CHAPTER 6 "XYLAS LEVISTE"

2356 Words
AMARI Kinabukasan ay Nag asikaso na ako dahil may pasok na kami. Naaalala ko na naman ang Itsura ni Midnight Kagabi, Kasalanan ko ba na andito lang naman ako sa bahay at di na ako nag effort magpalit pa ng Damit. Napaka Big deal naman na Bakat ang vtong ko sa harap nila kaya no choice kundi ang magbihis pa ako ng Oversized Shirt na di Babakat ang n****e ko. Nagsuot ako ng uniform at inayos ko rin ang buhok ko na medyo kinulot ko ang dulo. Sabay kami pumasok ni Ate Avani. May bo book na sana sya ng Grab ng marinig ko na may kausap sya sa kabilang linya. "Ok, Salamat Midnight ah," "Hoy Amari bilisan mo na dyan, Makikisabay tayo kay Midnight papuntang University. "Oh, akala ko ba nag book ka na ng Grab?" "Mag Bo book palang sana, Ok na nga yon eh makisabay nalang tayo kaya bilisan mo na, nakakahiya naman kung hihintayin nya pa tayo, tayo na ang makikisabay. "Oo na Oo na, mauna ka na, susunod ako." "Okay, bilisan mo ah." Wika nya sa akin saka sya dali daling bumaba. Tiniyak ko naman na ayos ang aking sarili bago bumaba ng Unit namin. Pagdating ko ay napansin kong sa Unahan nakaupo si Ate Avani at nahuli ko pa silang nagtatawanan ni Midnight. Hindi ko alam ngunit tila nakaramdam ako ng inis. Dire diretso akong sumakay sa Back seat at hindi na nag atubiling batiin sila. Habang nasa byahe ay Hindi ko maiwasan na tingnan sila, Basta ang alam ko pakiramdam ko masaya si Midnight kapag si Ate Avani ang kausap. Iniwas ko ang aking tingin saka Ako tumingin sa Bintana. Napansin naman ata nila na tahimik ako kaya natahimik din sila. "Ehem, Amari, Bat ang tahimik mo naman dyan, Kanina pa kami mag kwe kwentuhan dito di ka nakikisali." Anya ni Ate. "Wala namang reason para makipag kwentuhan ako, at isa pa, di ko naman alam ang pinag uusapan nyo." Walang gatol na sabi ko." Kita ko na napatingin si Midnight sa Rearview Mirror para tingnan ako, pero dahil naiinis ako sa kanya ay nilabanan ko sya ng tingin. Hangang sa sya na mismo ang sumuko. "Loser!" Bulong ko saka binaling muli ang tingin sa daanan, after 15 mins ay nakarating na kami sa university. Nagpapasalamat pa si Ate Avani pero iniwan ko na sya, Saka ko tinungo ang room namin. Pagpasok ko sa Rook ay napansin naman ni Bernie na naka busangot ako kaya binati nya ako. "Oh Sesh, Bakit naman ganyan ang Mukha mo, daig pa Byernes santo?" Taning nito sa akin. "Hoy Bernardo, Umayos ka , Naiinis ako." Wika ko dito. "Kalma Sesh, eto naman di na mabiro, Bati na tayo please Berna ako no." "Berna, Gusto mo Abugbog Berna?" "Ano ba bat na HB ka masyado? Tumigil ka na nga dyan ganda danda mo eh nakasimangot, " saad nito. Napatingin naman ako kay Ate Avani at Kay Midnight na naglalakad, Pinapayungan pa ni Midnight si Ate kaya di ko maiwasan na lalo mainis. Di ko naman namalayan na napansin pala iyon ni Berna. "Ows..Sesh.. Yung mata mo parang alam ko na haha, Dahil ba Sa Kambal mo at Sa Yummy na future Doctor na kasama nya? Hehe Kilala nyo ba ang Poging yon? Alam mo ba na marami ang may Crush doon hehe" "Aba Malay ko? Wala akong Pake dahil di ko naman Crush ang Midnight Kreighton Ramirez na iyan." Inis kong sabi. "Hahaa..Malay mo? Pero alam na alam mo ang buong pangalan, haha Ammacana Sesh." "Tse, Dyan ka na nga, baka madamay ka pa sa inis ko." Wika ko dito saka naupo sa aking pwesto. Wala talaga ako sa Mood ng araw na iyon, Inaya ako ni Avani mag Lunch pero di ko talaga sya sinabayan. Bandang Hapon ay Maaga akong nakauwi. May Klase pa si Ate Avani hangang 7pm, samantalang ako naman ay hangang Ala singko lamang. Kahit Lunes ay May Gimik kami ngayon, nagkaayaan kami ng dalawa kong ka klase , Si Judy at Si Penny lane , syempre kasama din pala si Berna. Nagpunta kami sa Bar, may 30 mins ang byahe mula sa Condo. Bagong bukas daw iyon kaya Syempre di kami mawawala. Kahit lunes ay marami parin talagang Tao, pero hindi ito yung Bar na magulo, may Class parin kahit papano, pero syempre grupohan parin ang mga naroroon. Nag shot din kami, pero tamang chill lang, Hindi katulad noong nakaraan. Nagkayayaan na Magsayaw kaya nagsayaw kaming magkakaibigan, pero buti na lang at walang Boloks sa Bar na ito, Walang Squammy, May Dangal ang mga Tao Kahit papano. Napatingin ako sa kabilang table kung saan may mga grupo din mas lamang ang lalaki kesa sa mga Babae. Napatingin ako ng mapansin na nakatitig sa akin ang Isang lalaki. Medyo na Siningkitan ko nga ito ng Tingin dahil di ko alam kung nangingiti ba sya o Ano. Kaya inirapan ko ito. Nakabalik na ako sa upuan ko, ngunit pansin ko parin ang titig sa akin ng lalaking iyon. Matangkad, Tama ang Pangangatawan, Gwapo rin naman, pero Kung Kay Midnight itatabi eh Mukang Black sheep ang isang ito. Dahil na iihi na ako ay nag paalam ako na Mag Si CR muna, Dahil may tao pa ay nagpasya muna akong Lumabas dahil di ko rin gusto ang halo halong Amoy na Flavor ng Vape sa Loob, Kaya nakiraan ako sala nagpunta sa labas. Papalabas na ako ng Bigla akong Sunggaban nang lalaki na panay ang tingin sa akin kanina. Kasunod nya ay isang Babae na tila hinahabol sya. "Ey Baby, Bakit ka sumunod? Nag Yosi lang ako. i told you Saglit lang ako." Nakangiting wika nya sa akin habang ang mga mata ay pasimpleng kumikindat. Halos nagulat naman ako sa Pagkaka akbay nito. Ngunit tila naunawaan ko na ang kanyang nais. "Ah, ang tagal mo kasi." Tugon ko na lamang saka tumingin sa babae., Kita ko naman ang inis sa mukha nito kaya sinamaan nito ng tingin ang lalaki sa aking tabi, maging ako ay tiningnan din ng masama. Nang makalayo na ang babae ay lumayo din sa akin ng Bahagya ang Lalaki. "Hay..Salamat, Thank you Baby, Buti nalang dumating ka, akala ko mapipikot na ako haha." Anya nito saka bumunghalit ng Tawa. "Nakatingin lamang ako sa kanya, at di na sana sya bibigyan pansin." Ngunit nagulat ako sa mga sumunod nyang sinabi. "Hmm... Pero Infairnes, Ang hot mo ngayon Baby, Bagay din pala sa iyo ang ganyan, " saad nya sa akin Nagpanting naman ang tainga ko kaka Baby Nya kasa sinabihan ko sya. "Excuse me? Sino ka ba? Stop calling me Baby, Pwede ka lang maging Daddy pero di mo ko anak" Pilosopong sagot ko rito. Napabuntong hininga naman sya saka napakamot sa ulo. "Hahaha, Grabe ka naman Baby, Ganon na ba ako katanda sa pAningin mo?parang nung nakaraan lang Kahit na ang Angas at ang siga mo tingnan ang Bait mo, pero ngayon ang Suplada mo na, Porke nakapang Babae ka lang, Alam mo bang hinihintay ko na magkita ulit tayo, Iinvite sana kita Sa Darating na Event, Lalaban kasi ulit ako, gusto ko andon ka, Saka baka Bet mo, pwede ka ulit Lumaban, pahihiramin kita ng isa sa mga Oto ko." Saad pa nito, Doon ko napagtanto kung sino ang tinutukoy nya. Natawa naman ako bigla. "Haha, I'm Sorry Mister, Mukang nagkamali ka, Malamang Kakambal ko ang sinasabi mo at Hindi ako. Ganon ba talaga kami Magka kamukha? My Gosh, Bat lagi nalang kami napagkakamalan!" Saad ko pa rito. Tinitigan naman ako ng Lalaki saka sta nagsalita. "Hmm..Sorry Oo nga, magkaiba kayo, Kahit siga siga mag damit Yung kapatid mo e Hindi sya maarte magsalita." Wika nito saka tila nang iinis. "So Maarte ako?" Tanong ko to dito." "Hmm.. honestly Oo medyo maarte ka compare sa kakambal mo." Diretsong sabi nya, naningkit naman ang mata ko dahil sa narinig. "Hoy, grabe ka mag judge, alalahanin mo sinagip kita sa Babae mo kanina." "Haha, Bakit totoo naman na Maarte ka magsalita yung kakambal mo kasi Hindi eh, may pagka Boyish oo pero medyo di tulad mo." Direkta at walang gatol nyang sabi sa akin. Hindi na lamang ako sumagot bagkos inirapan saka ko na lamang sya tinalikuran. Habang nasa table ako napapansin ko na tila may nakamasid parin sa akin. At walang iba kundi ang Lalaki parin kanina. Ilang sandali lamang ay nagka ayaan na rin umuwi. Bigla nagkaron ng importanteng lakad ang mga magulang ni Pennylane kaya hindi kami maihahatid ng mga ito, Sabay sabay nalang kami nag abang ng sasakyan magkaka ibang way nga lang kami Hangang sa makasakay na si Judy at Kami na lamang ni Berna ang natira. Mas malayo ang uuwian ni Berna compare sa akin. "Berna, Ok ka lang ba? Pwede namang mauna ka na, maghihintay na lamang ako dito." "Sure ka Sesh? Gusto ko matiyak na nakasakay kana bago ako umuwi." "Ano kaba ok lang, may kasabay naman ako na naghihintay kaya Gora ka na, message nalang kita." "Okay, ingat ka ha, See you tomorrow" paalam nya at sakto may dumaan na na bus. Nag try ako mag book sa grab ngunit kina cancel, marahil dahil traffic daw papunta dahil may ginagawa sa kalsada. Nag decide ako na maglakad lakad para sa bandang unahan na lamang mag hintay. Paglampas ko sa poste ay hinintuan ako ng isang magarang sasakyan. Di na ito bago sa akin dahil Si Daddy ay may ibat ibang uri din ng sasakyan pang race. Nagulat ako ng magbaba ito ng bintana at makita ang driver nito, walang iba kundi ang lalaki sa Bar." "Hi Kapatid ni Baby, Pa saan ka? Pwede ka sumabay sa akin." Anya nito. Napatingin ako sa kaliwa at kanan, pansin ko na medyo malayo layo na rin pala ang nalakad ko at medyo wala ng tao kapag lumampas ako sa dulong bahagi ng kalye. "Hmm, Thanks but no Thanks, bat ako sasabay sayo e di naman kita kilala? Diretsong sagot ko rito, napatawa naman ito ng Pagak. "Hahaha, Hmm..ang maldita mo talaga, Nag offer lang naman ako baka gusto mo sumabay? Saka muka ba akong Rapist? Sa gwapo kong to mukang hindi ba ako pagkakatiwalaan? Sunod sunod na sabi nito. Sa totoo lamang ay gusto ko na din makisabay kaso medyo nahihiya ako, pero medyo lang "Hmm..Sige..sasabay ako pero pipicturan ko itong sasakyan mo at i sesend ko sa kaibigan ko, mahirap na, baka mamaya may gawin ka pa sakin para alam nila na ikaw ang salarin." Wika ko pa rito saka sya tinaasan ng kilay. "Haha Oh come on, Sige lang picturan mo lang, pwede mo rin ako isama sa picture tapos I send mo sa friend mo para malay mo magka gusto sa akin." Dagdag pa nito natawa naman aki sa sinabi nya, may pagka aircon din pala itong lalaking ito. Pinicturan ko ang sasakyan nya saka ko sinend kay Berna, pagkatapos noon ay sumakay na rin ako. Pag sakay ko ay sinarado nya na ang pinto, Napaka bangonsa loob ng sasakyan nya, tiningnan ko naman sya, doon ko napagtanto na gwapo nga ang Lalaking ito, pwede syang pang modelo, mukang Playboy nga lang, ilang babae na kaya naisakay nito sa sasakyan nya? Natawa na lamang ako sa aking isipin. Habang nag da drive ay nag kwe kwento sya Doon ko nalaman na sya pala si Xylas Leviste, Anak ng CEO ng isang Kompanya at sya na rin ang isa sa pinag kakatiwalaan ng kanyang Ama. Bago kami nakarating ay Naikwento nya ata sa akin Yung 1/4 ng Buhay nya haha. Muka namang maayos sya at galing din sa prominenteng pamilya kaya naglakilala na rin ako. "Nakwento ko na sayo ang Buhay ko, di ka pa rin nagpapakilala Kapatid ni Baby." "Amari...Amari Munji Banderas, Former congressman Si Daddy, Si Mommy naman ay isang doctor." "Wow, nice..E yung Si Baby? Ano ang totoong pangalan? "Avani...Avani ang pangalan ni Ate, Kambal ko sya, lamang lang sya ng ilang minuto. "Ah..I see," Doon ko napansin na mag Aalas Dose na pala ng gabi at kita ko ang Miscalls ni Ate Avani, tumawag sya kaya sinagot ko. "Amari! Nasan ka naba? Kanina pa ako tawag ng tawag di ka man kang sumagot." "Naghihintay ako ng masasakyan kanina okay?" "Pero sana man lang ng makasakay ka nag text ka para di ako nag aalala." "Oo na Oo na, sesermonan mo na naman ako, malapit na ako, dyan na lang tayo mag usap hay naku!" "Sige, talagang mag uusap tayo, dahil sasabihin ko kay Mommy at Daddy yang ginagawa mo alangnag araw gimik ka parin." Bago pa ako makapag salita ay pinatayan nya na ako ng Phone. Pagdating sa Condo ay dali dali akong nagtungo sa Unit, Laking gulat ko pag pasok ko ay naka upo si Ate sa sofa at si Midnight ay nasa harapan at hawak sya sa binti. Hindi ko alam tila nakaramdam na naman ako ng sakit sa kalooban. Dire diretso ako at di na sila nilingon pa ng magsalita si Ate Avani. "Amari ano? Ganyan na lang? May problema ka ba? Tanong nito sa akin. "Oh, Bakit Ate? Anong problema? Andito na ako diba?" Sagot ko rito "Matapos ko mag alala sayo ganyan lang ang sasabihin mo?" "Bakit? Sinabi ko ba na mag Alala ka? E pagdating ko nga nakaupo ka lang at minamasahe pa ni Midnight." Di ko natiis sabihin. "Amari, masama ang pakiramdam ni Avani pinainom ko lang sya ng gamot saka ko pin ress ang mga daliri nya sa Paa." Paliwanag naman ni Midnight. "Hindi ikaw ang kausap ko kundi ang Ate." "Amari! Bastos ka na." "Ate ang Bastos Nakahubad, nakadamit pa ako." Pilosopong sagot ko rito habang umiinom ng tubig. "Hwag kang mamilosopo Amari, Teka nga bat ba ganyan ka simula pa kaninang umaga, Nag Seselos ka ba sa amin ni Midnight?" Diretsong tanong ni Ate kaya halos masamid ako. Napatingin naman ako kay Midnight ngunit nag iwas din agad. "Hahaha, Patawa kayo, Bat naman ako mag seselos sa inyo? Guni Guni nyo lang yon! Dyan na nga kayo." Anya ko sa kanila saka ako nagtungo sa aking kwarto. Di ko alam ngunit tila may Kurot nga sa aking puso kapag nakikita ko silang dalawa na Magkasama at Masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD