ang dalaga ng pigilan sya ng Binata.
"Ah..Wala Nanay, Sabi po kasi ni Amari ang ganda daw po ng Coffee shop natin sa taas kanina, Sabi ko ikaw ang gumawa, hehe" Palusot nito.
"Talaga Ba Amari? Salamat ah, kumusta naman ang pag punta nyo kanina? Balita ko nadapa ka daw?".
"Ahm..Opo Tita, pero okay na po, tinulungan naman po ako ni Midnight."
"Tinulungan daw , e si Midnight lang naman talaga ang gumamot haha." Di napigilang Asar ni Xylas., na tila nawala sa isip na nasa gilid lamang nila ang ina.
"Xylas Leviste, Ikaw ha nang aasar ka na naman, kung hindi mga kapatid mo, mukang si Amari ang trip mong asarin." Saway naman dito ng inang Si Eris, tila nakahanap naman ng kakampi ang dalaga.
"Haha Bleh, Opo Tita Eris ganyan yan, lagi nya po ako Inaalaska." Anya ni Amari dito .
"Lah Nay...Hindi naman po, Kasing Sarap lang ako ng Gatas pero Hindi po ako ALASKAdor " sagot naman nito.
Tumingin naman dito ang ina saka pinaningkitan ng Mata.
"Naku Xylas, Ikaw ha, Kilala kita, mula pagkabata ay Pilyo ka na., Iwasan mong asarin ang mga dalagang ito, pasalamat ka nga at May Magaganda at mababait kang mga kaibigan." Payo pa ni Eris dito.
"Mga Hija Pasensya na kayo dito kay Xylas ah, naku simula pagkabata ay mabiro talaga iyan, paano maiwan ko muna kayo ah, pupunta lang kami ng Tito Xav niyo sa Bayan, Midnight, ikaw din Hijo ah, feel at home."
"Salamat po Tita Eris." Anya naman ni Midnight.
Matapos nilang magpahinga ay nagkaayaan naman na mag Swimming dahil medyo makulimlim di daw gaanong masakit sa balat nag init anya ni Xierra sa kanila ikalawa sa Triplets at Sumunod kay Xylas. Nagkaisa naman ang lahat kaya wala na silang nagawa kundi ang makisama. May Extra Swimsuit naman na pinagamit sa kanila na di pa nagagamit nila Xierra. Ang Kinuha ni Avani ay Boyleg type na kulay Peach at Bikini naman na kulay Maroon ang kay Amari.
Paglabas ng mga ito ay naroon naman sa harap ng Pool ang Magkakapatid na
Xylas, Xavi, Xerxes at pati si Midnight. Habang Ang magkakapatid na Xierra, Xavina at Xavia ay nagsimula na mag tampisaw sa Tubig.
Kaya habang Naglalakad ang Banderas Twins ay sa kanila naka Dako ang Tingin ng mga ito.
Si Avani kasi ay Naka Boyleg 2 piece ngunit nagsuot muna ng Tshirt.
Santalang si Avani naman ay Naka suot pa muna ng Roba. Saka Umupo sa Upuan na malapit sa Pool.
At Doon ito nagsimula maglagay ng Sunblock kahit di naman gaanong mainit.
Habang naglalagay ang Kambal ay Nilapitan naman ang mga Ito ni Xylas at midnight.
"Ehem..Baby, Baka gusto mong magpalagay ng Sunblock sa likod, pwede naman ako." Sabi nito habang nakangiti sa dalaga.
"Naku hindi na Xylas, Xalamat." Sagot nito na formal ngunit nakangiti naman.
"Hahaha, Saka FYI kung magpapalagay ng Sunblock ang Ate Syempre ako ang maglalagay, baka mamaya saan saan pa humawak yung kamay mo." Pang aasar na wika dito ni Amari.
"Wow, Ms.Liga andyan ka pala haha, Ikaw ba Maglalagay? Wag ka mag alala di kita o offeran, Hahaa."
"Wow..kapal ah , wag ka din mag alala at di din ako mag Papalagay sayo ano."
Asar na sagot naman nito Kay Xylas.
Habang nagpapahid ng Sunblock ay lumapit naman si Xavi sa kanila may dala itong mga inumin kaya inabutan nito pati sila Avani at Amari.
"Kayong Dalawa eto ang Drinks nyo Fresh Cucumber." Nakangiting wika nito.
"Salamat Xavi, You're so generous naman, saka mas mukang Mas Matino ka kesa sa isa dyan." Parinig na wika mg dalaga sabay sipsip sa Cucumber Tea na dala ni Xavi.
"Hehe ganon ba, bakit, Generous din naman ang Kuya Xylas, gusto pa nga ata kayong Pahiran ng Sunblock, hehe. pero matino? Ako? Hmm..Oo..pero hindi isang daang poesyento hehe " biro naman nito sa Dalaga. Napatikhim naman Si Midnight ng tila madama na napapatagal ang Usap ni Amari at Xavi.
Napasipol naman si Xavi at saka nagpaalam tila nakuha naman nito ang nais ipahiwating ni Midnight.
Umuna na sa Swimming Pool si Xylas at Avani at nakigulo sa magkakapatid na Leviste. Sumunod na rin sa Pag Dive si Xavi. Naiwan na lamang sa gilid ng Pool ay Si Midnight at Amari kaya Sinisigawan na sila ng mga naroroon.
"Midnight, Ms.Liga..Ano Di pa ba kayo Lulusong tara na aba." Aya ng mga ito.
Kaya Tumayo na rin si Midnight. Nagbanlaw lang sa Shower na nasa Gilid saka nag Dive patungol sa Pool.
Hangang sa Si Amari na lamang ang naiwan.
Dahil sa Pangungulit ng mga nasa Pool ay Nagtungo na rin sya. Inalis nya nag Roba saka Nag tungo sa Pool kung saan naroroon ang mga Kasama.
Hindi naman maiwasang mapatingin ng mga Naroroon, Bagay na bagay kasi dito ang suot nitong 2 pc Bikini na Maroon. Na lalo lamang nakadagdag puti sa dalaga.
Hindi naman mapigilan ng Binatang Si Midnight na mapatingin dito, Sinusubukan nya namang umiwas ngunit tila may magnet na nagtutulak na lingunin at sulyapan nya ang dalaga.
MIDNIGHT
Sinusubukan kong umiwas ngunit hindi ko mapigilan na di sumulyap kay Amari.
Bagay na bagay sa kanya ang suot nyang Bikini. Kaso kung ako ang tatanungin, ayaw ko na nakikita syang na e expose ang katawan sa iba. Pero ano bang gagawin ko? E nasa Swimming Pool kami, Saka baka sabihin pakialamero ako. Kaya nanahimik na lamang ako sa Gilid.
Sakto na nag swi swimming kami ni Sir Xavi ng lumapit si Sir Xylas.
"Heyy Midnight, bat tumalikod ka, hehe ayaw mo ba ng view. Maputing Siopao haha." Pabirong sabi nito saka Tumawa.
Napayuko naman ako. Ngunit pag tunghay ko ay napatingin nga ako dito.
Hindi ko alam ngunit kahit nakalubog ako sa tubig ay tila nakadarama ako ng init lalo na nang Mabasa ang Kapirasong Saplot nito sa katawan.
Tumayo na ako at nag desisyon na Makilaro na lamang sa Billiar kung saan naroon na si Xavi at Xerxes. Samantala si
Sir Xylas naman ay nasa Pool parin at nakikipag usap kay Avani. Pansin ko na naglalatuwaan yun dalawa, Panaka naka naman na nalilingon ako sa tuwing sasabuyan ni Amari ng Tubig si Sir Xylas marahin nag iinisan na naman ito, parang mga bata silang dalawa kapag nag aasaran.
After ng ilang game ay nagpaalam muna ako Kina Xavi, at bumalik na sa aking pwesto. Sya namang nag ahunan din sina Avani at Xylas kasama ang kanyang mga kapatid saka dumiretso sa table na may nakahandang pagkain.
Samantalang napansin ko naman si Amari na naaa tubig at Paahon palang kaya Dali dali kong inabot ang Roba na isinabit bya nalapit aa Gilid ng shower kanina, Pansin ko kasi na giniginaw na ito.
"Amari" anya ko aaka iniabot ang Roba dito.
"Salamat Midnight." Tugon nito saka isinuot ang Roba na aking iniabot.
Naupo sya habang Tinutuyo ang buhok."
"Hindi na ba Masakit ang sugat mo?" Usisa ko dito.
"Hindi naasyado Midnight, Salamat ah"
"Wala yon, sana lamg d mag marka, gaya ng sabi nyo, maselan pala si Tita Lavinia sa ganyan."
"Oo Midnight, mausisa kasi si Mommy, ayaw nya na nagkakasugat kami ng Ate." Sagot nito.
Kung titingnan mo nga sila ni Avani ay Napaka kinis nilang pareho, wala sila ni Kahit kapirasong Peklat.
Matapos naman maligo sa Pool ay nag sipag bihis na rin kami.
Wala parin daw sika Tita Eris at Tito Xav pero ibinilin naman mg mga ito sa kanilang kasambahay na asikasuhin ang aming tanghalian. At kahit na may kasambahay na nagluto para sa Pamilya nila ay Kimikilos parin ang mga Anak nila para sa gawain, hindi sila yung Mayaman na tila kailangan pang pagsilbihan at Dulutan ng lahat.
Sinulit namin mag natitiramg isang araw sa bahay nila sir Sid.
Natuloy din ang Basketball noong hapon kung saan magkakampi kaming dalawa kasama si Xavi.
"Haha pano ba yan panalo kami 6 lamang namin sa inyo?' anya ni Amari kay Si Xylas.
"Weeh, Kami talaga ah, wala ka ngang ambag sa Skor hhahaa."
"Kahit pa, ok kaya mga Pasa ko sa kanila Bleh." Anya ni Amari dito.
"Oo na, Mahusay din pala ang mga SHOOT ni Midnight, walang sabit hehe." Anya ni Sir Xylas saka tuamawa, napangiti at napailing nalang din naman ako.
Pagdating ng Tanghali ay nag siesta rin muna kami, at Pag gising namin bandang Ala singko ay naroon na ang mga magulang nila sir Xy.
At nang gabi matapos ang hapunan ay nag ka ayaan naman na muli bumalik sa shop nila. Kasama lahat.
Napakaganda pala lalo doon pag Gabi. Madami rin silang customer kaya maglabas sila mg foldable table and chair para sa amin at sa iba pang customer na naroroon.
Habang umiinom kami mg Kape ay pansin ko na nakahalukipkip si Amari at parang nilalamig.
Paanong Di naman lalamigin eh sya lang ang bukod tanging naka Cropop.
Mga Naka Tshirt Kasi si Avani at Blouse namang ang suot ng mga kapatid ni sir Xylas.
Tumayo ako saka bumalik kung saan nakaparada ang Kotse ko, mabuti na lamang at sinakyan namin dahil meron akong Jacket sa loob.
Pagbalik ko ay Dala ko ang Jacket saka ko marahang ipinatong sa balikat nya. Medyo nagulat pa sya sa ginawa ko.
"Nilalamig ka, Isuot mo na." Wika ko dito saka umupo sa tabi nya at Sumimsim ng Kape.
Di naman sya nag alinlangan kaya sinuot nya din ito.
"Salamat Midnight" tugon nito saka lumagok din ng kape.
Napansin naman ni Xylas na nakasuot na ito ng Jacket kaya kantyawan to the max na naman sila.
"Hahaha, Ano? CROPTOP pa more, haha natatawa talaga ako ng makita ka na naka croptop, malamig din dito ano, ayan tuloy giniginaw ka, Pasalamat ka kay Midnight at Boyscout yan.. palaging handa hehe." Pang aasar na wika pa ni Sir Xylas dito.
Maigi na lamang at hindi na rin sumagot si Amari kaya hindi na Humaba ang usapan nila.
Habang abala sa kwetuhan ay pansin ko na tila giniginaw parin sya. Bukod kasi sa naka Croptop ay naka Short lang din kasi ito.
"Giniginaw ka parin? Tanong ko dito.
"Uhmm...Medyo eh., akala ko kasi di ganong malamig, kasi di Naman masyado malamig sa Bahay nila Xylas, di ko expect na grabe pala lamig dito sa taas." Paliwanag ni Amari.
Wala kaming katabi ni Amari dahil nasa kabilang table ang mga kapatid ni Sir Xylas.
Katapat namin sila Avani at Sir Xylas ngunit busy ang mga ito sa pag Pi picturan kaya kami lamang ang naiwan dalawa sa upuang iyon.
Hindi ko alam kung ano ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para biglang hawakan ang Kamay ni Amari.
Doon ko napagtantanto na Sobrang lamig nga nito.
Medyo nagulat pa sya sa ginawa ko, akala ko ay tututol sya ngunit doon ko sinimulang hawakan, pisil pisilin at himasin ang kamay nya. Hinayaan nya lamang ako hangang sa ang kaninang malamig na kamay ay unti unti ng umiinit.
Bumalik na sa upuan sila Avani at Sir Xylas ngunit wala silang kaalam alam sa nagaganap sa mga kamay namin ni Amari sa ilalim ng lamesa. Naibalik ko sa tamang init ang kanyang kamay.
"Amari, Okay ka lang ba?" Tanong dito ni Avani.
"Oo ate Ayos lang." Sagot nito.
"Hmm.. Bakit parang namumula ka hehe, sigurp dahil suot mo ang jacket ni Midnight, e di pakiramdam mo rin na yakap ka nya..Ayiee." Tukso na naman dito ni Sir Xylas.
Natawa tuloy ako , hindi lang jacket ang pinahiram ko, Nahawakan at nahimas ko pa ang kamay no Amari.
"Sira, Malamang umiinom ako ng Kape ang dami mong issue sakin." Sagot naman ni Amari.
Matapos lumagok naman ng Kape ay Inaya ko naman sya.
Nagulat pa silang lahat ng hingin ko ang kamay ni Amari at Abutin nya naman ang kamay ko.
"Hoyyy ano yan, bat may ganyan? Taning ni Sir Xy.
"Kami naman ang mag Pi picture ni Amari Sir Xy, para may remembrance din kami dito." Anya ko sa kanya saka ako ngumiti. At ganon nga ang nangyari. Nag picturan kami. Pinicturan ko sya, at ganon din sya sa akin. At Nag Picture din kaming dalawa, first time kong magpicture na kasama sya. At syempre ang Huli ay Picture naming Lahat kasama ang mga kapatid ni Sir Xylas.
May serious pic at May Wacky at sa lahat ng larawan Magkatabi kami ni Amari.