CHAPTER 11 " SAMGYUPSAL"

1551 Words
MIDNIGHT Nakabalik na ako ng Condo, dala ko ang cupcake na gawa ni Amari. Napangiti naman ako, hindi ko akalain na bibigyan nya ako at mag e effort sya gumawa ng cake bilang pasasalamat sa ginawa ko noong nakaraan. Napatingin ako sa cupcake, napaka cute nito. Tumikim ako ng isa, ang sabi nya kasi ay i taste review ko daw kung anong lasa. Pag nguya ko palang ay gusto ko na ang texture nya, may pagka moist at masarap ang lasa. Ang sinabi kong tikim ay nasundan at nakakain pa ako ng Tatlo, masarap ang cupcake na gawa ni Amari. Itinabi ko ang iba dahil kung hindi ay baka maubos ko ito sa isang upuan lang. I she share ko nalang din ang iba kay Kairav at Doc alfie. Habang nasa condo ako ay nanood lang muna ako ng TV, maya maya ay nakita kong tumatawag si Mama Sheng. "Hello Ma, Kumusta po?" "Hello Anak, Kumusta ka dyan, hapon na, Kumain ka naba?" "Yes Po Ma, kumain na po ako, sya nga po pala Ma, kahapon Kina Amari ako kumain, Andon po pala sila Doc Lavinia at Cong. Exodus, dinalaw po sila Avani at Amari. "Ah, ganon ba anak? Kumusta naman daw sila?." "Ayos lang naman po, kinukumusta rin po kayo , until now po di parin nila nakakalimutan ang pag liligtas ni Papa kay Amari. "Ahh, Ganon ba, syempre anak, kahit na trabaho ng Daddy mo iyon hindi biro ang ginagawa nya noong panahon na yon, Nalagay ang paa nya sa Hukay." Anya ni Mama sa kabilang linya. Ilang saglit pa kami nag usap at nagpaalam na rin ito. Nanood ako ng TV ngunit di ko alam na nakatulog na pala ako. Habang natutulog ako ay ramdam ko na may babaeng tila dumaan sa aking harapan, Nakasuot sya ng puting Bestida at sinusuklay ang kanyang alon alon na buhok. Ramdam ko ang pag upo nya sa aking kama saka sya tumabi sa akin at yumakap sa aking tagiliran. Marahan akong humarap dito. Nagulat ako ng makita ko si Amari, Kasabay ng paghalik nya sa aking labi. "AMARI.." usal ko kasabay noon ay ang pag gising ko. Nananaginip pala ako. Napatingin ako sa orasan, halos 2 oras pala akong nakatulog. Uminom muna ako ng Tubig, bat napapanaginipan ko si Amari? Nabigyan lang ng Cupcake napanaginipan na agad. Napailing at napangiti na lamang ako. Nang hapon din iyon ay naisipan kong gumawa ng Samgyupsal. Parang nag crave ako bigla. Buti na lamang at may mga ingredients naman ako sa bahay. Lettuce na lang ang kulang. Agad akong nag message kay Kairav. Syempre i ask him kung gusto nya ba ng Samgyupsal, alam kong mahilig sya dito kaya di sya makakatanggi kaya Nung sinabi nya na Oo ay agad ko syang panakisuyuan na bumili ng Lettuce at Go na Go naman agad ito. Maya maya ay tinawagan ko naman si Doc Alfie ang sabi ko ay kung Free sya pwede syang dumaan sa Condo at doon na mag hapunan. Ngunit may kailangan daw syang ayusin, ramdam ko ang bigat ng dinadala ni Doc Alfie pero di na ako mag usisa kung tungkol saan, basta ang sabi nya lamang ay may kailangan syang ayusin with his Girlfriend. Huli kong sinabihan ay Ang Kambal, Dahil Friend ko naman sila pareho sa i********:. Sumagot Si Avani, ang sabi ay susunod na lamang sya mamaya kapag dumating sya, May kailangan daw kasi silang Tapusin na report. Maya maya naman ay Si Amari naman ang sumagot. Tinanong nya kung anong oras pupunta. Syempre sinabi ko na it's up to her, Pero dahil mamaya pa si Avani i told her na pwede naman syang mauna dahil mamaya pa si Avani. Nag Noted naman sya. Ilang minuto lamang ay tumunog ang doorbell, Akala ko ay Si Kairav na, ngunit nagulat ako nang makita na walang uba kundi si Amari. Naka Short lamang sya saka naka croptop. Hindi naman kita ang pusod, oero once na tinaas nya ang kanyang kamay malamang sa malamang ay lilitaw iyon. Pansin ko rin na meron syang Bitbit na Tupperware. "Amari, ikaw pala.. Pasok ka." Aya ko sa kanya, fist time nyang pumunta dito sa Unit Ko. "Thank you, heto nga pala, Hipon, niluto nila mommy bago umalis kanina." Anya nya saka iniabot sa akin amg dalang Tupperware. "Salamat Amari, nag abala ka pa, Maupo ka muna, hinahanda ko lang yung mga gagamitin natin, hininintay ko lang din si Kairav nakisuyo kasi ako na bumili sya ng Lettuce, Ahm nga pala may gusto ka bang Inumin, or kainin?" Tanong ko dito. "No Midnight, it's okay, kakain naman na tayo mamaya kaya ayos lang " sagot nito sa akin. Tila hindi naman ako mapakali kaya kinuha ko ang remote ng TV saka ito ibinigay sa kanya. "Ahmm..Baka gusto mo manood Amari, para di ka mainip, alam mo na baka mamaya maya pa sila." "Shhh.. It's okay, Don't mind me, Magpatugtog ka na lang, Ahm ano ba ang pwede ko itulong?" Tanong nya sa akin. Ayaw ko na sana magpatulong ngunit mapilit sya. Hangang sa Magkasabay naming Nahawakan ang Rice Cooker para mag saing. Akala ko ay makikipag matigasan pa sya ngunit hinayaan nya na lamang din na ako ang magsaing. Pansin ko na napapatingin sya sa Kabuuan ng Unit ko, hangang sa pumwesto sta sa may sala kung Saan tanaw naman ang Kanilang Kusina kung saan kita dito kapag nag luluto sila or kumakain kapag di naka harabg ang Kurtina. "Hmm..Kitang kita pala dito yung Unit namin ano, sa may Kusina." Anya nya sa akin, kaya sumagot naman ako. "Yup, kapag d8 naka slide yung Curtain nyo kita kayo, Gaya nung isang beses, late na yoj, nakalimutan nyo i slide ang curtain kaya kita ko nung bumangon ka at uminom ng tubig." Sagot ko rito. "Talaga? Hmm..e bakit gising ka pa that time?" "Ah... Yung yung matindihan yung Exam namin, kailangan mag aral kaya nagpuyat ako ng time na yan." Saad ko pa rito. Tumango naman sya saka bumalik sa pwesto ngunit nakamasid parin sa paligid. "Latest Family picture nyo yan? Di parin nagbabago ang itsura ni Tito Keegan, halos ganon parin, sila ba nag mga kapatid mo?" Dugtong pa nito. "Oo sila nga Si Keenan at Kathrice, Kayo, diba meron din kayong isa pang kapatid?" "Yup Si Atreus, Binatilyo na din, Carbon Copy ng Daddy." Maya maya pa ay napatingin si Amari sa sa picture ni Sky. "Midnight, sino tong isang Baby?" Tanong nya sa akin. "Ahh..Yan ba? si Sky, Kakambal ko, Tulad nyo ay Kambal din kaming Isinilang ng Mommy, pero di tulad nyo na naka survive pareho, dahil si Sky Ay may complication ng ilabas ni Mommy mahina ang puso nya. Kung gaano ako kalakas at Walang ano mang karamdaman ay kabaligtaran naman ng sa kapatid ko. Inilaban sya ng Mommy pero si Sky na rin daw ang sumuko. Hindi na kaya ng katawan ng kapatid ko, kaya nung ayaw na talaga kinausap nalang sya ni Mama at sinabi na magpahinga na." "Ganon, ibig sabihin di man lang kayo nagkakita no?" "Yup, kasi baby pa ng kunin sya sa amin. ang sabi sa akin ni Lola Sobrang na depressed si Mama sa pagkawaka ni Sky, muntik na daw magpakamatay si Mama noon, bumalik lang daw sa katinuaan ng marinig ako na umiiyak. Namuhay kami ni Mama Doon sa ibang bansa na kaming dalawa lang, saka si Lola, Kahit si Mama ginive up nya ang magandang Bubay nya para sa akin. "Hmm..kawawa naman pala si Tita Sheng, pero buti inuwi ka pa nya dito sa pilipinas." "Yup, pero alam mo bang 7 years old na ako ng tuluyan kaming umuwi dito, Balak talaga nya na umuwi na kami, ilang Tangka na nya na uuwi kami pero everytime na nasa airport na kami, hindi kami tumutuloy, reason is hindi nya pa kayang humarap kay Papa. "Hala Bakit?" "Hmm..May something sila ni Papa Noon, may unfinished business sila. Pero masaya ako at nagpapasalamat sa panginoon dahil Pag uwi namin naayos sila ng Papa, bumawi si Papa sa amin, naging Pamilya kami, Sa loob kasi ng pitong taon ay sabik ako sa Ama. Pero pag uwi ko doon bumawi si Papa sa akin, hindi lang sa akin kundi pati kay Mama. "Ganon, grabe rin pala ang love story ni Tito Keegan at Tita Sheng." "Sinabi mo pa, mahaba at parang rollercoaster pa ang Story nila. Kaso kung ikwe kwento ko sayo lahat baka mag ala MMK tayo dito, hehe." Anya ko naman saka natawa. Napangiti din sya saka inagaw sa akin ang dala kong gamit na gagamitin sa pagluluto. "Oo nga muka nang MMK angagaganap kung ikwe kwento mo lahat, halika na, doon na tayo sa Sala maghintay," Aya nya sa akin at sumang ayon naman ako, ilang minuto pa sa wakas ay dumating na rin si Kairav dala ang mga lettuce na pinakisuyo ko sa kanya. Hinugasan ko muna ang mga ito saka ko dinala sa pwesto at doon nga ay nagsimula na din magluto ng SamGy si Amari. Ipinakilala ko si Kairav sa kanya at ganon dik ito. Nilipat din namin sa Movie ang Tv para nanonood habang nag sa SamGy, minessage ko na lamang din si Avani na dito na sa bahay dumiretso dahil narito na ang kapatid nya. Nag reply naman sya sa akin. Kaya nagluto na muna kami habang hininintay naamin sya. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD