MIDNIGHT
Maaga akong nagising kinabukasan. Sakto at Gising na rin pala si Sir Xylas. Ang una kasi naming Balak ay Mag Jogging sa madaling araw, Maganda kasiag jogging sa lugar nila dahil Paahon at Padausdos ang daraanan.
Pag labas ko ng Kwarto ay Sya ring paglabas ni Amari. Medyo nagkagulatan pa kami.
"Good morning." Bati nito sa akin.
"Go..Good morning din." Nauutal na bati ko rito.
Napatingin kasi ako sa Kanya, Naka Maiklinh Short kasi sya ngunit may Cycling naman na suot. Lumitaw na naman ang mala Labanos nyang mga Hita, Ang uniform kasi nila sa school ay Skirt din ngunit di naman maiksi.
"Oh, Bakit nauutal ka Midnight? May Problema ba?" Tanong naman nito sa akin. Nag iwas naman ako ng Tingin saka tumingin sa may salas.
"Ah, wala naman, Akala ko lang tulog pa Kayo." Sagot ko sa kanya, sya namang paglabas ni Avani. Naka Tshirt naman ito saka naka Short na parang Basketball Short.
Magsasalita pa lamang Ako ng Dumating naman Si Sir Xylas.
"Good Morning Guys, nakatulog ba kayo ng Maayos?" Tanong nito sa amin.
Kaya sumagot naman ako. Ngunit ng mapatingin ito kay Amari at Kay Avani ay Hawak nito ang Tyan kakatawa.
"Haha Banderas Twins, Saan ang PALIGA nyo?." Tanong nito habang nakatingin kay Amari at Avani.
"Anong Liga ang pinagsasasabi mo Kengkong?" Masungit na tanong naman ni Amari habang nag a apply ng Cream sa Mukha.
"Hahaa, Pano kasi yung Outfit nyong magkapatid, haha Si Baby parang lalaban ng Basketball, At Ikaw akala mo mag mu Muse sa Liga ng Barangay hahaha." Anya nito. Sinamaan naman ito ng tingin ni Amari.
"Alam mo Ikaw, ang dami dami mong nakikita Keng, Saka Excuse me? Ako, Pang Muse lang ng Liga ng Barangay? FYI kinuha akong Muse dati sa Maharlika Pilipinas Basketball League ano, Masyado kang Bully Sumbong kita kay Tita Eris,
"Hwag, Pag ako pinagalitan ni Nanay Yari ka sa akin Ms.Liga Ng Barangay, haha."
"Wow, e ikaw? Ikaw nga mukang Coach ng Team na mas marami ang Bangko kesa sa naglalaro " anya naman nito bilang sagot sa pang iinis ni Sir Xylas.
"Hoy Amari Mahaldita Banderas, Kapag ako ang naging coach Nakasisigurado Team Ay Laging Panalo."
"Edi Kwento mo Sa Pagong."
Bago pa magkainitan ay nagkatinginan na kami ni Avani at napailing saka nag sensyasan na Lumakad na kaya sumunod naman sila sa amin na tuloy parin sa pag Tutuksuhan.
Nang nasa malawak na bakuran na kami ng Bermuda grass nila si Xylas ay nagsimula muna kami mag Stretching. Pero dahil nasa Unahan ko si Amari ay Di ako Makapag Focus, Lalo na kapag nag Papa tuwad tuwad ito dahil kailangan mag stretch para abutin ang Paa. Hindi naman sya Bastos tingnan, sadyang napapatingin lamang ako at na di distract sa maputi nyang mga binti.
Maputi din naman si Avani ngunit ang suot kasi nito ay hangang tuhod na Jersey Short.
Hindi pa kami nag sisimulang Tumakbo ay tila pinagpapawisan na ako agad.
Napansin naman iyon ni Sir Xylas.
"Oyyy Midnight ayos ah..Stretching palang pawisan na haha." Anya nito.
Napailing na lamang ako at napatawa sa kanya.
Maya maya ay nagsimula na kami Tumakbo, Syempre Noong una ay sabay sabay kami, Hangang sa Nauna Si Avani, At kasunod nito si Sir Xylas, Maya maya ay Nilampasan ako ni Avani. At hinayaan ko lamang ito na mauna ngunit maya maya ay inunahan ko sya.
Nilampasan ko na sya ngunit napalingon ako ng narinig ko ang Boses nya.
"Ouch!." Sigaw nya ngunit di ganon kalakas sapat na na marinig ko parin.
Halos manlaki ang mata ko ng Makita itong Nakaupo sa kalsada at hawak ang tuhod.
"Ate...Ate Avani." Sigaw nito ngunit di ganon kalakas. Dali dali akong bumalik upang daluhan sya.
Pagkita ko ay nakita ko ang Tuhod nya na may Gasgas at Pulang pula ito at may konting Bakas pa ng Dugo sa pagkakagasgas sa Kalsada.
"Amari, Anong nangyari? Nadapa ka ba?"
Imbes na sumagot ay Tumango lamang ito. Mabuti na lamang at may dala akong Tubig saka hinugasan ang kanyang Sugat. Saka ko Tinalian ng Panyo iyon.
Habang ginagawa ko iyon ay Nakatingin lamang sya at umaaray nahahapdian siguro.
"Bat kaba kasi nadapa? Tanong ko rito.
"Di ko alam ok naman ako kanina eh, May part na buhangin dun ata ako nag slide kaya tumama ang tuhod ko." Sagot nito.
"Oh ano? Kaya mo ba humakbang?
"Kaya ko pa naman, pero di na ako tatakbo lalakad na lamang ako." Sagot nito sa akin.
Sinubukan nyang lumakad ngunit iikanika sya. Ngunit dahil palusong na iyon ay napapabilis tuloy ang Lakad nya at alam kong Nahihirapan sya.
Naglakad ako at nilampasan ko sya saka aku humarap sa kanya.
"Bumaba ka sa Likod ko." Utos ko rito, ngunit tila nabigla naman sya sa sinabi ko."
"Ano ayaw mo ba? Matarik ang daan, Mahihirapan ka." Wika ko dito saka ako Yumuko para sumampa sya sa Likod ko.
"Mamaya na natin Gagamutin ang Sugat mo." Dagdag ko pa.
Hindi na sya nag salita ngunit Sumampa namam sya sa Likod ko. Nang Makasampa na sya ay saka ko namab hinawakan ang kanyang magkab8lang binti saka kami lumakad ( Endless Love OsT Pasok) hahaha.
Matapos ang palusong na pArte ay Paahon muli kaya talagang pawisan kami pareho dahil sa Paglakad. Hindi naman gaanong Mabigat si Amari dahil payat lang naman sya.
Pag Lakad namin malapit aa Tuktok at nagulat pa si Avani at Sir Xylas ng Makita kami.
"Oh Midnight anong nangyari kay Ms.Liga ng Barangay at May Pabuhat Session?" Pang iinis pang wika ni Sir Xylas dito habang marahan ko naman ibinababa si Amari.
"Nadapa eh, Nagasgas ang Tuhod" sagot ko naman. Dahil inusisa ni Avani ay tinangal nito ang tali ng sugat. At Kita Nila ang mamula mula at sariwa nitong gasgas.
"Hala ka Amari, bat di ka kasi nag iingat, Masakit?" Tanong ni Avani.
"Mahapdi ate." Sagot nito.
"Hala Tocino, Hala ka May Lalabas na Train Dyan." Biro ni Sir Xylas kaya Sinamaan ito ni Amari ng tingin saka binato dito amg Panyo na itinali ko sa tuhod nito kanina."
"Haha Joke lang, pinatatawa lang kita, saka Sauce, Wala yan Sa Maldita mong Yan , kapirasong Gasgas iindain mo, Mahapdi lang yan sa ngayon kasi bago palang"
Kita ko naman ang pag aalala ni Avani sa Kapatid.
"Pasensya na kayo kung sa tingin ninyo na OA kami, kasi kapiraso lang ang Sugat, kahit kasi kapiraso yan pagnakita yan ni Mommy pagagalitan nya kami. Lalo na si Amari."
"Wala namang may Gusto ng nangyari Avani, ipaliwanag nyo na lamang na naaksidente at na dapa si Amari kaya Nagasgas.
"Hmm, ganon na nga, sana lang hwag muna bumalik nila Mommy dahil kapag nakita nila na ganyan I'm sure mayayari nyan si Amari."
"Hmm..gamutin nalang natin mamaya, wala naman na tayong magagawa nangyari na." Sagot ko sa mga ito.
Nasa Taas na Kami at Dama namin ang Simoy ng Hangin na sariwa. Ang sarap nga pala dito sa Taas Worth it ang Pag Takbo na ginawa namin.
Sumampa si Sir Xylas Sa Bench nakaharap sa Citylights na ang iba ay bukas pa kahit paumaga na. Saka ito sumigaw.
"Ang Pogi Ko., Ang Pogi Pogi ko." Muli nitong sigaw na tila nag e echo.
"Amg Kapal mo, Ang Kapal Kapal mo." Sigaw naman ni Amari. Kaya nagtawanan kami.
"Aba Teka, mukang di na masakit ah, Nakikipag tagisan kana sa akin hahah." Anya naman nito.
Matapos namin Magtungo roon ay nag Desisyon naman kami na Bumaba at Magtungo sa Coffe Shop nila Sir Xylas.
Maganda din daw ang View doon at tanaw din ang Kalakhang Maynila.
At Tama nga dahil super nakaka relax, at napaka ganda ng view.
Samantala
AMARI
Narito kami ngayon sa Kapehan nila Keng. Napakaganda nga ng View, Kita ang buong Lungsod, Napaka sariwa din ng Hangin, First time ko ma Meet ang Pamilya ni Xylas pero sa tingin ko ay Masaya at Maayos ang pagpapalaki sa kanila ng magulang nila. Marahil napainom lang ng Maraming Bitamina itong Si Xylas kaya Makulet, pero kung Ma me meet mo sila Ay mahahalata mo na nasa maayos silang Pamilya. Si Tita Eris ay tipikal na may bahay, pero kita mo parin ang kagandahan nito, sya yung babaeng Kahit simple ang postura ay nananatiling Maganda. Si Tito Xav naman kahit may edad na ay Aakalain mo lamang na nasa 40s ito. Pareho silang Mag Asawa parang sila Mom and Dad lang din, ang Pinagkaiba lang si Mommy kahit nasa Bahay madalas ay Postura parin.
Maganda naman ang Mommy, kaso nasanay sya na palaging nakaayos at Posturang postura kahit nasa Bahay lamang.
Naupo kami Sa may Mesang Pang Apatan.
Ang sabi ni Xylas na Pag Umaga ay Bukas na ito sa Ala sais ng Umaga. May Naiiwan daw dito sa Shop na 2 Staff. nakakatuwa dahil meron tulugan na 2 Double Deck kung saan doon matutulog ang Dalawang Tao kinabukasan. Provided din nila ang pagkain ng mga ito. Ang sabi ni Xylas ay Isa lamang ito sa mga Branches ng HUG A MUG coffee Shop nila, Meron din daw nito sa Manila kung saan ito unang nagsimula, maliit lamang daw ito noong una ngunit ng makasal at naging mag asawa daw si Tita Eris at Tito Xav ay pina renovate ito ni Tito Xav at Nilagyan ng ikalawang Palapag, Meron din silang 2 branch sa ibang bayan ng Rizal at Itong Sa Overlooking ang Ika Apat nilang branch.
Habang naghihintay ng Kape ay nakaupo kami magkatabi kami ni Ate Katapat naman namin Si Midnight. Si Xylas naman ay busy sa pag Aasikaso ng aming mga kape.
Maya maya ay Inayos ni Ate Ang Buhok ko sinuklayan nya ito at Saka itinali.
Naabutan naman kami ni Xylas sa Ganitong Eksena kaya ano pang aasahan may nasabi na naman ito.
"Huwaw, Apakasarap talaga ng Buhay ni Ms.Liga ng Barangay, hehe May taga ayos pa talaga, Ang sweet mo naman Baby, tinatalian mo pa ng buhok si Mahaldita." Nang aasar na turan na naman ni Xylas.
"Hehe Ganito talaga kami, Saka minsan ako naman ang inaayusan ni Amari pero ayoko lang talaga mag ayos."
"Bat Kasi ayaw mo pa magpaka babae Baby, sa pormahan mong iyan, para kang mas magaling mag basketball kesa sa akin." Turan ni Xylas habang nilalapag ang mga Kape sa mesa.
"Magaling din naman ako mag Basketball, Kasali ako sa varsity noong Senior High."
"Weh? Talaga? Sige nga Mag Basketball Tayo mamaya?" Aya nito kay Ate.
"Pwede din naman, May Court ba kayo?"
"Oo naman, Nasa likod ng Bahay namin, Ano Basketball tayo?"
"Sige ba? Deal."
"Okay, Ano Midnight Sali ka ba?"
Tanong ni Xylas kay Midnight.
Sumagot naman ito.
"Sige pwede naman" sagot nito
Nabaling naman sa akin ang tingin ni Xylas, alam ko na naman na iba na naman ang natakbo sa isip nya.
"Syempre Ikaw Mahaldita dahil Injured ka Ikaw nalang ang Muse o kaya i Cheer mo na lang si Midnight, Ayieee." Biro nito saka ako napatingin kay Midnight at nahuli ko itong natatawa.
"Tse.. Tumigil ka nga, bat ba ayaw mo ako tigilan, Pag ikaw di Magaling Sa basketball pagtatawanan talaga kita."
"Hoyyy, FYI Naging MVP ako no, Varsity Player yata ako ng School namin noon." Anya nito sa akin na ayaw magpatalo.
"Hahaa Talaga..Nice Anong Taon nga ba iyon? Last 20 years pa?, Natatawang asar ko dito.
"Hoyy, anong palagay mo sa akin Gurang? Ilang taon lang tanda ko sa inyo ah, Kayo talaga Baby Face kaya ako, Napapagkamalan nga akong Estudyante parin ng ibang school kapag dumadalaw ako sa school nyo." Pabirong wika pa nito.
Pero infairness Baby face naman din talaga sya, parang halos ilang taon nga lang ang tanda nya sa amin.
Matapos namin mag kape ay nag picture picture pa kami dahil napaka ganda talaga ng View. Lalo pa at Napakaganda ng Landscape at Mga Tanim na ang kwento ni Xylas ay Mismong Si Tita Eris daw ang nagtanim. Nakakatuwa naman talaga. Bumalik din agad kami sa Bahay nila this time ay Di na kami Naglakad dahil inutusan ni Xylas ang Triplets nyang Si Xavi na sunduin kami kaya nakasakay na kami pabalik.
Pagbalik naman namin ay Nakahanda naman ang tila isang Boodle Fight sa May Pwesto nila malapit sa Puno doon ay abala si Tita Eris at ang anak nitong si Xavina. Kasunod naman ng mga ito ay ang iba nitong mga kapatid.
Si Tito Xav naman ay Galing sa Likod bahay at May Dalang Ilang Pirasong Mangga marahil kapipitas lamang sa Puno.
Nagpalit at naghugas muna kami ng Kamay saka kami bumalik para kumain.
"Avani, Amari, Midnight, Halina kayo Kakain na, Hwag kayo mahiya ah, Feel at home." Anyaya ni Tita Eris at Tito Xav. Kaya lumapit naman kami at pumwesto sa upuan na nakalaan para sa amin.
Napakasaya ng Pamilya nila, Talagang kahit na Mga nasa Edad na ang mga Anak nila Tita Eris ay Isang sit sit lamang ng mga ito ay nakikinig sila.
"Xierra, Hindi ka namin binabawalan mag Nobyo, pero dalhin mo dito yang Nobyo mo ah ng Makilatis namin, Hindi Yung ikaw lang ang nakakaalam." Anya pa ni Tito Xav kay Xierra.
"How bout Me Tatay, Hindi mo ba ako tatanungin kung Kelan ko Dadlahin ang GF ko dito?" Tanong nito kaya nasamid ako at Nabaling sa akin ang tingin nila."
"Oh Bakit may PASAMID keme ka naman dyan Ms.Liga ng Barangay." Pang iinis naman nito sa akin kaya sa akin nakatingin ang lahat.
"Ah..Wala Naman, Natatawa lang ako, Baka di mo alam kung sinong GF mo ang dadalhin mo dito, malay namin madami pala sila." Biro ko.
"Hoyyy, Babaeng Maldita, ibahin mo ako, Faithful ako kapag nagka GF ako, Kaya wag ka maniwala Baby Dyan sa kakambal mo." Anya nito saka tumingin kay ate.
Nagtawanan naman kaming Lahat dahil sinabihan nya ni Xavi ng Feelingero.
Nakakatuwa ang Pamilya nila, Malaki at Masaya.