HABANG NAGLILIGPIT KAMI ng mesa pagkatapos naming mag-almusal, may narinig kaming nag-doorbell sa labas. Nasa kusina kami ni Aling Maring at agad naming pinuntahan sina Lolo Jose at Mang Bhoy na nasa sala. Naghahanap si lolo ng mga dasal o ritwal na maari naming magamit kapag pupuntahan na namin si Lukas. At tumutulong sa kanya si Mang Bhoy na kinakabisado naman ang mga gamit na maaring magamit namin sa paghahanap at sa labanan. Napag-usapan namin at napagpasyahan na muling maglakbay upang hanapin si Lukas habang hinihintay ang update sa imbistigador. Nagkatinginan kaming apat, dahil wala kaming inaasahang darating. Sina Mang Bhoy at Aling Maring ang pumunta sa gate upang alamin kung sino ang nag-doorbell. Pagbalik nina Mang Bhoy at Aling Maring sa loob ng bahay ay may dala na silang b

