“ANO ANG NANGYARI, apo?” may pag-aalalang tanong sa akin ni Lolo Jose. “Nakuha mo ba ang mga nais mong malaman?” Umiling ako. Nahagip ng mga mata ko sina Mang Bhoy at Aling Maring, mahimbing ang kanilang tulog. “Ano ang nangyari?” tanong muli ni lolo. “Nakita niya ako,” sambit ko. “Si Emelia, nakita niya ako.” “Kung ganoon ay nalalaman niya sa ngayon na binabalikan mo ang alaala ni Emily.” “Tiyak pong gano’n na nga ‘yon. Pero ‘lo, kailangan ko pa rin bumalik do’n.” “Ngunit mapanganib, iha. Maaring may gawin siyang masama sa ‘yo at hindi ka na makabalik.” Bakas sa mukha ni Lolo Jose ang pangamba na kahit ako ay nararamdaman din iyon. “Ngunit kailangan ‘lo. May hawak si Emily na maaring kahinaan ni Emelia. Bagay na makakatalo sa kanya,” paliwanag ko. Napayuko na lang si Lolo Jose. “B
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


