3RD PERSON
Talagang sinulit ng binata ang inilagi nya sa farm, Ngunit napakaaga nya gumising araw araw Dahil sya ang gumagawa ng ibang trabaho ng kanyang ama. Kung tutuusin pwede naman nila Iupa ang pagdidilig, ngunit mas ok sa kanila kapag sila na lamang ang gumawa dahil madali lang naman daw ang trabaho. Bandang tanghi ay naghanda na ng pagkain Si Sheng, napagkasunduan kasi nila na sa labas kakain kaya naghanda sya para makapag boodle fight sila sa ilalim ng punong mangga bilang request ng kanyang mga anak.
Naghanda si Sheng ng Pritong Isda, at gulay at Nilagang Okra na paborito ni Midnight.
Kaya bandang alas onse y media ay tinawag nya na ang mga ito Upang kumain.
"Pah, Mga Anak, halina kayo at nakahain na, baka lumamig pa itong pagkain." Aya ni Sheng sa kanyang mag aama.
"Wow, Mah, sarap naman ng niluto mo, favorite ko yan hehe." Wika ni Keegan habang nakatingin kay Sheng at sa mga pagkain.
"Heh, magtigil ka Pah, puro ka nalang paborito mo, syempre paborito yan ng anak natin kaya niluto ko, saka itong nilagang Okra request nya yan dahil paborito nya yan kahit isasawsaw lang sa toyo.
"Hmm, Ok na sa anak nalang natin yang Okra, The Lagkitan and The Dulas is very familiar naman sa akin, ganyang yung nilalabas mo kapag nag aano tayo eh kaya hayaan na natin sa binata natin hehe." Wika pa ni Keegan saka tiningnan ng malagkit ang asawa.
"Tse, Pah ang bibig mo, mamaya marinig pa ng mga Bata, ikaw talaga ."
"Hehe nagsasabi lang ako ng totoo Mah, Saka wala pa naman ang mga Bata, kaya makakapag Bastusan pa tayong dalawa hehe."
"Sira ka talaga Pah, Mahiya ka naman nasa harap tayo ng Pagkain kung ano ano iniisip mo."
"Hehe Joke lang Mah, napakahirap mo na pasayahin, Di ka naman nagkukilang sa Dilig ah, palagi mainit ang ulo mo, isa lang ang ibig sabihin nyan Mah, mung hindi ka naglilihi, malamang mag me menopause ka na, haha." Biro pa nito kaya isang pingot ang ginawa nito sa asawa saka sila nagtawanan.
"Haha Sira ka talaga Pah, menopause your face. Magkakaron lang ako siguro kaya ganito." Anya naman ni Sheng.
"Haha i know Mah, saka biro lang iyon, teka at tatawagin ko ang mga Bata at palamig na ang pagkain." Anya ni Keegan kay Sheng kaya umalis ito sa pwesto para tawagin ang mga Anak.
Kaaalis lamang nito ngunit palabas na rin ang mga Anak nila, Si Kathrice ay may dalang Pitsel na may lamang Melon, Samantalang si Keenan at Midnight naman ay may dalang Prutas na Papaya at Pakwan.
Saka sila masayang nagsalo salo sa isang boodle fight.
Napakasaya nila habang kumakain.
"Anak Midnight, ikaw di ka ba nagpapagutom sa Manila? Baka mamaya pinababayaan mo na ang sarili mo ah, Hwag ka magpapagutom, at siguraduhin mo na masustansya ang mga kinakain mo roon."
bilin ni Sheng sa anak.
"Yes po Ma, hwag po kayo mag alala dahil maayos po ang kinakain ko doon." Paninigurado naman ni Midnight sa Ina.
"Sya nga pala anak, Nagpadala pala ang Lolo Gustavo at Lola Olivia mo, ng 200k, idagdag mo daw sa allowance mo."
"What Mah? Bigay ni lolo at Lola? Ang laki naman po, E Sahod na yan ng Isang Empleyado sa loob ng Ilang Buwan."
Anya nito habang patuloy sa pagkain ng Okra na sinasawsaw sa Toyo.
"Anak parang di mo naman kilala ang Lolo at Lola mo hehe, tumawag nga kanina kinukumusta ka."
"Ganon po ba? Tatawagan ko na lamang po sila Mamaya, Kung ganon ma, ibigay nyo nalang po kay Keenan at Kathrice yung 200k Mama."
"Naku hindi na anak, meron din sila tig Isang daang libo." Anya pa ni Sheng kaya napailing na lang din ang binata sa sinabi ng Ina.
"No choice Mama, ilagay nyo nalang po sa Bank account savings ko, Pwede nyo po gamitin ni Papa kung kailangan nyo po." Wika ng binata, Napahagalpak naman ang Amang Si Keegan sa Turan ng anak.
"Haha, aba Teka anak, Ini Small mo ba kami ng Mama Sheng mo, May pera din kami ano hehe mga kita namin sa Itlogan at sa Farm, Saka sa UNDRESS MO KO ONLINE SHOP kaya itatabi nalang natin yan.
Nagtawanan na lang ang Magkakapatid dahil sa diskarte ng kanilang mga Magulang. Bukod kasi sa Itlogan, Farming ay Meron dij silang Tinayong Online Shop ang UNDRESS MO KO ONLINE SHOP.
Kung dati rati ay Si Keegan ang umaangkat ng mga Panty at Bra sa Divisoria ngayon ay si Sheng na ang mismong may patahian. Sya ang nag de design meron silang maliit na pwesto sa bayan. May 3 syang mananahi mga Undergarments ang Product na ginagawa nila, at ang mga iyon ay si Sheng ang nag de design saka nila pinopost Online.
Nakakatuwa ang kanilang pamilya dahil talagang Dumidiskarte sila at pinag yayaman kung ano ang meron sila.
Samantala
MIDNIGHT KREIGHTON
Nasulit ko ang isang lingong Bakasyon sa Cavite. Ngunit kailangan ko na naman lumuwas mamayang Hapon dahil may pasok na naman bukas.
Habang nag aayos ako ng aking Gamit ay dumating si Papa, May dala itong isang Piling na saging, Okra, talong at meron din itong dalawang Isang Bote ng sariwang gatas.
"Midnight Anak, Paluwas ka na din ngayon?"
"Opo Papa, Para po makapag pahinga pa po ako mamayang gabi, kung bukas po kasi baka traffic tapos alas otso ang klase ko kaya mamaya na po ako luluwas." Sagot ko kay Papa.
"Ganon ba Anak, Mag iingat ka ha, nga pala dalhin mo na ito, bagong pitas yan kakukuha ko lamang sa halamanan natin, Tapos itong Gatas, Dalhin mo na rin ito, para naman matikman mo itong Sariwang gatas ni Shanang, Yung Baka natin."
Kinuha ko naman ito saka ako nagpasalamat kay Papa, Napaka asikaso nya talaga, kung anong meron sya talagang ipapadala nya pa aa akin.
Maya maya ay Si Mama naman ang Lumapit sa akin, Natawa pa ako ng may iabot ito.
"Anak, Nga pala, galing ako sa Tahian, Alam ko naman n mga Branded ang Boxer at Brief mo, Pero pwede mo ito isuot pang Bahay. Ipinagtahi kita ng Boxer Brief, Si Mama ang tumahi nyan para sayo, Saka nilagyan ko na rin ng Burda, pangalan mo ang nakalagay hehe." Anya ni Mama saka inabot sa akin ang Boxer brief na kulay Black, White Grey at Navy Blue.
"Haha, Salamat po Mama, pero for real may Burda po talaga?"
"Oo anak, hehe Para hindi mawala, oara mahiya yung Kukuha if ever,. pero alam mo ba anak mabenta ang mga Panty at Brief na business natin, maganda daw kasi ang tela natin na ginagamit, Presko saka Maganda ang tahi kaya yungga Suki natin paulit ulit lang sa pag order dahil may binabagsakan narin sila ng bulto." Paliwanag pa ni Mama.
"Congrats po Mama, Hanga ako sa inyo ni Papa, Talagang Kumikitang Kabuhayan po kayo hehe."
"Oo naman anak, Pero salamat sa Papa mo kasi Idea nya yan, Yan daw ang raket nya noon ang magbenta ng Panty kaya ayon kinareer, Ako naman bilang Business Management Graduate e sinubukan ko lang naman i manage, nag start sa testing Sample hangang sa Umokey ay ayon nga meron na tayong maliit na pwesto at may Tatlong mananahi, I check pa namin ni Papa mo Kung kailangan na natinag extend.
Pero so Far anak Okay na Okay ang Reviews at Benta ng UNDRESS MO KO online shop, kaya salamat sa ating mga masugid na mamimili." Anta pa ni Mama.
Isinilid ko na sa Bag ang Padala ni Mama sa akin. Maya maya pa ay pumasok ulit si Papa, may dala itong Indian Manggo. Tamang tama paborito ito nila Avani.
"Anak dalhin mo ma rin tong Indian Mango."
"Opo Papa, dalhin ko po tamang tama, I share ko rin po kina Avani at Amari, paborito din po kasi nila yan" nakangiting wika ko.
"Avani at Amari?, Teka yan ba yung Anak nila Doc Lavinia at Cong. Exodus?
"Yes po Ma, natatandaan nyo pa po pala sila." Anya ko kay Mama.
"Oo naman, Bakit naman hindi, Yung Avani yun yung kalaro mo diba? At yung Amari naman yun yung May Pagka Malditang Bata na nang away sayo hehe, saka Di ko sila makakalimutan, Dahil sa kanila nanganib ang Buhay ng Papa nyo, Dahil binalikan si Amari." Wika ni Mama, bumalik na naman tuloy sa ala ala mya yung nangyari noon.
"Hehe, Ma hwag kana malungkot, Mahalaga naka survive si Papa at heto tayo ngayon."
"Tama anak, wala lang naalala ko lang naman, E kumusta pala ang Kambal? Magagandang bata siguro lalo sila ngayon.
"Opo Mama, Si Vani maganda, kaya lang parang lalaki parin pumorma.
Si Amari naman po kabaligtaran parin ni Avani."
Anya ko, di na naman nagtanong pa si Mama.
Sakto alas Kwatro ng hapon ay umalis na rin ako. Para Ala sais ay nasa Condo na ako, at tama ang aking hinuha dahil medyo trapik kaya ala sais na ako nakarating.
Pagdating ko ay inayos ko ang mga padala ni Mama at Papa. Dahil maraming gulay ay balak kong i share kina Avani.
Kaya nagtungo ako sa Unit nila. Pag katok ko ay binuksan naman ito at sakto ang dating ko na kumakain pala sila.
"Oh Kreighton ikaw pala, Pasok, Kumain kanaba? Sakto kakain palang kami ni Amari." Aya sa akin ni Avani, sakank9nnaman iniabot ang mga dala ko.
"Salamat, dinala ko lang ito, ang dami kasing padala ni Mama at Papa Sabi ko nga i she share ko sa inyo." Wika ko saka nabaling ang tingin ko kay Amari na naka Boyleg at Lose Croptop lang.
Wala na sana akong balak kumain ngunit pinilit ako ni Avani, Kaya nakikain na rin ako.
Magkatabi kami ni Avani at nasa tapat namin Si Amari, Nagsisimula na kaming kumain pero medyo na d distruct ako, Wala kasing Bra si Amari at medyo bakat ang Di dapat sa suot nito.
Naiilang ako kaya nag iiwas ako ng tingin. Napansin naman iyon ni Avani.
Kaya sinabihan nito ang Kakambal.
"Amari, Pwede bang magpalit ka muna ng Damit? Utos ni Avani.
"Huh? Bakit, anong masama sa suot ko, andito lang naman tayo sa Bahay?"
"Oo nga, pero hindi ka ba nahihiya?, Naiilang si Kreighton." Anya pa nito kaya napatingin ako kay Avani.
Naningkit naman ang Mata ni Amari ng magawi ang tingin ko sa kanya saka patuloy na kumain.
"Bakit naman ako Mahihiya eh nasa loob tayo ng Unit natin, Saka Ano bang Pake nyo sa u***g ko, Di naman ito ang kakainin nyo pero big deal sa inyo, Bakat na u***g palang nagkakaganyan kana." Pahabol pa nito ngunit mahina lamang, sapat na na marinig ko, kaya napabuga ako sa tubig na iniinom ko.
"Ano Avani Magpapalit or Magbubunganga?
"Oo na magpapalit na." Pa snob na wika nito sa kakambal.
Halos pag pawisan naman ako, Sa Wakas ay nagpalit na rin ito. Ayaw ko man titigan pero Tila Magnet kasi na napapatingin ang Mata ko sa Bakat na n****e ni Amari, Ayoko naman malaglag sa pagkakasala kaya buti na lamang at nagpalit na sya.
Pagkatapos ko Kumain ay hindi na rin ako nagtagal dahil kailangan ko pa mag Review para bukas. Alam na Back to School na naman at napakarami pang dapat gawin. Nagpasalamat naman ako sa Kanila at ganon din sila para sa mga Pasalubong na bigay ko.
Bago Ko lumabas ay napatingin pa ako sa kanila, Nakatalikod na si Avani ngunit si Amari ay Nakatingin sa akin. Kinagat ang ibabang labi saka Ako inirapan.
Hahay, Maldita talaga ang isang ito.
"Tingnan natin kung hangang saan makakarating yang pagmamaldita mo sa akin Amari." Tanong ko na lamang sa aking isip.