AMARI
Nauna nang pumasok si Ate Avani sa Kwarto. Habang ako ay naiwan sa sala at nagmumuni muni. Napatingin naman ako sa Family picture namin na nakasabit sa Wall. Si Mama, Si Papa,Kami ni Ate Avani at si Atreus ang bunso naming kapatid.
Mag iisang Buwan na pala kami dito ni Ate Sa Manila. Nakakamis din pala sila Mama at Papa pati na si Bunso.
May Bahay naman kami dito sa Manila, pero Si Mom and Dad ay Madalas parin mag Stay sa GenSan gawa ng mga Business nila doon.
Pero kapag kuwan naman ay Dito rin sila dahil Nakabili din si Daddy ng Lupa sa may Tagaytay.
Napatingin ako sa Bear at Bulaklak na galing kay Xylas. Inilapag ko ito sa may Tokador kanina at nananatili parin ito roon. Muli ko itong kinuha at Tiningnan.
Bouquet combination ito ng Rose at Sunflower, Napakagandang tingnan, doon ko lamang dik napansin na may maliit din itong note doon. Ang cute ng mensahe para kay Ate.
Saka ko naman kinuha ang Bear na Kanina ay Hinahampas hampas ko sa kanya. Pinindot pindot ko ang Gitna nito.
At Doon ay narinig ko ang Salita ni Xylas na tila naka record doon.
"Good Morning Baby, Have a nice day." Yan ang salita na paulit ulit na maririnig kapag pinindot ang gitna ng Bear.
"Haha, Grabe, Tinamaan talaga kay Ate si Xylas." Anya ko pa.
Habang mahimbing ang Tulog ni Ate ay marahan akong pumasok sa kanyang kwarto. Inilagay ko sa Tabi nya ang Bear, at ang bulaklak naman ay nilagay ko sa May Vanity Mirror nya.
"Sorry Ate ah, para sayo talaga yan, Gusto ko lang talagang mang inis."
Wika ko saka sya hinalikan sa Pisngi. Okay naman kami ng Ate, may mga bagay nga lamang na di namin mapagkasunduan minsan.
Matapos kong itabi sa kanya ang mga bagay na galing kay Xylas ay lumipat na rin ako sa aking kwarto.
Napatingin ako sa Garapon na may Lamang mga Shell.
Muling nagbalik sa akin ang Alala ng una naming Makita si Midnight. Ang mga shell na yan ay galing sa kanya ng mapagkamalan nya pa akong si Ate Avani, natatandaan ko pa noon inaway ko pa sya, pero mg makaalis nya ay kinuha ko rin naman ang mga sigay na binigay nya at hangang ngayon ay palagi ko iyong dala.
Lampas dekada na iyon ngunit parang kelan lang.
Hindi ko alam kung anong oras na ako dinalaw ng antok, basta ang alam ko ay pinilit ko na na makatulog.
Kinabukasan ay medyo tinanghali ako ng gising, nagulat pa ako ng mismong si Ate ang gumising aa akin.
"Amari, Gising na tanghali na."
"Ahmm...antok pa ako Ate."
"Amari, hindi pwede, kailangan mo pumasok, bat ba kasi napuyat ka, Bangon na dali." Gising nito sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang bumangon, Naligo na muna ako bago ako kumain ng Almusal.
Pag upo ko sa dining ay naroon si Ate, napansin ko na hawak nya ang Bear at Bulaklak.
"Amari, bat nasa tabi ko to? Diba sayo to?"
"Hindi Ate, sayo na lang, alam ko mahilig ka sa ganyang stuffed toys diba."
"Talaga? Naku nakakahiya naman, bigay pa naman ito ni Xylas sayo."
"Hindi yan ate, ayos lang, Sayo na yan"
"Okay salamat dito ah, Ang cute." Masayang wika ni Ate habang hawak ang bear.
"Good Morning Baby, Have a Nice day." Salita na sinasabi mula sa teddy bear.
"Ang cute maman nito, nagsasalita pa, boses ni Xylas hehe."
Wika ni Ate na tila naaaliw sa Stuffed toys. Napangiti naman ako, Mabuti at nagustuhan ni Ate.
Matapos naming mag ayos ng sarili ay sabay na kaming pumasok ni Ate. Mag ga grab lang kami dahil ang sabi ni Ate ay Maaga daw pumasok si Midnight dahil may operasyon daw ang kilala nitong Doctor at ni rerequest na mag assist si Midnight sa operation.
Maayos naman kaming nakapasok sa University.
Nagulat pa ako ng Tila may Pinagkakaguluhan ang mga Estudyante sa loob ng Campus, kaya naman ng makasalubong ko ang mga Kaibigan kong si Pennylane, Judy at Berna ay inusisa ko kung ano ang nagaganap na komusyon.
"Berna, anong meron bakit nagkakagulo ang mga Estudyante?" Tanong ko rito.
"Naku, Besh Yung lalaking Pogi na may magarang sasakyan kasi. Nagpunta dito, Nag donate para sa ipapagawang Gym.
Ayon oh!" Anya ni Berna na kinikilig kilig pa saka tinuro ang gawinmg lalaki na sinasabi nila.
Sinundan ko naman iyon mg tingin.
Laking gulat ko ng makita kung sino ang lalaki, walang iba kundi si Daddeh Keng.
Natawa naman ako ng Matanaw sya na di alam kung saan susuot dahil Pinagkakaguluhan sya ng mga Babae.
Para syang Hotdog na Napapaligiran ng rumaragasang Tahong as in parang Kinuyog hahaha, natatawa ako sa itsura ni Xylas.
Dahil medyo nakakaawa na sya tingnan ay Tinawag ko sya,.
"Xylas Leviste ni Baby!"
Nang marinig naman ng Estudyante na ako ang sumigaw ay isa isa itong naglayuan.
Napatingin naman si Xylas sa akin at medyo nakahinga ng maluwag ng Makita ako.
"Woahhh..Salamat Mahaldita, Akala ko makukuyog na ako ng Bongga." Kwento nya sa akin.
"Ano? Feeling pogi ka kasi, Hahaha Di na Kuyog ka tuloy."
"Hoy Mahaldita, Hindi Feeling ang tawag doon, Legit na pogi talaga ako ano, kita mo naman halos pinalibutan nila ako." Bida pa nito.
"Oo, Nagmukha kang Hotdog na pinapalibutan ng mga Basang Tahong."
Anya ko dito saka sya tinawanan.
"Napaka mo talaga Mahaldita."
"Tek ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmm..may binigay lang , Pinadala ni Tatay Xav ako lang ang naatasan na magdala."
"Hmm..Pa Humble, kahit na, e di sa Pamilya nyo parin galing yon."
"Kahit ano pa Mahaldita, Basta Pina donate lang ni Tatay." Anya pa nito.
May pagka humble din tong si Daddeh Keing kahit minsan ay may pagka Kengkoy.
"Ahm..Nasan na pala ang Baby Ko?" Tanong nya sa akin.
"Pumasok na sa Room nila, Alam mo may klase rin ako eh, Kailangan ko na rin pumasok sa Room."
"Ganon ba? Hmm..Sige , pwede bang Sumabay ako sa inyo sa lunch?"
"Ikaw ang Bahala, buti di ka hinahanap sa Company nyo?"
"Bat naman ako hahanapin eh ako ang May Ari hehe Charaught, Haha hindi naman, tapos na naman ang gawain ko at pwede naman muna akong humarot ngayong araw." Dagdag pa nito.
Natawa naman ako sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanya at iniwan ko na rin sya sa lugar na iyon.
Samantala
3RD PERSON
Makalipas ang isang Oras sa Klase ay medyo nagkagulo sa Isang subject. Dahil same ng Activity ay pinagsama ang klase ni Amari at Avani since Hindi naman ganon karami ang klase nila. Aware naman sila na merong Experiment na gagawin sa Lab, pero di nila akalain na ngayon araw gagawin, Ang masama pa ay iilan lang ang lalaki sa kanila, at absent pa ang iba.
Kaya nang sabihin ng kanilang professor ay tila nagkagulatan kung sino ang Donor.
"Okay Class, Ngayon natin gagawin ang Activity natin Ang Semen Analysis or Semenalysis Kaya kada isang Grupo pumili na kayo ng Donor ng Semen na gagamitin nyo para i test." Anya ng professor. Kaya tila nagkaturuan naman kung sino ang mag bibigay.
"Hoy Peter, Ikaw naag donate, Ikaw lang lalaki sa atin absent ang Iba." Wika ni Berna dito.
"Aba ,ayaw ko nga, natatakot ako mamaya baog pala ako."
"Pumayag ka na Peter, at least i che check mga natin."
"Ah basta Ayoko Amari, iba nalang." Pagtanggi naman nito. Ang ibang grupo ay naghanap na ng donor sa ibang klase ngunit walang may Gusto.
Samantala maging ang Grupo nila Avani ay naghanap na rin dahil wala rin silang ka grupo na lalaki kaya naghanap na rin sila sa ibang klase na posible na maging Donor, Hangang sa Makita ni Avani Si Xylas na nakaupo sa ilalim ng Puno.
Kaya agad syang Lumapit dito.
"Xy..Xylas.." tawag nito, Parang Gansa naman ma humaba ang Leeg ni Xylas ng marinig ang Boses ng Babaeng Sinisinta.
"Oh..Bakit Bab...Ahm Avani, may problema ba?" Tanong nito sa Dalaga.
"Ahm..Oo eh, Ahm..Kasi..Meron kaming activity, baka...baka pwedeng.." di matuloy tuloy na sabihin mg dalaga.
"Baka Ano Avani?"
"Hmm..Baka pwede kang maging Donor?"
"Donor? Donation ba? Magkano ba kailangan?" Tanong nito saka tangkang dudukot sa wallet ngunit pinigilan ito ni Avani, dahilan na mahawakan ang kamay nito."
"Hindi Xylas, May Semenalysis kasi kaming Activity today, Kailangan ko mg sperm donor para sa group namin, Wala kasi akong ka grupo na lalaki, sinubukan namin sa ibang course ayaw naman nila." Wika pa ng Dalaga.
"Ganon ba? So Kailangan mo ng Sperm ko ganon?" Tanong pa nito sa Dalaga.
"Oo Xylas, kailangan ko para i test ng grupo namin yum ay kung okay sayo?" Anya nito, saglit na natahimik ang binata.
Ang akala ni Avani at hindi ito papayag ngunit laking pasalamat nya ng Pumayag ito.
"Sige Avani, Payag na akong gamitin mo ako ng Walang kalaban laban." Anya pa nito na nakangiti.
"Haha Sira, halika na Dali para makapag simula ka na." Aya ni Avani dito.
Ilang hakbang pa lamang nila ng makasalubong nila si Amari.
"Xylas...Kailangan ko nang .." hindi na natuloy ni Amari ang sasabihin ng Makita na magkasama si Xylas at ang Kanyang Ate, Tiningnan nya sa Mukha ang Binata bago nagsalita.
"Hmm..Ate .Anong ibig Sabihin nito, Hwag mo sabihing?"
"Oo Amari, Kinausap ko si Xylas, willing sya mag Donor sa group namin hehe" masayang wika ni Avani.
Siningkitan naman ni Amari ng tingin si Xylas.
"Hoy, Daddeh Keng, Bakit kay Ate? Tayo yung sanggang Dikit, bakit sa kanya ka nag donate?" Tanong ni Amari dito.
"Eh nauna sya eh, Sa akin agad sya lumapit, Kaya Sorry Amari, na commit ko na kay Baby, I mean Avani ang Katas ko." Anya pa nito.
"Ganon ba? Sayang naman, naunahan ako, Sige na, wala naman akong magagawa." Wika ni Amari na laylay ang balikat na lumayo para maghanap ng pwede mag donate sa Grupo nila.
Patungo palang Si Avani at Xylas sa Lab ng makasalubong naman nila Si Midnight.
"Midnight, tapos na ang assist mo?"
"Oo tapos na,Bakit? San kayo pupunta?
Tanong nito.
"Sa Lab may Semenalysis kasi kaming Activity si Xylas ang donor sa group namin, Kaso Si Amari, wala pa silang Donor." Anya ni Avani.
"Kawawa naman si Amari Midnight, Wala pang nahahanap na Sperm, Baka Gusto mo mag Donate para may Kasabay akong mag Jabol sa loob ng Banyo." Anya ni Xylas kaya napatingin dito si Avani at Midnight.
Himinga ng malalim ang Binata saka Tumugon.
"Okay, Sige, Mag dodonate din ako." Sagot nito.
Samantala
Lulugo lugong naglakad pabalik ang Dalagang si Amri nang makasalubong nya ang Tatlo.
"Hoy, Mahaldita! Wag kana Mag emote dyan, hehe, Congrats, May willing mag Donate ng Katas, hehe Si Midnight." Anya pa ni Xylas kaya napatingin rito si Amari.
"Totoo? Tanong ng Dalaga dito.
"Totoo nga Sabi, Para nga may kasama ako Mag Jabol." Wika na naman ni Xylas.
Dali dali naman silang nagpunta sa Lab.
Tinginan at Iritan naman ang mga Estudyante na naroroon ng pumasok si Xylas at Midnight sa loob ng room k7ng saan ginagawa ang activity.
"Owemgee , Ang Popogi at Ang Ya yummy naman ng Donor, Baka gusto nyo po ng tagahawak, willing po ako makipag Cooperate hehe" biro ni Berna kaya hinila naman ni Amari ang buhok nito.
"Hoy Bernardo, Ayy Landi Teh,"
"Sorry na Amari, di kana mabiro."
"Hmm..ikaw kasi..mamaya mag back out pa si Midnight, buti nga mag dodonate na eh." Anya naman nito sa kaibigan.
"Oo na..sorry na hehe."
"Amari, Akin na ang Sterile Cup." Anya ni Midnight kay Amari saka naman nito inabot ang bagay na paglalagyan ng Semilya na makokolekta para i test.
Ganon din ang ginawa ni Xylas.
Pumasok na ang Dalawa sa Banyo, At naiwan naman ang kambal kasama ang ibang nag aabang na ka grupo.
"Orasan natin sila hahaha." Wika ni Berna.
"Bakit gano ba katagal yon?" Tanong ni Amari.
"Syempre Depende kung gaano sila katagal labasan beh. Hahaha kaya nga nag offer nako taga hawak eh hehe." Anya pa nito saka sila nagtawanan napangiti na lamang ang Kambal.
Samantala
Sa magkatabing Banyo naman pumwesto ang dalawa. Habang nag papalabas ng kanilang mga Katas na gagamitin sa Semenalysis. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi parin sila makapag palabas.
"Midnight...Ughh."
"Yes Sir Xylas...Bakit?"
"Malapit ka na ba Labasan?
"Hindi pa po eh, Bakit?"
"Manood ka ng Cornhub, Gaya ng ginagawa ko ngayon.Kita mo yung sakin ang Tigas na, dire diretso na to hangang labasan" Utos pa nito ngunit hindi nakinig si Midnight, bagkos nag concentrate lamang ito sa pag sasarili.
AMARI
Ilang minuto na sila sa loob ng banyo ngunit hindi pa sila lumalabas.
"Ang tagal pala nila labasan?" Tanong na naiwan sa aking isip. Ngunit ilang minuto pa ay nakita ko na si Xylas na lumabas at Malapad ang ngiti, Kasunod naman nito ay Si Midnight na napaka seryoso ng Mukha ngunit pinagpapawisan ito.
Nang makita sila ng mga ka grupo namin hawak ang Sterile Cup na may lamang mga Semilya nila ay nagpalakpakan ang mga ito.
"Yey, Congrats to our Brave Heroes" anya ng mga ito saka muling nagpalakpakan.
Iniabot naman sa akin ni Midnight ang Sterile Cup na may lamang semilya nya na mainit init pa.
"Here Amari." Anya nya, Ganon din si Xylas kay Ate Avani.
"Salamat Midnight ah, You save us for this activity." Anya ko dito.
Tinest na namin ang mga Semen na galing sa mga magigiting na donor.
Grabe yung katas ni Midnight at Xylas, puting puti na medyo malapot, yung sa iba naman ay malabnaw.
Nilagay na namin sa Microscope Slide ang sample ng semen nila. Saka namin ito sinilip sa Microscope. Nakakatuwa na makita ang semen nila na aktibong gumagalaw.
"Ughhh..Ang Cute ng mga semilya nyo aktibong aktibo, Sayang naman ang mga ito, Malay natin isa sa mga semilyang ito ang magiging Presidente ng Pilipinas hahaha " anya pa ni Berna.
Amaze na amaze kami sa pagsilip sa aparato. Ang iba ay kinikilig pa habang sumisilip dito.
"Nice ang daming gumagalaw hahaha." Palitan nila ng Komento."
Natatawa nalang din ako at nagpasalamat na di nag dalawang isip si Midnight na maging donor ng semen.
Dahil dyan mag be bake nalang ako ng Cupcake bilang pasasalamat sa Kanya.