“ANO PO ANG nangyari?” tanong ko kina lolo nang makabalik na ako ng mansiyon at makabalik sa aking katawan. Nasa dining area kami at pinag-uusapan ang mga nangyari. Kami nina lolo, Dave, Mang Bhoy at Aling Maring. Tatlong beses kong inulit ikutin ang bahay ni Elena. Naghintay pa ako ng halos dalawang oras sa bahay, pero wala na talaga si Lukas. Wala akong idea kung nasaan siya. Kung saan siya dinala. Hindi mawala ang aking takot. Nag-ikot na rin ako sa paligid ng lugar at pinasok ang ibang bahay. Pati ang mga kalsada at ginalugad ko. Ngunit kailangan kong bumalik para sa katawan ko kahit pa hindi ko siya nahanap, dahil sa baby namin na nasa sinapupunan ko. Hindi ko maaring abusuhin ang sarili ko. Pagdaloy na lamang ng mga luha ko ang nagagawa ko. “Lo? Hindi ninyo po ba nakita kung ano an

