CHAPTER 4 " NO PLACE LIKE HOME"

2275 Words
MIDNIGHT KREIGHTON Kinabukasan ay maaga akong nagising, Alas Tres Y Media pa lamang pala ng madaling araw. binuksan ko ang bintana para pumasok ang sariwang hangin. Pagbukas ko ay Di Sinasadyang mapatingin ako sa bintana nila Amari at Nasulyapan ko sya doon na naka croptop habang naka Boyleg lang, agad ko naman iniiwas ang aking tingin, Kita kong nagtungo sya may ref nila at uminom ng Tubig. Wala talagang kaingat ingat tong si Amari, Kung anong hahaba ang suotin ni Avani at syang kabaligtaran naman nito. Kagabi ay pansin ko ang malalagkit na tingin sa kanya ng mga Kasamahan nyang lalaki kagabi, ang masama doon di naman pala nila kilala, Paano na lamang kung pagtangkaan sya? Ay naku napaka pasaway din kasi ni Amari." Wika ko sa aking isip. Nag almusal lamang ako at naligo na rin, Uuwi kasi ako sa amin sa Cavite. Ilang linggo din kasi akong di nakauwi dahil sobrang busy sa school. Mabilis akong kumilos at bago mag Alas Kwatro ay nakalabas na ako ng aking condo. Tinungo ko ang Parking kung saan naroroon ang aking sasakyan. Dala ko rin ang pasalubong para kay Mama at Papa at pati narin ang sa aking mga Kapatid. Dahil wala namang Traffic ay maayos kong Binaybay ang Daan patungo sa amin sa Cavite, Dahil expressway naman ang dinaanan ay Mabilis akong nakarating, medyo ang malayo na lamang ay ang mismong papunta sa aming bayan. Halos isang Oras At dalawampung Minuto ang byahe ko bago makarating sa amin. Pag dating ko ay Sinalubong ako ngmagandang Umaga at ang papasikat na Araw. Araw Araw ay Walang hindi ako pinagpapasalamat sa Dyos. Ang kada umaga na Ligtas At Walang sakit ang Pamilya ko ay isa sa syang nagpapasaya sa akin. Kinuha ko ang Pandilig ng halaman saka iyon nilagyan ng tubig. Saka ko diniligan ang taniman ni Papa ng mga Talong, Kamatis, Sitaw at iba pa. Kapag naririto ako Sa bahay namin ay gusto ko parin gumising ng maaga at damhin ang sariwang hangin. Eto nalang ata ang meron dito na hindi ko ma feel sa Manila kung Saan ako nag aaral. Kada Friday ng gabi ay mas minabuti ko nang umuwi dito sa Cavite. Pinagpaliban ko nga lamang nitong nakaraan dahil nga nag gig kami ni Kairav. Kada uwi ko ay Palagi akong May pasalubong Kay Mama, Papa At Sa kambal kong kapatid na Si Keenan at Kathrice. Dahil tulog pa sila ay di alam ng kambal na narito na ako, dahil hindi pa ako pumapasok ng Bahay, iniwan ko na lamang sa may Terrace namin ang aking mga dala, Saka ako nagtungo sa Taniman ng gulay ni Papa. Habang nagdidilig ako ay Nagulat pa ako ng dumating si Papa. "Anak, Ang aga mo naman, dapat ay nagpapahinga ka pa, pero naririto kana pala agad sa taniman, Di ka man pang pumasok muna sa kwarto mo at kag pahinga, Kung di ko pa nakita ang mga gamit mo sa terrace ay di ko malalaman na narito kana pala." Anya ni Papa saka inabot sa akin ang Isang baso na may lamang kape. "Good morning Pa,Hehe, Alam ko pong nagpapahinga pa kayo, Kaya dito na muna ako duniretso sa ating taniman, isa pa mas gusto ko po lumanghap ng sariwang hangin Papa, Eto yung na mi miss ko na wala na sa Maynila, kaya dito na po muna ako dumiretso Papa para pag gising nyo rin e tapos ko na diligan yung iba." Dagdag ko pa. "Hmm..Hehe Salamat Anak, dahil kahit nag aaral ka na eh nagagawa mo parin akong tulungan dito sa taniman natin kada uuwi ka." "Opo naman Pa, masaya ako na natutulungan ko pa kayo dito sa Farm, kahit sa gantong paraan lang." "Salamat Anak, Napaka swerte talaga ng magiging asawa mo balang araw anak hehe." Anya ni Papa kaya natawa ako. "Hehe, asawa agad Pa? Di ba pwedeng crush lang muna" "Haha, yayayay..baka maunahan kapa ni Keenan nyan anak, napaka pihikan mo." Saad pa ni Papa. Nasa ganong eksena kami ng dumating Si Mama. "Goodmorning Anak narito ka na pala, Kaya dali dali akong sumunod dito dahil nakita ko na ang mga gamit mo pero wala ka sa kwarto mo, kaya dali dali ako sumunod dito hehe, Kumusta ka naman anak ha? Na miss ka ni Mama" wika ni Mama Saka ako niyakap at hinalikan sa pisngi. "Ayos lang po Mama, Sa wakas natapos po ang exam at nasagot ko naman po ng Maayos." "Mabuti naman anak, at least makakapag bakasyon ka rito ng walang masyadong iniisip, "Teka mabalik tayo sa pinag uusapan nyo, Ano yung topic nyong mag ama at ke aga aga eh naririnig ko ang ngis ngisan nyo hehe?" Tanong ni Mama Sheng. Si Papa naman ang sumagot "Ay naku Mommy, Yang binata natin, sabi ko dapat nagpapahinga muna sya, pero ayaw gusto nya daw tumulong dito, Napaka swerte naman kako ng magiging asawa nya balang araw." "Hehe, Ganon ba, Kaya lang anak wala ka pang pinakikilala sa amin ano." "Hehe, wala pa naman po Ma, saka kung meron man po e ipakikilala ko sa inyo. "Hehe, Oo anak, pero wala ka pa bang napupusuan? Nga pala kinukumusta ka ni Ate Yohanna mo, madalang na raw kayo magkita dalawin mo daw sya sa bahay kung may time ka malaki na rin ang anak nya at napaka bibo." Anya pa ni Mama. "Ganon po ba? Ok na po ba si Sir Ae? "Ang alam ko anak patuloy na nagpapagaling, Grabe rin yung pinagdaanan nilang dalawa ano, hinarap pala ni Ae ang cancer ng mag isa, hindi nya pinaalam kay Yohanna na malala pala ang karamdaman nya, buong akala ng lahat ay talagang iniwanan lamang ni Ae si Yohanna pero hindi pala, dumating pala ito sa napakabigat na pagsubok mabuti na lamang at okay na ngayon, Tangap na rin siguro ni Major Yohan ang relasyon ng Dalawa." Dagdag pa ni Mama. "Oo nga Ma, Ang mahalaga naman ay Pananagutan ni Ae si Yohanna, saka lumalaki na rin ang anak nila at hinahanap rin ang Daddy nya kaya sana ay magkaayos na sila, Itong Si Major Escobar lang kasi ang talagang napaka Stricto, Hahaha..Akala mo naman Hindi tinikman si Evren noong araw eh mas bata nga si Evren ng Makuha nya, Kukonyatan ko yan si Major pagnakita ko hehe." "Hoy Papa, Napaka Marites mo talaga, Tama na nga, basta mahalaga masaya tayo para sa Pamilya nila. "Oo nga pala anak, ano palang gusto mong ulam?" Tanong ni Mama sa akin. "Gusto ko po sana yung Nilagang Baka Mama" sagot ko dito. "Sige anak, dahil paborito iyon ng Gwapo kong panganay sige magluluto si Mama" Masayang wika ni Mama. Napangiti naman aki at Niyakap muli si Mama, Sila ang reason kung Bakit excited akong umuwi, walang iba kundi ang aking Pamilya. Masaya kaming nakatira sa aming Tahanan malapit sa Farm, Huminto na din si Papa sa Pagpupulis at nagpatuloy naman ito sa pag ma manage ng aming family business. Si Mama naman ay Katuwang ni Papa sa lahat ng bagay. Hanga ako sa pagmamahal ni Mama Kay Papa, Nagawa nyang talikuran ang maganda nyang Buhay makasama lang si Papa. Saksi ako kung paano Hinarap ni Mama ang Hirap ng buhay. Bata pa lamang ako ngunit kita ko na ang gabi gabing pagluha ni Mama noong nasa Australia pa kami, Palagi nyang sinisisi ang sarili nya sa pagkawala ng Kakambal ko, Nasasaktan ako kapag nakikita syang umiiyak, ilang beses kaming nagtangka na umuwi noon ng pilipinas pero di natutuloy dahil di pa kaya ni Mama. Until one day mag decide sya na harapin ang nakaraan pati na si Papa. Nasaksihan ko ang muli nilang pagkikita. Ipinagpapasalamat ko na nagkapatawaran sila, Na muli nilang binuksan ang puso ng bawat isa, binaba nila ang pareho nilang pride. At doon ay nagsimula sila sa Umpisa, Hangang sa magkaron pa ako mg bagong mga kapatid Kaya napakasaya namin. Si Papa naman ay maagang nag retiro at nag focus na lamang sa Business nya, napakagaling din Ni Papa dahil talagang napakahusay nya. Nagtungo na kami sa Loob ng Bahay at Naabutan ko ang akong mga kapatid na gising na, Nag hahanda na sila ng almusal. Nakakatuwa sila dahil talagang lumaki sila na alam ang kanilang responsibilidad, tulad ko ay pinalaki rin sila ni Mama at Papa na Disiplinado, kaya mahal na mahal ko ang mga kapatid ko, kahit na merong silang mga Hiling ay pinagbibigyan ko, pinaka reward na rin sa kanila sa pag tulong nila dito sa loob ng bahay. "Hi, Kuya naming Pogi, andyan kana pala." "Oo Kathrice, kanina lang ako dumating, dumiretso lang ako sa farm at mag dilig." Sagot ko rito. Maya maya ay lumabas naman si Keenan na may dalang Kaldero. "Wow..Kuya ang aga mo po, Akala namin mamaya kapa, Kumusta kuya?" Sunod sunod na tanong ni Keenan. "Ayos lamang ako mga Kapatid, kayo kumusta? Hindi nyo ba pinababayaan ang mga Pag aaral nyo?" Tanong ko sa mga ito. "Aba, hindi po Kuya, sa katunayan ay Palagi kaming Highest ni Kathrice." Bida pa ni Keenan. "Oo Anak, matatalino rin ang mga kapatid mo, Syempre mana sa Papa" Sagot ni Papa kaya nagtawanan kami. "Haha Ano daw Mr.Ramirez, Pakiulit nga sayo talaga nagmana?" Tanong ni Mama. "Joke lang, Sa Ating Dalawa syempre, Tayo ang Gumawa sa kanila diba, pero naniniwala ako Mrs Ramirez na ang Toyo ng mga Anak ay nakuha nila sa Kanilang mga Ina, Hahaa." Biro ni Papa kay Mama kaya nagtawanan kami. Eto ang na mi miss ko kapag nasa Manila ako, Ang Ngisngis ni Papa, Ang Masayang tawa ni Mama at Ang Hagikhik ng aking mga Kapatid. Napatingin naman ako sa larawan ni Lola, wala kasi ito nagbakasyon daw sa Probinsya sabi ni Papa. Sayang at di ko sya makikita, Sa susunod na uwi ko na lamang. Masaya naming Pinagsaluhan ang almusal nakatapos kami sa pagkain ng tawa ng tawa dahil sa mga kwento ni Papa. Kaya siguro hindi tumatanda ang Itsura ni Mama dahil palagi syang pinapasaya ni Papa. Para kasi kay Papa Laughter is the best medicine kaya siguro gamit na gamit nya, at natutuwa naman ako at mukang effective kay Papa dahil kahit umeedad na sya ay maganda parin ang kanyang pangangatawan at di nakikitaan ng ano mang karamdaman, maging si Mama ay ganon din, Kaya sobrang saya ko na palagi silang malusog at walang ano mang sakit. Sinulit ko ang pag stay ko sa bahay namin sa Cavite, Dinalaw ko din si Ate Yohanna sa Bahay nila Tito Yohan. Malaki na nga ang anak nyang Si Alab. Nagdala din ako ng mga Sariwang gulay na bagong Pitas ni Mama sa Farm namin kaya tuwang tuwa si Tita Evren. "Kumusta ka na Midnight, Advance Congrats ah, Malapit ka nang maging isang ganap na Doctor hehe" wika ni Ate Yohanna. "Salamat Ate Yohanna, Ilang taon pa, Ikaw din naman, Graduate ka na this year sa pag na nurse mo, Kumusta pala si Sir Ae? Okay na ba sya?" Tanong ko rito. Natahimik sya sandali, huminga ng malalim saka bahagyang ngumiti. "Ayon, awa ng Dyos Midnight, magaling na, Dalangin ko na sana ay magtuloy tuloy na at wag na bumalik pa." "Mabuti naman kung ganon ate, Magtiwala lang tayo sa maykapal at Magiging maayos si Sir Ae." "Hehe, Salamat Midnight, Saka hwag mo na tawaging Sir Ae yon, Ate nga tawag mo sakin, e di Kuya nalang ang itawag mo sa kanya hehe." "Hmm..hehe sa bagay, Paano ate, Mauuna na ako, Binisita ko lang talaga kayo at Dinala ang pinadalang mga Gulay Ni Mama. Tutulungan ko pa si Papa Mag painom mg mga Baka at Kabayo Mamaya." "Sige Midnight, Salamat sa Pagbisita ah, Pati narin sa pasalubong mo kay Alab." "Welcome Ate, Mauuna na ako." Paalam ko dito. Umalis na ako sakay ng aking Motor pabalik sa aming bahay. Habang pauwi ay nakasalubong ko pa si Tito Yohan. "Eyyy.. Midnight, nariyan ka pala." "Magandang Tanghali po Tito, Dinala ko po ang mga gulay na pinadala ni Mama kay Tita Evren, binisita ko nadin po si Ate Yohanna at Alab,." "Ah, Ganon ba, Salamat Ah, At Congrats, Akalain mo nga naman malapit ka na maging Doctor, Ang sira ulong si Ramirez ay meron ng Anak na Na Napakahusay hehe." "Hehee, Salamat po Tito, Opo ilang taon nalang." "Hehe, masaya ako para sayo, At Lalo na para sa Papa mo, Alam ko kung gaano sya naging ma diskarte sa buhay para sa inyong family nya, although alam naman natin na mapera at mayaman ang mama mo, pero kilala mo ang Papa mo, hehe Dinaig pa ang Sabong PRIDE. haha kaya kahit capable ka pag aralin sa mamahaling eskewelahan ni Sheng at ng Mga Lola mo ay sadyang sya parin ang nag pro provide bilang Papa mo." "Hehe, Opo nga Tito, Yun nga po ang Motto ni Papa, Karapatan nyang Pag Aralin kami galing sa Pagtatrabaho nya, Na sya ang ama namin kaya responsibilidad nya na sya ang mag paaral sa amin." "Oo Midnight, sa tagal na magkasama kami ng Papa mo, alam ko na kung gaano kalakas ang Prinsipyo nyan., So paano Mag iingat ka Midnight, Dito na ako at hinihintay narin ako ng Tita Evren mo." "Sige po Tito Yohan, Mag ingat din po kayo." Tinahak ko muli ang daan pabalik sa amin, Napakaganda talaga pag masdan dito sa loob ng Farm, Mabuti na lamang at Mabait si Tito Yohan, Binenta nya sa amin ang Ibang parte ng Farm, at ang iba naman ay bigay nya na, kaya mapayapa kaming naninirahan dito sa tabi ng kanyang lupain, Sobrang Close kasi sila ni Papa lalo na ng nasa Serbisyo pa si Papa. Pero maaga nga umalis si Papa sa Serbisyo ngunit si Tito Yohan ay patuloy parin sa Paglilingkod bilang Alagad ng Batas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD