AMARI
Bandang Ala singko ay nag out na ako sa school. Dumaan lang ako saglit sa isnag convenient store saka umuwi sa condo namin. Si ate naman ay may isang subject pang tinatapos kaya baka mga before 6 pm pa daw sya lumabas.
Pagdating ko sa bahay ay nag ayos na rin ako ng mga gamit ko na dadalhin.
Kinuha ko ang aking Travel Bag na 14 inches at doon ko inilagay ang aking mga gamit, Actually Bukas lang naman kami Whole day doon pero gusto ko parin na may ilang piraso parin akong baong damit, pati ang mga pang personal hygiene ay inilagay ko na rin. Para wala nang Aayusin si Ate ay Ako na rin ang nag lagay ng mga damit na isusuot nya Kasya naman ang gamit namin dahil di naman kami magtatagal doon. Nagdala narin ako ng shoulder bag para sa ibang gamit.
Bandang ala sais nga ay Dumating na si ate habang ako naman ay Katatapos lamang maligo at mag bibihis na.
"Hala, ready kana..kawasa ako hindi pa hahay..mag lalagay pa ako ng damit." Anya ni ate saka bigla humiga sa kama.
"Mag aayos ka ng damit humilata ka naman haha, pero don't worry nilagay ko na ang damit mo sa maleta, kasya naman yung damit nating dalawa." Anya ki sa knaya habang sinusuklay ang buhok.
"Ay Salamat naman, Pahinga lang ako konte then maligo na rin ako." Wika ni Ate na nananatili paring naka hilata sa kama. Hinayaan ko na lamang muna sya magpahinga ngunit after 30 mins ay kumilos narin sya at saglit na naligo.
Saka din nag handa ng ibang dadalhin nya aside sa mga damit na hinanda ko.
Bandang Alas Otso ay nakahanda na kami. Ang sabi ni Kengkoy ay Malamig daw sa Antipolo? Talaga ba? Mas malamig Kesa sa Rest house namin sa Tagaytay?" Natatawang tanong ko sa isip, Tikalon din tong si Keng eh Hahay."
Nang matiyak na wala na kaming nalimutan ay bumaba na kami ng Unit.
Sakto ang Pagdating ni Keng, Walanja ibang sasakyan na naman ang Gamit at takenote bagong ligo din at walang sinabi ang Buhok parang hinimod ng Baka aba.
Pa pogi Amp., hahaha mukang tinamaan ng husto kay ate Avani ang Kumag.
Samantala Nakita ko naman ang sasakyan ni Midnight galing parking saka huminto sa sa pick up point ng condo.
Saka ito bumaba sa sasakyan nito.
"Bro, Convoy nalang tayo ah, medyo trapik nga lang dito sa parteng Manila pero after natin lusutan ang traffic smooth na naman." Anya ni Xylas dito.
"Kopya Sir, walang problema, susundan nalang namin kayo." Anta ni Midnight dito.
"Okay Tara na, para di tayo masyado gabihin." Anya pa ni Xylas kaya Pinagbukas nya si Ate ng pinto sa Passenger seat at saka ito pinaupo, samantalang dadamputin ko pa lamang ang dala kong Maleta ng Damputin ito ni Midnight, Tulad ni Xylas ay 8oinagbukas din ako nito ng Pinto sa passenger seat, Saka nya dinala ang maleta sa trunk ng sasakyan.
Hindi ko alam ngunit kasasakay ko pa lamang ay tila nilalamig na agad ako. Ilang segundo lamang ay pumasok narin si Midnight sa sasakyan.
Tahimik lamang kaming dalawa. Hindi kaya mapanis ang laway namin pareho?
Malayo layo din ang pupuntahan namin at medyo trapik. Nakatingin lamang ako sa labas mg sasakyan, Tanaw ko naman sila Ate na nasa unahan lang namin.
Hangang sa maipit na nga kami sa trapik. Noong una ay nag i scroll pa ako sa phone, pero bandang huli ay nagsawa din ako.
Maya maya ay nagsalita si Midnight saka may kinuha sa drawer ng sasakyan nya. Nakita ko na isa itong balot ng Candy na Gummy bear.
"Gusto mo kumain nito? Makakatulong yan para di ka mainip sa byahe." Wika nya sa akin.
Kinuha ko ang supot ng candy saka ko iyon binuksan saka kumuha ng laman nito. Masarap ang Gummy bear candy na dala ni midnight napansin ko na lamang na madami na pala akong nakakainnkaya tinigilan ko na muna.
"Heto na Midnight, baka maubos ko kung di ko pa titigilan." Anya ko.
"Ok lang naman, buti nagustuhan mo, Isa yan sa pabirito ko, ang sabi kasi ni Mama kapag dati daw na i stress sya or kinakabahan kumakain sya nyan, tapos yon parang nagiging magaan yung pakiramdam. Wika nito habang naka focus parin sa kalsada.
Muli kong kinuha ang candy saka ako kumuha at marahang isinubo ito kay Midnight.
Hangang sa alternate ang ginawa kong pagsubo sa kanya at sa akin. Huli na ng mapansin ko na maubos namin ang candy.
Maya maya lamang ay huminto sya sa isang gasoline station kung saan may convenient store. Maya maya lamang ay meron na itong bitbit na Siopao.
"Here, kumain ka muna, dire siretso na kasinang byahe baka magutonlm ka sa daan." Wika ni Midnight saka inabot sa akin ang siopao. Nasa loob kami ng sasakyan at kinain muna ito. Maalaga din pala si Midnight, para syang si ate, kaya suguro nagkakasundo silang dalawa.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang matulala napansin nya naman pala iyon.
"Oh, bat natutulala ka? Bat parang ang lalim ng iniisip mo?
"Ahmm..wala lang naman." Anya ko saka bahagya ngumiti.
"Wala daw, pero natutulala." Turan nya habang nakatingin sa daan.
"Wala nga, naisip ko lang, pareho kayo ng Ate Avani, kaya siguro kayo yung mas close at magkasundo." Wika ko pa dito, simula naman talaga noong bata pa lamang ng magkakilala ay sila ni ate ang mas nagka vibes. Natatandaan ko pa noong inaway ko si Midnight.
"Hmm..nagkasundo kami sa pamumulot ng Sigay. Hindi ko alam na kambal kayo kaya akala ko ikaw sya, Nadumihan tuloy ang damit mo noon kaya nagalit ka at sinigawan mo ako noon." Anya nito saka tumawa ng pagak saka tumingin sa akin.
"Pasensya kana din Midnight, Wala eh Maarte ako, at Mas May i aarte pa." Anya ko saka tinarayan ulit ang aking boses
"Haha yan..yan ang pinagkaib/;a nyo ni Avani, Yung ate Avani mo kasi Walang Arte arte.
"Alam ko, kaya sya ang Paborito ng lahat." Anya ko na tila nag seryoso ang boses.
Napatingin naman sya sa akin.
"Bakit, gusto ka din naman ng iba ah." Anya nya saka tumingin muli, napatawa ako ng pagal.
"Hehe..iba ang gusto sa Paborito Midnight , alam mo tara na, baka maiwan na tayo nila Xylas at ate." Aya ko sa kanya. At ganon nga ang kanyang ginawa. Habang nag da drive sya ay tahimik lamang ako na nakatingin sa aming mga dinadaanan. Ang sabi nya naman ay umidlip muna ako kung sakali daw na aantukin ako. Pero di ko iyon magawa. Mas gusto ko na gising na lang para may kasama sya.
Makalipas pa ang halos isang oras ay narating namin ang Bayan ng Antipolo pero hindi pa doon dahil sa Taas na parte pa pala ang Bahay nila Xylas.
Habang binabaybay namin ay pataas na parte pa pala ang bahay nila, Kita ang maliwanag na city lights ng Kamaynilaan at karatig lugar.
Hangang sa sapitin namin ang isang Exclusive Subdivision kung saan malalayo ang agwat ng Bahay. At Doon ay Bumungad sa Amin ang Napakalaki at Napakalawak ma Mansion nila Xylas.
Bigtime talaga tong si Keng.
Nauna silang bumaba Ni Ate Avani, sumunod naman kaming dalawa ni Midnight.
Lumabas naman ang Isang Babae at Lalaki sa Tingin ko ay ito ang mga Magulang Ni Keng, Tingin ko ay hindi nalalayo sa edad nila Mom and Dad Ang age ng mga ito at Halata din na mas magaganda at Gwapo ito nung Kabataan.
Nakangiting Sinalubong kami ng Mga ito lalo na ng Mommy ni Keng.
"Hello, Mabuti at nakarating kayo ng Ligtas."
"Hello po Tita Eris Magandang gabi po." Bati ni Ate Avani saka sila nag Besong Dalawa. Lakas maka Feeling mag byanan ng dalawang to ah.
Samantala si Midnight at ang daddy naman ni Keng ay nag shake hands at nag tanguan, Dahil nga kakilala naman pala ng Pamilya ni Keng Sila Midnight.
Maya maya ay ako naman ang Bumati ng ipakilala ako ni Ate Avani.
"Oo nga po Pala Tita Eris, Tito Xav si Amari po pala ang Kakambal ko." Pakilala nito sa akin tumango naman ako sa mga ito at tulad ni ate ay bineso din ako ng Mommy ni Keng.
"Magandang gabi po."
"Magandang gabi rin naman Hija, nakakatuwa naman talagang Identical kayoNg dalawa sa Get up lamang kayo nag kaiba at sa pag aayos na rin pero pareho kayong magaganda. Oh sya Halina kayo para makapag pahinga at relax na kayo" aya nito sa amin kaya pumasok na kami sa Loob.
Pagpasok sa Loob at nagulat ako mg Makita ang sa tingin ko ay mga Kapatid ni Keng. Mga Gwapo at Magaganda din ang mga ito.
At maya maya pa ay ipinakilala na nga rin amg mga ito sa amin.
"Sila nga pala ang iba kong mga Anak, ang triplets ni Xylas na Sila Xierra at Avani, ang sumunod dito ay si Xavina at ang huli ay ang Kambal na Xerxes at Xavia.
"Hi, Magandang gabi mga Bini Bini welcome sa aming Tahanan. Anya ng isa sa Triplets ni Keng, May Pagyukod pa ito sa amin pormahang taga pag mana
ng Hacienda ang peg hehe.
"Woi, Bubuladas kana naman Xavi" anya ng Isa sa Triplets a si Xierra.
"Graveh ka Teh, bumati lang eh" sagot naman nito .
"Eh pano Ganyan gawain mo pag Magaganda ang Bisita haha."
Dagdag pa nito kaya nagtawanan naman lahat doon.
Nagkakilala naman Kami ni Ate Avani at natuwa sila dahil kambal din kami.
Ipinaghanda naman kami ng pagkain at Kumain kaming apat dahil nakakain na ang Pamilya ni Keng.
"Avani Baby, kumain jang mabuti ah, Masarap ang luto ni Nanay kahit i jusge nyo pa." Dagdag pa ni Keng at infirness masarap nga ito.
Matapos naman namin Kumain at nag pahinga muna kami sa may Sala. Nakaakyat na sa kanya kanyang mga kwarto ang Mga Kapatid ni Keng.
Maya maya ay Bumaba si Tita Eris.
"Avani And Amari, Ok na ang Room nyo, maaari na kayong magpahinga.
"Yung Sayo din Midnight sa Kabilang Guestroom naman yung sayo."
"Salamat po Mam Eris."
"Ano ka ba, hehe di kana nasanay Tita nalang din ang itawag mo sa akin, Kaibigan namin ang mga magulang mo, kumusta pala ang Nanay at Tatay mo?" Tanong nito kay Midnight.
"Ok naman po Tita, busy din po sa Farm, taniman po nila ng gulay." Sagot naman dito ni Midnight.
"Avani, kung ayaw mo katabi si Amari pwede ka sa room ko matulog doon nalang ako sa Sofa ikaw sa Kama." Banat pa ni Keng kay Ate.
Narinig naman iyon ni Tita Eris.
"Hoy Xylas, malawak ang kwarto, Loko ka aayain mo pa si Avani ha." Anya ni Tita at akmang piningot ng mahina ang tenga nito.
"Aray naman Nanay, joke lang po yon." Anya naman nito.
"Loko loko ka kasi eh balak mo pa itabi si Avani." Oh sya Avani Amari maiwan ko na kayo, magsama na kayo sa isang kwarto, pag pasensyahan nyo na yang si Xylas, Midnight ikaw rin Hijo, feel at home ah, hwag kayong mahiya." Anya ni Tita Eris saka ito tuluyang umalis.
Kami naman ay pumasok na rin sa kanya kanya naming kwarto nagulat pa ako ng nawala si Midnight at pagbalik nito ay dala nya ang maleta ko na naiwan nga pala sa sasakyan nya.
"Heto Amari Magpahinga na rin kayo, Good night." Anya nito.
"Salamat Midnight, Good night, sagot ko rito saka kami pumasok ni Ate sa kwarto.
Papasok na kami ng Sumegway na naman si Keng kay Ate.
"Avani, baka magbabago pa ang isip mo, doon tayo sa room ko." Aya nito kay Ate
Kaya di ako nakatiis at Pinektusan na naman sya.
"Hoyyy Keng, di kaba titigil kakaaya kay Ate, May masamang balak ka ano?"
"May Issue ka pa na may masamang Balak sa Pogi kong ito? Amari naman hustisya!"
"Tse, tigilan mo na kakaaya kay Ate ah, Papasok na kami dyan na kayo."
"Ok Bye...Good Night nalang Baby Avani, See you in my dreams." Anya pa nito.
"Goodnight Midnight and Xylas." Anya pa ni Ate saka kami sabay na pumasok sa kwarto.
"Hustisya,