TATAGOS NA SANA kami sa pinto, ngunit bigla itong nagbukas. At tumambad sa amin si Elena. Nakangiti siya. At nakaayos siya nang napakaganda. “Come in,” nakangiting sabi niya. Naglakad siya at sinundan namin siya. Napansin ko ang ayos ng bahay, napakalinis at mukhang hindi ito ang bahay na may party nang una ko itong mapasok. Sa dining area siya pumunta, na may eight setters na table. At sa mesa ay napakaraming handang pagkain. Naupo siya sa sentrong upuan. At nagkatinginan na lamang kaming tatlo nina Sunshine at Dave. “Maupo kayo,” nakangiting sabi niya sa amin. “Huwag kayong mahiya. Bisita ko kayo, tayo lang ang nandito. Please, set down. Feel at home, guys.” Napakasaya niya the way siya magsalita. Nakatingin lamang kami sa kanya at hindi kami kumilos na tatlo. “O my God, my bad. Gh

