“HINDI MAGAGAWA NINA Bhoy at Maring iyon, iha,” komento ni Lolo Jose matapos kong sabihin sa kanya ang tungkol sa hinala ko kina Mang Bhoy at Aling Maring dahil sa nabasa kong maikling kuwento ni Migs. “Maging ako man ‘lo, hindi ko naiisip na magagawa nila ‘yon. Ngunit kinukutuban talaga ako ‘lo na may kakaiba. Hindi mawala sa isip ko ‘yong kuwento. Na ‘yong driver at ale ay magdadala sa ‘yo sa katapusan mo. Na ‘wag basta magtiwala dahil maraming mapanlinlang,” sambit ko. “Hindi talaga nila magagawa iyon, iha,” iling ni lolo. “Sa nangyayari kasi ngayon, ‘lo, ang hirap na magtiwala kahit kanino. At pakiramdam ko may gustong sabihin si Migs sa kuwento niyang ‘yon. At baka kinokontrol ni Emelia sina Mang Bhoy at Aling Maring?” “Iha, magtiwala ka sa akin. Matagal ko nang kilala sina Bhoy a

