MAKALIPAS ANG ILANG minuto, narating ko ang halos dulo na ng subdivision. Hindi. Talagang dulo na nga ito. Talahiban na at malayo na sa mga kabahayan. Last kung nakitang number ng bahay ay 884. Sinundan ko lang ang daan. May poste pa ngunit wala akong makitang bahay. “885?” basa ko sa number na nakasulat gate ng abandunadong bahay na katapat ng huling poste sa lugar na ito. Pumapasok na sa utak ko kung pipiliin ba ni Emelia tumira sa ganitong lugar? Mukhang wala nang naninirahan dito? At same ang vibes sa dating Hangganan na dulo ng baryo Madulom kung saan naroon ang bahay ng mga Sinag na kasalukuyang tahanan namin ni Lukas bago kami nalagay sa ganitong sitwasyon. May mga nararamdaman ako sa paligid, na hindi ko matukoy kung banta ba sa kaligtasan ko o nagpapatalo na naman ako sa mga haka

