CHAPTER 12 "KARERA"

2087 Words
AMARI Narito ako ngayon sa Condo ni Midnight, ang sabi kasi ni Ate ay Mauna na ako at susunod na lamang sya. Binitbit ko naman ang Hipon na niluto ni Mama Kanina. Nadatnan ko si Midnight na nag aayos ng mga gagamitin. Hinayaan na muna akong maupo sa Sala nila napansin ko na napaka organized nyang tao. Malinis ang kanyang condo, Nasa ayos ang lahat ng bagay. Habang nasa sala ay natanaw ko ang Unit namin, kita pala dito ang Bandang kusina namin, Natatanaw nya pala dito kapag umiinom kami kapag hindi nakababa ang slide ng window. Muli akong bumalik sa Sala at Nakita ko ang mga Picture ng Family nila. Naka agaw pansin sa akin ang Picture ng Isang Baby, ngunit hangang Baby lamang ang picture nito, wala na itong sumunod na picture, Doon ko lamang nalaman na kakambal pala ito ni Midnight. Namatay pala ito baby pa lamang, hindi ito naka survive. Halata ang pagkalungkot habang kinukwento ni Midnight ang dinanas ng kapatid maging ni Tita Sheng. Pati ang pag uwi nila dito ay nabanggit nya rin sa kwento. Huminto lamang kami dahil baka mag ala MMK lang daw kung di pa kami hihinto. Maya maya ay dumating si Kairav ang kaibigan at ka klase nya na ipinakilala nya sa akin. At habang hinihinatay namin si Ate Avani ay nagsimula na rin kaming magluto. Mga ilang minuto lamang ay dumating na rin sya ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang kasama nya, walang iba kundi si Xylas. "Hey Guys...Sorry ha na late ba kami? Ang dami kasi naming kailangang tapusin." Anya ni Ate. "Hello Guys, Hinatid ko lang Si Avani, sakto kasi kanina nadaanan ko sya pauwi na kaya hinatid ko na." Anya pa ni Xylas. "Weh? Lolo mo hinatid" di ko maiwasang Komento. Napatingin naman silang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. "Hoy! Mahal, Aba ginaganyan mo na ako porke nauna ka dito ah." Anya nito saka Akmang hihilahin ang aking Buhok. "Midnight Oh..Sasabunutan ako." Anya ko na kumwari ay nagtago sa likod ni Midnight hahaha (PABEBE YARN haha). "Sir Xylas, pasensya ka na, wala eh ala mo naman tong Si Amari." Anya pa ni Midnight saka ako dinilaan ni Xylas. Loko din to si Midnight, Akala ko pa naman ipagtatangol ako. Kumain na lamang kami ng Samgyupsal, Si Midnight at si Sir Xylas ang nagluluto habang kami ni Ate ay Taga kain lang. Naisip naman ni Kairav na manood ng Horror kaya habang kumakain ay para kaming mga tangnag nag sisigawan. Habang maya maya ay Biglang namatay ang ilaw. sa Sobrang takot ko ay Kinapa at pakandong akong naupo kay Midnight. Ilang Segundo lamang ay nagkailaw ulit at ang walanghiyang Si Kairav pala ang nag trip patayin ang ilaw. Nagulat nalang din kami sa mga Pwesto namin. Ako ay naka kandong kay Midnight habang si Ate Avani at Xylas naman ay magkayakap. "Anak ng Tiwali, Walanja naman, Gusto ko lang naman kayo Takutin bat Naman may Payakap at Pakandong na ganyan. Hustisya naman sa tulad kong walang kapares Aba." Anya nito saka kumamot sa Ulo. Nahiya naman ako sa Pagkakakandong ko kaya bumaba ako sa kandungan ni Midnight. "Hoy Bumbaystik, Ikaw talaga mananakot ka pa tapos hahanap ka ng kapares, Dun sa pasay May Diwata Pares." Anya ko dito kaya nagtawanan naman sila Ate, Xylas at Avani. "Aba..kunwari kapa, gusto mo rin naman at Naka kandong ka sa kaibigan ko haha." Pang aasar pa nito. "Siraulo, Mukha mo Gusto !" "Weh bakit hindi ba?" Tanong pa nito. "Hoy Bumbaystik, tumigil ka na, papa Ban kita dito sa Condo." Biro ko dito saka sya inirapan. "Sorry na...Char char lang yon." Dagdag pa nito. "Heyyy, Tama na yan, ubusin nalang natin to, para makauwi na rin kayo at makapag pahinga, pare pareho pa tayong may Pasok bukas." Sabi pa nito.. At ganon na nga ang ginawa namin. Tutulong pa sana kaming mag linis ng Ate ngunit ang sabi ni Midnight ay sya na lamang. Habang naglalakad kami pabalik sa Condo ay naririnig ko pa Si ate at Xylas na nag uusap. At nang sumapit na kami ay nagpaalam na rin ito at inasar pa ako nito bago ito umuwi. Bago matulog ay nagtungo muna ako sa Kusina para uminom ng gatas. Napatingin ako sa Unit ni Midnight. Nakita ko sta doon at kumaway pa sya sakin. Kinampay ko naman ang isa kong kamay na may hawak na baso bilang tugon. Hindi ko alam ngunit ng gabing iyon ay natulog ako ng may ngiti sa labi. Samantala AVANI Kahapon ay nadaanan ako ni Xylas sa Tapat ng University kaya inaya nya na ako na ihatid. Pumayag na rin ako dahil ilang beses na rin naman nanin syang nakasama, at kakilala naman sya ni Midnight. Isinama ko na rin sya sa condo ni Midnight dahil napag usapan na doon kami mag di dinner. Bago kami mag tungo roon ay naoag usapan naman ang paparating na event. Abg sabi nya ay sumama ako at sya na ang bahala sa Ticket, Kilala nyo naman ako kung gaano ako ka excited pagdating sa mga race kaya ang ending ay napa Oo nya ako. Sumapit ang araw ng race, Alam ko na hindi papayag at Mag aalala ang Daddy kaya di ko na nagawa mag paalam sa kanila. Kahit kay Amari ay nag lihim ako. Tanging aki at Si Xylas lang ang may alam. Maging si Xylas ang alam nya ay sinabi ko kay Amari ngunit hindi. Nang makarating kami sa Venue ay sobrang excited ko. Nagbihis na si Xylas ny Suit nya dahil sasalang na sya. Inayos ko naman ito. Nagulat ako habang inaayos ko at nakatingin sya sa akin. "Salamat Baby, Ang ganda mo parin kahit nakapanglalaki ka." Biro pa nito. Tinawanan ko lamang sya. "Sira, di tayo talo ano." Sagot ko dito. "Hmm..Di mo sure, pano pag ginawa kitang babae." "Hmm..Tumigil ka nga dyan, Oh ayan okay na...Mag Iingat ka ha..Doon lang ako sa gilid." Anya ko saka sya nginitian. Nang magsimula na ang Karera ay nangunguna sya..halos kabahan naman ako dahil ginigitgit sya ng humahabol sa kanya. Dikit ang laban dahil malapit sa kanya ang kalaban nya ngunit nakakauha sya ng technic kaya naguna na naman sya . Isang ikot pa ay sya na ang panalo. Halos magtatalon ako dahil sya ngunit binangga ang kotse nya ng Kalaban na nakasunod aa likod nya. Kaya sumalpok ito sa Gutter at bumaligtad. Nagtakbuhan ang medic, maging ako ay napatakbo din. "Xylas...Xylas" tawag ko sa kanyA, ngunit inawat at pinalayo ako ng mga medic na naroon. "Mam, Lumayo na muna kayo" anya ng isa sa mga medic na lumapit sa Sasakyan ni Xylas. Agad nilang pinalibutan ito. Nakahinga ako ng maluwag ng makita syang inilalabas sa Sasakyan. "Xylas!" Sigaw ko Napatingin naman sya sa akin saka ako tumakbo sa kanya. "Avani!" Anya nya saka ako biglang kinabig at Niyakap, di ko alam ngunit tila nadala din ako sa yakap nya. Hindi ko alam ngunit parang maiiyak ako. "Ok ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? " Tanong ko sa kanya, Sakto namang hinubad nya ang suot nyang helmet, mabuti na lamang at naka proper gear sya. "Ayos lang ako Baby, Hwag ka mag alala, Hwag ka umiyak Im Ok, Malayo sa Puso." Sagot pa nito saka hinawakan ang kamay ko." Inakay ko sya Sa Gilid ngunit pansin kong Iika ika ito, marahil na ipit ang binti nya kaya medyo Hirap sya maglakad. Sinamahan ko naman sya sa Hospital dahil gusto parin namin na matiyak na Ayos sya. Chinecheck up sya ng Doctor ng Dumating Ang isang Lalaki at Babae, Ang lalaki ay Matangkad Halos kaedad ito Ni Daddy at tila bakas dito na gwapo ito nung kabataan, Kasama rin nito ang isang Babae na sa tingin ko ay mas bata ng ilang taon at Maganda rin ito. Sa tingin ko ay mga magulang ito ni Xylas. At hindi nga ako nagkamali. "Xylas Anak." Anya ng Babae saka lumapit kay Xylas. Napatingin naman sa akin ang mga ito ng Makita na kasama ako ni Xylas sa kwarto kung saan ito naroroon. "Nay, Tay, Oh.Bat pa po kayo sumunod dito? gabi na po ah." "Sinabi sa akin ng Kapatid mong Si Xavi, ano ka ba naman anak, anong nangyari?" Sunod sunod na tanong nito. "Ma, ayos lang po ako, hwag po kayong mag alala." "Sure ka ba anak? Wala ka bang malalim na tama?" Tanong naman ng Daddy nya. "Wala naman po Tay, Maliban sa Puso..Yung puso ko po kasi ang Tinamaan." Biro pa nito Tinampal naman sya sa Tyan ng Mommy nya. "Xylas naman eh, Alalang alala na kami ng Tatay mo Ganyan ka pa, Ikaw talaga." Anya ng mama nito saka ito niyakap at hinalikan sa ulo na parang bata. "Sorry Nay, Hwag kana magalit,saka Ang clingy mo parin Nanay Baka sabihin naman ni Baby na Bine Baby mo pa ako." Sagot ni Xylas dito. "Hmm..bakit kahit matatanda na kayo Baby parin namin kayong lahat ng Tatay mo, nga pala sino sya Anak? Tanong ng Mama ni Xylas. Yumuko naman ako saka Bumati dito. "Magandang Gabi po, Ako po Si Avani." "Kaibigan po Ni.." "Baby Ko Nay Tay." Giit naman nito. Kinurot naman sya ng Mama nya. "Aray Nay," "Ikaw talaga..puro ka kalokohan, Naku Avani Hija, pasensya kana ha, Ganito talaga itong si Xylas." "Ok lang po Mam, sanay na po ako dyan kay Xylas." Sagot ko dito saka bahagyang ngumiti. "Ganon ba, Mabuti naman, Ako nga pala ang Nanay ni Xylas, Pwede mo akong tawaging Tita Eris." Wika nito saka inilahad ang kamay sa akin, kinuha ko iyon, Maganda ang Mama ni Xylas, lalo na siguro nung dalaga pa ito. Sunod na nakipag kamay naman sa akin ay Ang Papa nya. "Kumusta ka Hija, Ako naman ang Tatay Ni Xylas, pwede mo rin ako tawaging Tito Xav." Anya naman nito tulad din ni Tita Eris ay inilahad din ang kamay. "Ikinagagalak ko po kayong Makilala Tita Eris, Tito Xav." Wika ko sa mga Ito "Yan, Mabuti yan Magkakakilala na kayo, Dahil kayo kayo rin naman ang Mag I *inlaws balang araw." Anya ni Xylas. "Woi, mahiya ka nga kay Avani Xylas " anya ni Tita saka kinuha ang unan at kunwaring hinampas sa muka ni Xylas. "Aray, Nanay talaga...Nagsasabi lang ako ng Totoo, Akala nyo lang shiboli yan si Avani, gagawin kong Babae yan, diba baby hehe." Anya nito kaya muli itong hinampas ni Tita Eris. Hindi din namang nagtagal sa Hospital si Xylas, dahil okay naman ang resulta ng examination nito, Nabulbog lang ang binti kaya masakit ito pero di naman delikado. Habang naglalakad kami palabas ay nasa tabi ko sya. Aalalayan sya ng Mama at Papa nya ngunit mas gusto nyang kasabay kong maglakad. Nang nasa labas na kami ng Hospital ay nagpaalam na ako aa kanila. "Ahm..Xylas, Tito Tita, Dito na po ako, Mag iingat po kayo." Anya ko dito. "Teka Hija, pasaaan ka ba? Ihahatid ka na namin." Anya ni Tita Eris. "Oo nga Naman Avani, Ihhaatid kana namin bago kami Umuwi." Pahabol naman ni Tito Xav. "Oh, Pano ba Yan Baby, ang mga futire Inlaws mo na ang nag sabi ah, Ihahatid ka namin, Syempre Di Ako mapapanatag kapag di sure na safe ka na makakauwi." Dagdag pa ni Xylas. Ano pa nga ba ang gagawin ko, tatlo sila at isa lamang ako. "Ahm.. Sige po, kung hindi po nakakaabala sa inyo papahatid na po ako." Anya ko pa saka nginitian sila. "Ayun , So Tara na Hija, para makapag pahinga kana rin, salamat sa pagsama mo sa Binata namin ah, masaya ako na meron syang kaibigan na tulad mo." Anya ni Tita Saka Ako inakay at sinakay sa kanilang sasakyan. Makalipas ang halos 40 minutes ay nakarating kami sa Condo. Nagpasalamat naman ako sa kanila. "Salamat po sa paghatid Tita Eris and Tito Xav." Anya ko sa mga ito. "Walang ano man Hija, Nga pala pag may Time ka dumalaw ka minsan sa bahay namin sa Antipolo, May Bagong bukas kaming Branch ng Coffee Shop doon, sa Over looking, I'm sure magugustuhan mo doon, pwede ka ring magsama ng mga Kaibigan at syempre Libre iyon para sa inyong mabubuting kaibigan ni Xylas." Anya pa ni Tita Eris. "Talaga po Tita? Naku nakakahiya naman po. "Ano ka ba Hija, wala iyon, basta sabihin mo lamang kay Xylas para mapaghandaan ko, panigurado na mag e enjoy kayo." Dagdag pa nito. Tumango lamang ako bilang pagsang ayon. Kumaway pa sa akin Si Tita Eris bago umalis samantalang si Xylas naman ay nag flying Kiss pa. Napailing na lamang ako, Loko Loko talaga ang isang Iyon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD