NILINGON KO ANG lalaking nagsalita na puno nang pagtataka. Dahil wait naman, multo kaya ako ngayon? Ako ba ang sinasabihan niya? Naririnig niya ako? At nakikita niya rin kaya? Katulad din kaya siya namin na may third eye at kakaibang kakayahan? O isa rin multo gaya ko ngayon? Hindi siya multo. Napaatras ako at natigilan sa lalaking tumambad sa akin. Pinagmasdan ko siya nang maigi at hindi ako makapaniwala. Hindi man ganoon kaliwanag sa kinatatayuan namin ngunit malinaw namang nakikita ko ang mukha niya na ilang taong kung hindi na nakita. At hindi ko na inaasahan na muli ko pang makikita pa sa buhay ko. Lalaking parte ng aking nakaraan. “Hello, Marinelle?” matamis na nakangiting bati niya sa akin. Totoo ba ‘to? Nakikita niya talaga ako? At siya ba talaga ‘yan? Nakakaloka naman. Randomly

