MIDNIGHT
Hindi ko maunawaan ang ugali ni Amari. Alalang alala sa kanya ang Kakambal nyang si Avani ngunit tila nagagalit pa sya dito. Nagpunta lang ako sa Unit nila dahil nakiusap si Avani na baka pwede na hanapin ko si Amari dahil nag aalala sya ngunit pansin ko na matamlay sya at nang hawakan ko ay mag lagnat ito. Agad ko syang pinainom ng gamot. Saka hinilot at mga daliri nya sa paa kaya nasa ganong eksena kami ng maabutan kami ni Amari.
Hindi ko alam ngunit tila mainit ang ulo nya. kinompronta sya ni Avani ngunit ang sagot nya ay Guni Guni lang daw namin na nag seselos sya. Napailing na lamang ako, napaka hirap din spelling-en ng kanyang ugali. Kahit pa sabihin na Kambal silang dalawa ay may attitude din talagang taglay ito.
Dahil nasa Med School ako ay Sumama akong mag Rounds kay Doc Alfie, Ang mga basic na pag check sa pasyente ay hinayaan nyang gawin ko, gaya ng pagkuha ng Tempreratura at Pagkuha ng BP ng mga pasyente.
Matapos kong Mag Rounds ay nag Desisyon akong maglakad lakad, Balak kong ayain sila Avani na magkape.
Nakita ko naman sya kaya inaya ko sya,
Habang papunta kami sa malapit na Shop ay Nakita namin Si Amari kasama ang isang lalaki, Nakatalikod ito, Mataas, Maganda ang Katawan at Matikas.
Hindi ko alam ngunit nakadama ako ng Selos ng Makita silang Naghahampasan ng Teddy Bear.
"Amari." Tawag ni Avani sa kanya.
Napalingon naman Ang lalaki na kasama ni Amari at nagulat ako ng makilala kung sino ang lalaki, Ang panganay na anak ni Sir Xav, Walang iba kundi si Sir Xylas.
"Hi Bab....I mean Avani." Bati nito kay Avani.
Nakita ko naman na hawak ni Amari ang Bulaklak at Teddy bear na sa tingin ko ay galing kay Sir Xylas.
"Hi...Magkakilala kayo ni Amari?" Tanong ni Avani rito.
"Actually Nung nakaraan lang Ate." Si Amari na ang sumagot.
"Sir Xylas Kumusta, magkakilala na pala kayo ni Amari." Bati ko naman rito, siguro naman ay kilala nya ako or namumukhaan dahil ilang beses na rin namin syang nakasama sa Mansion nila kina Lola Xena.
"Oo, Boy, Di ko alam na mag kakakilala pala kayong tatlo?"
"Ahm, Oo Sir Xylas, nung mga bata pa kami nakilala ko na rin sila."
"Ah, Ganon ba, Nga Pala Avani meron nga pala akong..."
"Salamat dito Xylas Ah, Alam mo talaga na gusto ko itong mga bigay mo, Thank you ah." Anya ni Amari, Saka Umakbay kay Sir Xylas.
Hindi ko alam bat parang naninikip ang dibdib ko, lalo pat masyadong madikit kay sir Xylas si Amari.
"Ah..Ah...Oo naman MAHAL, buti at nagustuhan mo." Anya nito na tila lalong nakapag palambot ng Tuhod ko.
"Syempre naman Daddy Keng,." Sagot naman ni Amari na tila humilig pa sa Dibdib nito.
"Ahm...Baka gusto nyong sumama sa amin magkape, Nag aaya kasi si Midnight." Anya ni Avani. Parang nawala na ako sa Mood pero ok lang dahil narito na.
"Ok, Mas Maganda yan para Coffe Date diba Daddy Keng?"
"Ahmm.O..Oo MAhal." Tugon naman ni Sir Xylas.
Wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanila dahil nanguna na silang dalawa.
Umorder kami ng Kape, Magkatabi kami ni Avani at Magkatabi naman sila Ni Sir Xylas ang nangyari tuloy ay magkatapat kami.
May pagkakataon na napapatingin ako kay Amari, ngunit iniirapan ako nito. Tapos mamaya ay bubulong kay Sir Xylas tapos para silang sweet na sweet.
Napansin naman ito ni Avani kaya di nakatiis na sawayin ito.
"Amari, pwede bang hwag kang PDA, nasa public place tayo." Saway ni Avani rito.
"Bakit? Wala naman kaming ginagawang masama eh, Madumi lang talaga yung Isip nung iba, Yung Iba nga Dyan Nakakita lang ng Bakat na Jutong Akala mo agad minus points sa langit." Wika pa nito saka tumingin sa akin.
Nasamid naman si Sir Xylas sa sinabi nito.
"What, u***g Na Bakat?"
"Oh Bakit pati ikaw Gulat na Gulat? Yan hirap sa inyo masyado malikot ang mga mata nyo, e di wag nyo tingnan."
Dagdag pa ni Amari.
Hawak hawak naman ni Sir Xylas ang Tyan nya Di maka move on sa u***g na bakat."
Natapos ang Pagkakape namin na panay lang ang kwentuhan ni Amari at Sir Xylas.
Dahil Vacant pa ay nagka ayaan pa pumunta sa Park, Ayaw na sana sumama ni Avani ngunit ayaw nyang iwan si Amari.
"Ano? Tara sama kayo? Sa Park lang tayo."
"Sori Xylas, may gagawin pa kasi kam.."
"Tara Daddy Keng, Kung ayaw nila sumama e di tayo nalang dalawa." Anya ni Amari saka Umakbay kay Sir Xylas.
"Ahm..Sige pala Xylas, Sasama na kami ni Midnight." Wika ni Avani saka tumingin sa akin., kaya wala Na rin kaming nagawa kundi sumama.
Habang nasa Park ay May mga Street Foods na tinda, Maraming mga Estudyante ang bumibili mg mga Tusok Tusok, Hindi ko alam kung Kumakain noon ang Kambal saka si sir Xylas kaya tinanong ko muna sila kung gusto nila kumain ng mga iyon.
"Ahmm.Gusto nyo ba ng Street Foods,?"
"Walang Problema sakin, Okay ako sa Street foods, samahan na kitang Bumili Boy." Anya ni Sir Xylas.
"Hmm..pwede Midnight, Ok ako sa Siomai" sagot naman ni Avani.
"Ikaw Amari, may gusto ka bang kainin?"
Tanong ko rito.
"Meron, Yung MALAKING HOTDOG sana"
Pagkasabi nya noon ay sabay kaning Napalingon ni Sir Xylas kay Amari.
"Oh? Ano na naman, Jumbo Hotdog na nasa Stick., Mga Kokote nyo talaga May Lumot" Anya nito saka namewang sa harap namin. Napakamot na lamang ako sa mga sinasabi nya.
"Okay, Jumbo Hotdog sa Stick." Pag ulit ko sa pinabibili nya.
Naglakad naman kami ni Sir Xylas at lumapit sa mga Paninda na naroroon.
Dahil malapit iyon sa eskwelahan ay Lahat ata ng Street foods ay meron doon, May Kwek Kwek, Fishballs, Siomai ,Palamig at Marami pang iba.
Maya maya ay Nakita kong Lumapit Si sir Xylas sa Nag titinda ng Nilagang mani at bumili ito.
"Boy, Mani Oh..masarap Maalat alat na, Mainit init pa." Wika nito saka inabot sa akin ang nilagang Mani.
Kumuha naman ako at Nakihimay saka kami kumain habang hinihintay ang Siomai at ang Hotdog na pabili ni Avani at Amari.
Nang makuha na namin ang aming binili ay bumalik kami sa Bench kung saan naroon ang Kambal.
Iniabot namin ang mga Pagkain nila at saka namin kinain ang mga Ito.
Habang kumakain ay inalok ni Sir Xylas ng nilagang Mani ang Kambal.
"Nilagang Mani kayo Oh, masarap bagong luto, Mainit init pa." Alok ni Sir Xylas sa kanila.
"Pasensya na Xylas, Di kasi kami pinapakain nyan ni Mommy " sagot ni Avani.
"Ah, Ganon Ba Bab..Ahm i mean Avani, Bakit? dahil allergy kayo?" Tanong pa nito.
"Hindi, Dahil Tinatagihawat kami Sa MANI." sagot ni Avani habang kumakain ng Hotdog.
"Talaga? Tinatagihawat kayo Sa MANI? Bakit kami Sa MUKHA lang." Wika naman ni Sir Xylas habang tuloy sa Pagkain ng nilagang Mani.
"Grabe pala, Nagkakatagihawat pala Sa Mani, Buti talaga Ako Sa Mukha lang " wika pa nito.
Napakayuko na lamang ako dahil tila iba ang pagkakaunawa nito, maging ang kambal ay napatingin sa kanya, nasipat ko naman si Amari at Siningkitan sya ng mata.
"Daddy Keng, utak mo may Lumot, Diba sa Mukha naman talaga tinatagihawat ano ba ang akala mo?"
"Sabi mo kasi Sa Mani kaya sabi ko ako sa Mukha lang."
"Ayttsss... Tinatagihawat sa pagkain ng Mani ang ibig ko sabihin, Saka bakit may Mani ka ba? Wala naman diba, Hayss."
"Joke lang di kana mabiro MAHAL.
Napaka Mahal mo talaga." Wika nito saka pinisil ang pisngi ni Amari.
Tinitigan naman ito ni Amari saka ito tumawa .
"Hahaha..Taba ng Isip mo Daddy Keng, hahaa naisip mo pa yon, My Gosh."
Matapos namin mag gala gala ay bumalik na rin kami ulit sa University.
Samantalang si Sir Xylas naman ay hinatid lamang kami saka umalis dahil may mga kailangan pa daw stang tapusin sa Kompanya nila.
Ako naman ay bumalik na sa lab dahil may mga kailangan akong i check with Guidance of Doc Alfie, parang nawala ako sa mood, pero di ko hahayaan na masira ang mood ko dahil lang sa nakita at nangyari kanina, ayoko maapektuhan ang ginagawa ko dahil lamang sa nararamdaman ko.
Samantala
AMARI
Matapos namin Gumala kanina ay bumalik din kami sa University, Meron pa kasi akong isang subject na kailangang pasukan pero isa at kalahating otas lamang ito kaya ng matapos na ay maaari na rin kaming umuwi. Nagpaalam ako sa mga ka klase ko, uuwi ako ng maaga at magpaa Good Shot muna kay Ate Avani, nakakailang pagpapasaway na ako sa kanya. Habang naglalakad at naalala ko ang nangyari kanina.
Natatawa na lamang ako sa Ganap kaninang umaga. May bibilhin lang talaga ako dapat sa labas pero nakita ko itong Si Xylas na may Dalang Bulaklak at Maliit na Teddy Bear. Putek Tanghaling Tapat mukang Intsek na manliligaw ang Peg.
Dahil alaskador ako ay Ineme eme ko sya.
Tutal binati nya rin ako at nginitian, Kita ko ang Maganda at Mapuputi nyang mga Ngipin, pwede syang maging model ng Toothpaste na hindi Branded, hahaa Charaught. Pero malakas din talaga ang dating nya sa Totoo lang. Kaya habang magkausap kami ay Panay din ang tingin sa kanya ngga Estudyante na dumadaan.
"Pag may naririnig akong Uyyy BAGAY sila, Nginingitian ko ng sarkastiko saka sinasabi na Sorry TAO kami." hahaha mga mosang, pala desisyon.
Habang naghihintay ay Niloloko ko sya kaya nahampas ko sya ng Bear at di ko inaasahan na sa eksenang iyon ay Nadatnan kami ni Ate Avani at Midnight at doon nagsimula ang ginawa kong kalokohan kanina, Hindi ko alam, wala naman talaga akong balak, pero nang makita ko silang magkasama ay sumagi na sa isip ko na gawin ang bagay na iyon.
Napailing na lamang ako at natatawa habang naglalakad kapag naaalala yon.
Pagkalabas ko ng gate at nag aabang ng Sasakyan nagulat ako ng biglang huminto ang isang itim na Porsche. Nagulat ako ng si Xylas ang sakay nito ibang sasakyan na naman ang gamit nya.
"MAHAL sakay na, Ihahatid kita." Alok nito sa akin, maiinit ng mga oras na iyon kaya di ako nag atubili na sumakay.
"Nang makarating kami sa walang ganong dumadaan at hininto nya ang sasakyan.
"May atraso ka sakin Mahal, Bakit mo Ginawa yon ha hmm."
"Ang Alin Daddy Keng?" Pa inosenteng tanong ko.
"Bakit mo sinabi na bigay ko sayo yung Bear at Flowers eh para kay Baby Yon?
Inis na sabi nito.
"Aba, eh kita mo naman magkasama sila ni Midnight, tingin mo ba tatangapin yon ng Ate tapos tanghaling tapat? May sa intsek ka ba Daddy Keng?
"Tsk tskk..Kainis naman, pano kung isipin ni Baby na Nililigawan kita?
"Ok lang yon, hayaan mo sya mag isip, haha saka wag kana mainis sakin, Di ka na lugi sa Pagpapanggap, Feel na Feel mo pa nga na tawagin akong MAHAL kanina, kaya akala ko game ka." Anya ko rito.
Natawa naman si Loko kaya napatingin ako.
"Oh Bat Ka natatawa? Totoo naman ah, Feel na Feel mo na tawagin akong Mahal."
Wika ko sa kanya dahil natatawa parin sya.
"Bakit Amari,? Bagay talaga sayo yung MAHAL, bakit akala mo ba Mahal as in Love?
"Oh bakit? Hindi ba?"
"Hindi, Kaya kita tinawag na Mahal dahil sa Ugali mo, MAHAL...MAHALDITA, hahaha." Anya nito saka tumawa.
Nabaling naman ang tingin ko sa Kanya na tawang tawa parin, Kaya tumawa rin ako ng Malakas, at napahinto naman sya.
"Bakit ikaw Din diba trip mo rin na tawagin kitang "DADDY KING"( Dareh Keng) kanina, anya ko na may maarte at malanding pagkakasabi.
"Oo, Pero sakto naman sa akin yang tawag mo na Daddy King, Dahil ba pwede ako maging HARI?" tanong ni Gago na nakangiti pa.
Nauna naman ang tawa ko, Feel na Feel nya talaga na King sya.
"Oh, Bat natatawa ka lang? Tama ako Diba, Pang Hari ba ang Peg ko?"
"Hahaha...Ambot! Daddy Keng, Hindi sa Hari ka Kundi Dahil Kengkoy ka."
Anya ko saka natawa dahil sa reaction ng mukha nya.
"Grabe ka, man deserve mo talaga tawaging Mahal, Mahalditang To."
"Oh bakit ikaw din naman Ceo na Kengkoy, Sige Mamili ka Daddy Keng o Boy Mani?"
"f**k! Daddy Keng nalang, Di naman ako mukang Mani, pero kumakain ako ng Mani." Sagot nya saka tumingin sa akin.
Dahil sa sinabi nya ay Nahampas ko sya sa braso.
"Wahhh..Mag Drive kana lang at ihatid mo ako, baka san pa mapunta ang usapan natin." Saad ko rito.
Napatingin naman ako sa Braso nya na hinampas ko, sobrang pula agad nito. Grabe naman, mas sensitive pa yung balat nya kesa sa balat ko."
"Hala .grabe ang OA ng skin mo, hinampas ko lang Pula agad."
"Nakonsensya ka naman sa ginawa mo?"
"Syempre hindi, Ikaw kasi eh,"
"Aba at kasalanan ko pa, Tandaan mo mahal na kapatid ni Baby ang dami mo ng Atraso sa akin."
"Oo na, Hayaan mo, mamaya ibibigay ko kay Ate yang bulaklak at bear."
"Hmm..kainis ka talaga, Kung hindi lang masama ang ugali mo, baka ikaw nalang ang niligawan ko, tutal magka mukha naman kayo, pero no..never...hindi baka pagbuhatan mo lang ako ng kamay araw araw, kaya otopas sa mga MAHAL tulad mo, hehe."
"Wow, pogi mo ah, Ako din, Dahil kung ikaw ang Makakatuluyan ko, Baka Maglaitan at Mag bangayan lang tayo araw araw haha." Anya ko saka kami nagtawanan, Mukha ba kaming mga Baliw?" Tanong ko na lamang sa aking isip.
Nang makarating sa labas ng Condo ay bumaba na ako, syempre nagpasalamat din naman ako kay Keng kahit papano.
Napatingin naman ako sa Bulaklak at Bear na hawak ko, ibibigay ko ito Kay Ate mamaya.