XYLAS
Pasado Alas Dose na ng Hating gabi ng makarating kami sa Bahay namin sa Antipolo. Pag pasok pa lamang ay nagulat ako ng maabutan na gising pa ang Mga Kapatid ko Mula sa Triplets kong sina Xierra at Xavi, kay Xavina, at Sa Bunso naming Kambal na sina Xerxes at Xavia.
"Kuya" sabay sabay na Tawag nila na Akala mo Nanalo sa Lotto.
"Oh? Bat gising pa kayo? Alas Dose na ah?" Sita ko sa mga ito habang nakangiti.
"Syempre sabi ni Xavi naaksidente ka daw kaya di kami makatulog nila Xavina pati ng Kambal." Anya ni Xierra ang Kakambal ko na sumunod sa akin.
"Bat mo naman kasi Sinabi sa Kanila Xavi, Secret nga diba Dalawa lang tayong nakaalam." Saad ko dito.
Kumamot naman ito sa Ulo saka nagsalita.
"Dalawa lang naman talaga ang Nakakaalam, AKO at ang BUONG PAMILYA natin hehe."
Sa sobrang kulet nito ay binato ko ito ng throw pillow.
"Gagi ka, pinag alala mo pa sila Nanay At Tatay pati ang mga kapatid natin." Saad ko dito.
"Kuya, ayos ka lang po ba? Wala po bang masakit sayo.? " Tanong ni Xavina sa akin saka sya lumapit at chi neck pa kung may tama ang aking katawan.
"Wala naman Bebe Xavina, ayos lang ang Kuya, Naipit lang ang binti ko kaya iika ika maglakad pero ayos lamang ako." Wika ko sa kanya saka hinaplos ang kanyang ulo. Sa amin kasing magkakapatid sya ang pinaka tahimik. Sya ang palaging mapag isa, although inaaya naman namin sya pero dahil solo syang ipinanganak ay sya ang madalas walang kasama. Kaya kapag sa bahay ay pinipili ko na tabihan sya, ayokong maramdaman ng kapatid kong ito na nag iisa sya.
"Mabuti naman po kung ganon Kuya." Anya nya saka yumakap sa akin.
"Salamat sa Paghihintay nyo sa aking lahat, Pasensya na kung nag alala kayo sa Kuya, Pero ayos lamang ako, Maari na kayong magpahinga." Anya ko sa mga ito. At isa isa naman silang nagtayuan at humalik sa aming mga magulang, saka pumanhik sa kanya kanya nilang mga kwarto.
Ako naman ay napasalampak sa sofa saka ako nilapitan nila Mama at Papa.
"Oh ikaw anak, bat di ka pa rin. Umakyat sa kwarto mo ng makapag pahinga kana din."
Anya ni Nanay Sa akin.
"Wala naman po Nay, maya maya na ako aakyat, salamat po pala sa pag asikaso nyo ni Tatay.
"Wala yon anak, basta mag iingat ka na lamang sa susunod." Sagot naman ni Tatay Xav.
"Oo nga pala Anak, Si Avani, in fairness magandang bata kahit medyo parang lalaki kumilos, nakakatuwa naman sya napakagandang babae eh, tapos mabait pa, mukang makakasundo ko sya, yun nga lang anak boyish maps straight mo kaya yon?." Anya ni Nanay. Mukang nakuha ang loob ni Avani, hehe.
"Actually Nay, may kakambal yon, kabigtaran nya, Kung shiboli si Avani, 3h yung kapatid nya naman po ay babaeng babae."
"Oh talaga? E di Maganda din?"
"Opo Nay, Maganda din, Sexy, kaso mga lang Nay baka pag yon ang naging asawa ko baka mabaliw kayo, Sira ulo na ako, pero mas Sira ulo yon kesa sa akin Grabe nay Maloko hhahaa." Anya ko pa kaya natawa si Nanay sa turan ko.
"Loko Loko, haha Baka naman kasi iniinis mo kaya pinapatulan ang kabaliwan mo, Kilala kita Xylas, maharot at baliw ka rin Minsan, hindi ka makausap ng seryoso at puro Ka kengkoyan ang mga sinasabi." Anya ni Nanay kaya nagtawanan kami.
"Hahaha Sorry Nanay, Masyadong boring ang buhay kapag palagi seryoso hehe, Saka nay yung Kakambal nya Mukang tinamaan sa Anak ni Former Police Officer Keegan."
"Talaga anak? Dun sa binata nyang Anak? Sa bagay Binata na rin ang batang yon, Nakikita ko yon noon Tumutulong sa Farm kapag nag didilig."
"Opo Tay, Si Midnight future Doctor po iyon."
"Aba maigi naman kung ganon, di na ako nakakadalaw sa Farm natin dun sa mga Lola Xena mo, Sa susunod pag nadalaw ako, Dadaan ako Kina Yohan pati Kina Keegan na rin." Anya ni pa nito.
"Nga pala Nay Tay, Si Tito Ae kausap ko kanina, Balak nya na Pakasalan Si Yohanna."
"Abay Wala namang problema doon, nasa tamang edad na naman ang Tito mo maging si Yohanna naman ay hindi na menor de edad ngayon, Isa pa lumalaki na rin Si Alab, mas maganda na lumalaki ang Bata na buo at may kinakagisnan na Ama at Ina. Dahil wala naman problema sa kanilang dalawa." Anya ni Tatay.
Matapos namin mag kwentuhan nila Nanay ay Tatay ay nagpahinga narin kami. Pasalamat ako na napunta ako sa Pamilyang ito, Kahit May edad na sila Nanay At Tatay ay di mo mahahalata sa kanila dahil para parin silang mga bagong love birds.
Hanga din ako sa Kanila dahil hindi basta basta ang pinagdaanan ng mga magulang ko, Dahil noong isilang kami ni Nanay ang Akala nilang lahat ay patay na si Tatay. Nang muling makita ito ni Nanay ay wala ito sa Sariling pag iisip, wala itong matandaan. Bagamat ganon ang nangyari ay isinama kami ni Nanay magkakapatid kung saan naroon si Tatay. Baka sakaling makaalala ito. Hindi din madali dahil hindi naman automatic na maaalala nya agad. Pero salamat sa dyos at paglipas ng panahon ay nagbalik ang ala ala ni Tatay at nabuo muli ang aming pamilya.
Kaya Sobrang Mahal ko ang Pamilya ko, dahil pinaramdam nila sa aming magkakapatid hindi lang ang magandang Buhay kundi pati suporta at Pagmamahal.
Samantala
3RD PERSON
Makalipas ang mga Araw, Linggo at Buwan ay ganon lamang ang routine nila. Naging busy ang bawat isa sa pag aaral. Si Xylas naman ay naging Busy rin sa kanilang Kumpanya pati narin sa pag aasikaso kanyang Tito Ae na dumaan sa matinding pag subok noon ngunit awa naman ng dyos ay naka survive na at Balak na magpakasal sa Nobya nito.
Si Midnight naman ay masa naging busy dahil madalas na syang isama ni Doc alfie saga rounds nito, lalo pat madami ang pasyente dahil sa mga sakit kaya talagang halos sa Hospital na rin sya mag stay saka lang babalik sa school para mag report.
Pero Pinapasukan nya parin ang sideline nya, miss na rin sya ng mga kasama nya roon, lalonna ni Eurecka ang dalagitang pinahiram nya ng pera noon.
"Kuya, kumusta, buti dumuty ka na, mis kana namin." Bati nito.
"Talaga, hehe Sorry sa inyo napaka busy kasi sa school, na duty na rin kasi ako sa Hospital. At nag a assist sa mga Doctor kaya talagang busy na. Kumusta kayo dito?"
"Ok naman kuya, mayga Customer na hinahanap ka hahaha, Nasaan daw yung Gwapong Crew na doctor, Mukang pati sila na mi miss ka Kuya hehe." Anya ng dalagita.
"Aba talaga ba? Hehe hayaan mo Kang, Next week makaka duty na ako ng 3 days dahil medyo magaan ang sched ko next week."
"Yown, iba kasi pay andito ka kuya, mas madami Customer hahaha,"
"Weh, kaw talaga bolera ka."
"Nga po pala Kuya Heto po yung Ikalawang bayad ko." Anya nito saka inabot ang pera kay Midnight.
"Itabi mo na muna, Pag may kailangan kang emergency gamitin mo."
"Hala kuya, e di hindi nako matatapos maka bayad sayo."
"Hmm..Ganito..isipin mo binayad mo sya sa akin, kaya itabi mo, peronpag nangailangan ka, maari mong gamitin, isipin mo na humiram ka ulit hehe, Alam mo naman na hindi ako palagi andito, para kapag gipit ka, pwede mo gamitin, basta mag aaral ka ng mabuti ha."
Anya nito sa dalagita.
"Salamat Kuya, iba ka talaga sa lahat" wika ng dalagita saka niyakap ang binata.
Wala iyong malisya dahil kay Midnight ay isang nakababatang kapatid ang gaya ni Eureka.
Isang araw first time nila magtagpo tagpong apat, sakto naman kasi at Dumaan si Xylas sa University.
Una syang dumating, sunod Si Midnight, at halos magkasunod naman ang kambal.
Tila nakasimangot naman si Amari pagdating nito.
"Oh, bakit nakasaimangot ka riyan? Tanong ni Avani.
"Oo nga Mahaldita, bat ganyan naman ang mukha mo, sayang ang ganda" dagdag naman ni Xylas samantalang si Midnight naman ay nakatingin lamang dito.
Ngunit imbes na sumagot ay bigla itong umiyak.
Halos magulat naman ang tatlo sa reaction nito.
Walang Salitang inabutan ito ni Midnight ng Panyo at kinuha naman ito ng dalaga.
"Ano ba Ang nangyar Amari?
"Nakakainis lang pakiramdam ko ako ang pinakamahina sa activity na ginawa namin kanina naka Apat na ulit ako bago ko naitama, ako pa yung huling natapos" sagot nito.
Pinakalma naman ito ng kambal nito, ngunit nagulat sila nang magsalita si Midnight.
"Minsan hindi naman importante kung ikaw ang mas mabilis na nakatapos ir nauna, Mas importante na nagawa mo talaga yung tamang proseso at natutunan mo. Minsan sa sobrang pagmamadali, madalas mas lalong nagkakamali, at marahil ganon ang nangyari sayo, sa kagustuhan mo na mauna, sumablay ka." AnyA ni Midnight dito.
Tahimik naman na nakikinig dito Ang dalaga.
"Oo nga naman ang mahalaga may natututunan, oh Sya dahil pare pareho tayong stress buong week, e deserve natin mag relax, Sumama kayo sa akin sa Antipolo, Dun tayo sa Kapehan namin na overlooking. Hinihintay naman kayo ni Nanay para naman makarating kayo sa Balwarte ko." Anya naman ni Xylas.
Lumiwanag naman ang ngiti ni Avani.
"Gusto ko yan, Tara sama tayo, Ikaw Midnight, Amari..Tara?
"Pwede naman ako, Kelan ba?" Tanong ni Midnight.
"Kung Ok na kayo mamaya after ng Mga Pasok nyo pwede naman mamaya.
Tapos Bukas Buong araw kayo, then sunday tayo babalik, Ano Deal?" Tanong ni Xylas sa mga ito.
"Hmm..Ok ako sir Xylas."
"Oh ikaw Mahaldita? Sasama ka ba?"
Tanong naman ni Xylas kay Amari.
Bahagya pa itong nag isip ngunit sumagot din naman.
"Hmm..Sige Sasama din ako." Sagot nito.
"Yown, so Okay na ah..,I ti timbre ko na kay Nanay at Tatay na isasama kayo mamaya."
"Sige Sir Xylas."
"Good, madami namang extra room s Bahay. Pwede din naman tayo sa Room ko matulog Avani kung gusto mo na may kasama." Boladas naman ni Xylas dito.
"Hoyyy,..Hindi tatabi sayo ang Ate ko, Mamaya ano pa gawin mo dyan."
"Weh..Harmless ako Mahaldita."
"Harmless mo Mukha mo, Tumigil ka Tatampalin kita dyan."
"Tatampalin ng ano?"
"Ahhh..basta"
"Tingnan mo to, Ikaw mag uumpisa tapos ganyan ka, ikaw Tampalin ko dyan." Biro ni Xylas dito.
"Tampalin mo!"
"Wag na, Hindi ka karapat dapat Ma Tampal ng Ano ko, hahaha." Anya pa nito na talagang ayaw patalo kay Amari sa Asaran.
"Alam nyo Tumigil na kayong dalawa bago pa kayo magka pikunan." Anya ni Avani.
"Oo nga, So Kita kita nalang tayo mamaya?
"Sige Midnight, Magdadala ka ba mg Sasakyan?"
"Oo sir Xylas, Dalhin ko yung sa akin."
"Okay, So pwede kayo sumabay kahit sino sa akin or kay Midnight, pero Mas Ok kung Kami na Ni Avani ang Magkasama sa sasakyan, Then Ikaw Mahaldita kay Midnight ka nalang sumakay para naman may kasama sya." Wika ni Xylas dito saka kinindatan si Amari.
"Hmm.. Lakas mo mag sabi parang ikaw sya, mamaya din Naman ok sa kanya na sumabay ako." Wika naman ni Amari.
"Bakit di naman magiging Okay Sa akin? Sakin kana sumabay, Hwag kana mahiya, Ano paba ang dapat mo ikahiya? kumandong ka nga noong nakaraan, tapos hiningan mo pa ako ng S€milya para sa activity mo at Ninakawan mo pa ako nang.." Hindi na tinuloy ni Midnight ang sasabihin dahil inawat na ni Amari.
"Oo na po, di na ako Mahihiya, sayo na ako sasabay, So Okay na?" Nagmamaldita na naman na wila nito at tango na lamang ang sinagot nito.
Saka sila nag hiwa hiwalay at magkikita na lamang mamayang Gabi.