NAGHAHABI AKO MULI sa isip ko ng mga haka-haka o teyorya tungkol kay Migs habang nakatingin ako sa kanya. Wala pa akong sinasagot sa tanong niya. Hinahabi ko rin sa aking isipan ang mga bagay na nais kong itanong sa kanya. Mga bagay na nais kong malaman at malinawan. Ngunit paano ko nga ba sisimulan ang pagtatanong ko sa kanya? Humakbang si Migs. Diretso pa rin siyang nakatingin sa akin. “Ano ang nais mong malaman, Sunshine?” tanong niyang muli sa akin. Sa ikalawang pagkakataon, tinawag niya ako sa pangalang Sunshine. “Bakit mo ako tinatawag sa pangalang ‘yan? Hindi ko maalalang binanggit ko sa ‘yo ang pangalang gamit ko ngayon. Kahit noong natagpuan mo ako sa bahay ng mga Sinag ay iyon lumabas sa aking bibig.” “Narinig kong tinawag kang Sunshine ng aling kasama mo kanina,” nakangiting

