CHAPTER 10 "DOC and CONG"

2004 Words
3RD PERSON Lumipas ang ilang araw ay naging Abala ang Kambal sa kanilang mga gawain. Maging Si Midnight ay ganon din. Magkakaron kasi ng Medical mission kaya busy rin ito. Maging si Xylas ay ilang araw na rin hindi nabisita sa Unibersidad. Nang araw na hindi ganong ka busy ay doon nagpasya ang dalagang si Amari na Ipag gawa si Midnight ng Cupcake bilang pasasalamat, idinamay nya na rin igawa si Xylas bilang pagtulong din sa kapatid na si Avani. Samantala Isang Babaeng Napaka sopistikada ng itsura ang dumating sa Condo. Kasama nito ang isang lalaki na Kita parin ang ka gwapuhan. Binati ito mg Guard at tumango naman ang mga ito saka diretesong nagtungo sa lift, kasunod ng pag pindot nito sa Floor na patutunguhan. Walang kaabog abog itong pumasok sa unit dahil naka log sa Door ang finger Print ng mga ito. Kaya habang busy ang dalaga ay di nito namalayan na may nakapasok na sa loob ng unit nila. "Good Morning anak! Ang busy mo pala dito kaya di mo na namalayan ang pagpasok namin ng Dad mo, Kumusta? " Bati nito saka nilapitan at niyakap ang dalaga. "Mommy, Daddy, Andyan po pala kayo." Sagot naman nito saka niyakap ang Bagong dating na mga magulang, walang iba kundi si Doc Lavinia at Cong Exodus. "Ayos naman kami anak, Sobrang miss n namin kayo ng Ate mo, kaya after ng mga duties ng mommy nyo inaya ko na sya na baka pwede na kami tumuloy na bumisita, kaya narito kami." Anya naman ni Exodus. "Salamat Mom and Dad sa dalaw, Nga po pala ,kumain na po ba kayo? Nakaluto na po ako ng lunch, pwede na po kayo kumain. "Talaga Anak? Thank you ah..Aba..kakatuwa naman at Kumikilos ka na ngayon, hehe dati rati ay ate mo lamang ang nakilos mabuti ngayon at pati Ikaw." Anya ng ama nito saka ginulo ang kanyang buhok. "Amari Anak, come here, may mga dala ako dito mga Signature make up ang perfume, Dala namin ng Dad mo noong nag seminar kami sa Paris. Para sa inyo iyan ng Ate mo." Wika naman ng ina nitong si Doc Lavinia. Napansin naman nito ang mga Tila kagat ng lamok nito, kaya agad biglang nag OA ang doctorang ina. "Oh my gosh Amari, what's that, Bat ang pula ang Branso mo?" Tanong nito. Kinagat lang po ako ng Lamok Mommy, malamok po kasi sa pinuntahan namin noong nakaraan. *Hayst, palagi kang mag Off Lotion para di ka basta dinadapuan ng mga Ganyan." Pahabol naman nito sa anak. Maya maya naman ay dumating na Si Avani at medyo nagulat pa ito ng Makita ang Ama at Ina. "Mom Dad, Kumusta buti po at bumisita kayo." Anya nito. Saka malambing na sumalubong sa mga magulang. Niyakap din sya ng Mga ito lalo na ng kanyang ama, ngunit di rin nakalusot sa ina ang pananamit nito na animo pormahang panglalaki. "What the....Anak Avani, i told you, ayusin mo naman ang pananamit mo." "Bakit po ma? What's wrong sa Get up ko? Ang cool kaya at I'm comfortable po with this Get up." Sagot nito ngunit di pwedeng di mawawala ang komento ng Ina. "What? Anak look at you, You are so beautiful, tapos ano? Magdadamit ka lang ng Panglalaki? Anak naman, sa mga gatherings di pwedeng di kayo mapag usapan? Do you know what they often ask? Na bakit ayos lamang sa amin, Why do we tolerate you being like that? Anak naman, Wala akong galit or problema sa iba kung Ganyan ang pinili nila maging sila. But to you, I care because you're my Daughter Avani." Saad ng inang si Lavinia. Tumingin naman si Avani rito, saka hinawakan ang kamay nito. "Mommy, I assure you that I am a woman, I just dress this way because it's what I'm comfortable with, yun lang po yon." "Mabuti kung ganon anak, Maganda ka, at mas mukha ka pa ngang mas ma appeal kesa sa Kay Amari, pero natatakpan iyon dahil dyan sa sinasabi mong get up na Comfortable ka, anyway mabuti na yung nagkakalinawan tayo."Dagdag pa nito. "Yes Mommy hmm" anya nito saka niyakap ang ina, maya maya ay niyakap din ito ni Lavinia at inayos pa ang Buhok nito, habang nasa Kusina ay nakamasid lamang dito si Amari. Tila nakaramdam sya ng kirot sa kanyang puso. "Ahm..Daddy, Kain na po kayo, ayos na po ang pagkain." Aya na lamang nito sa ama. Kung tutuusin sa kanilang mag Kapatid sa Kanya strict si Doc Lavinia, kailangan ay palagi syang maayos at perfect sa pAningin ng ina, pero pag may hindi ito nagustuhan ay sinasabi lang nito, hindi tulad sa kakambal nya na sinasabihan din ngunit may paglalambing. Habang kumakain ay tahimik lamang sila, may kwentuhan din dahil tinatanong ng mga magulang nila kung kumusta ang pag aaral nila. "Mama, Kilala mo si Midnight diba? Alam mo bang future Doctor sya, kasalukuyan po syang nasa Med School ilang taon na lamang po at isa na syang ganap na doctor, Saka po dyan lang din ang Condo nya sa kabilang building." Wika pa ni Avani. Natahimik naman si Amari habang ibinibida ng kapatid ang nasabing binata. "Talaga, Ah diba bago kag pasukan nakita natin sya sa Mall. Andyan ba sya? Ayain nyo na mag lunch dito, alam nyo naman na malaki qng utang na loob natin sa pamilya nila, lalo na sa kanyang ama, dahil Tinaya nito ang buhay nya para maligtas si Amari." Dahil narin may basbas ng Mag asawang banderas ay agad tinawagan ni Avani ang Kaibigan. Eksakto naman na pauwi na rin ito sa Condo nito kaya sa Unit na nila dumiretso. Kaya pagdating doon ng binata ay binati agad sya ng Mag asawa. "Magandang Tanghali po Doc Lavinia t Cong Exodus. "Magandang Tanghali din sayo Hijo, aba congrats ah at may Future Doctor na si Sgt.Ramirez anya dito ni Exodus. "Salamat po Cong, ilang taon pa po sa wakas ga graduate na." "Midnight Hijo, kakatuwa naman, hindi ka lang matalino at responableng anak, Gwapo pa, I'm sure proud na proud ang Mommy at Daddy mo sayo nyan, kumusta na pala sila." Anya ni Doc Lavinia sa binata. "Salamat po Doc, about po kay Mom and Dad ayos naman po sila." Tipid na sagot ng binata. Maya maya lamang ay nag kwento na naman si Lavinia tungkol sa kabataan ng mga ito. Kung gaano ito ka close nung mga bata pa sila, at kung paano sila mag bangayan ni Amari. Maging ang mga achievement ng kambal nung bata ang mga ito. Kung gaano ka palaban ni Amari, "Yang Si Amari, kusa yang nag aaral, alam nya kasi na Makakatikim sya sa akin kapag hindi, eto namang si Avani Kailangan pa minsan bantayan para gawin, wala kasing paki to eh, mahalaga lang dito is pumasa, pero syempre gusto ko rin na nag e excel din sya sa lahat ng bagay at epektibo naman dahil gumraduate sila na parehong nasa Honor." Dagdag pa nito, marami pang kwento si Doc Lavinia. Napapatingin na lamang si Midnight kay Amari lalo na kapag may kwento ito tungkol dito na tila nahkakaroon ng comparison sa kambal. AMARI Habang kumakain kami ay panay ang kwento ni Mama, hindi ko alam, kapag sa akin ay maayos naman ang kwento nya, ngunit may kasamang pag kastigo, kapag kay Ate naman ay ganon din ngunit may kasamang lambing, hindi naman sa nagseselos ako kay Ate, pero parang ganon din minsan kaya minsan ginagawa ko na lang Maging Pabibo para perfect ako pagdating kay Mama, para lagi nya akong napupuri. "Hmm..Amari anak, masarap ka na magluto ah, medyo maalat lang ny konti pero ayos na, bawasan mo lang next time yung alat, yung mga kinakain mo ayos ba? Yung bilik ko sa inyo, Yung hindi nyo dapat kainin okay.? "Copy Mommy, palagi naman po namin tinatandaan ni Ate. "Good, tingnan nyo kami mg Daddy nyo, Ilang taon na kami pero para kaming mga nasa 30s lang, Napaka importante kasi ng Disiplinado sa kinakaim, saka ang exercise mahalaga yan" dagdag pa ni Mommy. "Mga anak, pasensya na kayo, hehe Imbes na dalaw lang eh palagi may kasamang Fitness and Health expert advise itong mommy nyo " anya naman ni Daddy sa amin. "Ok lang po Dad, para sa amin din naman po ang sinasabi mya, kaya ayos lang po." Wika ko naman, syempre bida bida kay Mommy. Matapos namim kumain ay naupo muna kami sa sala at doon ko na inabot ang cupcake na iibibigay ko kay Midnight. "Midnight, para sayo pala ito, Salamat sa pagtulong mo nung nakaraan sa activities namin." Anya ko saka iniabot ang box na mau lamang cupcake. "Grabe Amari, nag abala ka pa, pwede namang wala na, nag thank you ka na okay na yon. "Sige na, tangapin mo na, Kapag Kay Ate galing alam ko na tatangapin mo yan." "Okay, Sige..Salamat dito Amari, nag abala ka pa talaga." "Walang ano man, mag comment ka ah.. kapag may kulang o sobra inform mo alo, gaya ni Mommy kanina, kita Mo Masarap daw Yung Luto ko pero Maaalat hehe, sorry naman." Huminga naman si Midnight ng malalim saka nagsalita. "Amari, walang masama sa luto mo, actually masarap sya, saka for me okay sya. Tastes differ, of course. Maybe Tita Laviniat has a very High Taste Sensitivity, That's why she said it's salty. But don't worry masarap ang niluto mo Amari." Anya ni Midnight sa akin. Tila naman may mga paro paronna nagliliparan sa aking Tyan. Pinuri ako ni Midnight. Hmm.. Teka e aba dapat lang, masarap naman talaga ako magluto. Dalawang araw lamang namalagi Sa Condo si Mom and Dad, Kaya kinabukasan ay Disney Princess ang Peg namin ni Ate dahil ipinagluto kami ni Mommy. Pinagbaon nya rin kami ng Sandwich, Dinagdagan ito ni Mommy para bigyan daw namin si Midnight. Humingi pa ako ng 2 additional na Sandwich, nararamdaman ko kasi na May Dadayo na naman sa University para sumilay kay Ate, dahil ang aga nya nag message para mangumusta, Halos ilang araw kasi sya walang paramdam, pinuntahan nya daw kasi ang Tito Aeolus nya. Masaya daw sya na maayos na ito at Nagpapagaling na lang. Ang sabi nya ay pag magaling na ito ay Balak na nitong magpakasal sa Long time Girlfriend nito na nagawa nitong iwan noon dahil sa karamdaman nya dahil ayaw nyang mag alala ito. Ang girlfriend daw nito ay malapit kay Midnight, sobrang close daw nitong dalawa, Ate Yohanna daw ang tawag ni Midnight dito." Kaya minsan masarap din kausap tong si Daddeh keng, may pagka marites din kasi, kulang nalang i kwento ang Love story ng Tito Aeolus nya at Nang Girlfriend nitong Si Yohanna. Anyway di pa namin sila na me meet, pero sana ay Gumaling na ang Tito Ae ni Daddeh Keng, para mapakasalan na nito ang Girlfriend nitong Si Yohanna at mabuhay sila ng Masaya. Habang naglalakad nga ako patungo sa University ay di nga ako nagkamali. Isang nakaparadang Audi RS E-tron GT ang naghihintay sa may Parking. Nagulat pa ako ng bumusina ito, walang iba kundi Si Xylas. Ibang sasakyan naman, Grabe, parang nagpapalit lang ng bagong Panty ang lalaking to. Bumaba sya saka ako nilapitan. "Hi Mahal, Kumusta? Long time no Look" biro pa nito saka hinubad ang shade. "Ok naman, Ikaw? Ayos ah, ibang sasakyan na naman, Grabe, Akala ko si Dad lang ang ganyan, ikaw din pala hahaa, pero kasi si Dad di sya araw araw, siguro kay Dad every 2 weeks hahaha." Wika ko dito. "Hmm..Hehe ayos, mukang magkakasundo kami ng Daddy mo Mahal, Sana ma meet ko sya in the future, Para naman makilala nya rin ang future Son in law nya balang araw' anya pa nito kaya nagtawanan kami. "Nga pala, wala nako atraso ah, binigay ko na kay Ate ang bear at flower." Wika ko dito. "Wow, ano sabi?" Waka naman bat daw ibinigay ko sa kanya e akin daw yon, Sabi ko lang sa Kanya tangapin nya nalang kako. At yon Tuwang tuwa sya." Paliwanag ko dito, kita ko naman ang masayang aura ni Xylas dahil sa ibinalita ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD